Chapter 7
Nakaharang lang si Theo sa mga kaibigan mula sa taong may hawak ng itak pati sa isang lalaking naka-itim na shirt na humarang sa kanila.
"Woah woah!" Halos magka-apakan na ng mga paa sina Bean sa pag-atras nang humakbang palapit ang may hawak ng itak.
"The other guy doesn't have a knife or something," bulong ni Rove. "We run towards him."
Bume-bwelo na ng takbo ang apat nang nakarinig sila ng malakas na tunog ng motorsiklo.
Napaikot sila sa kanilang puwesto, maging ang mga humarang na lalaki sa kanila ay ganoon din nang ikutan sila ng motor. Nang huminto ito ay napatanga sila sa pagsilay sa kabuuan ng driver.
Nakasuot ito ng violet rubber shoes, kupas na pantalon at red jacket. Inangat nito ang helmet at bumungad sa kanila ang nagulo nitong mahabang buhok.
"Who are you?" Rove asked, frowning.
Tumingin sa kaniya ang babae na nakasakay pa rin sa motor nito.
They heard the man who's holding a knife sighed.
"Kids." Pinasa nito ang itak sa kasamang lalaki. "Let's settle this quietly inside..."
Nakatitig lang sila sa lalaki hanggang nanlaki ang mga mata ni Bean. "Anong ibig niyang sabihin? Papatayin niya tayo?!" pabulong niyang asik sa mga kaibigan.
***
Nang makabalik sa sala ng bahay kasama ng babaeng driver ng motor ay nakita ulit nila ang mga taong nakaupo habang may nakapatong na kung ano sa kalahati ng ulo ng mga ito hanggang ilong.
Hindi gumagalaw ang mga tao sa upuan at pawang mahimbing na natutulog dahilan kung bakit naisip nilang pinage-eksperimentuhan ang mga ito.
"Pero mukhang nag V-VR lang pala sila noh," sabi ni Bean habang nakatingin sa mga ito.
"Sila ba 'yon?" Napatigil ang isang lalaking kulay asul ang buhok at mukhang clown dahil sa makeup.
"Oo, pakilipat sila sa game room," aniya ng lalaking malaki ang katawan na may hawak na itak kanina habang ikinukumpas ang kamay sa direksyon ng mga taong nakaupo.
Tahimik naman ang apat na nakatingin sa lalaking inutusan dahil sa mga braso at binti nitong gawa sa metal.
"Theodore Adorable, Rove Min, Edgardo Wyne, Bean Montero." Isa-isa silang tinignan ng lalaking malaki ang katawan at nagulat sila dahil alam nito ang mga pangalan nila.
Pinipigilan ni Bean ang paghagikgik sa pamamagitan ng pagtakip ng kamao sa mga labi.
"Edgardo," Bean mouthed at Eddie and giggled.
"We were informed by Lillian about you coming here tonight," seryoso ngunit banayad na aniya ng lalaki.
"It's about our friend, John." Si Eddie ang nagsimulang magsalita dahil kani-kanina niya pa rin prinaktis ang sasabihin sa isip. Medyo pinagpapawisan pa si Eddie dahil sa pagtakbo kanina.
Pinaupo sila sa mahabang sofa sa sala. Wala na ang mga armchairs at tao na nakaupo roon kanina.
"Pareho rin kayo ng kaibigan niyo eh. Panira."
Nag-angat sila ng tingin at nakita ang parehong lalaki kanina na mukhang pinaghalong clown at cyborg.
"Let me introduce us first." Binalik nila ang tingin sa lalaking malaki ang pangangatawan. "I'm Franco, you can call me Mang Franco. I'm the cook."
Their lips formed into 'o' as they heard that he's a cook.
"Oh, so that explains the knife," said Rove when the realization hit him.
Tumango si Mang Franco at ipinakilala ang kasama niyang lalaki kanina humabol. "He's Faron, responsible for keeping the house clean, taking care of the garden, attending to the needs of the guests and more."
Tinignan ng apat ang lalaking nagngangalang Faron at napansing mukhang kaedaran lang nila ito.
"Then, Johnson. The driver. He's in charge of going out of town for our supplies."
Lumingon sila sa bandang front door kung nasaan ang lalaking sinundan nila kanina papasok sa vacation house.
"Alam po ba niyang pupunta kami?" tanong ni Bean kay Mang Franco. Naalala pa niyang hindi sila kinausap ni Johnson at dire-diretso lang na naglakad na parang wala sila kanina.
"Oo, pagpasensiyahan niyo na. Hindi talaga 'yan masalita kahit si Faron," paumanhin ni Mang Franco na nakuha agad kung bakit tinanong iyon ni Bean.
Napansin ni Mang Franco ang pagsulyap ni Rove sa isa pang tauhan.
"You can call him Hakan." Ang blue haired guy ang tinutukoy niya.
"And we're the-"
"Men in black."
Napatingin sila kung saan nanggaling ang tinig na 'yon.
"Biro lang po." Nahihiyang tumawa si Theo. "Lahat po kasi kayo naka-itim... Maliban sa kanya."
Dumako ang tingin nila sa taong nasa dulo ng hagdan. Gaya ng sabi ni Theo ay hindi ito naka-itim, kulay kahel ang suot nitong damit.
Habang ipinapaliwanag ni Mang Franco kung bakit hindi naka-itim ang taong 'yon ay nag-usap sina Rove at Hakan.
"Bakit mo sinabing panira si John?" tanong ni Rove kay Hakan.
"Nakita rin niya ang nakita niyo. Nakialam kagaya niyo. Kaya tinulad namin siya sa mga taong 'yon." May naglalarong ngisi sa nga labi ni Hakan.
"Anong ibig mong sabihin?" May pumasok na sa isip ni Rove kung ano ang tinutukoy ni Hakan pero pinanatali niya ang sariling kalmado.
Tumingala si Rove sa kisame, sa ikalawang palapag kung saan dinala ang mga tao kanina. Maari kayang nandito pa rin si John?
"Uhm, nando'n ang game room."
Nilingon ni Rove si Hakan at nakaturo ito sa kabilang side ng kisame taliwas sa tinitingala niya kanina.
Kinunotan niya ito. Hindi katulad ni Mang Franco ay mukhang kaedaran lang din nila si Hakan.
Tumawa si Hakan bago ikinuwento sa kanya ang nangyari noon nang pumunta si John sa vacation house.
Rove examined the entire game room as they got there. Inisa-isa niya rin ng tingin ang mga taong nakaupo dahil baka kasama si John.
"What do you mean you killed them?" Medyo nanlaki ang mga mata ni Rove sa mga sinabi ni Hakan. "Lillian's squad members are still alive."
Humalkhak si Hakan. "I didn't say physically."
"You can't just sue people for hurting you emotionally and win. You can't sue people for ruining your life. Others will only give you their attention if your pain includes wounds and bruises on your body. If you lose your money or gadgets. If someone takes your life. But what about when you lose yourself? What about when you're still breathing but you don't feel alive?" Hakan sighed and looked at the whole room.
Napatingin din si Rove sa kabuuan ng kwarto.
Napabuntong hininga si Rove. Magsasalita sana siya nang narinig nila ang pagpasok ng mga kasama sa kwarto.
"Ready?" tanong ni Hakan sa lalaking naka-orange na damit.
Bilang pagsagot, sinuot na ng lalaki ang mistulang helmet sa kanyang ulo at umupo.
Magkabilaang nakahilera ang mga taong may suot sa ulo sa lamesa na mistulang nagsasalo lang sa hapagkainan.
"You said you don't kill them, bakit... Bakit hindi nila kayo kinakasuhan for doing this to them?" tanong ni Eddie sa likuran nila na narinig pala ang naging usapan nila.
"How would they sue us if they agree on this setup?" Inangat ni Hakan ang isang kamay at ipinakita sa kanila ang isang contract.
Napatingin silang apat nina Bean, Rove at Theo sa nakalagay sa papel.
"Kaya mag-ingat kayo kung sino hinahayaan niyong mag organize ng mga lakad niyo," natatawang aniya ni Hakan na dumako ang mga mata sa lalaking naka orange na damit.
"Tsaka ano namang sasabihin nila? Na pinatay sila sa isip nila?" Halos mapahalakhak si Hakan.
***
"Katulad nang naabutan niyo, gano'n din ang nangyayari sa loob ng bahay nang gabing pumunta rito ang kaibigan niyong si John," panimula ni Johnson na nasa tapat nila. Nasa sala ulit sila ngayon naiwan kasama nito. Kalmado lang itong nagku-kwento habang nakaupo ng tuwid at nasa magkabilang tuhod ang mga kamay.
"Hindi ko siya kilala, dahil hindi naman siya guest kaya na-alarma ako nang makita kong nasa garden na siya naglalakad patungong bahay."
Sinabi sa kanila ni Johnson na pinatulog nito si John at isinama sa mga taong pinarusahan nila—by punishing, it means they are inciting fear and inflicting non-physical pain on those people using illusions in this vacation house. They call it "Ecophobia".
Pero hindi nila inasahang ang ginawa nilang collateral damage na si John ay ang sisira sa laro nila. Nalaman ni John kung ano ang nangyayari at dahil doon may isa silang hindi napatay. Nakawala ito sa ilusyon kasama ni John. At ang taong iyon ay si Ran.
The group of people they were punishing at that time was Lillian's squad.
"That was a lesson learned for us," said Mang Franco na kadarating lang.
"After that, Andra also came into the scene. Ewan ko, maybe she became a savior in your friend's eyes. Noong pauwi na sina Lillian at mga ka-squad niya, napag-alaman din naming kapatid siya ng isa sa mga pinarusahan namin. Pero kay Andra siya sumama..."
"Sino ba si Andra?" tanong ni Bean na halata ang kalituhan sa mukha. Ang tatlo naman ay iniintindi pa rin ang narinig nila mula kay Mang Franco.
Nag-angat ng tingin si Mang Franco. Tumingin sina Rove, Bean, Eddie at Theo sa likod nila at nakita si Faron 'di kalayuan na naglilinis.
"Siya si Andra?" gulat na tanong ni Bean na muling lumingon kay Mang Franco.
"Pfft." Napatakip ng bibig si Johnson na katabi ni Mang Franco.
"Hindi, siya ang tanungin niyo tungkol kay Andra. Dahil magkapatid sila."
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top