Chapter 4

Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpapari't parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran.

"Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean.

"Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie.

"Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly. Napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso.

"Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled.

"Look at the time. Huwag muna nating alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalawa.

Para namang mga batang tumango sina Eddie at Bean. Mga takot kay Rove.

"Chinat ko na si tita, sabi niya sasamahan niya tayo kina John para kausapin si Ran," imporma ni Theo sa kanila.

Napahinga ng malalim si Eddie. "Hoooo..." he exhaled na ikinatawa nina Bean.

"Bakit?" tanong niya.

"Relax mo lang pututoy mo ah. Kaya hindi pa kayo nakakapag-usap ni Medy eh, masyado kang kabado," pang-aasar ni Bean. Halos mapairap si Eddie dahil sa pagbanggit nito sa tao kahit hindi naman kailangan.

"Sino ba 'yon?" pagmamaang-maangan ni Eddie sa mapaklang tono.

Natawa sila sa tono ng pananalita nito na taliwas sa muntikan ng pagka-utal at namumulang mga pisngi.

***

Sinilip ni Ran ang nag doorbell sa kanilang pinto mula sa bintana. Nakita niya ang isang babae, si Tita Roberta! May apat na lalaki itong kasama na nakatayo't nag-aabang sa harap ng pintuan nila. Ang iba ay nakatungtong sa ilang baitang na sementong hagdan, ang iba naman ay nasa ibabang gilid, tinitingala ang pinto.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Ran at umawang ang bibig nang makilala kung sino ang mga kasama ng kapatid ng papa niya.

Agad siyang nagtungo sa pintuan at binuksan 'yon.

"FBI!" sigaw ng isang lalake sa baritonong boses at nakatagilid sa hamba ng pintuan.

"Bean!" stopped Eddie who's almost snorting in an attempt to suppress his laugh.

"FBI," sabi rin ng isa at paglingon nila ay nakita nila si Theo na ipinapakita ang school ID nito.

Taliwas sa inaasahan ay ipinatuloy sila ni Ran sa loob ng bahay. Kinakabahan silang naupo sa mahabang sofa. Kailan pa sila nahiya sa bahay ng kaibigan?

"Umalis si mama," imporma ni Ran at doon lang sila nakahinga ng maayos. Naihiga pa ni Bean ang kalahati ng katawan sa sofa, sinaway naman siya ni Tita Roberta.

"Ran, sila ang mga kaibigan ni John. Boys, ito ang kapatid ni John," pagpapakilala ni Tita Roberta sa kanila.

"Kumusta? Hindi ko alam na kapatid ka pala ni John. Nakapunta na kami rito pero hindi pa kita nakikita, pasensiya na." Nakatingala si Theo sa kanya.

"I lived in a dorm, kasama ang mga ka-squad ko. Dito na 'ko pinatuloy ni mama pagkatapos ng nangyari kay Kuya." Napatigil siya nang ma-realize ang sinabi. She looked up only to see Rove squinting at her.

"Miss Ran, we're here to ask you if you know something about what happened to John. We thought that he followed you when your squad took a vacation," pormal na sabi ni Eddie.

Napalunok muna siya bago sumagot. "Hin...di, w-wala akong matandaan," she was panicking inside.

"Bakit ka nagsisinungaling?" tanong ni Rove.

Nanlaki ang mga mata niya. She was stunned. His words struck through her bones.

"Anong ginagawa niyo rito?!" parang kidlat ang pagsigaw ng bagong dating.

Napatalima naman ang apat, maging si Ran ay natakot sa kaniyang ina.

"Victoria," matapang na pagbanggit ni Tita Roberta sa bagong hipag.

"Robs, bakit kasama mo 'yang mga 'yan?" nakikita nilang nanggagalaiti ito pero pinipigalan lang ang sarili.

Nilingon ni Roberta ang apat at nakita ang mga naguguluhan at nanlulumong reaksyon nito. She's sure they are surprised for the sudden change of treatment from John's mother who was kind to them before.

"Bakit ganyan ka sa mga bata? Gusto lang naman nilang malaman ang nangyari sa kaibigan nila. Bakit nagagalit ka na parang kasalanan nila, kahit na ba ikaw talaga ang may kagagawan?" Ngumisi si Roberta sa huling sinabi nito na ikinagulat ni Victoria.

"Anong! Pa'nong ako?!" Tila may gustong sabihin si Victoria pero nauumid ang dila nito.

"Ipina-blutter niyo siya, oo. 'Yon na 'yon? Daig ka pa ng mga batang 'to na concern sa... Oo nga pala hindi mo totoong anak si John. Kaya ba walang kang pake? Hindi niyo man lang pina-follow up ang pag-iimbestiga." Roberta scoffed. "Mukhang alam ko na kung bakit, gusto mo siyang mawala sa landas niyo. Para kayo na lang si Ran sa bahay nina Kuya. Happy family, walang anak sa iba. Diba?" Dumako ang tingin ni Roberta kay Ran. "Kaya nang mawala si John, dito mo na pinatira si Ran." She smirked.

Bumigay naman ang tuhod ni Victoria kaya napaupo ito sa sofa. Her breath was shaky.

"Hindi po 'yun totoo, Tita." Nilapitan ni Ran ang ina habang may namumuong luha sa mga matang nakatingin kay Roberta.

"Ows. Pwes, ano ang totoo?" Nakataas ang isang kilay ni Roberta.

Hinintay nila ang sagot ng mag-ina pero nakatungo lang ang mga ito.

"Pinalayas niyo siya?" Roberta asked in a matter-of-fact tone.

"Hindi!" sagot ni Ran.

Victoria gently held Ran by the wrist, telling her to stay down and she'll be the one to explain.

"Nag-alala ako kay Ran nang hindi ko siya ma-kontak no'ng nag bakasyon sila kaya sinabihan ko si John..." Namuo ang mga luha sa mata nito. "Na puntahan kung saan nagbakasyon ang kapatid niya at sunduin na rin."

Laging nakakunot ang noo at balisa si Victoria sa mga nagdaang oras dahil hindi nag re-reply o sumasagot sa tawag ang kanyang anak. Palagi rin niyang hawak ang phone kung sakaling kontakin siya nito.

"Nasa bakasyon ang anak mo." That's what she always get whenever she's sharing her concern. Kesyo baka nage-enjoy ito sa tour, kesyo baka na-lowbatt o hindi nadala ang phone. But she's her mother and she's so worried. Kahit isang text man lang wala. Pwede namang makiheram ng phone sa kasama para kontakin siya kung tama nga ang sinasabi nila.

Kinabukasan din ay wala siyang natanggap na kahit ano mula sa anak pati ang mga kaibigan nito ay kinokontak niya pero wala rin. Naisip niyang tawagan ang isa pang anak na si John na pauwi na pala mula sa debut ng kamag-aral nito.

Umabot ng halos dalawang linggo ang isang linggo lang dapat na bakasyon ng anak ni Victoria. At nang makabalik ang anak na si Ran ay hindi nito kasama si John.

"What happened? Why was he not with you?" gulong-gulo na tanong ni Eddie.

"Hindi siya sumama sa'min." Ran answered with no emotion.

Theo, Eddie and Bean gaped.

"Why weren't you answering your mom's calls and messages?" Umabante si Rove at diretsong tinignan si Ran sa mga mata.

"Something came up. And honestly speaking, hindi ko talaga nabasa ang mga messages niya noon." Diretso rin ang tingin ni Ran sa mata ni Rove.

"If I am right, John was already with you before you extend your vacation."

"Yes."

"Why extend your vacation without informing your parents? What happened?"

"It's just for one night and two days. Kinagabihan din ay umuwi na kami."

Palipat-lipat ang tingin nina Eddie, Theo at Bean pati na rin sina Victoria at Roberta sa kanilang dalawa.

"As for what happened, it's just a typical vacation tour," dagdag ni Ran.

'Lie.'

Hindi natinag si Rove sa pagsisinungaling ni Ran at nagpatuloy sa pagtatanong.

"You said John didn't comeback with you. Why?"

"Sumama siya sa isang babae."

They heard gasps and mumblings from the others but Rove continued, maintaining eye contact.

"Hindi mo ba siya kinumbinsing umuwi? Pumunta siya para sa'yo, hinayaan mo siyang maiwan doon?"

Ran bit her lower lip.

Tumayo ang ina ni Ran. Gone was the rage on her face.

"Pasensya na kayo, Rove, Theo, Eddie, Bean." Isa-isa silang tinignan nito.

"Hindi ko kayo pinapapunta rito, hindi ko kayo sinasabihan tungkol sa nangyari kay John, sa lahat. Nag-guilty ako..." paumanhin nito.

Alam nila kung saan ito nanggagaling, iniisip nitong kung hindi niya pinapunta ro'n si John ay hindi sana mangyayari ito.

"Hahahaha." Napatingin sila kay Tita Roberta. "Sorry rin. Disclaimer, I didn't mean everything I accused you. Sinabi ko lang 'yon para sabihin mo sa'min ang nangyari. Peace." Tinatapik-tapik nito ang likod ni Victoria na mukhang hampas. Kinindatan ni Roberta si Ran.

"Pati ba naman ikaw, ha?" pabirong giit ni Victoria.

"It's been burdening you for months now, Ma. Consider this as an outlet," Ran answered.

"Hindi ko talaga inaasahan na roon matatagpuan ni John ang one true love niya," hagulgol ni Victoria. Tinawanan ni Roberta ang namumulang mga mata nito dahil sa pag-iyak.

"Aren't you going to ask why did Kuya go with that woman?" Ran asked them.

"Masaya ba siya?" tanong ni Theo na hindi inaasahan ni Ran. It was a genuine question.

Hindi mahanap ni Ran ang salitang sasabihin. Tinapik siya ni Rove sa balikat.

"Thank you," he said and gestured the other boys to come with him and go.

"He ran away with a woman. What a..." malakas na reklamo ni Eddie habang naglalakad sila palabas ng bahay.

"Una na po kami. Salamat po!" paalam ni Theo.

}





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top