IV
Chapter 4
#WWSwp
Agad akong lumingon sa pinakalikod ng van kung asaan si Holy at Jayden dahil hindi na bumalik sa akin ang pringles na kinakain ko.
"Kakapal niyo! Amin na!" Dumukot pa ng marami si Jayden bago niya ibinalik sa akin ang lalagyan. Iniisahan ako ng mga 'to kaya pala bigla akong napaisip na may kinakain ako kanina tapos ngayon wala na.
Isabay mo pa na dinadaldal kami ni Rylie tungkol sa mga tsismis sa mga ka-batch namin no'ng high school.
Kung sino ang mga kasal na at buntis na. Kung nasaan na 'yung mga umaaway sa amin before, kung kinarma na ba o mabait na ba ngayon.
Noong high school kasi hindi naman maiiwasan ang mga ka-immature-an ang mahalaga kung ano ka na ngayon. Ang tao naman kasi hindi mo pwedeng forever ikulong sa past mistakes nila na dala ng immaturity e.
I mean lahat naman tayo dumaan sa ganoon ang mahalaga is paano tayo nagbabago habang patanda tayo. Kasi 'yung iba ika nga nila tumatandang paurong and it's up to you kung ganoon ka.
So anong pinaglalaban ko?
"Kev! 'Di ba chinat ka ni Pamela?" tawang-tawa si Rylie habang inaasar si Kevin sa harap. Si Pamela kasi 'yung crush ni Kevin dati kaya lang ni-reject siya kahit hindi pa man siya umaamin. Ang lala talaga no'n.
Ang dami talagang epic fail no'ng high school. I can say nag-enjoy pa rin ako sa pagpasok noon. I mean habang nasa school kasi ako mas nakakahinga ako, mas nakakaakto ako kung sino ako, sa bahay kasi tahimik lang talaga ako noon.
Kailan lang naman ako natuto ilabas ang opinyon ko kay Mama. Dati kung wala si Kuya, doon lang ako sa kwarto hanggang tawagin na ako kumain. Wala rin naman kasi madalas si Papa kasi may trabaho tsaka tiklop 'yon kay Mama madalas no'ng hindi pa sila hiwalay.
Nagkuwentuhan lang kami sa kahabaan ng byahe, 'yon naman talaga ang masaya gawin kapag matagal mo nang hindi nakakasama ang mga kaibigan mo. Ang dami mong kwento na naipon na para sa kanila, iyong mga kwento na sa kanila mo lang gusto sabihin kasi sila lang ang makakagets.
Si Jayden tsaka si Holy sa CDSG nag-aaral tapos si Rylie sa RVU tapos ako sa SHU bago si Kevin sa college of aeronautics Nakalimutan ko na kung saan e basta hindi malapit sa West Ave kaya bihira talagang magkita-kita kami kasi pati naman sa weekend hindi guarantee na free day na agad.
Sa college buong linggo kang busy, wala ng weekend weekend, minsan weekday free ka, minsan weekend ang dami mo pa rin ginagawa. May ilang estudyante din ang may pasok ng hanggang Sabado tapos halos kapipikit mo lang ng Linggo, mag Lu-Lunes na ulit.
Wala na kami sa Maynila base sa mga nakikita ko sa labas nang mag-stop over muna kami para kumain tsaka mamili na rin ng mga konting mga pagkain at alak na dadalhin namin doon.
Bago kami bumaba nag-text ako kay Papa na nag-stop over kami. Nagdalawang isip ako kung isesend ko rin ba kay Mama ang text at sa huli ay sinend ko na lang din sa kaniya.
Alam ko naman na sinabi sa kaniya ni Papa na pinayagan niya ako sa trip na 'to. Hindi ko alam kung galit pa rin siya sa akin pero siguro naman naiisip niya pa rin kung asaan na ako.
Nag-aalala pa rin naman siguro siya kaya mas okay na rin na i-update ko siya kung asaan na ako kahit in the first place hindi niya ako pinayagan. Hindi ko alam kung mag-re-reply si Mama pero ang mahalaga nag-text ako.
Naiimagine ko na ang singhal sa mukha ni Mama kapag nabasa niya ang text ko, baka isipin din niya inaasar ko siya. Deep inside naman siguro okay rin sa kaniya na nag-u-update ako sa kaniya.
Sa totoo lang hindi ko gaano makuha si Mama. Parang minsan feeling ko gets na gets ko na siya, kapag magagalit na siya o ano pero minsan hindi ko rin talaga ma-feel kung ano bang nararamdaman niya o anong nasa isip niya.
Dala na rin siguro ng malabo naming relasyon kaya naging gano'n.
Hindi niya nga rin ako makuha e.
Sarado kasi tainga no'n most of the time, kung ano lang gusto niya ayun na 'yon. Kaya kapag umaalma kami ni Kuya nabubwisit siya at hindi niya kami pinapakinggan lalo.
Kaya rin siguro naghiwalay sila ni Papa. Hindi ko naman sa sinisisi si Mama, baka lang hindi sila fit kasi nga ganoon si Mama at kabaligtaran si Papa kaya nag-ca-clash sila.
"Qin, tara na." Hindi ko na inantay ang reply ng mga magulang ko at bumaba na ako. Nag-cling lang si Rylie sa mga braso ko kagaya ng nakasanayan.
Ganitong ganito kami no'ng highschool kaya kami napapagalitan kapag nakikita kami ng mga teachers namin. Kasi ang rule nga is keep right palagi and since lagi kaming magkadikit ni Rylie kapag naglalakad, na-bo-block namin ang hadgan kapag may bababa o aakyat na iba. Pinapaglitan kami kapag teachers 'yung nakakasalubong namin.
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko. Ang alam ko lang kasi talaga Puerto Galera, 1 week, sa bahay nila Holy.
Hindi naman sila nagbigay ng itinerary, pero parang okay rin naman na walang itinerary at saka na kami magplano kung saan kami magkasundo.
"Pahinga lang, tapos mamayang gabi sa beach, inom gano'n," simpleng sagot ni Jayden.
Grabe unang gabi, inom agad.
Na-i-imagine ko pa lang 'yung tunog ng alon habang may malamig na red horse sa tabi, na-e-excite na ako. Simple lang kung tutuusin pero sobrang nakakarelax no'n habang sobrang liwanag ng mga stars plus 'yung moon.
Minsan talaga iba rin ang impact ng mga simpleng bagay.
Dumating si Kevin na dala-dala ang mga order namin. Sa Mcdo lang kami kumain dahil ayaw na rin namin na msyado pang gumastos dahil for sure puro kain din ang gagawin namin pagdating doon.
Buti talaga binigyan pa ako ni Papa ng pera, akala ko kasi 'yung pera ko lang din talaga ang gagamitin ko sa trip na 'to since ginusto ko naman 'to.
'Yung mga dati ko ring gala na si Papa lang ang nakakaalam, hindi naman niya ako in-offer-an ng pera. First time talaga 'to or baka kasi puro day trip lang naman 'yung iba tapos nagpapaalam ako sa kaniya kapag paalis na kami.
Mabilis lang kami kumain tapos ay pumunta kami sa convenience store. Bumili kami ng panglaba, panglinis tsaka iba pang mga essential para sa bahay since hindi naman kami naka-hotel o resort.
Bumili rin kami ng mga basic na kailangan na pangluto, in case na matripan namin magluto kaysa sa kumain sa labas. Lalo na breakfast, baka sa bahay lang kami kumain.
Pagbalik namin sa sasakyan ay nag-text ulit ako kay Papa at kay Mama. May reply si Papa sa text ko kanina, simpleng 'ok' lang naman ang sinend niya samantalang si Mama walang imik.
Gets ko naman pero i-te-text ko pa rin siya. Sinabi ko lang na nasa byahe na ulit kami. Katulad sa unang text si Papa lang din ang agad na nag-reply at ingat daw kami.
Dala na rin siguro ng kabusugan, tulog kami sa kalahati ng byahe namin papunta sa Batangas Pier kaya parang naging mas mabilis ang byahe since paggising namin malapit na kami.
Pagdating namin sa pier medyo natagalan kami sa proseso, wala mamang naging problema, gano'n lang yata talaga dito e. Pero hindi naman kami nainip kasi puro picture lang ang inatupag namin, tsaka nag-search na rin kami ng mga pwedeng naming puntahan sa mga susunod na araw.
Pagsakay namin sa ferry, no'ng una puro selfie pa kami. Tapos nag-eenjoy sa tunog ng tubig. Nag-ku-kwentuhan lang kami ni Kevin nang biglang sumandal si Rylie sa akin. "Teh, nahihilo na ako." Hindi naman gaano maalon pero may mga pagkakataon talaga na ang galaw ng ferry kaya hindi ko rin siya masisi if nahihilo na siya.
Kumuha na lang ako ng tubig at ipinainom sa kaniya habang hinahanap ko ang medicine pouch na hinanda ni Tita Mira para sa akin. Mayroon ako doong mga oil na pampawala ng hilo tsaka bonamine.
Nang mahanap ko na ay binigay ko na sa kaniya. Siguro dumadagdag din ang init tapos 'yung galaw ng alon kaya talagang nakakahilo, mahiluhin kasi 'tong si Rylie. Kaya naalala ko no'ng nag-aya mag-EK na siyempre hindi ako nakasama kasi noong SHS pa 'yon, hindi siya sumama kasi sabi niya hindi rin siya mag-e-enjoy. Kaya tumambay lang siya sa bahay namin at kami na lang ang nag-bonding.
Nakapikit lang si Rylie at nakasandal sa balikat ko buong byahe habang nagdaldalan lang kami ni Kevin. Hindi tuloy ako makatawa nang malala kasi maiistorbo si Rylie sa tabi. Si Jayden at Holy naman tahimik lang na nakatingin sa labas.
No'ng high school mas marami kaming magkakaibigan kaya lang siyempre kapag patagal nang patagal hindi naman lahat ay kine-keep. No'ng high school kasi hindi pa gaano malinaw kung ano ba talaga ang true essence ng friendship na kahit ang toxic toxic hinahayaan lang kasi akala ganoon naman talaga ang friendship but as time goes by, ma-re-realize mo na lang kung sino talaga 'yung genuine na andiyan para sa 'yo. 'Yung masaya kapag may achievement ka, 'yung walang hilahan pababa.
Masaya ako sa apat na solid tropa ko na mula high school pa plus my college bestie na si Zoe na lagi kong kadamayan pagdating sa exams at grades to think na volleyball player siya ng SHU never ko naramdaman na ang layo layo niya sa akin.
Pagdating namin doon parang nawala lahat ng pagod ko from byahe. Mukhang bumalik na rin ang energy ni Rylie kahit amoy tita na siya ngayon dahil sa essential oil na pinahid niya sa sentido niya.
May nilakaran kami na eskinita hindi naman gaano kalayo bago kami sumakay ng tricycle para makapunta sa bahay nila Holy dito.
Caretaker lang raw ang nandoon at every weekend lang din daw pumupunta kaya solong-solo talaga namin ang bahay nila.
Nang makarating kami, simpleng two storey house iyon na may balcony. Hindi kalakihan pero sakto lang sa aming lima. Pagpasok ay malinis tsaka maayos lahat, halatang naaalagaan pa rin kahit na minsan lang may gumamit.
Sala agad ang bubungad tapos lakad lang kaunti ay 'yung dining na tapos may parang arc lang sa right side papasok sa kitchen. Pag-akyat may tatlong pintuan. Isa para sa master's na pinakamalaki tapos isang parang guest room then 'yung isa is CR.
Kaming tatlong babae ang gagamit ng master's at 'yung dalawa sa mas maliit na room since dalawa lang naman sila at mas kaunti ang dala nilang gamit.
Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit sa may cabinet ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakatambay sa kama at inaantay na matapos sila na mag-ayos ng gamit nila.
Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Holy dahil aalis daw kami. Pupunta kami sa beach front para lang tumambay at mag-merienda.
Nagpalit lang ako ng mas kumportable na damit tapos bumaba na rin ako para makaalis na kami.
Nagtricycle ulit kami papunta sa may beachfront na talagang nililiguan ng mga tourista tsaka 'yung maraming mga maliliit na kainan. Si Holy ang namili kung saan kami kakain dahil siyempre siya naman ang nakakaalam dito kaya hindi kami nagrereklamo dahil may tiwala kami sa kaniya na madalas dito.
Technically, tapos na ang summer pero ang dami pa rin ng tao na nagbabakasyon dito. Siguro kasi halos lahat din naman ng university nag-adjust ng calendar so kahit tirik na tirik ang araw no'ng April e nasa school kami. Imbis na nag-s-wimming na kami e nag-s-swimming kami sa gawain.
Kahit naman June ay ang init pa rin, dahil sa climate change. Actually, parang sinusundan ng bagyo 'yung academic calendar e. Kasi napunta na sa August 'yung mga bagyo sa totoo lang. Tapos ngayon June ang init init pa rin.
Nakarating kami sa kainan na open tapos wood 'yung theme niya. May mga fairy lights sa mga walls tapos may ilang halaman din. 'Di ko alam kung fake ba pero ang aesthetic naman ng itsura.
"Mag i-island hopping ba tayo bukas? Baka mamatay 'to?" turo ko kay Rylie. Kapag island hopping pa naman halos buong araw kayong nasa dagat at since hopping nga edi siyempre lipat lipat kayo ng isla via water of course so baka mahilo siya.
"Dala na lang tayo trash bag," suggestion ni Jayden kaya agad siyang hinampas ni Rylie. Pero kinonsider ko iyon buti 'di ko sinabi kasi baka hinampas din ako nitong si Rylie.
"Kaya ko 'yon! Iinom na lang ako gamot in advance." Mas ramdam pa naman ang alon kapag sa bangka, pero mas open so mas may hangin naman. Sa ferry kasi ang daming tao, sari-saring amoy na rin tapos, ang init init pa. Hindi ko rin masisi si Rylie kung nahilo siya doon e.
"Hanggang gabi na ba tayo dito?" tanong ni Kevin. Kami ang tinanong niya since kami raw ang maarte na baka gusto pa magpalit ng damit na pang picture o ano. Pero umoo lang ako, sayang din kasi pamasahe kung pabalik-balik e dito rin naman kami iinom mamayang gabi. Tinatamad na rin ang dalawa na bumalik sa bahay, wala naman daw silang kukunin o gagawin kaya napag-pasiyahan na dito na lang kami hanggang mamayang gabi.
Nang matapos kami kumain nag-usap lang kami about sa mga gagawin namin sa mga susunod na araw, lalo na sa pagkain. Sinong gigising nang maaga para sa breakfast at kung anu-ano pang kailangan gawin.
"Tara lakad tayo," aya ni Rylie. Tamang-tama rin dahil hapon na, hindi na masakit ang araw sa balat tsaka 'di na mainit ang buhangin. "Oo nga nood din tayo sunset," dugtong ni Holy kaya nagsitayo na kami at nagpasiya na maglakad-lakad.
Ang daming mga bata na nasa buhanginan at gumagawa mg mga kung ng mga unidentified shapes, may mga nagpipicture din na mga mag-jo-jowa.
Napadaan rin kami sa mga nag-be-beach volleyball na mga kalalakihan at kung sinu-swerte ka nga namang matatamaan ka sa ulo ng bola na parang may galit 'yung humampas.
Pota ang sakit ah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top