Chapter 6
Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sina Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.
Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."
Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.
Mayamaya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.
Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe pa lang ng gabi.
"Excited yata tayo masyado," komento ni Bean.
"Alas onse pa naman, kain muna tayo para makabawi ng lakas," aniya ni Theo.
"Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.
Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya silang apat.
Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila ng staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mundo, dala na rin ng pagkagutom.
"Bro, bitin! Dapat yata sa Mang Inasal tayo," daing ni Bean kay Theo. Pero wala silang choice dahil puro convenience stores lang ang mahihintuan nila.
Si Rove naman ay tapos nang kumain at nakahalukipkip ang braso habang pikit ang mga mata.
Si Eddie naman ay kumakain pa rin kaya tumayo sina Theo at Bean para bumili pa ng ibang pagkain na babaunin.
***
Napatingin sila kay Bean na mahinang tumatawa. Nakatingin ito sa labas ng bintana.
"Pre, nabaliw ka na ba sa gutom?" usisa ni Rove.
"Awit! Naalala ko lang kasi si Tita Roberta no'ng isang araw!" paliwanag ni Bean sa pagitan ng pagtawa.
"Bakit ganyan ka sa mga bata? Gusto lang naman nilang malaman ang nangyari sa kaibigan nila. Bakit nagagalit ka na parang kasalanan nila, kahit na ba ikaw talaga ang may kagagawan?" Ngumisi si Roberta si huling sinabi nito na ikinagulat ni Victoria.
"Ipina-blutter niyo siya, oo. 'Yon na 'yon? Daig ka pa ng mga batang 'to na concern sa... Oo nga pala hindi mo totoong anak si John. Kaya ba walang kang pake? Hindi niyo man lang pina-follow up ang pagi-imbestiga." Roberta scoffed. "Mukhang alam ko na kung bakit, gusto mo siyang mawala sa landas niyo. Para kayo nalang ni kuya pati si Ran. Happy family, walang anak sa iba. Diba?" Dumako ang tingin ni Roberta kay Ran. "Kaya nang mawala si John, dito mo na pinatira si Ran," she smirked.
Bumigay naman ang tuhod ni Victoria kaya napaupo ito sa sofa. Her breath was shaky.
"Hindi po 'yun totoo, Tita." Nilapitan ni Ran ang ina habang may namumuong luha sa mga matang nakatingin kay Roberta.
"Ows. Pwes, ano ang totoo?" Nakataas ang isang kilay ni Roberta.
Hinintay nila ang sagot ng mag-ina pero nakatungo lang ang mga ito.
"Pinalayas niyo siya?" Roberta asked in a matter-of-fact tone.
"Parang nanunuod ako ng teleserye no'n eh." Hindi na mapigilan ni Bean ang pagtawa at maluha-luha na.
"Gutom lang 'yan. Oh." Nag-abot si Eddie kay Bean ng biscuit.
"Wow. Out of town. Dalawang skyflakes," sarkastikong sabi ni Bean nang makita ang isang skyflakes sa pocket ng top ni Eddie at ang ibinigay nito sa kanya na galing naman sa bulsa ng pantalon nito. Inungusan ni Bean si Eddie pero hinablot pa rin niya ang biscuit.
Napangisi naman si Rove. "Lume-level up!"
"Hahahaha para kayong mag katipan," mapaglarong aniya ni Theo habang nakatingin sa daan.
Napatigil naman ang tatlo.
"Pre, si Eddie 'tong may makalumang pangalan pero ikaw 'tong nagsasalita ng ganiyan. Baka naman reincarnation ka kagaya ni Juanito Alfonso?" Bean squinted at Theo.
"Huh?" tanong ni Theo.
"Sa'n mo naman nakuha 'yan?" tanong ni Eddie.
Nag-iwas ng tingin si Bean. "Sa kakilala kong wattpader, bakit?"
Tila may dumaang anghel at natahimik sa loob ng sasakyan. They are now about to enter Patid Road.
"I was curious about something," saad ni Eddie. He suddenly hugged himself and purred.
"An'lamig!" Nangingilabot na sambit nilang lahat.
"Ano 'yun Eddie?" tanong ni Theo.
"Sabi ni Lillian, hindi raw basta-basta makakapunta sa vacation house. How about those who posted their confessions about the mystery of this road?" naguguluhang aniya ni Eddie.
Ilang segundo ulit silang natahimik nang magsalita si Rove.
"Kailangan munang mag-book para makapunta ro'n. You're asking why they were creeped out if they know that those illusions and such are the ways on how to get there. And based on what we've read, hindi nila sinundan ang sasakyan but at the end of the confession sa Dutaw sila nag stay. That means..." Unti-unti silang nagkatinginang apat.
"Ibig sabihin hindi sa Dutaw ang p--" Hindi natuloy ni Bean ang sasabihin nang halos sumubsob sila dahil sa pag preno ni Theo.
Nakanganga at natatakot nilang tinignan si Theo para alamin kung bakit nito hininto ang sasakyan sa isiping baka may nakita itong hindi tao.
Nakatingin lang si Theo sa labas ng bintana habang ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa manibela. "P-pasensya na." Lumingon ito sa kanila. "Ayos lang ba kayo?"
"Ikaw? Ba't ka huminto?" nag-aalalang tanong ni Rove.
10:50 pm
"D-diba kotse raw ang magt-take over at susundan natin?" kinabahang tanong ni Theo.
"Oo, bakit?" Napailing-iling si Rove. "10:50 pm pa lang. Pagkatapos magbago ang paligid tsaka pa lang natin makikita 'yung sasakyan."
May tinuro si Theo sa harapan bandang kanan.
Medyo mahamog sa daan na 'yon at pilit nilang inaninag kung ano ang tinuturo ni Theo. Dumukwang pa sina Rove at Eddie sa pagitan ng upuan nina Theo at Bean.
Unti-unti nilang naaninag ang isang imahe.
"Motor?" naguguluhang sambit nila. Parang nagwawalang kabayo ang motor dahil umaangat ang harap na gulong nito.
Napaigtad sila at napaurong sa kabilang side ng kotse nang may gumagalabog sa kaliwang pintuan ng sinasakyan.
Bigla na lang may sumulpot na mukha sa bintana ng pinto ng driver's seat.
"Aaaaaa!"
The four of them were panting as they looked at the face leaning on the car window, looking straight at them.
Mayamaya ay kumatok ang pigura gamit ang likod ng dalawang daliri.
The figure outside their car was speaking but it was muffled.
"Theo! Bean! Rove! Eddie!" rinig nilang tawag nito sa mga pangalan nila.
10:58 pm
Hindi nila binuksan ang bintana at wala ring lumabas ng sasakyan. Nang makita ang oras ay umayos sila ng upo at tinuon ang pansin sa daan.
Ang motor naman ay nasa unahan nila. Tila may inaantay rin.
10:59 pm
Kumunot ang noo ni Rove habang nakatingin sa likod ng kung sino mang nakasakay sa motor.
11:00 pm
"Woah, woah, woah." Napahawak si Bean sa kapitan sa dingiding ng kotse.
Unti-unting nagbabago ang paligid nila. It looks like a wave of illusion.
At sa isang iglap ay nasa gitna na sila ng malagubat na paligid. Madilim. Nakakapangilabot.
Parang ihip ng hangin na dumaan sa gilid nila ang isang tunog. Nang sundan nila ng tingin 'yon ay nakita nila ang itim na kotse.
Mabilis na kinabig ni Theo ang gear stick at inapakan ang pedal para sundan ang itim na kotse. Habang sinusundan ang kotse ay nawala sa isip nila ang motor kanina.
***
Napahanga sila nang makita ang kabuuan ng vacation house, hindi lang 'yon pati na ang paligid. It was a modern eco-friendly house. Black ang kulay ng bahay at maganda ang pagkakapatag ng damo ro'n. Black and green perfectly matched.
They were expecting a haunted-looking house. Pero sino nga ba naman ang magbabakasyon kapag gano'n?
"Seems like the change of surroundings earlier was a work of technology then," sambit ni Eddie.
Napatango naman ang apat. Namamangha pa rin sa ganda ng vacation house. Tanaw rin nila ang pool doon.
Nakababa na ng sasakyan ang driver ng itim na kotse na dire-diretso papasok sa loob ng bahay.
"Akala ko sinabihan ni Lillian kakilala niya rito? Ba't hindi tayo pinapansin?" aniya ni Bean.
"May number--shit. Sundan na lang natin." Niyaya sila ni Rove at nagsimula silang maglakad papasok.
Nakakakita sila ng maayos dahil sa linawanag na nanggagaling mismo sa bahay pati sa mga ilaw sa damuhan. Halos magmukhang park ang labas no'n sa laki ng space. Kahit maganda ang lugar at maliwanag ay hindi nila maiwasang kabahan dahil wala naman silang kakilala sa loob.
Sinundan nila ang driver ng itim na kotse na naka helmet pero hanggang ilong lang ang nakatakip sa mukha nito.
"Is he already guiding us?" naguguluhang sambit ni Eddie.
Alam ng apat sa sarili nila na rinig ang mga pag-uusap at tunog ng mga yapak nila pero tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang lalaki hanggang sa makapasok sila sa loob ng vacation house.
"Good evening--" naputol ang pag-agaw atensyon ni Eddie nang makita nila ang eksena sa sala.
There were people sitting on each chair. May nakalagay sa mga ulo nito na natatakpan ang kanilang mga mata. They look like being experimented on.
Mas nabahala silang apat nang may lumabas na lalaki at may hawak itong itak. Lumapit ito sa isang nakaupo at naramdaman nila ang pagbilis ng tibok ng sariling mga puso.
"Hoy!" sigaw ni Bean para mapigilan ang balak ng lalaking may itak.
Nag-angat ng tingin ang lalaki at humakbang papalapit sa kanila.
"Pinoy ako!" natatarantang pagbawi ni Bean.
"Takbo!"
Nagkukumahog silang makalabas ng bahay at makalayo sa lalaking may dalang itak na nagsimulang habulin sila.
Nauuna sa pagtakbo si Bean kasunod si Rove, Eddie at nasa likod si Theo na nililingon ang humahabol sa kanila.
Pero napahinto si Bean nang may taong naka-itim ang sumulpot sa harap niya.
The four of them were looking side to side. They were cornered.
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top