Chapter 21
"Anong tea kay John Ceno?"
"Imagine 'yung iniidolo na'tin rapist pala. Shamee."
"Guilty rin ako! Sabi ko pa naman noon iba sila sa ibang streamer na mayabang haha. Hindi nga mayabang, rapist naman."
"Grabe noh, sila na nga lang yung pinapanuod ko kasi maayos. May tinatagong baho rin pala."
"Kawawa naman sila Theo, yung sinasama niya sa vlog niya rapist pala."
"Paanong kawawa? Baka nga alam nila yung ginagawa nun hinahayaan lang nila."
"Baka pare-pareho lang sila."
"Bitter Sweet Squad baka Bed Scene Squad hahaha."
"Korni naman neto," hindi mapigilang komento ni Bean na binabasa ang mga tweets at replies ng mga netizens na pina-print niya pa.
"Squad Goals."
Those words were like the last straw. 'Sobra na sila.' Nakuyom ni John ang kamao nang marinig ang balita mula kina Eddie, Bean, Rove at Theo na binisita siya sa presinto. Napakadali lang pag piyestahan ang mga buhay ng tao kahit hindi nila alam ang buong pangyayari, o kung may pakialam ba sila sa katotohanan. Ang mahalaga ay may pinagkakaisahan sila.
Nag-aalala at takot na bumaling si John kay Theo na patuloy pa ring nagbabasa ng comments at ang maririning lang ay ang paglipat nito ng pahina. "So..." Halos hangin ang lumabas sa bibig ni John.
"Sorry, Theo," paiyak na sambit ni John. Napayuko siya, nagsisising nadamay pa ang mga kaibigan niya. If only he didn't make that mistake. Kung sana ay hindi siya nagpadalos-dalos sa pagsama kay Andra. Ngunit ang pinaka-pinagsisisihan niya ay ang pagiging mabait.
'Tinatanong ko ang sarili ko kung mabait nga ba ako o tanga lang. Kung sana hindi ako naging patas, sana pinaniwalaan ko na lang si Ran, kung sana tinanggap ko na lang ang desisyon niyang pagtapos sa pagkakaibigan nila kahit hindi ko alam ang panig ni Andra. Sana nagtiwala na lang ako sa kapatid ko.'
"Siguraduhin mo lang na ikaw ang biktima rito," may poot na sabi ni Theo.
'Out of all people—' Ipinilig ni John ang ulo at yumuko ulit nang maisip na may karapatan din sina Theo na magalit kahit na kaibigan niya ang mga ito.
"Ano ka ba, Theo. Nagpapadala ka na rin sa mga pinagsasasabi ng ibang tao. Kung sino man ang mas nakakakilala kay John, tayo 'yon," pangungumbinsi ni Bean na sinusubukang pagaanin ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Eddie gulped before calling John's attention. "John, Andra's the one who really committed what she's accusing you, right?" he asked carefully, trying to settle it once and for all.
John clenched his fist, after some time, he nodded.
Eddie, Rove, and Bean smiled. Theo also loosens up a bit.
It was the first day of John's trial. Andra has prepared evidence, such as footage of her being tied up in bed, and a clip of her and John kissing. The first plan was to plea bargain but John decided and pleaded not guilty that's why the netizens were flooding hate comments and posts. John and Andra became a national topic.
***
Muling binisita ng apat si John. "Good news, may pumapanig pa rin sa atin." Nilabas ni Bean ang mga pina-print niyang screenshots.
"Ang hilig mo," nakangusong aniya ni John.
"Eh bawal magdala ng selpon sa loob eh!" pagdadahilan ni Bean na parang batang magre-report sa klase at may dalang kodigo.
"Hindi naman porket lalake si Kuya John eh automatic rapist na siya. May mga cases din na pinagsasamantalahan ang mga lalake, either ng kapwa lalake o babae. But y'all making it a laughing stock. Stop your double standard mentality."
"How many men have been sexually assaulted but remained silent or, they speak up but nobody believes them thinking that it's ridiculous for a man to be raped by a woman. And saying, they must've liked it. If they don't, they are gay."
"Sorry, nadamay pa kayo." Halata na ang pagod ni John sa mga mata nito.
May pinaliwanag ang attorney ni John na si Yel mismo ang kumuha para tulungan siya. Pagkatapos dumalaw ng apat ay natagpuan muli ni John ang sarili sa kaniyang selda.
Natatakot siya sa loob dahil sa mga kasama pero hindi naman siya kinakausap o nilalapitan ng mga ito. Hindi niya alam kung ilan sila sa loob dahil baka magalit ang mga ito kapag nahuli siyang nakatingin sa kanila.
Pumwesto siya sa madilim na sulok dahil ayaw niya nang alalahanin ang mga ibang bisita na dadaan sa selda nila at makikita siya sa likod ng rehas. He's wrecked mentally. Humilig siya sa malamig at maruming dingding, ipinikit ang mga mata.
Lumabas ang mga imahe ng mga kaibigan niya. Nag-aalala siya para sa apat. Nag-aalala siya dahil maging siya ay hindi na sigurado kung alin ba talaga ang totoo. Andra's statements were matching his. Paano kung ang bersyon niya pala ang mali. Nayakap niya ang mga binti. Paano kung niloloko niya ang sarili niya. Hinilig niya ang kaniyang ulo dahil sumasakit na naman ito. What if he just convinced himself that he's the victim? What if Andra was the one who's telling the truth...
"'Toy." Nagulat siya nang may tumapik sa kaniya, pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang matandang kasama sa selda na may sinasabi sa kaniya. Kinabahan siya dahil nakalingon at tinititigan din pala siya ng lahat ng inmate na naroon.
"John Ceno!" Nangibabaw ang tinig ng nasa labas kaya tumayo si John para alamin kung anong kailangan nito. Isang lalaking nakasuot ng police uniform ang naabutan niya. "May bisita ka."
Tatanungin niya pa lang ang guwardiya kung sino dahil bumisita na sa kaniya ang mga kaibigan niya kasama ang attorney niya ngunit wala na siyang nagawa kundi lumabas at sundan ito nang buksan ang rehas ng selda.
"Leo," hindi makapaniwalang bigkas ni John sa pangalan ng kaibigan nang makita itong naghihintay sa isa sa mga lamesa.
Noong una ay nabuhayan siya ng loob pero nang paupo siya sa kaharap na upuan nito ay hindi niya na sigurado kung ano ba talaga ang pakay nito. 'Will he help or not?'
"John." Leo looked at him apologetically. John got confused when Leo suddenly smiled reassuringly. "Hindi kita hahayaang makulong, kaso may problema..."
"Ano?" sabik na tanong ni John. Kung anu-anong posibilidad ang pumapasok sa isip niya.
"Alam mo kung ga'no ka-tuso si Andra, pwedeng mabaliktad pati ako," saad ni Leo. Nakuha naman agad ni John ang ibig nitong sabihin. Papalabasin ni Andra na magkasabwat sila sa pananamantala rito.
"Nakumbinsi ko ang kasama natin sa bahay maging witness din." Nagkitinginan silang dalawa.
"Si Harm?" gulat na tanong ni John.
"Kung magiging witness din sila Faron, tingin mo paniniwalaan tayo? Pare-pareho tayong lalaki." Tinapik ni Leo ang balikat ni John. "I can't guarantee that we will win, mag-iisip pa 'ko ng paraan.
***
How can they beat a machiavellian like Andra? Right now, people don't care about the ugly truth, what matters is a convincing story. A story that can be easily absorbed by their little brains.
"Malay niyo frame up lang, baka 'yang Claer na 'yan ang nag-utos na gahasain si Andra. Ang ganda ganda kaya ni Andra, mabait pa, mukhang inggit lang sa kaniya 'yung babae." Haka-haka ng mga taong nakakuha ng source na mayroong babaeng tumayong witness para kay John sa kanilang mga screen.
"Bakit ba kasi hindi na nila ikulong? Halatang-halata namang guilty!" reklamo ng iba sa social media.
"Ang hirap ng sitwasyon ni Ceno. Nalabag na ang dangal mo pero hindi ka pinaniniwalaan ng mga tao dahil lalaki pka at isang magandang binibini ang nasasakdal."
Samantala, tumahimik at napalingon ang lahat sa likod kung saan nila narinig ang nagsalita.
"Boss," John beamed. Nasa pinaka-likod si Yel at aroganteng nagpapaypay pa gamit ang abaniko. 'Anong trip niya?'
Namalayan ni John na unti-unting bumabalik sa normal na pagtibok ang puso niyang parang lalabas na mula sa dibdib niya kanina.
May isa pang humarap bilang witness. Hinuli ni John ang paningin ni Leo at tinaguan siya nito.
Bumalik ang tingin ni John sa harapan at pinanuod ang pamilyar na lalake.
"I solemnly and sincerely declare and affirm that the evidence I shall give will be the truth, the whole truth and nothing but the truth." Umayos ng upo ang lalake sa witness stand.
Hindi inaasahan ni John na pati ito ay tutulong na mapawalang sala siya. Katumbas noon ay ang pagtalikod kay Andra.
He still can't believe that Andra's driver will be on his side. Bumaling siya sa likod ngunit wala na roon si Yel at hindi niya na ito matagpuan sa courtoom.
The judge considered the fact that Andra had no witness, the evidence that their party presented was insufficient, therefore, the verdict...
"Not guilty," hatol ng judge. Sa mga sandaling iyon, ang pagtaas ng balahibo ni John ay hindi na dahil sa pangamba ngunit sa labis na kasiyahan.
Nangingiti siyang naluluha habang nanunuot sa balat niya ang lamig sa courtroom. Sina Theo, Eddie, Rove at Bean ang agad na pumasok sa isip niya. 'Gusto ko nang umuwi.'
John can't wait to bring the good news to his friends.
Lumamlam ang mga mata niya nang maalala sina Ran at Victoria. Will they win immediately if Ran was here and give her statement against Andra? John can't help but feel resentful.
Ipinikit niya ang mga mata at kinumbinsi ang sarili, 'It's now over, John. All you have to do now is to move on and start a new life.'
***
Sina Mary Belle, Theo, Rove, Bean, at Eddie ang magdamag na tumatakbo sa isip ni John magmula nang makauwi siya. 'They can trust me again. Babalik ulit kami sa rati.'
Nalinis na ang pangalan niya sa batas, pero hindi siya sigurado kung kailan magiging maayos ulit ang reputasyon niya sa mga tao. Paniguradong may ilan pa rin ang hindi naniniwala na inosente siya.
Ang importante ay nalaman na ng iba kung anong klaseng tao si Andra at naibahagi niya na rin ang hindi magandang karanasan sa mga kamay nito.
Andra was sued for cyber-libel and was imprisoned. Naguguluhan si John sa mga nangyayari dahil kung ito ang unang hakbang na kanilang ginawa ay hindi na sila hahantong pa sa mas malala at mahirap na proseso.
Hindi rin alam ni John kung saan magsisimula.
Natagpuan niya ang sariling nakatayo sa tapat ng Golden Cuisine. He felt nostalgic. Dito siya nagsimula at dito rin siya bumalik. Their house with Laurice and Axel, Golden Campus, so... that made Golden Cuisine his third home.
Pagtulak niya ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang mga staff na tila may nakahanda ng ngiti. 'Well, they were Boss Yel's employees and my co-workers before. They must've learned the truth about me from Boss. It will be okay,' John thought.
Buong puso siyang tinanggap ni Yel pati ng isa pang owner ng Golden Cuisine na mag trabaho ulit sa kanila. Gaya ng dati, siya ang nakaatas sa inventory at music ng restaurant.
Marami na ang kanilang regular customers pero sa araw na iyon a dinumog sila at naging triple ang mga tao. Pati ang palapag na para sa celebrations ay na-okupa na.
Nagpaalam si John kay Yel na ayaw niya munang makita ng mga tao dahil hindi niya rin alam kung paano siya tutugon ng maayos sakaling iungkat ang naging issue niya. Naintindihan naman ni Yel na nasa proseso pa si John ng paghilom, hindi rin makakatulong kung ma-trigger ang trauma nito. Pumayag si Yel na sa likod lang mag trabaho si John hangga't kailangan nito. Yel knew that John couldn't function great like before.
Ngunit sa araw na 'to ay kailangan niyang tumulong sa pag-asikaso sa mga customers.
"Sigurado ka ba, Ceno?" pagkumpirma ni Yel. Ngumiti si John at tumango. Pinakiramdaman niya ang sarili. 'Mukhang ayos na 'ko kumpara rati.'
He nodded at Yel once again before heading to the counter to get the orders and serve them. Hindi naman siya nagka-problema dahil mukhang walang pakialam sa kaniya ang mga customers, karamihan sa mga ito ay animo'y sopistikado na walang panahon sa chismis.
"Ah, John! Pwedeng paki-check kung may stock pa tayo nito?" Lumapit sa kaniya ang isa sa mga waitress.
"Sige." Nginitian niya ito at naglakad na siya patungo sa stock room.
Pagbukas niya ng nasabing silid ay may naaninag siyang pigura sa loob. Hindi pa niya napipindot ang switch ng ilaw pero kitang-kita niya ang suot nitong black dress na mahaba ang manggas na pinaibabawan ng puting apron. Nakangiti ang babae sa kaniya.
Humakbang patalikod si John, hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng takot sa babae. Babalik siya kung saan maraming tao ngunit paglingon niya ay isang madilim na pasilyo lang ang nakikita niya.
Nagdadalawang-isip siya kung lalakarin niya ang pasilyo para makalayo sa babae, wala siyang makitang iba bukod sa hagdanan sa kanan na natatamaan ng liwanag ng ilaw.
Bago pa man makapagdesisyon ay tila may humatak sa diwa niya.
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top