II
Chapter 2
#WWSwp
Sabado ngayon pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Mama. Maaga ako nagising kanina pero hindi agad ako bumaba para kumain dahil alam kong kakaluto pa lang ni Mama at kakain pa lang siya.
Gutom na gutom na tuloy ako ngayon. Ayoko lang kaharapin si Mama, medyo nakonsensiya kasi ako sa mga nasabi ko.
In-expect ko naman na na mag-aaway kami ni Mama kaya lang hindi ko lang masyado na-expect na masasabihan ko rin siya ng masasakit na salita.
Pero gusto ko pa rin marealize ni Mama 'yung ginagawa niya sa akin. Nakakapagod na kasi talaga. 'Yung relasyon naming dalawa, hindi ko na rin maintindihan kung ano ba 'to.
No'ng bata ako lagi akong takot kapag may mali akong nagawa na hindi ko naman sinasadiya. Laging "Hala, lagot ako kay Mama." "'Wag niyong sasabihin kay Mama."
Puro ganoon na lang imbis na dapat na "Kailangan ko sabihin kay Mama, alam niya gagawin."
Habang lumalaki ako na-realize ko na bakit ganoon? Parang hindi ko masandalan ang Mama ko. Para siyang terror prof sa paningin ko. Na natatakot ako sa kaniya, natatakot ako magkamali sa harap niya when in fact parte naman ng buhay lalo na kapag lumalaki ka.
Ngayong matanda na ako parang naiisip ko, ganito ba talaga ang relasyon ng nanay sa anak?
Pagulong-gulong lang ako sa kama ko nang bumukas ang pinto. Sumilip si Mama kaya nagtama ang mga mata namin.
"Gising ka na pala, 'di ka pa bumaba? 'Wag mo paghintayin ang grasiya." Agang-aga napagalitan nanaman ako. E sa ayoko pa kumain e, pati ba 'yon hindi ko desisyon?
Tumayo pa rin ako, at naghilamos at nagmumog bago bumaba na dahil baka tumakbo ang grasiya.
Pagbaba ko andoon pa rin sa hapagkainan si Mama, umiinom ng kape niya at nagbabasa ng kung ano sa tablet niya.
Ang sarap sana sabihin na 'wag siyang gumamit ng tablet sa hapagkainan dahil 'yon ang lagi niyang sinasabi sa amin ni Kuya dati, pero mas okay na 'yang may pinagkakaabalahan siya para 'wag na mapunta sa akin ang atensyon niya.
It's either nag-aaway lang kami o pinapagalitan niya ako. Sa ilang taon na kasama ko si Mama, tatlo lang 'yan e. It's either nag-aaway kami, pinapagalitan niya ako o hindi kami nag-iimikan. Swerte na kung 'yung pangatlo palagi.
"Kumusta grades mo?" bigla niyang tanong. "Hindi ko pa nakita," sagot ko. Binilisan ko ang pag kain ko dahil kagaya ng sabi ko, mas okay na walang imikan. Nararamdaman ko na na mauuwi lang 'to sa pagagalitan niya ako kesyo ganito kesyo ganiyan.
Totoo namang hindi ko pa nakikita ang grades ko. Ang sabi ngayon daw ang labas pero wala akong balak na ipakita kay Mama. Kasi kahit naman gaano kaayos ang grades ko may makikita at makikita pa rin siyang mali at mawawalan lang ako ng gana, at ayokong mawalan ng gana sa pag-aaral.
"Kailan daw makikita?" Secret. Ayan ang gusto ko isagot pero ayoko mabusalan ng mainit na kape sa bibig.
"Hindi ko alam." Ayan lang ang isasagot ko hanggang sa makalimutan na niya. Ang mahalaga Ma, makaabot ako ng 6th year nang hindi umuulit. Hindi naman na niya kailangan makita kung ano mismo ang grades ko.
"Pupunta pala ako kila Papa, nagpaalam na ako sa kaniya pumayag siya tsaka si Tita," pangunguna ko. Nag-chat ako kay Papa kagabi sa sobrang inis ko kay Mama, ang sabi niya doon daw muna ako sa kanila. Gusto rin naman daw ni Tita na andoon ako.
Si Tita Miranda 'yung bagong girlfriend ni Papa, mabait siya tsaka maamo, sobrang hinhin din. Sobrang kabaligtaran ni Mama na laging bumubuga ng apoy.
Naninibago tuloy ako kapag andoon ako sa kanila dati kasi hindi ko alam paano ako kikilos sa harap ni Tita Miranda. Pero dahil nga magkaibang-magkaiba sila ni Mama pinapapunta na ako sa kanila ni Papa tuwing naiinis ako kay Mama, kasi nakakahinga ako kapag andoon ako sa kanila.
Sino pa ba ang pinakanakakagets sa akin? Siyempre kung sino ang pinakasalan noon.
"Ano magsusumbong ka nanaman sa Papa mo?" Inismiran ako ni Mama.
"Oo, bago pa ako mamatay sa sama ng loob." Minsan talaga ang dila ko, hindi napipigilan.
Marami na akong mga salitang pinagsisihan pero inuulit ko naman.
"Ako ang mamamatay sa sama ng loob sa 'yo at sa Kuya mo." Hindi nakatakas sa pandinig ko na parang nag-crack ang boses niya nang sabihin niya iyon. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kaniya, iniwas niya ang tingin niya na parang pinipigilan umiyak.
"No'ng bata ka naman, hindi ka naman ganiyan." Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mapait sa narinig kong iyon.
"Ma, ano ba naman kasing alam mo sa akin no'ng bata ako?" Nakangiti ako at naiiling habang sinasabi iyon sa kaniya.
Ano ba naman kasing alam niya? No'ng bata ako akala ko normal lang na gano'n lang talaga. 'Yung mindset na mahal ka ng mga magulang mo kaya ka laging pinapagalitan o pinapalo.
"No'ng bata ako, wala kang narinig na ganito sa akin kasi takot na takot ako sa 'yo." Napatingin si Mama sa akin na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya sa akin.
"No'ng bata ako, sunod lang ako sa 'yo nang sunod kahit umiiyak ako tuwing gabi kasi hindi ako masaya." Isipin mo bata ka pero ninakawan ka ng childhood. Gano'n na gano'n kasi 'yung nararamdaman ko no'ng tumatanda na ako.
"Alam mo Ma, mahal kaya kita. Kaya nagpapaalam ako ngayon sa 'yo kahit alam ko na mauuwi lang din sa ganito."
Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit asa pa rin ako nang asa na magbabago na si Mama. Na baka isang araw okay na siya, 'yung tipong gagabayan niya lang ako sa mga desisyon ko na whatever that is andiyan lang siya para sa akin. Kahit magkamali ako kahit pagsisishan ko, basta andiyan siya.
Huminga ako nang malalim. "Kila Papa muna ako ngayong bakasyon." Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko.
Mas okay rin siguro na hindi muna ako kay Mama, magkakasakitan lang kami kapag palagi kaming magkasama. Lalo lang malalayo 'yung malayo na namin relationship noon pa.
"Ano G ka pa rin?" tanong ni Rylie over the phone. Chi-nat ko kasi siya na kila Papa ako titira ngayong bakasyon tapos ayon tumawag siya agad.
"Oo, mas lalo actually," biro ko. Isang araw pa lang ako rito pero na-stress agad namin ni Mama ang isa't isa. Nakakaloka.
"Yey! Okay excited na ako!"
"Magsasabi rin ako kay Papa pero payag na 'yon kasi ikaw kasama e." Si Papa 'yung klase ng magulang na okay na basta mabanggit mo 'yung certain friend na pinagkakatiwalaan niya.
Si Mama, lahat ng kaibigan ko bad influence para sa kaniya.
Hindi ko nakita si Mama pagbaba ko sa sala kaya nag-iwan na lang ako ng note na umalis na ako, hindi ko alam kung nasa kwarto siya o umalis din siya para mag-relax dahil binadtrip ko nanaman siya kaya mas maigi na lang na mag-iwan na lang ako ng note na umalis na ako. Mag-te-text na lang rin ako mamaya para sigurado.
Ayoko na rin kasi i-check ang kwarto niya dahil baka mauwi nanaman sa away. Quota na ako ha.
Nag-grab na lang ako papunta sa bahay nila Papa dahil may mga gamit akong dala. Ang hassle kapag nag-van pa ako.
Si Papa tsaka si Tita Mira, matagal na silang nag-li-live in pero hindi pa sila kasal. Ewan ko kung hindi pa nag-po-propose si Papa o sadiyang hindi pa sila ready na dalawa. I mean wala naman sa edad kung ready na o hindi magpakasal o magpakasal ulit.
Wala naman din silang anak pa, kaya rin siguro natutuwa sila kapag pumupunta ako doon sa bahay nila. Kaya pa naman siguro ni Tita Mira magbuntis kung gugustuhin nila nasa early 40s pa lang naman siya.
Pero kung kuntento na sila sa akin, wala namang problema.
Hindi naging madali para sa amin ni Kuya no'ng naghiwalay si Mama at Papa. Bago kasi 'yon palagi na silang nag-aaway tapos hindi na lang umuuwi si Papa sa bahay kasi mag-aaway lang sila ni Mama.
Parang kung ano kami ni Mama ngayon. Ganoon sila ni Papa dati kaya naiintindihan ako ni Papa kapag gusto ko umalis at pumunta sa kanila at doon na lang.
Si Mama at Papa, nagkabati na lang sila no'ng hiwalay na sila. No'ng natapos na ang annulment process nilang dalawa saka lang sila kumalmang dalawa.
Isang taong nakalipas, pinakilala na ni Papa si Tita Mira. Okay sila ni Mama kasi sino ba naman ang aaway kay Tita Mira e parang anghel. Pero hindi rin sila close ni Mama, civil lang kumbaga. Magkaiba kasi sila sobra e.
Si Kuya ang apektado sobra no'ng nagkaroon na ng Tita Mira si Papa. Hindi na sila close ni Papa pero hindi rin sila magkagalit.
Weird talaga ng pamilya namin in a sense, nakaka-stress din talaga pero at least okay lang, I mean sakto lang, okay lang. Parang 'di pamilya na pamilya pa rin. Ewan.
"Qin!" bati agad ni Tita Mira nang lumabas siya papunta sa gate nang mag-door bell ako. Two storey house sa isang exclusive subdivision ang bahay nila. Kung tutuusin malaki na 'to para sa dalawang tao lang.
Malawak ang space kasi super lawak ng bakuran ni Tita kung saan siya nagtatanim ng mga kung anu-anong halaman. May mga gulay, tapos may mga bulaklak din.
May maliit na swimming pool din na parang mas nililiguan lang ng mga aso nila kaysa sa kanila. O ako, kapag andito ako.
Yumakap si Tita Mira sa akin kaya yumakap din ako pabalik. Sumunod si Papa sa kaniya. Weekend kaya andito silang dalawa.
"Ano nag-usap kayo ulit ng Mama mo?" bungad na tanong sa akin ni Papa.
"Nag-away ang tamang term, at oo ang sagot." Hinaplos ni Tita ang likod ko nang sabihin ko 'yon para i-comfort ako samantalang ang magaling kong Tatay ay tinawanan ako habang naiiling.
Kinuha ni Papa ang mga gamit ko bago sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila.
Nilagay ni Papa ang mga gamit sa kwarto ko dito sa bahay nila. Guest room talaga iyon pero binigay na nila sa akin kasi ako lang naman ang lagi nilang guest.
'Yung bodega sa baba, pina-renovate na lang nila para gawin bagong guest room.
Umupo ako sa may sala at inilibot ang mata sa first floor. Iba nanaman ang itsura noon, kada-punta ko rito iba ang ayos ng mga furniture tsaka mga display. Mahilig kasi si Tita mag-rearrange. Nagsasawa agad siya sa pagkakaayos ng mga display kaya monthly or depende sa season, inaayos niya.
Kagaya ngayon na tropical ang mga design pati pillow case at center pieces. May theme kumbaga. Pero for sure mapapalitan na 'to anytime soon kasi June na e. Tapos na ang summer sa Pilipinas.
Lumabas si Papa sa kwarto ko at saka ako sinamahan umupo sa may sala habang may niluluto yata si Tita Mira sa kusina.
"Anong pinag-awayan niyo ng Mama mo?" Huminga ako nang malalim.
"Nag-try ulit ako magpaalam para sa outing, ayon." Hindi ko na kailangan i-elaborate for sure gets na ni Papa.
"Saan ba?"
"Sa Puerto Galera." Tumango-tango siya. "Malayo naman kasi 'yon nak." Alam ko, kaya nga pinapaalam ko kasi hindi basta-basta na pwede akong sumibat.
"Kaya nga Pa, kaya nga imbis na tumakas na lang ako o magpalusot, sinabi ko sa kaniya kasi like deserve niya malaman."
"Sino kasama mo ba?" Kinuha ko ang isang throw pillow na ang design ng pillow case ay mga coconut leaves at pinaglaruan iyong zipper no'n.
"Sila Rylie." Nagtanong pa si Papa ng ilan pang mga detalye tungkol sa outing. Isang linggo kasi 'yon talaga dahil may bahay doon 'yung family no'ng kaibigan namin so makakatipid kami sa lodging tapos libre lang naman maligo sa dagat. Ang babayaran lang namin ay pagkain at if ever gusto namin pumunta sa mga falls at iba pang tourist spot o kaya kapag trip namin ang mga water activities.
Dumating si Tita Mira at nilapag ang isang baso ng mango shake na may cute na metal straw. Nag-thank you ako sa kaniya bago umupo siya sa tabi ni Papa. "Ako wala?" pabirong reklamo ni Papa kay Tita at umiling si Tita habang natatawa.
Gusto ko mag-cringe dahil mas sweet pa sila sa shake ko pero napapangiti na lang din ako kapag ganiyan si Papa. Never mo silang makikitang ganiyan ni Mama. Siguro noon, hindi ko lang siguro na-witness.
Napatingin si Papa sa akin habang nilipat ko lang tingin ko sa may bintana na tanaw ang garden ni Tita.
"Kailan alis mo pala? Kailangan mo ng pera?" Agad napabalik ang tingin ko kay Papa at tumango. Sino ba namang hindi mapapalingon kapag tinanong ka kung kailangan mo ng pera.
Agad na natawa sila ni Tita dahil sa naging asal ko. Kailangan ko naman kasi talaga ng pera, ayoko naman gamitin ang pera na binibigay sa akin ni Mama para sa mga bagay na hindi siya pumayag.
May hiya pa naman ako sa nanay ko, hindi lang halata.
"Mag-iingat ka doon, tapos lagi kang mag-te-text. Hanap ka laging magandang signal kahit maka-send ka lang isa o dalawa." Tumango at hindi maitago ang ngiti ko. Nakangiti lang din si Tita Mira habang nakatingin sa mga reaksyon ko.
Ewan ko ba kung sa akin lang applicable pero kapag ganitong pinagkakatiwalaan ako ni Papa mas ayoko sirain 'yon sa paggawa ng mga bagay na alam ko na ikakadisappoint niya.
Sana ma-gets din 'yon ni Mama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top