Chapter 20
Naiwang bukas ang ilaw sa kaniyang kuwarto ang unang napuna ni John nang magising. Pinilit niyang bumangon dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho. He can't obsess with his problem and be unproductive the whole day again.
Kumulo ang sikmura niya kaya bumaba muna siya para kumain bago maligo. Naabutan niya sina Victoria at Ran sa hapagkainan na tahimik na kumakain. Pero may nararamdaman siyang tensyon, parang may mali.
Hindi na inisip ni John kung ano man ang pino-problema ng mag-ina. Kumuha lang siya ng Gardenia at nilagpasan ang dalawa para umakyat ulit. Tila ba kusa na lang siyang dinala ng mga paa sa hagdan dahil ayaw niyang makatabi sa mesa sina Victoria.
Bumuntonghininga siya habang kinakain ang slice ng tinapay. Iniwasan niyang manatili ng matagal sa baba kaya ito lang ang makakain niya kahit na parang nagma-makaawa na ang tiyan.
'Bibili na lang ako paglabas.' He decided as if comforting his stomach.
Kinain niya na ng buo ang tinapay at nagpagpag ng kamay. John shuffled his way to the bathroom with the clothes and towel on his arm.
***
Bumaba siya ng motor at naglakad palapit sa mga kakilalang ka-grab. Smiling, John was about to greet his co-workers when he noticed their hostility.
Maya-maya ay nagsihalakhakan ang iba rito.
'There's no way they are doing this to me, right?' He felt like he's being mocked and looked down on. Ang tingin niya ay mabubuting tao ang mga bagong kinaibigan niya, mali na naman ba siya? He kept looking at them left and right, trying to make sense of their actions. Para bang may nagawa siyang mali.
Pumasok sa isip niya ang posibleng rason. 'Dahil ba sa pag absent ko? Dahil mahina ako at hinahayaang makasagabal ang problema ko sa trabaho?'
"Grabe, 'tol! Mabait lang pala sa iba pero nang-aabuso na pala," wika ng isa
"Iba na talaga mga baboy ngayon, nagbabalat-kayong tao. Wala na 'kong tiwala sa mga matitino kuno." Ngumiwi ang isa.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Sinubukuan ni John na sumingit sa usapan nila. He kept his smile even though he can imagine them assaulting him if he dares to speak.
"Bakit ka pa pumasok?" tanong ng isa. May pag-aalala at pagbabanta sa paraan ng pagtingin nito.
Napuno ng kuryosidad si John. He felt something was off but he stayed. He needs to work no matter what.
"Bakit?" John chuckled awkwardly, trying to make the situation light.
"Wala kaming kasamahang rapist."
Napanganga si John. Nawala ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha at itinikom niya ang bibig. The voice in his head was consoling him not to act on his emotions, again. Sa loob niya ay gumuguho na ang kaniyang mundo ngunit pinigilan niya ang kahit anong drama, kailangan niyang maging matapang ngayon. He gathered all the strength he can get for the voice to come out from his mouth.
"Ano hong sinasabi niyo?" magalang niyang saad.
Kumilos ang lalaking nagtanong kung bakit pumasok siya, kinuha nito ang cellphone sa beltbag. May hinanap ito at ilang sandali ay iniharap kay John ang screen.
@19211whitegoddess
I have a confession.
Tinitigan ni John ang username. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Hindi rin naging pantay ang paghinga ni John.
Kinakabahan man ay gusto niyang malinawan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga kasamahan. Sinimulan niyang basahin ang thread
I stayed quiet for years. Because it's hard to tell the truth. My choice of not exposing him was to protect myself, but my choice benefits him the most. My silence also serves as an opportunity for him to change for the better.
+Sayang naman ang magandang reputasyon na binuo niya para sirain ko.
+I believed that I'm not the first and only victim. Marami pang iba na piniling manahimik dahil alam na naming mas magiging komplikado lang ang lahat at sa kaniya rin sigurado mapupunta ang simpatya. Mas maraming maniniwala sa kaniya.
+Why? Because he's famous. Good-looking with a decent reputation.
+I tried to fight this alone. Instead of seeking revenge, I was focused on healing. I tried my best, but maybe what happened cannot be healed. For the past years, the suffering is still haunting me. Trauma, kung tawagin nila. I tried everything I could think of, maliban sa isang bagay.
+Ang maparusahan siya. It's just so unfair that while I'm drowning in pain, the guy continued to live like he didn't ruin someone else's life.
+With all my courage, I am breaking my silence today. I was raped. By the Bitter Sweet Squad's member John Ceno.
+I was friends with his younger sister but she already cut ties with me without even a closure. I treated her as my own family, pero nagalit siya sa akin. She's jealous of me. After all that, I still want to save our friendship. Thinking that I could still make it up for her,
+hinanap ko siya at nakiusap but she didn't give me a chance. She's with John at that time, he told her to go home. Kinausap niya ako, and I was happy that he wanted to know my side. Bilang nakatatandang kapatid, I thought he's going to make his sister understand me.
+Wala siyang matutuluyan dahil tapos na ang reservations nila sa vacation house. I offered him to stay at my place. Honestly, magaan ang loob ko sa kaniya. I didn't sense any danger, all I could think was that he's a good guy and a good brother.
+Mali ako sa part na 'to because little did I know that he didn't care about me and his sister or anything.
+He just wanted to get in my pants. Pinagsamantalahan niya ako sa sarili kong tahanan. Sinubukan kong humingi ng tulong pero kinuha niya ang cellphone ko at pinutol ang linya ng telepono. Hindi ako makaalis dahil sinira rin niya ang sasakyan ko.
+I live in a secluded place, it was in the middle of a forest. Wala akong kapitbahay at hindi ako maswerte para basta nalang may maliwag na tao roon para makita ako.
+It continued to happen for months. Wala akong magawa kundi sumunod sa mga gusto niya dahil natatakot akong mamatay. I'm not scared to die, I'm scared to suffer before I die. I lost myself in the process. He manipulated me. Sa mga oras na 'yon iniisip ko na baka iyon ang karma ko.
+Pero anong ginawa ko para magdusa ng gano'n? I didn't do anything that could harm others like that!
+I don't want to blame anyone else so I blamed myself. Na sana kung hindi ko hinanap ang kapatid niya, hindi kami magkikita. Na sana kung hindi ko siya pinatuloy sa bahay, I could've spared myself from his cruelty. If hadn't been stupid, maybe I could've avoided losing myself.
+He threatened me that no one would believe. That I'm just a country girl and everybody loves him. Sinong maniniwala sa akin kung siya ang may magandang reputasyon? I hope this suffering ends with me. Ayokong maranasan 'to ng iba dahil may kriminal na hindi naparusahan.
+Para rin naman sa kaniya 'to, he could do the right thing, behind the bars.
Hindi napigilan ni John ang panginginig ng mga kamay at pag-iyak. Nilamon siya ng galit para kay Andra. Nanlilisik ang mga mata niyang namumula dahil sa pagluha.
"Sinungaling 'yan! Gumagawa lang siya ng kwento!" His nose was already stuffy from crying. Hindi niya napanindigan ang pagiging kalmado dahil sobra na. Tinatanong niya ang sarili kung ano bang ginawa niya para mangyari 'to.
"Hindi talaga 'ko naniniwala nu'ng una na mabait ka, sabi ko na nasa loob din ang kulo." Ngumisi ang isa.
"Hindi ko talaga 'yon ginawa!" Pinunasan niya ang mga matang walang tigil sa pagluha. "Nagsisinungaling siya!" Alam niyang nadadala na rin siya ng emosyon, pero sa kanilang lahat siya ang may karapatang magalit.
"Oy, hindi porket 'yan ang iniisip mo ibig sabihin hindi niya talaga naranasan 'yon."
"Hindi ikaw magde-desisyon kung nasaktan mo 'yong tao o hindi."
All of them started to walk towards John.
***
Natagpuan na lang ni John ang sariling nakaupo sa loob ng courtroom. Wala siyang maibigay na matibay na ebidensya sa tunay na nangyari. Na siya ang biktima at hindi si Andra.
Lahat sila ay tinatawanan lang ang statement niyang siya ang ginahasa. Tila pinalilibutan at pinagtatawanan siya ng mga demonyo. Nahihilo na siya at nasusuka.
Nanghihingi ng tulong niyang tinignan si Leofwine na katabi ni Andra. Alam niyang mabuti itong tao. Tinulungan siya nito noon, hindi imposibleng tulungan siya muli ngayon. But Leo remained immobile. John got a weird feeling inside him, he can see his friend as a wax sculpture.
***
"Trending na sa social media," Bean said while swiping and scrolling through his phone.
"You gotta tell us what happened, John." Rove was worried and desperate.
Natakot si John sa pananahimik ni Theo. Iniiisip niya pa lang ay hindi niya na alam ang gagawin kung pati ang mga kaibigan niya ay maniwala sa inimbento ni Andra.
"John, did she rape you?" usisa ni Eddie. Matiim ang titig sa kaniya habang hinihintay ang kaniyang sagot.
Na-umid ang mga dila niya sa mga sandaling iyon. Pinagpapawisan siya ng malamig. Kapag sinabi niya ang totoo ay baka hindi lang ang sarili niya ang mawala niya kundi pati na rin ang mga taong mahahalaga sa kaniya.
"Did she rape you?" tanong muli ni Eddie.
"Bilis na, pre! Para malaman na namin ang gagawin." Parang susubok sa gyera si Bean.
"O baka naman ikaw ang nanggahasa."
Nagulat silang apat at natahimik dahil sa sinabi ni Theo na seryosong-seryoso ang mukha.
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top