Chapter 8

Hello kay gamblebore~ Thank you so much for giving this book a chance! 🙏🎉
Happy reading 💕

👁️

Ang alamat ng Patid Road

Mayroong pamilya noon na nagmamay-ari ng isang lupain. Ang mag-asawa ay may dalawang anak. Ang panganay na babae at bunsong lalaki.

Habang lumalaki ang dalawang bata, mas nakikita ang ugali ng mga ito. Ang panganay na babae ay masunurin, mahinhin, at malapit sa Diyos. Ang bunsong lalaki naman ay nakikinitang rebelde at tila naiiba sa kanyang pamilya na relihiyoso.

Dahil sa isang insidente, namatay ang mga magulang ng magkapatid. Ang lupain ay minana ng dalawa.

Bumukod ang lalaki sa kanyang ate dahil magkaiba ang pananaw nila ngunit nasa parehong lupain pa rin sila.

Nagkaroon ng isang daan ang lupain na ito na konektado sa iba pang lungsod. Ang daan ay tinawag na 'Daan ng Magkaptid' at sa paglipas ng panahon, ito ay nakilala bilang "Patid Road".

Nakakunot ang noo ng apat na magkakatabi sa sofa pagkatapos malaman ang alamat ng Patid Road.

"Ha?" parang naliligaw sa mundong tanong ni Bean.

"You mean... Andra was the elder sister and you..." Rove squinted at Faron. "You are the son, her younger brother."

"Tumpak!" Ipinatong ni Hakan ang braso sa sandalan ng kinauupuan ni Faron.

"Living urban legend ata 'tong taga-linis namin," pagmamalaki ni Hakan.

"Uhm..." There's a hint of uncertainty and fear in Bean's eyes.

Nagkatinginan sina Bean, Eddie, Rove at Theo.

'Nasa villain's side ata tayo!' Pinanlakihan ng mga mata ni Bean ang mga kasama.

'Dapat na ba tayong matakot?' Theo asked with his baby face.

'This is Villain's house not Vacation house.' Nakuha pang mag-pun ni Eddie.

Nag thumbs-up naman si Rove kay Eddie pero unti-unti niya 'yong ginalaw pababa.

"Ano 'yan telepathy?"

Muntik na silang mapaigtad sa tanong ni Hakan.

"Wala." Tumingin si Rove kay Faron. "Ramdam kita, bro." Pag-iiba niya ng usapan.

Tumaas ang kilay ni Hakan. "Anong ibig mong sabihin?"

Inakbayan ni Theo si Rove. "Urban legend din ang kasama namin."

Hakan gave them a how-come look.

"Because of his pale skin and pretty legs. He was mistaken as a vampire of his kindergarten classmate. The rumor spread in our town."

Eddie was even gesturing at Rove's whole body like he's a beauty product in an advertisement.

"Oo nga noh," komento ni Hakan.

They were interrupted when they heard someone tsked.

"Ang panganay na babae ay masunurin, mahinhin at malapit sa Diyos," panimula ng babaeng kasama nila. "Ibig bang sabihin, hindi na dapat kami mag-alala dahil mabait naman pala ang kasama ni John?—Teka totoo ba talagang sumama siya ro'n?" seryosong tanong ng babae.

"Sino ka muna?" Hakan asked in teasing and provoking tone.

Napakunot naman ang noo ng babae.

"I'm... Sarah."

Hakan laughed. "Oo sumama si John kay Andra."

Mas lumalim ang gatla sa noo ni Sarah at kumuyom ang kamao.

"Naniwala ba talaga kayo sa alamat na 'yon? Some of it was true but not all."

Napaangat sila ng tingin kay Faron.

"Totoong masunurin sa magulang namin at religious ang ate ko." Faron chuckled bitterly. "Pero mas lalo kayong dapat mag-alala dahil do'n."

Tumayo sila Faron at Hakan kaya napatayo rin sila.

Sinundan nila ang dalawa hanggang sa nasa labas na sila ng bahay.

"Mag-iingat kayo sa kanya."

Ni-lock ni Faron ang main door.

"..."

Kanya-kanyang pag-asim naman ang mga reaksyon nila dahil sa ginawa nito. Pero kaysa mag-ingay ay naglakad na lang sila paalis doon.

Nang makarating kung saan pinarada ang mga sasakyan ay may bigla silang naalala.

"Teka, pa'no tayo makakabalik?" tanong ni Theo na siyang driver.

Bigla namang nagbago ang paligid. It becomes creepy and foggy again. Nagmadaling pumasok sa sasakyan ang apat habang si Sarah ay sumakay sa kanyang motor at inilagay ang helmet sa ulo.

***

Golden Cuisine

"So what happened?" tanong ng owner ng restaurant na si Yel.

"John wasn't there as expected. We didn't get a direct answer about his whereabouts but they gave us some clues, I guess," paliwanag ni Rove.

"Kumain muna kayo," aniya ni Yel.

Maya-maya ay may dumating na mga putahe sa opisina ni Yel kung nasaan ang apat.

Kahit pagod at inaantok ang mga ito ay masagana pa ring kumain dahil sa gutom na inabot mula kagabi.

"What clues did they gave you?" usisa ni Yel pagkatapos nilang mag-agahan.

Napahawak naman si Rove sa nakakunot na noo at napapikit. Inaalala ang mga sinabi sa kanila. Ang totoo, hindi pa rin niya lubos na naintindihan ang mga impormasyon na nakuha nila kagabi. Pero iniisip niyang alinman doon, kahit maliit na bagay ay magtuturo sa kanila kung nasaan si John. Hanggang sa...

"Bumukod ang lalaki sa kanyang ate dahil magkaiba ang pananaw nila ngunit nasa parehong lupain pa rin sila."

"Rove? Bakit?" Yel dipped her head to check Rove's face. Nakadantay ang noo ni Rove sa palad nito dahilan para hindi makita ni Yel ang mukha nito.

Nagkaroon ng isang daan ang lupain na ito na konektado sa iba pang lungsod. Ang daan na ay tinawag na 'Daan ng Magkaptid' at sa paglipas ng panahon, ito ay nakilala bilang "Patid Road".

"Nasa iisang lupain..." Rove whispered who's now holding his chin.

"Naniwala ba talaga kayo sa alamat na 'yon? Some of it was true but not all."

"Alin do'n?" tanong ni Rove sa sarili.

Si Yel naman ay feeling out of place na dahil may sariling mundo si Rove.

"Totoong masunurin sa magulang namin at religious ang ate ko." Faron chuckled bitterly. "Pero mas lalo kayong dapat mag-alala dahil do'n."

Rove frowned. He was really curious why Faron sounded bitter that time.

"Same place..." kausap niya kay Yel sa wakas. "Kapatid ng babaeng kasama ni John ang nakausap namin. It was said that they own the place and the road. Hindi sila magkasama pero... Nasa iisang lugar pa rin."

"Hindi namin alam kung saan ang daan papunta sa vacation house kung walang guide ng illusion na gawa nila. But if we search the place, I'm talking about the forest which surrounds the road, may chance na makita namin kung saan nakatira ang babaeng kasama ni John dahil ang pinagkaiba lang naman ay ang illusion pero parehong lugar pa rin."

"Hey..." napalingon silang dalawa sa tumawag. Si Eddie.

"I remember the confession you once told us. Yung tungkol sa naka-experience din ng illusion sa Patid Road. T-the white car," paliwanag ni Eddie.

"Maybe, there's really a white car." Nanlaki ang mata ni Rove sa sinabi ni Eddie.

"What do you mean?" Yel asked.

"Pero wala naman tayong nakitang puting kotse nung nandoon tayo?" sabi ni Theo na naka tingin sa sahig.

"I just thought that if there's a white car, at iyon ang sinundan natin, maybe it will lead us to that woman's place," hindi na rin siguradong aniya ni Eddie.

Napasapo naman ng mukha si Rove. "Or maybe they have a different timestamp." He sighed deeply.

"Hala! Nakatulog ako!"

Napatingin sila kay Bean na nakasandal sa sofa at pinupunasan ang gilid ng mga labi.

"Oh! Alam ko na!" Yel snapped her fingers. "Sometimes, 'pag hindi kaya ng logic, pagiging pilosopo 'yung gumagana."

Nag-angat ng tingin si Yel kay Bean na lumakad palapit sa kanila. "Hindi tayo close pero ramdam ko, pilosopo ka eh."

"Oo, ate! Pilosopo 'yan!" Kantyaw ng tatlo.

"Tae kayo!" Humila ng bangko si Bean tsaka umupo sa harap nila.

"Sabi ni Faron, mas lalo dapat tayong mag-alala dahil masunurin sa magulang at religious si Andra. Anong pagkakaintindi mo ro'n?" Rove assisted him.

"Hmmm..." Napatingin si Bean sa kisame.

"Masunurin siya sa magulang pero hindi naman sinabi kung ano ba 'yung inuutos o pinapagawa sa kanya... Tsaka, pa'no ba nasabing religious siya? Dahil nagbabasa lang siya ng bible? Some religious people are hypocrites..."

Napatanga sila sa sinabi ni Bean.

"That makes sense. We've met Faron pero mukhang mabuti siyang tao hindi katulad sa alamat. I believe in my gut." Nakapikit pa si Rove habang tinatapik ang tiyan.

"Is that the reason why he said not everything from the story were true, or is there something else..." nahihiwagaang aniya ni Eddie.

"Pero alin do'n?" Rove asked frowning.

"Alam ko na."

Sabay-sabay silang napatingin kay Bean.

"Yung 'Patid' baka hindi talaga sa 'magkapatid' na salita galing. Sabi kasi bumukod si Faron sa ate niya dahil magkaiba sila ng pananaw. Para sa magkapatid na ulila, normal lang na magsama sila dahil sila na lang ang mayroon ang isa't isa. Pero naghiwalay sila," paliwanag ni Bean.

"Ang ugnayan nilang magkapatid ay pinutol ni Faron," Theo followed.

"Parang isang lubid na puwersahang hinila sa kabilang dulo kaya naputol o ang kasingkahulugan na salita ay... Napatid," pagtatapos ni Bean.

"Holy fucking shit..." bulalas ni Rove.

"Nagiging matalinhaga pa kayo ah," pang-aasar ni Yel.

"Si Bean lang, Ate kasi matalinhaga na talaga si Theo," sarkastikong aniya ni Eddie kay Yel.

"Kaya 'yung sinasabi ni Eddie na totoong may puting kotse, pwede." Iminuwestra ni Bean ang kamay. "Baka kaya black na kotse yung nakita ng nag kwento at puting kotse naman ang nakita ng mga kasama niya dahil sa magkaibang direksyon sila nakatingin."

"No'ng nasa Patid Road tayo, sa kaliwang side natin nag-take over 'yung black car ni Johnson. Hindi natin sigurado kung meron o wala ba talagang puting kotse dahil naka focus tayong lahat na makita yung itim dahil 'yon ang in-instruct sa'tin ni Lillian."

"Oo! Pwede pwede!" nakangiting sabi ni Theo habang niyu-yugyog ang magkabilang balikat ni Bean.

"Galing mo, prii." Pabirong nakipag-handshake si Rove kay Bean.

"Syempre! Baka sabihin niyo wala 'kong ambag." Sinutok-suntok ni Bean ang dibdib.

"The girl who's with us last night, baka nakita niya 'yung white car," sabi ni Eddie ng maalala ang babae.

Rove got up from his sit. Gano'n din sila Eddie, Theo at Bean.

"Salamat sa pagkain."

}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top