Prologue

Sumulyap ang binata sa screen ng kaniyang phone kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa harap at kinabig ang manibela ng sasakyan pakaliwa.

"You have arrived at your destination."

Maingat nitong ipinarada ang sasakyan sa tapat ng isang gusali. Sumulyap ito sa rearview mirror nang iabot ng matandang babae ang kaniyang bayad. Nakita ng matanda ang ID ng driver na nakasabit sa harapan.

"Ang bata mo pa, iho! Nakakatuwa naman makakita ng kabataang kagaya mo!" puri ng matanda.

Bahagyang natawa ang binata at lumabas ng driver's seat. Pinagbuksan niya ng pinto ang matanda.

"Salamat, John ah! Sana ikaw ulit makuha ko kapag nag-book," nakangiting paalam ng matanda pagkatapos niya itong alalayan.

Ngiti ang isinukli ng binata bago bumalik sa loob ng sasakyan.

Tinignan niya ang oras sa kaniyang phone na nakasabit sa harap at binuhay na ulit ang makina ng kotse. Kinabig niya ang manibela pabalik sa kalsadang dinaanan.

***

"Eddie!"

Naistorbo ang pagse-senti ng binatang nakahilata sa kaniyang kama nang marinig ang ilang ulit na pagsigaw ng kaniyang ina. Palakas nang palakas hanggang sa naatubili na siyang lumabas ng kwarto.

Nagdilim ang paningin ni Eddie at nagpasuray-suray pa ng lakad dahil sa biglaang pagtayo nito.

May ilang baitang pa sa hagdan nang tumigil siya sa pagbaba nang makita ang kaibigan na nasa pintuan.

"Pre, ano na?" nakangiting bati ni John habang nakatingala sa kanya. Mukhang galing na naman sa langit dahil nakaputi ulit ito.

"'Andito na sundo mo. Ano, 'yan na ba suot mo?" tanong ng nanay ni Eddie na nasa likod ng bahagyang nakabukas na pinto katabi ni John.

Umakyat ulit si Eddie papunta sa kwarto para kunin ang mga gamit. Phone at wallet lang ay ayos na. Humarap siya sa salamin at sinulyapan ang kulay pink na barong na naka-hanger at bumalik ulit ang tingin niya sa salamin. Naalala niyang naka-puting t-shirt lang si John at naka slacks kaya naisip niyang baunin na lang ang barong tsaka roon na mismo sa venue suotin.

***

Nang patayin ni John ang makina ng kotseng kinalulunan nila ni Eddie ay sinuot na nila ang barong bago lumabas. Nasa parking lot sila ng Golden Cuisine Philippines at si John ang nauna sa paglalakad upang igiya si Eddie sa front door ng restaurant.

Pagkaakyat nila sa top floor ng Golden Cuisine kung saan diniriwang ang mga events katulad ng birthday party ngayon ay sumalubong sa kanila ang eleganteng ilaw, ang pag-uusap na attendants kasabay ng background music, ang mga lamesang gawa sa wood na halatang mamahalin at ang suot na traje de mestiza ng debutant sa gitna. Mayroong red carpet sa sentro ng silid kung saan nakatayo ang birthday celebrant na si Annie na nakasuot ng pinaka-engrandeng traje de mestiza na na-aangkop sa barong na suot nina Eddie ang kulay. Ang theme na kulay pink.

Golden Cuisine is a Spanish-Filipino themed restaurant. Ang goal nito ay iparamdam sa mga customers ang tradisyonal na ambiance, pagkain, pati ang mga kasuotan katulad noong 1890s, kaya naman ang mga kumakain dito ay nakasuot ng barong tagalog at baro't saya.

Nahihiyang binati ni Eddie si Annie, debut nito ngayon at personal siyang inimbitahan nito. First-year college ito sa unibersidad nila at ang kuya nito ay fourth year na siyang kaibigan nila ni John at classmate nila sa minor subjects.

Pagkatapos bumati ni Eddie ay dumeretso na siya sa mesa nilang magkakaibigan.

Nakaupo paikot ang mga ito kasama si John at nag-iinuman na. Mga nakasuot din ng mga barong at nakaayos ang buhok na parang sinaunang tao kaya natawa si Eddie.

"Ubos na chaser natin," anunsyo ni Theo na nakaayos ang buhok kagaya ng kay Jose Rizal. May nakasabit din na camera sa leeg nito. Siya ang kinuhang videographer ni Annie.

"Oi, chaser daw John!" pagpaparinig ni Bean na katabi ni Theo. Kahit nakabarong na at lahat ay mukha pa ring gago.

"Bakit ako?!" naguguluhang bulyaw ni John.

"Dahil ikaw ang founder ng John Lemon," sabi ni Bean na may blankong ekspresyon dahilan para mas mapahagalpak sila ng tawa.

"'Na mo," natatawa ring sabi ni John.

Mayamaya ay nagte-table watching na ang magkakaibigan. Kahit si Eddie ay pasimpleng naghahanap ng matitipuhan. Ilang beses na niya itong ginagawa at isa lang naman ang ending, kay Medy pa rin siya bumabalik. At isa pa, wala namang kaso kung tumingin siya o hindi sa iba dahil hindi naman siya nakatali.

Nagpabaling-baling ang ulo nila para hanapin si Bean, wala ito sa upuan niya.

"'Asan na 'yon?" tanong nila sa isa't isa.

"He's hitting up on someone," bigla nilang narinig ang malamig na boses ng kanina pang tahimik nilang kasama sa mesa.

Tinignan nila kung saan ito nakatingin nang mamataan nila si Bean na nakikipag-usap sa babae, nagsimula na ang pag-atake nito ng kalandian.

"Kanina lang balak pa no'ng magpaka-wasted tapos ngayon may kalandian na agad iba!" hindi makapaniwalang reklamo ng isa nilang kamag-aral sa katabing mesa.

"Mabilis lang maka move on 'yan ihh," paliwanag ni Theo at nahihiyang tumawa.

"Mahiyain ka pala sa personal. Pinapanuod ko streams mo," puna ng schoolmate nila, napapantastikuhan kay Theo na puro kalokohan sa stream nito samantalang mukhang maamong tao sa personal.

Napatingin si Theo sa babae at nakangiting nagpasalamat dito pero naguluhan siya nang nag-iwas ito ng tingin.

Nakita naman nilang naglalakad pabalik sa table nila si Bean, nagtataka si Eddie kung bakit ito nakatingin sa kaniya.

"Pre! Kanina ka pa tinitignan nu'ng chix do'n oh. Sabi sa'kin ni Karina crush ka raw no'n eh," parang may pinapahiwatig na sabi ni Bean.

"Karina? Si Karinang Malandi? Bagay kayo," natatawang sabi ni Rove, ang kanina pa nilang kasama pero ngayon lang nagsalita.

Naunahan naman ang apat na punahin si Rove ng mga tawa ng mga schoolmates nila.

"Grabe ka Rove, minsan ka lang magsalita pero..." sabi ng isang bisita mula sa ibang mesa.

Nagulat naman si Eddie nang makitang nasa likod na niya si Bean. "Oy pre, ano ayaw mo ba du'n sa chix? Ang ganda kaya no'n!"

"Edi i-add to cart mo mag-'sa mo!" pabirong bulyaw ni Eddie kahit nagsisimula na rin siyang mairita dahil sa pananalita ni Bean. Parang porket maganda ay kailangan niyang patulan.

"Eddie Wyne!" biglang may nagkomento mula sa kalapit na table. Narinig ng iba ang sigaw nito at sunod-sunod din silang sumigaw.

"Hashtag EddieWyne!" kantyaw pa ng isa kaya natawa na lang silang magkakaibigan.

Nagsimula 'to kahapon nang isama siya ni Theo sa stream nito at may nakapansin na netizens na katunong daw ng pangalan niya ang "Edi wow" kaya halos mapuno ng puro "#EddieWyne" ang comment section. Nanunuod din ang mga schoolmates, pamilya at kakilala nila kaya alam din nila ang tungkol dito.

"'Apaka loyal mo eh hindi ka naman gusto ng gusto mo" panloloko ni Bean kay Eddie, sinadya niyang lakasan.

"Oooohhhh!" kantyaw ng mga ibang bisita.

"Eddie Wyne!"

***

The vlog of Annie's 18th birthday circulated online because it's the last video and day where John Ceno, 20 years old was last seen.

Pagkatapos ng party ay nagpaalam ito kina Eddie, Bean, Theo at Rove tsaka umalis gamit ang sasakyan.

It's been two months but John hasn't come back, no text nor calls. Wala ring paramdam sa social media accounts nito.

So he's already declared as a missing person.

Hindi alam ng magkakaibigan kung anong nangyari kay John, if he was just missing or he is... already dead.

Until one day, Bean drunk tweeted.

Notification

Pogi

@BeanMontero: Joooooohhhhnnn asa kaaaa? Alam naming kapangalan mo si John Cena (Ceno ka nga lang) pero magpakita kaaa! We can't see you 😭

And this is when their fanbase and other netizens became more inflamed to start sharing their theories and what-ifs about John's disappearance which helped their squad, who's almost helpless to gather ideas for John's whereabouts.

Dead or alive, they need to see him.

------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top