Chapter 9
Celina:
Hoy! Wru?
Naloloko ako sa'yo
Hahanapin mo talaga siya?
"Miss ko na 'yung tawa niyang bilang. Ah ha ha ha." Napahinga ng malalim ang dalaga bago kumain ulit.
Mabilis niyang kinain ang noodles at tsaka hinawakan gamit ng magkabilang kamay ang cup para higupin 'yon hanggang sa masimot.
Napapagod na tumingala ang dalaga at inunat ang likod. May mga ibang tao sa paligid niya pero wala siyang pakialam.
Nasa ganoong posisyon siya nang umilaw ang screen ng kanyang phone. Nakakunot niyang pinulot 'yon mula sa lamesa katabi ng cup noodles para tignan maigi.
Messenger
Theodore Adorable sent you a message.
***
"Wala akong nakitang puting kotse eh," pagkumpirma muli ng babae sa tanong ni Theo sa chat kanina.
Nakatigil ang motor niya sa gilid ng daan ng Patid Road. Habang ang mga kaibigan ni John ay nasa kabilang gilid naka-park ang sasakyan. Magkakatabing nakaupo sa sidewalk ang apat.
Malapit na ulit mag alas-onse ng gabi. Wala na ring dumadaan sa road na ito sa ganitong oras dahil sa paglaganap ng confessions tulad ng nabasa nina Rove at may iba pa rin namang kalsada na papuntang Dutaw.
Nagtataka ang babae kung paano nalaman ni Theo ang pangalan niya sa social media.
"Pinuntahan mo si Lillian? I'm positive that you're the woman she mentioned," sabi ni Rove.
"Oo," sagot ng babae na nakakunot ang noo, tila may iniisip.
"Bakit mo hinahanap si John?"
Napaangat ng tingin ang babae sa nagtanong.
"Bakit mo hinahanap kaibigan namin?" ulit ni Eddie.
"Uy! Malay mo naman fan ni John." Bean extended his arm to pat Eddie's.
"Ooh." Napatingin si Eddie sa kawalan na parang may napagtanto.
'Why would a fan go this far. It's too risky-'
"I'm his lover."
Napatigil si Eddie sa pag-iisip, ganoon din sina Theo, Bean at Rove. Gulat na nakatingin sa babaeng nakangisi.
Maya-maya'y nagsitawanan ang apat.
"Hahahaha!" Nagiging singkit pa ang mga mata ng mga ito dahil sa pagtawa.
"You're lying," sabi ni Rove na bakas pa rin ang pagtawa sa mga labi.
"You're not a fan," panimula ni Rove para marinig nina Bean at Eddie. "You're a stunt biker. Nakita namin ang videos mo sa YouTube
...And you lied. Your name's not really Sarah."
"You're not John's lover, Mary Belle." Rove emphasized her real name.
Lumaki ng bahagya ang mga mata ni Mary Belle at biglang yumuko.
Tinignan naman ng apat kung anong ginagawa niya nang bigla na lang sila nitong pinagbabato ng maliliit na bato.
Tumigil lang sa pag bato si Mary Belle at sa pag-ilag ang apat nang makarinig sila ng alarm tone.
Kinuha ni Theo sa bulsa ang kaniyang phone para patayin ang alarm.
"10:59 na," anunsyo ni Theo.
Tumayo ang apat at naglakad papunta sa sasakyan ni Theo, pero bago pa man pumasok sa loob ay nagtanong si Eddie na hawak na ang pinto sa backseat.
"Why would you go this far for John?"
Sinuot ni Mary Belle ang kanyang helmet. "Because I'm his girlfriend," tipid niyang sagot habang sine-secure ang helmet.
Pagak na tumawa si Eddie. "No way John would have have a girlfriend."
Ngumisi si Mary Belle. "Someone sounds bitter."
"We aren't called the Bitter Sweet Squad for nothing," sabat ni Rove na nakangisi at tuluyan ng pumasok sa passenger seat at sinara ang pinto no'n.
"I miss him. I would do anything I can to see him." Sumakay na rin si Mary Belle sa kanyang motor.
"Sana ol," komento ni Bean.
"I mean, nakasanayan ko na lang mag sana all kahit hindi naman ako naiinggit," depensa niya kahit wala namang sinabi ang kausap. "Parang 'pag sinabi mong wala ka nang pera, pero may natira pa naman. Parang kapag umaray ka pero hindi naman talaga masakit..." Napabuntong hininga si Bean at sasakay na nang sasakyan pero wala siyang makapang handle kaya tinignan niya at nakitang wala ang kotse ni Theo do'n.
Kinabahan si Bean nang makitang nawala ang sasakyan ni Theo. Napako siya sa kinatatayuan, iniisip na kinuha ng mga engkanto ang mga kaibigan.
Bigla siyang nakarinig ng busina kaya napatingin siya sa gawi noon at nakita si Mary Belle na nakalingon sa kanya. Sa gilid no'n ay ang kotse ni Theo na mabagal na umaandar.
Tinakbo ni Bean ang distansya kung nasaan ang sasakyan at agad na pumasok.
"Kinabahan ako, gago." Pinagpawisan si Bean kahit malamig at hawak ang kanyang dibdib. He felt a mini heart attack earlier.
Kapagkuwan ay may inabot si Eddie sa harap, kina Rove.
"Ano yan?" tanong ni Bean nang makita ang parihabang maliit na bagay.
"Dash cam. Binili ko kanina," imporma ni Eddie.
Napatango sina Theo at Rove. Hindi pa sila sigurado kung may puting kotse nga ba at makikita nila si John kung susundan nila 'yon. Kaya nandito sila sa Patid Road para kumpirmahin kung meron nga ba o wala.
Bago sila pumunta rito ay umuwi muna sila sa kaniya-kaniyang bahay. Naisip nilang baka ibang oras dumadaan ang puting kotse at mas maaga silang pumunta at mag abang pero naalala rin nila ang detalye sa confession na binasa ni Rove noon. Parehong oras at magkasabay dumaan ang itim at puting kotse ayon sa post.
Wala ring CCTV sa Patid Road kaya makakatulong talaga sa kanila ang dash cam para kung malingat sila ay makikita naman sa record kung ano ang nasa daan. At kung meron ngang puting kotse ay magkakaroon din sila ng ebidensiya pati na sa ilusyon na nangyayari sa Patid Road.
"Talino mo talaga!" bati ni Theo kay Eddie.
11:00 pm
Samantalang si Mary Belle naman ay huminga ng malalim at mahigpit na hinawakan ang throttle ng motor. Nakatuon ang pansin niya sa daan at unti-unting nagbago ang hitsura ng paligid.
Nagbaba ng bintana si Theo na nasa kanan niya.
"Mary Belle ayos ka lang diyan?" tanong ni Theo.
Ang totoo niyan ay nanginginig ang kalamnan niya dahil sa nakakatakot na paligid pero winawakli niya ang pakiramdam na 'yon at pinapaalala na isa lamang 'yong ilusyon.
"Belle nalang itawag niyo sa'kin please," she said in a low voice, fighting her emotions.
Lumamig ang paligid kahit wala namang hangin pero hindi pa rin binababa ni Theo ang bintana ng sasakyan.
May kalayuan sila sa bungad ng Patid Road, buhay ang mga makina ng sasakyan pero hindi nila pinaaandar.
"Teka!"
Napatingin sila kay Bean na parang natataranta.
"Tingin niyo dadaan pa rin sila kahit andito tayo? Kahit naman may hamog aninag pa rin naman tayo!"
Napaisip sila. "Pero nung dumaan yung nag share ng confession, dumaan din naman sila. Nag take over pa nga."
May two lanes ang Patid Road. Tinignan na nilang apat sa google map ang hitsura nito pero patungo at pabalik mula Dutaw lang ang ruta nito. Wala rin silang ibang makitang bahay dahil puro puno lang ang na-capture.
"Magt-take over din ba sila sa'tin? Pa'no? Eh sakop na natin 'tong daan?" Nagulo na ni Bean sa pagkalito ang sariling buhok.
'The surrounding changed. They must be here.' Isip ni Rove.
Nahagip nila ang mabilis na pagdaan sa labas ng bintana. Nang tignan nila ay nakita nila ang kaparehong black car ni Johnson.
"Nakita ko na!" malakas na sabi ni Belle para marinig nila sa loob ng kotse.
Lumingon sila rito at napansing nakatingin ito sa isang gawi at inikot ang grip ng motor at tsaka pinaandar 'yon sa kanang direksyon.
Kinabig ni Theo ang manibela at sinundan si Belle. Naaninag nila sa harapan ang isang puting kotse.
"Fuck!" mura ni Rove.
The four of them felt the same. Kumakabog ng malakas ang dibdib nila dahil sa wakas nakita na nila ang puting kotse na inaasahan nilang magdadala sa kanila para makita ang nawawalang kaibigan.
Napahawak ng mahigpit si Bean sa sandalan ng kinauupuan ni Rove dahil sa kaba. Ang katabi niya namang si Eddie ay kagat-kagat ang ibabang labi na maya't mayang humihinga ng malalim habang nakatingin sa trunk ng puting kotse.
Si Theo naman ay naka focus sa pag sunod at suwabeng nag ma-maneho. Nakapatong ang siko ni Rove sa bintana ng passenger seat at nakakunot ang noo.
Matapos ang pag research, pag brainstorm, pag-buo ng theories at kung anu-ano pang ginawa nila ay hindi sila makapaniwala na heto na, nakita na nila ang puting kotse. Theo slowed down, dahil papasok na ang sinusundan nilang kotse sa isang gusali. Para silang tinakasan ng kaluluwa habang nakabuntot sa kotse.
"Pa'no tayo makakapasok?" tanong ni Bean.
"Alam nila," said Rove whose eyes are fixated on the person who stepped out from the passenger seat.
Nang may maalala ay pinalibot nila ang paningin.
"Mary Belle!" natutuwang tawag Theo na tinaas ang kamay nang mahanap si Belle.
***
"Buti nakarating kayo. Hindi ako nagkamaling malalaman niyo ang pinahiwatig ko," sabi sa kanila ng lalaki habang sinusundan nila ito sa paglalakad. Naka all white na suit ito at blonde pa ang buhok kaya nag mukha tuloy prinsipe.
Hindi nila alam ang sinasabi nito pero walang sumagot ni-isa sa kanila. Mga wala sila sa sarili dahil sa nangyayari.
Namalayan na lang nila na tumigil sila sa paglalakad. Nag-angat sila ng tingin at nakita ang dalawang palapag na puting bahay.
Rove squinted. "Wait, a wedding chapel?" Para siyang lasing at nahihilo.
Napatingin sila sa lalaking sinundan at napagtagpi-tagpi nila. White suit, wedding chapel.
"Sino ikakasal?" wala sa sariling tanong ni Bean.
The man sighed and started walking again.
Umakyat sila sa ilang baitang na hagdan hanggang sa makarating sa harap ng pinto.
Tinulak pabukas ng lalaki ang pinto at natuod sila sa nasaksihan.
Si John at isang babae, naghahalikan.
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top