CHAPTER 14: CRY and LULLABY
SORRY SHORT UD di pa ito EDITED….
Comment yung gusto na madedicate sa kanya itong chapter na ito,,,,
NEED COMMENTS for INSPIRATION PLEASE I’M ACTUALLY DISTRACTED because wala KAYONG COMMENT,,,, sana kahit UPDATE na please MAG-COMMENT kayo…
DI PO AKO NAG-IINARTE pero NAG-IINARTE na rin LOL…
LOVE YOU GUYS
CHAPTER 14: CRY and LULLABY
STEVEN’S POV
Binuhat ko agad si Trix ng matapos nitong mawalan ng malay sa bisig ko. Dinala ko agad ito sa kotse ko. Hindi ko alam kung paano kong nagawang buksan ang pinto ng kotse habang buhat ko siya sa kamay ko. Maingat ko siyang isinakay sa passenger seat ng kotse agad kong kinuha ang hindi pa gamit na tuwalya sa gym bag ko at agad na binalot siya dito kasabay ng pagrecline ko sa upuan niya ng kahit papaano ay maging kumportable siya.
Dali-dali akong sumakay sa kotse ko tinawagan ko si Trick agad para ibalita na nakita ko na siya at pina-andar ko na ang sasakyan ko papunta sa The Empress, hindi ko binuksan ang aircon ng kotse ng hindi lamigin si TRIX…
Salit-salitan kong tinitignan ang daan at siya na medyo nangiginig sa upuan niya.
Dumating na ako sa The Empress sa labas nito ay nakita ko ang tatlong sasakyan ng mga kaibigan ko. Sa labas nito ay nakita kong naghihintay ang tatlong kaibigan niya na agad lumapit sa sasakyan ko… bakas sa mukha nila ang pag-aalala.
“Oh gosh what happen?”
“where did you find her?”
“is she ok?”
Yan ang sabay sabay na tanong sa akin ng tatlo niyang kaibigan habang pangko ko sa bisig ko si Trix.
“nakita ko siya sa school sa isang bakanteng lote umiiyak… yeah she’s ok but you need to change her clothes” sagot ko sa kanila
Agad naman nila akong dinala sa bahay nila sa taas ng The Empress. Agad kong pinasok si Trix sa kwarto nito…
Lumabas lang ako saglit ng bibihisan nila ito. Sinamantala ko yun para makapagpalit na rin ng damit. Nang lumabas si keyslie para sabihin na ok na ay pumasok uli ako sa kwarto ni Trix sa pagtataka nito. Wala na ako pakialam sa iisipin nila ang mahalaga sa akin ay makita si Trix na ok
Tumayo ako sa isang sulok ng kwarto niya at doon ko siya pinagmasdan. Tulog man siya ay mababakas ang lungkot sa mukha nito.. Ang kaibigan ko nanatiling nasa gilid lang din. Sina keyslie, Jiea at Micha at naka-upo sa paligid ng kama ni Trix at pinagmamasdan ito bakas sa mga ito ang pag-aalala sa kaibigan nila.
“maraming salamat sa pagtulong niyo kanina” panimula ni kaye “ thank you, lalo na sa’yo steven”
I just nodded in return habang nakatitig pa din kay Trix, sa totoo lang gusto kong sabihin na hindi abala ang lahat na wala akong hindi gagawin para sa kaibigan nila pero hindi ko na itinuloy.
Tumayo na sila Jiea micha at Keyslie.
“maraming salamat, kami na siguro ang bahala. Kailangan niyo na din umuwi at ng makapagpahinga na din kayo, lalo ka na Steven,” pasalamat uli ni keyslie
Tumayo na sila papunta sa pinto ng kwarto ni Trix pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatayo sa sulok na yun na hindi hinihiwalayan ng tingin si Trix. Naramdaman siguro nila na wala akong balak umalis kaya hinayaan na nila akong manatili sa kwarto nito,,,
Umupo ako sa isang upuan sa gilid habang binabantayan ko siyang matulog,,, Isang oras na siguro akong nakaupo at pinagmamasdan siya ng marinig ko ang mahinang ungol niya… akala ko ay nagising na siya at may kailangan siya kaya lumapit ako sa kama niya upang tanungin sana siya kung may kailangan siya.
Pero ng lumapit ako sa kama niya ay nakita ko ang impit na pagiyak niya… kaya dali dali akong lumapit sa tabi niya para tignan siya…
“trix” tawag ko sa kanya
“trix are you ok?” tanong ko uli sa kanya pero hindi ito sumasagot.. umiiyak lang siya.
“Tri-“ natigilan ako…
Ganon ba talaga kasakit ang lahat at pati sa pag-tulog niya ay nasasaktan siya?
Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang sakit Trix.?
Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ito.
Hindi ko alam kung makakatulong pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap siya at pinaghehele
(Play the video at the side ----->)
Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin
ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo
Tulog na mahal ko
Huwag kang lumuha
Malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema
Unti-unti tumitigil ang pag-iyak niya hanggang sa maramdaman ko ang na nagiging kampante na ang paghinga niya… pinunasan ko ang luha sa mga mata niya gamit ang kamay ko at niyakap pa siya lalo habang hinihimas ang ulo niya. Naramdaman ko naman na yumakap sa bewang ko ang kamay niya. Ang saya sa pakiramdam na yakap yakap ko sa bisig ko ang nag-iisang babaeng minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon. Tinuloy ko ang marahan na pagkanta
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na
Tulog na mahal ka
Nandito lang ako
bahala sa iyo
Sige na tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin harapin ang mundo
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na
Lalala lalala lalala lalalala lalalala
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na kaya pang saktan
Kung matulog
Tulog ka na
Sana sa pag gising ni Trix wala na lahat…
“I LOVE YOU” bulong ko sa kanya at hinalikan ito sa noo. Nang maramdaman ko na mahimbing na uli ang tulog niya ay dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa akin at dahan dahan lumabas sa kwarto niya
“Goodnight my Princess, I love you” mahina kong bulong bago ko sinara ang pinto niya. Pagtalikod ko sa pinto ay nagulat ako na makita na nandun ang tatlo niyang kaibigan na nakaabang sa pinto.
“So kailan mo pa mahal si Trix?”
Nagulat ako sa pagsasalita ni Jiea na nakaabang pala sa labas ng pinto ni Trix.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang nang-aasar na tingin ng barkada ko.
“matagal na” sagot ko sa kanila
“kailan yung matagal na?” tanong uli ni Jiea
“since Highschool.”
“bakit di ka namin nakikita?” tanong naman ni Keyslie
“stalker kasi” sabat ni kiel mula sa gilid. Binato ko nga ng relo ko na sinagot naman niya ng “Thank you” sira ulo talaga
“stalker?” tanong uli ni Jiea
“hindi ako stalker ok?” sagot ko sakanila at napilitan akong ikwento sa kanila ang lahat mula noong una kaming magkakilala hanggang sa paglayo at pagkikita namin muli…
“so ikaw pala yung sumagip sa kanya dati?”
“yes” maikli kong sagot
“salamat” sabi ni Jiea “ kung hindi dahil sayo baka wala na siya” dagdag pa nito.
“Hindi niyo na kailangan magpasalamat mahal ko si Trix kaya gagawin ko lahat maprotektahan ko lang siya” sagot ko uli sa kanila na kinatahimik nila
-------------------------------------------------------
Sorry kong konti lang ang UD…. Sa NEXT UD na lang po yung PROJECT thing masakit na ULO ko,,,, promise I will make time,,,, busy lang po sa pagbabalik sa school si author,,, ayoko naman kasi na masyado tumagal yung UD,,,,
SAKA sana marami na uling comment para naman ganahan ako magsulat,,,,, hayzt salamat,.,,
COMMENT po PLEASE,,,,,
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top