Epilogue
"Bakit kailangan mangyari sa'kin 'to? Am I a bad person? Do I deserve it?"
"That's just life. Either you're a good person or not. Either you have faith in God or not. You will still suffer." Yel lowered her sunglasses and looked intently at John. "Because you exist."
***
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Nakatayo sina Roberta, Ran at Victoria na kinakantahan si John na tumayo na rin at nakangiti sa kanila.
Sina Theo, Rove, Bean at Eddie naman ay sumasayaw ng Happy Birthday Dance Challenge na pinagtatawanan na ng ibang customers. They didn't even reserve the whole floor. Mabuti na lang at naaaliw rin ang ibang customers sa kalokohan ng apat. Ang iba ay lumalapit pa at nagpapa-picture kina Theo.
It's October 10th. Sa bahay lang sana si John magdiriwang ng kaniyang kaarawan pero biglang nag-aya si Roberta na kumain sa labas at sinama rin nito ang apat pati ang mag-ina.
"Hindi talaga nakakasawa pagkain dito sa Golden Cuisine," komento ni Victoria pagkatapos tikman ang kaldereta.
"Happy birthday, John." Someone put a slice of cake in front John. "Boss, Ziel!" nagugulat na bati niya sa isa pang owner ng restaurant. Kumpara kay Yel na intimidating at laging nakasuot ng long sleeves, si Ziel ay naka-off shoulder top ay skinny jeans at maamo ang mukha. Ngumiti ito sa mga tao sa mesa nila at nagpaalam na.
"Huy, pakilala mo naman ako ro'n John," aniya ni Bean na sinusundan ng tingin ang may-ari. "Bakit parang ngayon ko lang 'yon nakita?"
"GC owners don't always show up, you know... except for the little one," singit ni Eddie.
"Si Elle ba?" Theo popped his head beside Rove to talk to Eddie.
John was just watching his friends with a smile. Two months have passed and he felt like the days were becoming better and better for him. The pain was still there but for his sake and his friends, he's moving forward. It was hard to live with the demons, but he's getting the hang of it now.
"John," tawag ni Roberta at may inabot sa kaniya.
"Tita?!" halos mapasigaw si John nang makita kung ano ito.
"Oh, sa inyong apat." Inabot niya kay Bean at ipinasa naman nito kina Eddie, Theo at Rove. "Mag file na kayo ng leave. Mas masaya kapag kumpleto."
"Thank you, Tita!" Parang batang kumikininang ang mga mata ni Theo habang hawak ang plane ticket gamit ang dalawang kamay.
Isa-isa ring nagpasalamat sina Eddie, Bean at Rove.
"Who's the best godmother?" Roberta asked playfully, lifting her shoulder.
"Tita Roberta!" sabay-sabay na sagot nina John.
"Roberta Ghaniyah Ceno!" sigaw ni Bean at agad na tumama ang kamao ni Tita Roberta sa ulo niya.
"Bakit buong pangalan!" Pinanlakihan siya nito ng mga mata.
"Aray, Tita!" Minasahe ni Bean ang ulo niya pero natigilan sila ni Roberta nang marinig nilang tumatawa si John.
"Aha. Aha. Aha."
They all looked at him deadpan. Sa isang iglap, bumalik sila sa pagkain.
"Kuya, gift namin sa'yo." May inabot si Ran na parisukat at nakabalot.
"Thank you," aniya ni John nang tanggapin ang regalo. "Baka bomba 'to ah."
***
Dumiretso si John sa locker room ng coffee shop at mabilis na nagpalit ng uniporme. Pagkatapos ay tumungo siya sa counter.
Nakangiti niyang inabot ang dalawang large frappes sa customer at bumalik sa tabi ni Leo na itim na ang kulay ng buhok ngayon.
"Ang saya talaga mag trabaho sa cafe, noh? Sa lahat ng trabaho ko, dito lang ako nakakapag-relax relax," wika ni Leo. Parehas nilang pinagmamasdan ang cafe mula sa counter.
"Huy, diba siya 'yung guy no'ng nakaraan?"
Napatingin silang dalawa sa dalawang babae na naka-pwesto tabi ng glass wall.
"'Yung cutie na tinawanan ka no'ng umikot ka pa sa kabilang side para kunin order natin kaya nagkasalisi pa kayo." Tinawanan ng babae ang kasama niya.
Tumingin ang dalawang babae sa direksyon ng counter at nagtama ang mga mata nila. Nginitian ni John si Mary Belle at gano'n din ang ginawa ng huli.
"Ang gwapo rin no'ng isa. Anong pangalan mo?" Kumaway ang kaibigan ni Mary Belle na si Celina kay Leo.
Dahil hindi pwedeng iwan ni Leo ang counter, ipinakita niya na lang ang nameplate kay Celina at kinindatan ito.
"Leofwine, wow!" Bumaling si Celina kay Mary Belle. "Kanino ka? Kay John o kay Leo?"
"Sa asawa ko."
Bumaba ang tingin ni John sa kaliwang kamay ni Mary Belle at nakita ang wedding ring nito. Sa totoo lang, nagbabakasali pa rin siya sa mga sandaling iyon na hindi talaga ito kasal. Ngunit hindi naman siya bitter para kay Mary Belle at sa asawa nito. He's happy. Pakiramdam niya ay mas madali talagang mag move on at maging masaya para sa tao kapag maganda ang pinagsamahan niyo.
"Bummer." Tumawa si Celina. "Ako... kanino ba?" Natulala ito sa pagkain.
"Knock knock." Kinabig nito ang braso ni Mary Belle.
"Who's there?"
"Ceno." Humagikgik si Celina.
"Ceno who?"
"Ceno ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko?!" Nagulat silang tatlo nang bigla na lamang itong kumanta. Pasimpleng tumawa sina John at Leo. Mary Belle just respectfully looked away.
Pagkatapos nilang kumain ay lumapit si Celina kasunod si Mary Belle sa counter, saktong walang umo-order.
"Boys, anong oras time out niyo?" Celina asked, leaning closer. Napapatingin ang ibang customers kaya nag patay malisya na lang si Mary Belle.
"10 pm, Ma'am." Si Leo ang sumagot. Sumimangot si Celina. "Marami pa 'kong kailangan tapusin," dismayadong aniya nito. Pero hindi nagtagal ay may inabot itong papel na may nakasulat na mobile number.
Leo smirked and took the piece of paper from her. Kumaway ang dalawa at naglakad na palabas ng cafe.
"Thank you! Please come again!" paalam nina Leo at John.
"John, sa'n ka pagtapos ng shift?" tanong ni Leo habang hinahanda ang iced coffee ng customer.
"Restobar sa Ortigas, pre," sagot ni John na inilalabas sa counter ang mga tapos nang i-prepare na sandwich.
Pagsapit ng alas nuwebe y medya ng gabi ay nagsimula na silang magligpit sa cafe. Sabay na lumabas ng mall sina John at Leo patungong parking lot. Magkabilang diresyon ang pwesto ng kanilang mga sasakyan kaya nagpaalam na sila sa isa't isa sa tapat ng entrance.
"John!"
Tumigil sa paglalakad si John at nilingon si Leo.
"Don't overwork yourself," paalala ni Leo na ilang hakbang na rin ang layo. John nodded and smiled.
***
"Eddie!" sigaw ng isang ginang na makintab pa ang itim na buhok para sa edad nito, maayos pa rin ang hugis ng katawan kahit nasa 40s na.
"John! Long time no see!" Hinarap nito si John na nasa labas ng pinto at kinurot sa braso. "Bakit ngayon ka lang pumunta ulit, huh?" Giniya si John papasok ni Cornelia. "Diyan ka muna sa sala at alam mo naman napakakupad no'ng isang 'yon."
"Tita, sorry po sa nangyari kay Eddie noon." John was looking up at Cornelia from his seat with so much regret on his face.
"Wala ka namang kasalanan. Mabuti at buhay kayong lahat nakauwi-" Napabaling silang dalawa kay Eddie na kakababa lang at buhat-buhat ang maleta nito.
"Oh, lumayas na kayong dalawa." Cornelia gestured at the two. Tumayo si John at tinulungan si Eddie sa mga gamit nitong ipasok sa trunk ng kotse na naghihintay sa labas.
"Bye." Nag beso sina Eddie at ang mama niya. "Huwag kang patanga-tanga sa Japan ah. Ang lampa mo pa naman," paalala ni Cornelia.
"Dati lang 'yun," kumpyansang aniya ni Eddie na pinahaba ang nguso.
"Bye po!" Kumaway si John kay Cornelia at sumakay na sa back seat. Sumakay na rin si Eddie sa loob ng 6-seater GrabCar na binook ni John papunta airport. "Bye po!" Binuksan ni Bean ang bintana ng sasakyan at nagsiksikan silang tatlo nina Theo at Rove para magpaalam kay Cornelia.
"'Yon! Let's go Eric!" pukaw ni Bean sa driver na college student pa lang. Kanina pa ito dinadaldal ng apat sa kotse.
Pinaandar na ni Eric ang kotse palabas ng Golden Cross Road. Puro kwentuhan, pagsabay sa tugtog ng radyo ang naganap habang patungo sila sa airport. Dahil maaga pa, wala pang isang oras ay nakarating na sila sa airport.
"Thank you, Kuya!" Nagulat pa si Eric nang sobra ang ibinayad ng apat sa presyong nasa metro.
***
Tanaw ang paglipad ng eroplano mula sa dingding na gawa sa salamin ng isang gusali. Samantala, sa isang silid ay seryosong nakatuon ang isang binata sa kaniyang monitor habang mabilis na gumagalaw ang kamay sa ibabaw ng keyboard. Sa kabilang cubicle ng opisina ay naririnig niya ang usapan ng mga katrabaho.
Napapalatak na lang ang binata at tinuon ang pansin sa ginagawa. Pinaandar ng isa pang lalaki ang gulong ng upuan nito palapit sa binata.
"Kung hindi tungkol sa trabaho sasabihin mo, 'wag ako ang kausapin mo," agad na babala ng binata sa lalaki na sa bandang likod niya lang ang cubicle.
"Sorry! Okay." Nadismaya ang lalaki pero hindi nito pinahalata. "Magpapatulong ako sa binigay na database sa'kin. Pa'no ba gawin 'yun?" tanong na lang nito.
Dumating ang lunch time at sabay na pumunta ang dalawa sa canteen. "Ikaw kailan ka magi-girlfriend? Ang workaholic mo masyado, baka mapanot ka niyan." Dalawa lang sana sila sa lamesa ngunit naki-upo ang lalaking manager ng kanilang departamento.
"Hindi ko po iniisip 'yan," sagot ng binata na walang ekspresyon ang mukha.
Ito ang naturingang Best Employee at ilang beses na na-promote sa pwesto dahil sa husay at dedikasyon. Napagsasabay ng binata ang mga hobby at trabaho ngunit wala itong interes sa buhay pag-ibig o pakikipagkaibigan sa mga katrabaho.
"Bakit hindi mo pala 'ko nire-replyan?" tanong ng manager.
"Ah, hindi po ko nagbabasa sa group chat," direktang pag-amin ng binata.
Tuwing binubuksan niya ang group chat nila ay wala namang katuturan ang mga sinasabi ng mga miyembro roon para sa kaniya. Wala siyang interes tungkol sa mga personal na buhay nila.
May tinag na post ang nanay niya pero muli niya ring pinatay ang kaniyang cellphone nang makakita ulit ng post tungkol na tinatawag ng karamihan bilang "rant". Para sa kaniya ay hindi naman kailangan i-post lahat, lalo na ang mga problema sa social media. Isa iyon sa mga kinaiinisan niya sa tao. Ayaw niya sa mga malulungkot ng tao, tingin niya ay nagpapapansin lang ang mga ito na pinapalangandakan pa ang mga problema at puro reklamo.
Pagpasok ng binata at ang lalaking palaging nakadikit sa kaniya ay naabutan nila ang manager sa harap at may katabing babae. Naglakad patungo sa kaniyang cubicle ang binata at naupo.
Nagsimulang magsalita ang manager pero ang bawat sinasabi nito ay lumalabas lang sa kabilang tainga ng binata. Namalayan niya na lang na tapos na ito magsalita at nakatuon na ulit ang mga katrabaho niya sa kaniya-kaniyang komputer nito.
Ang kaninang maliwanag na kalangitan ay napalitan ng iba't ibang ilaw mula sa mga gusali sa labas. Nag-unat ang binata at isinuot muli ang kaniyang coat. Inayos niya lang ang cubicle at kinuha na ang kaniyang backpack.
Nakapamulsang naglakad ang binata sa labas ng building papuntang sakayan ng bus. Diretso lang ang tingin nito na akala ng mga nakakasalubong niya ay galit siya.
Nang makarating sa waiting shed ay mayroon agad humintong bus. Humakbang papasok ang binata at naupo sa pinakamalapit na upuan. Isinadal niya ang siko sa bintana at pinanuod lang ang mga nadadaanan ng sinasakyan habang nakikinig sa musika ng kaniyang cellphone.
Pagkababa sa isang mall ay dumiretso siya sa sakayan ng jeep. Dahil malapit na maghatinggabi ay kaunti na lang ang mga pasahero at sasakyan kaya naman mabilis ang byahe nila. Ipinikit ng binata ang mga mata at sumandal habang ninanamnam ang hangin na tumatama sa balat niya.
Ilang saglit lang ang lumipas ay tumigil ang jeep. May ilang pasahero na bababa rin sa titigilan niya kaya naman sumabay na siya sa mga ito.
Nang makatawid sa kabilang kalsada ay nakaramdam siya ng pagkailang. Lumingon siya at may nakitang isang babae, pamilyar ang mukha nito. Ito ang bagong empleyado na pinakilala ng manager nila kanina. Binalik ng binata ang tingin sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Psst!"
Alam ng binata na siya ang sinisitsitan nito. Ayaw niyang lingunin dahil hindi maganda sa pakiramdam niya ang presensya ng babae.
"Psst!"
"Try mo kayang maging friendly. Napaka-sungit mo. Get out of your comfort zone." Napabuntonghininga ang binata nang pumasok sa isipan niya ang isang adbiso mula sa mga kamag-anak. Gusto niya nang umuwi kaya naman nilingon niya saglit ang babae at nginitian bilang pag-acknowledge rito.
Binilisan ng babae ang paglalakad hanggang makasabay sa kaniya. "Dito ka rin pala dumadaan," aniya ng babae na tila interesado.
"Oo," tipid na sagot ng binata.
Magkatabi silang naglakad hanggang makarating sa dulo ng kalsada. Nag-aantay ng tiyempo ang lalaki na makatawid ulit sa kabilang kalsada nang magtanong ang babae, "Sa'n diyan bahay mo?"
"Do'n." Itinuro ng binata ang isang bahay, sinusubukang makisama ng maayos.
"Ah, dito ako." Naglakad ang babae sa kanang kalsada.
Tumawid ang lalaki at naglalakad na papunta sa bahay nila nang marinig niya muli ang babae mula sa kabilang kalsada. "Bye!" Kinawayan siya nito kaya kumaway pabalik ang binata kahit na napipilitan.
Kinabukasan, naglalakad ang binata patungo sa sakayan ng jeep nang may tumawag sa kaniya. Nilingon niya ito nang hindi tumitigil sa paglalakad at nakita ang babae na nginitian naman siya.
Pakiramdam niya ay nawawalan siya ng solitude.
"Sabay na tayo lagi pumasok ah," sambit ng babae na tumabi na naman sa kaniya sa paglalakad. Tumango na lang ang binata.
Pagkarating nila sa opisina ay pinagtitinginan sila ng mga katrabaho.
"Huy, ba't magkasabay kayo ni Andra ha?" tanong ng lalaking kasama niya kahapon.
"Sinong Andra?" nagtatakang tanong ng binata.
"Gago, 'yung kasabay mo nga eh." Masyadong malapit ang mukha ng lalaki sa kaniya at malakas pa ang bunganga. Nagsimula namang mag-isip ang binata.
"Ahh...'yon," tanging wika nito nang mapagtanto kung sino ang binabanggit ng katrabaho niya.
"Oooh. Type mo?" Nagtaas-baba ang kilay ng lalake.
"Hindi."
His foresight was pretty reliable. He knew she was trouble. But he ignored it because of a piece of advice. She let her in. And that was the biggest regret he ever had. But he swore that he would be her biggest regret too.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top