Chapter 22
John groaned when someone kept on calling his name. "John! Huy!" Tila aligaga pa ang taong 'yon. Idinilat niya ang mga at bumungad ang mukha ni Bean na nasa gilid ng kama niya. Nagbago si John ng pwesto at tumihaya sa higaan para malaman ni Bean na gising na siya dahil patuloy pa rin ito sa pagtawag sa pangalan niya.
'Panaginip lang ba 'yun?'
Nagbaba ng tingin si John at nakita niya sina Rove at Eddie sa magkabilang paanan niya kaya napaupo siya ng wala sa oras. "Anong meron?" tanong niya sa dalawa.
"Magde-date tayo sa Valentines' diba? Tinulugan mo naman kami," singit ni Bean.
John's face became distorted. "Anong Valentine's?" Hinablot ni John ang kaniyang cellphone at tinignan ang date. "April na eh!"
"Happy April Fools!" bigay todong tumawa si Bean, naningkit na rin ang mga mata nito. Napangiti si John dahil sa mukhang tangang hitsura ng kaibigan. Sinulyapan niya sina Eddie at Rove na inaasahan niyang tumatawa rin pero kahit bahid ng ngiti ay wala siyang nadatnan. Seryosong nakatingin sa kaniya si Rove.
"Bakit?" John's heart skipped a beat.
Narinig nila ang pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni John nang iluwa no'n si Theo. Naglakad ito palapit sa kanila at tumabi ng upo sa kama. Napansin naman nina Rove, Eddie, at Bean ang pananahimik ang pag distansya ni John.
"Tara na ba?" yaya ni Bean sa kanila pero natigilan ito nang mag-angat si John ng ulo.
"Why are you crying?!" bulalas ni Eddie.
***
Matiim na nakikinig ang apat habang kinu-kwento ni John ang napaginipan niya.
"Malabo namang gawin ko 'yon," pag-kunswelo ni Theo kay John ngunit hindi rin nito mapigilan ang matawa.
Niyakap ni John si Theo sa tagiliran at idinantay ang pisngi sa balikat nito. "Tapos nag trabaho raw ulit ako sa GC, maayos naman pakikisama nila sa'kin pati ng mga customers pero nakakatakot mga ngiti nila. Tsaka inutusan ako pumunta sa stock room, nagbago 'yung setting parang napunta 'ko sa Grace Field House," dagdag pa ni John.
Nagsihagalpakan na naman sa pagtawa ang apat. "Ano? Nasa panaginip mo si Mama Isabella?" Naglulupasay na sa kama si Bean. Sina Eddie, Rove at Theo naman ay halos mamatay na rin sa pagtawa dahil sa paglalarawan ni John sa karakter ng isang anime.
"Nanuod ka ba ng The Promised Neverland tsaka Ipaglaban Mo bago natulog?" natatawa pa ring tanong ni Eddie kay John.
John pouted cutely. "Oo." Nahiga siya ulit at ginawang unan ang hita ni Theo.
"Pero John, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Andra?" Ilang sandali pagkatapos itanong iyon ni Rove ay naging seryoso silang lahat. "Two years na pero hindi ka pa rin maayos, your therapy sessions didn't work out as well. I know it will take a long time for you to be okay again but I suppose, hindi mo pa sinasabi sa'min lahat. Remember what your psychiatrist said? I-kwento mo lang nang i-kwento hanggang maging maayos ka."
"Did Andra rape you?" diretsong tanong ni Rove.
Tumagilid ng higa si John at sumiksik sa tiyan ni Theo. Naramdaman niya ang mabilis na pagnigilid ng luha. Frustrated because he's gotten vulnerable.
He knew he wasn't thinking straight when he thought that it would be better and easier that he was raped. Kapag sinabi niya sa ibang tao ay maiintindihan agad ng mga ito at magiging madali lang din magbigay ng simpatya sa kaniya. Pero...
"H-hindi." Tumuon ang apat sa kaniya. "Hindi ako na-rape." Parang nabunutan ng tinik sila Theo, Bean, Eddie at Rove.
"Mahirap kasing maintindihan..." Tila may bumabara sa lalamunan niya at humahapdi na rin ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.
"Sasabihin lang ng iba na nasa isip ko lang iyon. Nagpapaka-duwag lang ako. Mahina ako. Hindi naman gano'n kalala ang nangyari sa'kin. Nag-iinarte lang ako." Humihikbi aniya ni John. He's also not comfortable voicing out something like this.
"Gano'n talaga mangyayari kapag sinabi mo sa iba." Nagulat sila sa sinabi ni Bean. Sasawayin sana ito ni Eddie nang muling magsalita si Bean. "Sa totoong buhay, hindi naman alam ng iba point of view mo hindi katulad sa isang nobela o istorya na malalaman ng mga mambabasa kapag binasa nila, malamang. Kaya kapag wala kang sinabi hindi ka talaga maiintindihan, walang makakaalam ng kwento mo at pinagdadaanan mo. Pero syempre kung hindi naman mga tamang tao ang pinagsabihan mo, hindi ka pa rin nila maiintindihan. But we care about you, even if we're not in your shoe, we will understand you."
Mas lalo namang umiyak si John at sa pagkakataon na 'yon ay hindi niya na pinigilan. Hinimas ni Theo ang ulo niya.
"Maligo ka muna. Mamaya na natin ituloy ang usapan, ha," nakangiting yaya ni Rove na tumayo na.
Si Ran ang nagpa-pasok kina Theo bago ito umalis, si Victoria naman ay nag-apply sa isang bangko kaya sina John lang ang kasalukuyang nasa bahay.
***
Naglapag sina Eddie at Rove sa lamesa nila ng apat na tray na punong-puno, inorder na 'ata nila lahat ng nasa menu ng McDonald's. "Theo, mag vlog kaya tayo ng mukbang. An'dami nito eh," suhestyon ni Bean na may halong sarkasmo.
"May happy meal pa," mahinang untag ni John. Lahat na rin ng bersyon ng laruan ay binili nila.
"Sa'yo 'yan lahat, pero may binili ako sa'kin," imporma ni Eddie at sumilip sa mga box para hanapin kung saan nakalagay ang laruan niya.
"Mahaba-habang usapan 'to." Kumagat si Rove sa burger niya.
Napalunok naman si John at naawa sa lalamunan niya. "Matagal na kaming nagtataka pero hindi namin matanong sa'yo..." Napatingin si John kay Theo at sumang-ayon naman ang tatlo rito.
"Alin?" Pati siya ay na-intriga at hinalukay sa isip kung ano ang posibleng tinutukoy nina Theo.
"No'ng nakarating kami sa chapel, naabutan namin kayo ni Andra," umpisa ni Rove.
"You were kissing," pagpapatuloy ni Eddie at umaktong nasusuka.
"At hindi mukhang pilit," dagdag ni Bean.
"Bakit?" tanong ni Theo na ginaya pa ang tono ng pananalita ni Liza Soberano sa may Ex and Whys.
John was disgusted when Andra's name was mentioned and the memory of their kiss but he can't help but laugh mentally by the way his friends acted.
Sumubo siya ng chocolate sundae bago sumagot. "We made a pact."
"She lured me to come with her not because she wanted a brother, but because she needed someone who could impregnate her." Sumipsip si John sa coke float habang nakangiwi.
"That's messed up!" Eddie was horrified.
"Your friend's good-looking, noh?" sambit ni Andra. Magkatabi silang dalawa ni John sa bench ng garden sa likod ng chapel. Nakahalumbaba ito habang pinagmamasdan mula sa malayo si Leo habang magiliw na kausap ang isang babae.
"Alam mo ba nag-confess siya sa'kin dati. But I rejected him. Nagsisisi na 'ko ngayon," Andra told John, more like she's flexing.
"Andra turned Leo down, I don't know about the driver but that's why she dragged me. Hindi ko alam kung alam ni Faron pero sinadyang mamatay ng mga magulang niya dahil naniniwala silang mabubuhay ulit. It's like testing their God. When they die, they will be reborn with the help of Andra's prayers. Pero kailangan ni Andra mabuntis—"
"What are you saying is... Andra will give birth to Faron's parents?" Kunot-noong tanong ni Eddie.
"That's what she told me." John tsked when he remembered Andra's touches and dirty talks. "Kinumpiska nila ang cellphone ko kaya hindi ko kayo magawang kontakin, ang pinapagamit lang nila na cellphone 'yung may mga game apps pero walang sim card at restricted din ang social networking platforms. Sinira rin nila ang kotse ko."
"Andra kept on touching me and convincing me to have sex with her." Binabaan ni John ang boses. Tinuon niya ang mga mata sa pagkain sa lamesa habang patuloy nag nagku-kwento.
"Akala ko hahayaan lang ako ni Leo pero gumawa pala siya ng paraan para makausap at masabi sa inyo." He paused. "Kinausap niya si Andra at sinabing siya na ang gagawa no'n."
Nanlaki naman ang mga mata ng apat.
"Hala, Leo." Theo was amazed but at the same time concerned for Leo's sacrifice.
"But that's when you guys came into the scene." John sighed and smiled. "The three of us made a pact."
"Payag ako," sambit ni Andra habang may naglalarong ngiti sa mga labi. "But in one condition." Naging mapanganib ang boses nito ngunit hindi pa rin naaalis ang ngiti. Pinadulas ni Andra ang kanyang hintuturo sa dibdib ni John. "Let me taste your lips, at least."
"Ohhhh." Parang mga estudyanteng naliwanagan sa explanation ang apat, at si John ang guro.
"Kahit hindi pala kami pumunta, makakauwi ka na?" tanong ni Bean na katabi lang ni John.
"Hindi. Sa sex part lang ako exempted, mananatili pa rin ako sa bahay," aniya ni John na may mapaklang ngiti.
Kumuha siya ng fries. "Kaya mabuti na ring nakapunta kayo. I'm not the only one you saved and set free, but also Leo." Ngumiti siya kila Rove. "Kaso..." Malungkot na ngumiti si John kay Eddie.
"Thanks for worrying about me," aniya ni Eddie. He wanted to say that it's okay and it's his choice but he doesn't want to be inconsiderate of John's way of handling things.
Dismayadong natawa si John. "Hindi 'ko pa nga nakakausap ng maayos mama mo."
"John, diba pwede mong kasuhan si Andrea," inosenteng tanong ni Theo pero tinignan lang siya ng apat.
"Huh? Ay Andra pala." Natawa ito at nasapo ang noo. "Pasensya na." Sinilip siya nina Eddie, Rove at John.
"Inaantok ka na?" tanong ni John. Napatingin silang lahat sa labas at nakitang madilim na. Hapon naman na nang pumunta sila.
"Pwede mo siyang kasuhan ng sexual battery, diba?" usisa ni Bean.
Nagyuko ng ulo si John. "Pero baka kumalat, madamay pa kayo. Sinungaling pa man din 'yong babaeng 'yon."
"Katulad sa panaginip mo?" tanong ni Theo at tumango si John.
"Isa pa, kung mapakulong man siya, makakalaya rin naman at guguluhin na naman ako hangga't hindi siya nakakahanap ng bagong bibiktimahin. That's why I think Faron and Leo's idea was for the greater good."
Natawa naman si Rove at nagtatakang tumingin sila ang apat sa kaniya. "Naalala ko lang si Tita Victoria. Ganyan na ganyan siya no'ng hindi ka makita."
John gave him a what-do-you-mean look. "Na-tweet ni Bean na nawawala ka, bago niya nabura may mga nakakita na at may mga replies na rin. Nagalit si Tita sa'min at hindi na kami welcome sa bahay niyo. Kay Tita Robs na lang din kami nakakakuha ng update tungkol sa kaso mo kasi hindi kami binabalitaan ni Tita Victoria." Umawang ang bibig ni John sa mga nalaman niya mula kay Rove.
"Turns out, she's having a hard time getting help from the police because you're already on your legal age, plus hindi ka naman talaga nila kadugo ni Ran at wala ang biological parents mo kaya sina-suggest ng mga awtoridad na baka busy ka lang sa mga part-time jobs mo o kaya naman gusto mo nang bumukod sa kanila at hindi ka naman talaga nawawala. She thinks that letting the public know will only get in the way of finding you, and she has a point." Rove looked at him in the eyes.
"Nasa akin pa rin 'ata 'yon." Bean checked his phone and after some time he handed it over to John.
Binasa naman ni John ang mga replies sa tweet ni Bean noon. "May nagsabi pa ngang naglayas ka tapos sumama ka sa babae." Tumawa si Bean.
"I guess Tita's really concerned about you. She also blamed herself dahil siya ang nagpapunta sa'yo para sunduin si Ran," sabi ni Rove.
"Kung malalaman ng mga tao sa internet na nawawala ka, tingin ko makakatulong din sa paghahanap sa'yo. But it's also a problem when people don't fully know about something, they will try to fill that gap and make their own reality," sabi ni Eddie.
John sighed and smiled at them. "Thank you." Bumaling siya kay Theo. "Uwian na ba?" tanong ni Bean nang maalalang inaantok na ang kasama nila.
***
Pagkapasok ni John sa bahay nila ay nadatnan niya sina Victoria at Ran sa sala. He felt like crying.
"Oh, John." Victoria's voice sounded soft compared to the other days. Naglakad si John papunta sa harap ng sofa para lapitan sila. May mga maleta at bags na nasa paanan ng mag-ina.
Victoria cupped his cheeks. "Aalis na kami rito, 'nak ha? Wala na ang papa mo kaya nakakahiya naman mag stay rito. Sa kabilang village lang din naman 'yong nakuha kong uupahan. Pwede kang bumisita kung gusto mo," imporma ni Victoria kay John na namumuo na ang luha.
"Mm," tugon ni John. Hindi siya makapagsalita dahil siguradong hahagulgol lang siya.
Victoria kissed the top of his head. Tumayo na ang mag-ina at hinila na ni Victoria ang kaniyang maleta, si Ran naman ay binuhat na ang natirang bags at mga gamit nilang dalawa.
"Hoy, Kuya, hindi naman kami mag-iibang bansa. Chat chat na lang pag na-miss mo ako," biro ni Ran.
Narinig ni John ang pagbukas at sara ng pinto pero nanatiling nakayuko ang ulo niya. Naiwan na siya sa sofa. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto. Ran and Victoria left the house but he didn't run after them.
Maybe, it was for the greater good.
***
"Ma, tingin mo magiging okay lang si Kuya mag-isa sa bahay?" tanong ni Ran sa ina habang nasa gilid sila ng kalsada at naglalakad palabas ng Golden Cross Road.
"You and I both remind him of Andra. Mas mapapadali pagmo-move on niya kung hindi niya tayo makikita. And I know my place," aniya ni Victora. Itunuon nilang dalawa ang atensyon sa gate na may naka-tokang guwardya.
'Axel's no longer there and this is my way of helping his son.'
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top