Chapter 3

Team Theo vs. Team Lillian Exhibition Game

Naghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.

Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo.

"At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.

Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon.

"Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manununuod ng stream nito.

Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nina Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayroon pang mga cut out pictures nila at ang pictures ni Theo kasama si Lillian na taga-kabilang team na shini-ship sa kanya.

"Miya."

Dinig nila at lumabas sa screen ang hero na pinili ni Theo, isang marksman.

"Wooooh!"

Nag-cheer at tawanan ulit ang mga tao na tila nae-entertain dahil alam na nila ang mangyayari. Tank build ang gagamitin ni Theo kay Miya.

Naging mas intense ang pangalawang laro dahil malakas din ang kalaban lalo na ang nag-iisang lalaki ng Team Lillian na gamit ay ang hero na si Lancelot.

Tatlong tore na lang ang natira kina Theo at apat naman sa kabilang team. Magkakasamang nagbabasag ang kalaban nila ng tore habang sila naman ay nagde-defend hanggang sa nag clash ang dalawang team at nagsigawan ang mga tao dahil nabaliktad ang sitwasyon.

"Ang hapdi naman no'n! edgardodicarpio!" banggit ng commentator sa username ni Eddie.

Gamit nito ang support na si X.Borg na nakapatay kay Lancelot.

"Napakasakiiiiiiit! Kuya Eddiee~" kanta ng mga audience. Theo always play Napakasakit Kuya Eddie by Roel Cortez whenever Eddie does something remarkable in his live stream, na siya rin ang nage-edit at iu-upload sa YouTube.

Habang kumakanta ang audience, tumatawa ang commentators, nag-uusap ang mga kalaban, sa mesa nina Theo ay hindi nakaligtas sa kanilang apat nina Eddie, Rove at Bean ang paulit-ulit na pagsulyap ni John sa isang babae sa kabilang team na katabi lang nila ng mesa.

Nagulat ang lahat nang namatay rin ang Odette ng kabilang team. Ang kaninang slow motion ay tila bumalik sa totoong takbo ng oras.

They didn't see it coming.

Sino ang pumatay?

"Ay grabi naman 'yon mga pamangkin! Literal na 'You Can't See Me'," sabi ng commentator. "Eto si John Ceno nagpapaka John Cena eh," dagdag nito kaya natawa sila.

Dahil nakita nila kung saan nakapwesto si Lesley, ang hero na gamit ni John na kayang mag camouflage sa loob ng tatlong segundo ay pinuntahan ito ng Guinevere at Franco ng kabilang team.

Na-stun ni Guinevere si Lesley at hinook naman ito ni Franco, pero bago pa man maubos ang buhay ng hero ni John ay sumulpot ang Tank Miya ni Theo.

Sa mapa naman ay walang habas na pinapasok na nina Rove at Bean ang tore ng kalaban para patayin ang mga heroes nito. Hanggang sa mag resurrect ang iba at pinasok ulit nila ito para labanan.

**

Natapos ang laro at ang BSM ang nanalo.

"Salamat sa pagpunta," tipid na sabi ni Rove.

Si Bean naman na kahit walang mic ay parang celebrity na nagpapasalamat, kumakaway-kaway sa mga tumatawag ng pangalan niya at sinasayawan ang mga ito.

"Ingat po kayo!" paalam din ni Theo, nakangiti at kumakaway.

Napatingin silang tatlo kay John at nahuli nila itong nakatingin ulit sa babae kanina.

"Opo ma, tapos na 'yung game," ani ni John sa kausap sa phone, sinusundan ng tingin ang babae.

Inakbayan naman nila si John pababa patungong backstage.

***

Kinabukasan, sabay-sabay na pumasok sina Eddie, Bean, Theo at Rove.

Doon lang nila napagtanto na final exam nila at nag-discuss sila tungkol sa kaso ni John kaysa mag review.

Hindi naman sila babagsak ng dahil sa isang final exam lang.

Nagsi-puntahan na sa kanya-kanyang departamento ang apat.

Tatlong oras ang isang subject pero wala pang 30 minutes ay natapos na magsagot sa questionnaire si Rove. Kahit naman maaga siyang matapos at ang mga kaklase niya kailangan pa rin nilang maghintay sa susunod na klase.

"Pwede nang lumabas 'pag tapos na ha," sabi ng prof nang ipasa niya ang papel niya.

Wala naman siyang ibang pupuntahan kaya nanatili siya roon at nag browse sa phone.

"Patid Road"

Tipa ni Rove sa search bar.

Sa bungad nito ay sinasabing natagpuan ang katawan ni John.

Kilala ang road na 'yon bilang misteryoso dahil sa kababalaghang nararanasan ng mga dumadaan dito. Kaya naman ang mga lumabas na keywords ay tulad ng:

"Patid Road horror stories"

"Patid Road accident"

Paano kung hindi pala aksidente o tao ang nakapatay kay John kundi ang mga elemento?

'Psh.'

Nagsimulang magbasa si Rove ng mga confessions ng experiences ng mga nakadaan na sa road na 'yon sa ispesipikong oras hanggang sa matapos ang first subject.

Ganoon din ang ginawa niya sa second subject, tahimik na nag-exam at nagbasa ng mga confessions sa sulok.

Lunch time

Nauna na siyang lumabas sa mga classmates at professor niya at dumiretso sa usual place.

McDonald's.

Chineck niya ang group chat nila.

MGA BITTER

Theo(pamasko po)

On the way 😁

Bean(atog)

Sinong nasa mcdo na?

Rove(lox)

Ako.

Bean(atog)

Nasa sinehan ako!
Alis na nga 'ko may naghahalikan dito 🤢🤮

Mayamaya ay may lumapit sa table kung saan siya nakapwesto. Nag-angat ng tingin si Rove at bumungad ang pagmumukha ni Bean.

Ilang sandali lang ay dumalo na rin sa table si Theo.

Napansin nilang dumarami na rin ang customers sa kainan lalo na't umiingay. May mga customers na schoolmates din nila.

"Si Eddie?" tanong ni Bean. As if on cue ay may humila ng upuan sa tabi ni Rove at pagtingin nila ay nakita nila si Eddie na mukhang binagyo.

"Ayos ka lang pre?" tanong ni Bean, nakaabang naman sa sagot si Theo na katabi nito.

"May mga hindi ako nasagutan," dismayadong sabi ni Eddie. The three of them can see how Eddie's being disappointed with himself.

"Okay lang 'yun pre, patawarin mo na sarili mo." Kita ni Eddie ang concern sa mga mata ni Rove.

By looking at Rove's eyes and based on what he said, Eddie realized that he's being hard on himself. Samantalang ang mga classmates niya ay parang proud pang walang mai-sagot at chill-chill lang.

No honor, not getting a top score, but they still seem happy. Eddie envies those kinds of students. Happy-go-lucky ones like Bean.

"Kain na," aya ni Theo nang ipatong ang tray ng pagkain nila.

"Oh pre oh, binilhan ka namin ng sundae," sabi ni Bean.

'Yum.' Natakam siya pero hindi pa rin niya magawang kumibo.

"Gusto mo rin ng happy meal?" tanong pa ni Bean sa matinis na boses.

***

May vacant pa sila pagkatapos ng lunch kaya umorder pa ulit sila para makatambay roon.

"Nagbasa 'ko kanina tungkol sa Patid Road... One week ago 'yung recent confession," panimula ni Rove.

Isang gabi, may grupo ng magkakaibigan ang nag road trip sa Dutaw. Ilang beses naman na nilang ginagawa 'yon ayon sa nag post, pero noong araw na iyon ay bandang alas onse na nang dumaan sila sa Patid Road. Ang Road na daraanan patungo at palabas ng Dutaw.

Nakatutok ang mga mata niya sa daan pero biglang bumagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan nang biglang nagbago ang hitsura ng dinaraanan. Tinignan niya sa magkabilang gilid ng salamin pero ganoon din. Sa takot na baka nagi-ilusyon lang siya ay kinakabahang tinanong niya ang mga kasama niya pero mas lalo siyang inatake ng takot nang kumpirmahin ng mga ito na nagbago nga ang dinaraanan nila.

Mula sa karaniwang road na ni-reconstruct, patag ang gitna at sa gilid ay may mga puno ay naging tila malagubat. Napapalibutan sila ng nagtataasang mga puno na kung susulyapan mo ay para bang isinumpa ang mga 'yon. Nagkaroon din ng manipis na hamog.

Bilang driver, nagdadalawang-isip siya kung ihihinto ang sasakyan, mag u-turn o tutuloy sa daan. Naalala niya ang payo na kapag may pumara o makisakay ay huwag pansinin at magpatuloy lang. Kaya inalis niya sa pagpipilian ang ihinto ang sinasakyan. Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak ng manibela, mabagal ang usad ng sasakyan nila. Hindi niya alam kung tutuloy o babalik sa pinanggalingan, bago pa man siya makapag-desisyon ay may biglang nag take over na sasakyan sa kotse nila.

Sinundan niya ng tingin ang kotseng 'yon. Mabilis ang pagpapatakbo nito, hindi siya sigurado kung parte ng ilusyon pero natatakot siyang sundan 'yon. Napa-angat siya ng tingin at bumalik na sa dati ang hitsura ng lugar. Maayos na ulit ang daraanan. May takot pa rin pero nilakasan niya ang loob na magmaneho para makaalis na sila sa lugar na 'yon. Wala ang puting kotse.

Nang makarating sa tinutuluyang rest house sa Dutaw ay napag-usapan nila ang nangyari.

"Ano kayang nangyari do'n sa driver ng puting kotse?" aniya.

"Puting kotse? Black 'yung nag take over sa'tin"

"What?!" Eddie asked confused.

"Tangina pre buti na lang tirik 'yung araw--puta!" Bean suddenly flinched when he felt someone touched his back. Nang lingunin niya ay classmate niya lang pala na nasa mesa sa likod nila.

"Totoo ba 'yon?" parang batang tanong ni Theo.

Rove shrugged. "Maybe, maybe not. It was posted anonymously but that person said he or she is not making up a story. It's really based on their experience plus the witness said the body was thrown out from a white car."

"Shwit," Theo commented.

***

Natapos ang vacant pero hindi naghiwalay ang apat dahil magkaka-klase sila sa pangatlo at panghuling subject ngayong araw.

Nagsimula rin agad ang exam nang dumating ang iba pa nilang kaklase.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang tumayo si Bean. Napatingin ang tatlo nang umalis ito sa kinauupuan at naglakad papuntang harap.

Inaabangan ng tatlo kung anong gagawin nito nang makita nilang inabot nito ang test paper.

"Ambilis naman," nakingiti at proud na komento ng guro kay Bean.

Gaya kanina ay nagsabi ito na kapag tapos na ay pwede ng umuwi dahil last subject na rin naman nila.

Kinuha ni Bean ang bag at dumaan kay Theo. "Hintayin ko kayo sa lobby ah," sabi nito tsaka lumabas ng room.

Ilang minuto pa ang lumipas at tapos na rin sina Theo at Rove.

"'Pag wala nang masagot, 'wag nang pilitin," paalala ng guro nila lalo na't ang mga kaklase nila ay matagal lang nakitingin sa test paper.

'She's right. Bahala na.' Eddie looked at the questions one last time. Wala na siyang alam, 'yung ibang tanong dinaan niya na lang sa reading comprehension. He sighed then stood up to pass his paper.

Pagkalabas nila ay nakita agad nila si Bean na nakaupo sa mahabang upuan at may mesa sa harap. Nakatutok ito sa phone.

"Sana ol, Montero."

Nagsibati ang mga classmates nilang nakalabas na rin ng classroom kay Bean na mabilis natapos.

Pagkaupo nila Eddie, Theo at Rove they noticed Bean has a smug smile pagkatapos tawanan ang mga kaklase.

"Oh, ako lang 'to," bungad ni Bean. "Huwag kayo masyadong ma-amaze, tinapos ko agad yung exam kasi natatae na 'ko."

***

"Theo, may result na ba 'yung autopsy do'n sa bangkay?"

"Ah!" Theo beamed and gets his phone from his bag.

His lips formed into an 'o' as light from his phone hits his face.

May mga missed calls at texts mula sa mama niya.

"'Nak, hindi raw si John ang bangkay," basa niya.

Halos magkapalitan sila ng mukha nang dumungaw sa phone ni Theo.

Binuksan niya rin ang messenger app at tinignan ang group chat na ginawa nila kasama ang Tita ni John na siyang nagu-update sa kanila.

"So pwedeng si John talaga 'yung naghagis ng katawan?! Shit, may kaibigan ba tayong serial killer?" malalaking matang tanong ni Bean. Mukhang ewan.

"Come to think of it, 'yung confession kanina, pa'no 'pag sinundan natin 'yung puting kotse baka makita natin siya," sabi ni Eddie.

"Paano 'yung itim na kotse? Diba sabi, magka-ibang kulay ang nakita ng nag post at mga kasama niya?" nanunuring tanong ni Theo.

"Shit, baka naman ghost car 'yun! Tapos puti ang makikita mong kulay kung pupunta kang langit, tapos itim kung sa impyerno..." sabi ni Bean.

"Baka kinuha ng engkanto si John!!!"

Natahimik silang apat.

"Kailangan muna nating makausap si Ran," sabi ni Rove.

"'Yung babaeng tinitignan ni John do'n sa exhibition game?" tanong ni Theo.

"Oo."

"Sino siya?" wala talaga itong kaide-ideya.

Tumuon ang mata ni Theo sa labi ni Rove at binasa ang paggalaw nito.

"She's his step sister."

}



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top