Chapter 18

Lumabas si John mula sa restaurant, nakasunod ang tingin ng ilang customers sa kaniya. Tinungo niya ang sasakyan sa parking lot. Hinatak niya pinto ng driver's seat at pumasok sa loob.

Ilang saglit siyang nakasandal lang sa upuan bago binuksan ang makina ng kotse at nag maneho palabas ng gate ng Golden Cuisine.

Golden City Memorial

Everything in this city is Golden, the prestigious University, the private village, and the viral restaurant, John sneered. He's now entering the cemetery. Of course, he was exaggerating about the names.

Nakatutok ang tingin niya sa trademark kung saan malapit ang pakay niyang puntod na matatanaw habang umuusad ang kotse niya.

May kalakihan ang sementeryo at naka-ilang ikot din siya bago ihinto ang sasakyan. Bumaba siya at umapak sa damuhan papunta sa pwesto ng lapida ng kaniyang mga magulang.

Umihip ang malamig na hangin. Natulala siya sa mga pangalang nakaukit.

Laurice E. Ceno

Sa tabi naman ay...

Axel I. Ceno

Suddenly, John felt something cold on his shoulder which seemed like a hand.

He slowly looked up and his heart jumped as he saw a woman with pale skin and flying straight long black hair caused by the wind, making it look more dramatic.

"Bwiset ka!" sigaw niya habang naka-squat pa rin.

The lady flinched but chuckled later on when she realized why she got such a reaction from him.

She joined him from sitting on the flat markers with a lurking grin on her lips.

Nililipad ang buhok nilang dalawa dahil sa hangin. Because of the gloomy ambience, she realized something about John.

Nagulat siya kanina hindi dahil sa pagsigaw ni John ngunit sa salitang binitawan nito. Hindi siya sanay makatanggap ng ganoong salita mula sa Kuya niya. He never cussed, he's very polite and he always treats people gently.

Bukod sa mahilig ito sa puti, ang pagiging mabait nito ang isa sa dahilan kung bakit inaasar itong "Saint John".

"Ginagawa mo rito?" Nakakatitig na si Ran bago humarap sa kaniya si John.

Well, she heard about what happened from Victoria. She didn't think that her Kuya would visit his parents for some drama time like in the movies when the protagonist has no one to lean on and ended up talking to the dead about life problems. But, here he is. She won't tell him that, though so she just shrugged.

"How about you, why are you-" Hindi natuloy ni Ran ang sasabihin nang mapansing may kakaiba sa mga mata ng kuya niya habang nakatuon 'yon sa lapida ng papa nila.

"Nakikita mo pa rin siya?"

The fact that John's trying to conceal the fear and uncertainty in his eyes made Ran feel more nervous.

Narinig ni Ran ang pagtunog ng doorbell. Sinara niya ang librong binabasa at umalis ng sofa para tignan kung sino ang nasa labas.

"Bean?"

"It's Montero for you."

"A-hah! May kakambal pala si Bean."

Her gaze moved behind Bean. And there she saw Axel, looking at her and grinning at their conversation.

She looked away from what seemed like their late father's manifestation as if she saw nothing. She just distracted herself by looking straight at Bean's eyes.

"Mm. Two years ago," tipid na aniya.

"Two years ago pa?!" nakasimangot na reklamo ni John.

"Why? When did you see him?" she asked in a teasing tone. "Nakikita mo ba siya ngayon? Is he sitting beside us too?" Pagpapanggap ni Ran.

"Nu'ng aalis na 'ko para magtrabaho..." John's head remained hung low.

"Oh?"

"Sabi niya mag-ingat daw ako." He's now pouting.

Mariing tinikom ni Ran ang mga labi, pinipigilang kumawala ang tawa niya.

"Ma..." nag-aalangang pagtawag ni Ran kay Victoria.

Naka-green na skirt at white blouse si Ran.

She has this chubby cheeks and bigger eyes. Victoria noticed the uneasiness of her daughter.

"Bakit?" tanong niya sa anak.

Hininaan ni Ran ang boses. "Nasa gate si Papa."

Nanlaki ang mga mata ni Victoria. "Huwag mo nga 'kong tinatakot ng ganyan."

"Mama!" Lumingon sina Victoria at Ran sa taong papalapit sa kanila.

Naiwan pang nakabukas ni John ang pinto dahil sa pagmamadali. Naka slacks ito at coat ng Golden Campus.

"Si P-Papa nasa labas," namumutlang imporma nito.

Dahil nakabukas ang pintuan, sinilip ni Victoria mula roon ang gate.

Sinabihan sila ni Victoria na magdasal at huwag pansinin ang nakikita nila dahil hindi raw 'yon si Axel at masamang espiritong nagpapanggap lang.

Tinanong din nina Ran at John kung nakita ba ni Victoria ang papa nila sa gate pero sinagot lang sila nito ng "Wala".

Simula noon hindi nila pinapansin ang kaluluwa ng namapayang tatay nila sa takot na baka hindi talaga iyon ang papa nila at baka isama pa sila sa kung saan kapag kinausap nila.

"Maiintidihan ko pa kung bata pa lang tayo kasi may mga third eye daw talaga kapag bata. Kaso fourth year high school ka na no'n tapos ako first year college," nakangiwing asik ni John.

"Right. And he died one month ago bago siya nagpakita sa'tin." Ran chuckled. "Wala naman sigurong foul play o kaya 'yung mga katulad sa horror movies na pinapakitaan sila ng multo para magpatulong makamit ang hustisya. It seems like he's the real Axel when Papa was still alive," sabi nito na inaalala ang pakikitungo sa kanila ng ama. They can say that Axel is an example of an ideal father.

"Kinausap ka rin ba niya?" John asked hopefully.

Umaktong nag-iisip si Ran. "Hindi." Mapang-asar siyang ngumiti.

Nasapo naman ni John ang noo. "Bakit ako laaang?!"

Patlang.

Tumayo si Ran at nagpaalam sa kuya niya. "Una na 'ko."

'Napansin kaya niya?' John was being conscious if he's being readable now.

Magda-drama naman talaga sana siya kanina kaso nawala na siya sa mood. Nakakahiya nang umiyak pagkatapos siyang tabihan ng kapatid niya.

Idinantay ni John ang kaniyang baba sa tuhod niya. 'Sasabihin ko ba ng malakas o sa isip lang?'

He imagined this kind of moment in the movies. And he thought, if he said it out loud or not, it doesn't matter because they are dead.

'Ma, Pa, katulad ng tinatanong ni Bean na bakit siya pa ang nabuhay na sperm, gano'n din 'yong nararamdaman ko.'

'Pero mas masakit kung kayo 'yong makaramdam no'n sa'kin. Ayokong pagsisihan niyo na ako 'yong sperm na nabuhay.'

Paiyak na si John at nanginginig ang mga labing pinagmamasdan ang pangalan ng mga magulang.

He dried his eyes and stood up.

"Bakit nagta-trabaho ka na agad?"

"Ang dami mong sideline, hindi naman kayo mahirap."

"Minsan lang maging bata dapat i-enjoy mo!"

"You wanna grow quickly? You should enjoy your youth. Baka maka-apekto pa sa pag-aaral mo 'yan."

Dahil hindi niya pinapaliwanag, gumagawa na lang ng kaniya-kaniyang rason ang mga tao. May nag-aakala na baka kaya maraming sideline o part-time jobs si John ay dahil nag-iipon ito para sa babae. Because people think that a person is worthy of another person if he or she is wealthy. May nag-iisip na gusto lang makapag-invest si John ng maaga. Mayroon ding natutuwa dahil bata palang ay nagsusumikap na ito at napaka-independent.

He does enjoy working and saving up. But the main reason is none of what other people tought it was.

John was spoiled by Axel. Malaki rin ang cash na pinapabaon nito sa kaniya sa eskwelahan. Dito niya rin namana ang pagiging kalmado, palangiti at magalang. Total opposite of his biological mom. Maihahalintulad niya ang kaniyang ina kay Mary Belle, a badass.

Namatay ang mama niya noong siyam na taong gulang siya dahil sa pneumonia. Nakapag-asawa ulit ang papa niya makalipas ang limang taon. Tumira sila Victoria at si Ran na pitong taong gulang pa lamang noon sa bahay nila John sa Golden Cross Road.

They lived like a normal family, with no drama. Having a stepparent and a stepsibling wasn't a big deal for both John and Ran.

The two of them can't deny that Victoria is a short-tempered woman, Ran being her daughter got it hard the most.

Kakatungtong pa lang ni John ng college nang pumanaw ang ama. Ang lumipat sa poder ng kapatid ni Axel na si Roberta ay nasa pagpipilian niya pero napag-desisyunan niyang manatili kila Victoria. Hindi dahil naghahabol siya sa ari-arian nila but because their house in Golden Cross Road is his home, doon siya tumira mula pagkabata, ang papa at mama niya ang orihinal na may-ari no'n. Bilang paggalang sa papa niya, at dahil pamilya na rin ang turing niya kila Ran at hindi siya umapila. Wala rin sa isip niya ang paalisin ang mag-ina at solohin ang bahay.

Dahil sa desisyon na pinili niya, nagsimula siyang kumuha ng mga part-time jobs para mabayaran ang sariling tuition fee, mabili ang mga kailangan at luho niya. Ayaw niyang maging pabigat sa mga taong hindi niya kadugo. Oo nga't spoiled siya ng magulang pero hindi siya pinalaki siya ng mga itong mapagkumbaba.

Dumating ang pagkakataon na nasasampulan na rin siya ng pagka-mainitin ng ulo ni Victoria. Mas lalong inisip ni John na tama ang desisyon niyang mag trabaho kapalit ng sariling pera para hindi siya masumbatan ni Victoria.

***

Nagmumuni-muni si John sa pagmamaneho pauwi.

Biglang pumasok sa isip niya ang pag-abot ng phone ni Victoria sa kaniya ng gabing 'yon.

'How did she knew Mam- Victoria's account? Maybe, Ran told her. No, she knows Ran's full name. But why Victoria seems comfortable with her?'

Naalala niya ang pagiging relihiyosa ni Victoria.

'Do they go to the same church?' Napangiwi si John habang nakatingin sa kalsada.

Victoria referring Andra as his ex popped up in his mind and it disgusted him once again.

"Family"

Andra referred to Ran as her family, he recalled.

Ngayon lang na-intriga si John kung sino ang biological father ni Ran.

Naalala rin niyang ampon lang din si Andra ng pamilya ni Faron.

Andra + Ran = Family

Andra = adopted

Andra + Victoria = religious, gets along well

'Don't tell me...'

}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top