STRIKE THE BLOOD
Title: Strike The Blood
Author: mystertiosgirl
Parts:
Genre: Vampire
Reviewed by: EroticMushroom 😉
•••
• COVER:
√ Nagmumukha siyang tarpaulin or kung anong pangdiki sa dingding. P'wede ring wallpaper. I'm expecting a bloody cover with a demon guy or girl pero sa nakikita ko, nagda-date lang silang couple under the cherry blossom tree. Tss! Walang kadating-dating. Masyadong lame plus the title na nakalagay, halos hindi na mabasa dahil kapareho ang kulay ng background.
• TITLE:
Vamprie ang genre mo, STRIKE THE BLOOD ang title. Pakiramdam ko action na action ang dating with gothic fiction and paranormal elements. Ayos ang title, catchy kaso noong binasa ko ang blurb at prologue. . . nawalan ako ng gana. Tss!
Heto pang isa, vampire ang k'wento pero mukhang hindi naman vampire, pabebe ang vampire rito.
Ang vampire genre ay dapat nagbibigay ng kaunting takot sa mambabasa, pero ano 'to? Mukhang walang k'wentang vampire book ito na nagkalat na naman dito sa wattpad. Try to search all about the gothic fiction, mas sakto riyan ang vampire stories. Diyan mo malalaman kung paano ba magsulat ng tama about sa vampire. I'm a vampire writer also at napakalayo ng book mo sa book ko. I'm giving you a hint ng tamang i-research para alam mo ang ilalagay dito sa book mo, at sa genre na 'to.
• BLURB:
√ Napakahaba ng blurb mo na talagang nakakaantok basahin. Summary na rin 'yan. Dapat sa blurb nakaka-curious. May conflict but not stating the resolution, unpredictable ang mga susunod na scene. Eh sa'yo? Patawarin tayo ng may kapal, andiyan na lahat! Hindi ko na kailangang basahin ang laman. It should be short and precise, pakibasa 'yong sa 3000 ko na review. Andoon ang tamang way ng pagsusulat ng blurb. You can also search on the internet.
• PROLOGUE:
√ Clearly stated sa prologue mo ang plot! Halos pareho lang din ng blurb. Tss!
Kasing linaw ng kabilugan ng buwan sa gabi, at araw naman sa tanghaling tapat, ay kaya kong i-k'wento ang buong pangyayari sa iyong akda without reading anything from the body. F! Para sabihin ko sa'yo, hindi mo dapat ipinapakita ang plot mo rito. Dapat mag-iiwan ito ng curiosity sa readers mo, slight highlight could be stated. Main protagonist must be seen. Hindi 'yong alam na namin ang mangyayari, dahil sa ginawa mong ito, tinataboy mo lang kami palayo. And to think, first day na pagbaba niya sa lupa nakita niya na agad ang lost prince at ginawa siyang slave nito? Seryoso! Walang ka-thrill-thrill ang k'wento mo. Hindi mo man lang siya pinahirapan sa paghahanap niya rito. This story is not worth reading! Swear!
• Technicalities:
Napakarami! Kailangan ko pa bang isa-isahin? Heto ipakita ko na lang baka sakaling maliwanagan ang utak mo!
√
DO NOT USE:
💪 Double punctuation marks. Ano sila bingi?
💪 Smiley
💪 Emojies
💪 Huwag kausapin ang narrator ng author and vice versa.
💪 Huwag kang mag-shortcut ng hindi tamang i-shortcut or walang salitang gano'n gaya sa O.H.W! The F! Other human world pala! Wala namang ganyan eh. Huwag kang pauso!
💪 Bawal ang "Hahaha, Hehehe, Huhuhu"
√ REMEMBER:
💪 Be consistent sa POV. Someone's POV ang bungad mo pero sa kalagitnaan naging si Vanessa.
💪 Ellipses (...) used when the characters are doubtful on what they want to say.
💪 The proper use of punctuation marks is a must.
💪 Capitalization of proper noun and possessive pronoun is a must, as well as the beginning of every sentences.
💪 Napakaraming redundant words. Paikut-ikot ang bawat pangungusap.
💪 Nakakabulol at nakakabobo ang mga sentences. Grade 1 ka ba?
💪 And please, kung hindi ka marunong mag-english, magtagalog ka na lang kasi pinapahiya mo lang sarili mo. Doon ka sa language na komportable ka. Pero kung hindi ka pa rin marunong magtagalog, aba tumigil ka na! Mag-aral ka muna!
💪 Ang grammars mo sabog, wala akong maintindihan.
• PLOT:
√ Boring, vampire wannabe lang ito. Hindi naman talaga vampire. I don't need to read your book, alam ko na patutunguhan nito. Magkakainlaban ang dalawa habang hinahanap ni girl ang lost prince. Si boy naman iniisip niya, si girl ang namatay niyong ex. Tapos malalaman ni girl na siya pala ang hinahanap niya at magagalit sira rito dahil nagsinungaling ito, at pinaglaruan siya. Ang tanong, will love be enough to heal all wounds? Malamang! Mahilig kayo sa happy ending eh. Ano tama ako 'di ba? 'Yan ang sinisigaw ng plot mo, dadagdagan mo lang ng kaunting action kuno.
In other words, cliche!
• CHARACTERS:
√ Parang elementary ang characters mo, ewan ko bakit gano'n. Siguro dahil sa hindi sila marunong magsalita ng tamang tagalog at English. Isa pa, mukha silang walang alam sa mundo. Pakiramdam ko mga 5-8 years old ang bida mo. Hindi ko maramdaman ang teen spirits sa kanila. Tss!
• Breath/Tone and Narration/Dialogue (Are the characters breathing? Is the dialogue inclined on what they feel or think?)
√ Hindi! Dahil nakakahingal basahin ng mga dialogue mo. Walang punctuation marks! Pakiramdam ko nawala ang turnilyo ng utak ko sa libro mo!
Isa pa, mukhang naka-shabu si Vanessa. Hindi tugma sa mga sinasabi niya ang kaniyang nararamdaman. Kulang na kulang ang emosyon. Tingin ko kasi elementary sila tapos may love-love at pakilig-kilig pa. F!
Dahil siguro ito sa narration at delivery mo. Wrong grammar para sa'kin ang mga elementary at hindi nakapag-aral, kaya gano'n ang tingin ko sa bida mo. Pati ang King mo, mukhang walang pinag-aralan. Tss!
•| Characters (Is there a good character build-up?)
√ Hindi ko maramdaman ang Male Pov. Hindi ko na kinayang basahin ang chapter 4 dahil sigurado kapag binasa ko pa iyon, maco-confine ako sa hospital at masasalinan ng dugo! Nakakaalog ng utak ang narration mo. Kamuntik maubos ang dugo ko sa tindi ng grammar mo, hindi dahil malalim ang English at tagalog, kun'di, crooked!
•| Good points
√ Wala! 0% walang good points ang book mo! Sinubukan ko ring buksan ang isa mo pang book na umabot na sa 100k+ ang reads. Akala ko maganda ang laman dahil ang taas na ng reads, pero sad to say. . . disgusting pala! Mas malala pa 'ata ang tama kaysa rito. Nahiya ako sa reads mo, 100k+! Wow! Anong klaseng readers mayroon ka? Mukhang mga wala ring utak. Gusto kong mag-comment nito - 💀 sa lahat ng sentences na mali, kaso iniisip ko, I'm jut wasting my time here. Wala akong tamang nakita.
•| Bad Points
√ Boring ang plot
√ Lot of wrong grammars even in tagalog.
√ Lot of wrong spelling even in tagalog. Tss!
√ Masyadong lame ang execution.
√ Vampire siya pero mukhang fantasy ang powers. Seryoso ka? Walang bampira na gano'n! Bampira-bampirahan lang 'ata ito!
√ Walang mga punctuations marks! Hindi mo ba sila kilala?
√ Puno ng redundancy.
√ Nasabi ko na sa taas, may kulang pa ba? Tsk!
•| Overall Feel/Suggestions
√ Delete or unpublished your book/books. Tumigil ka muna sa pagsusulat hanggang hindi ka natututo ng mga tamang grammar at spelling. Nakakahiya! Wala sa katinuan ang taong magbabasa niyan.
•| Is it something to be read of?
√ NO! DEFINITELY NOT! Sasakit lang ang ulo mo sa pag-intindi sa mga wrong grammars, kahit tagalog na sariling wika ay hindi marunong. Tanong ko, saan ka nakatirang planeta?
•| Scale of 1-10 (why the score)
√ 1, bakit? Oo may idea ka, kaso hindi ka marunong. Lahat p'wede magsulat pero hindi lahat p'wede maging author, at isa ka do'n!
I suggest, study hard in school bago ka magsulat dahil pinapahiya mo ang literatura ng mga Pilipino. Pero tingin ko, maraming taon pa ang bubunuin mo bago matuto. Ni tagalog ay hindi ka marunong. Tss!
No offense, but I'm just saying the truth and nothing but the truth.
• Message to everyone:
Worst book na nabasa ko! Tsk! Hindi ko talaga kinayang basahin hanggang chapter 4 sa dami ng mali. Buti at nakaya ko pa hanggang chapter 3. I think I need to take an anti-vertigo meds. Grabe nahihilo ako! Nyang, nasaan ka? I need you, babe!
Kung aayusin ko ang book mo, magbabalat anyo 'yan! Word for word ang magbabago dahil puro mali. Kung gusto mo talagang baguhin 'yan, mag-aral ka muna. Tss! Buti g'wapo pa rin ako pagkatapos! 😉
The most handsome of them all,
Eros aka EroticMushroom 😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top