Chapter 17
Binuksan ni John ang main door ng bahay nila at nagtanggal ng mga sapatos. Tuluyan siyang umapak sa loob at tumalikod para isarado ang pinto.
Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang nakatayo na roon si Victoria pagharap niya. Matalim ang titig nito at naka-krus ang mga braso.
"Ang galing..." sarkastikong sabi nito.
"Late ka na lagi umuuwi, hindi ko alam kung saan-saan ka ba nagpupunta tapos malalaman kong galing ka sa bar?!" Namumula na ang pisngi ni Victoria sa panggagaliiti. Nagsimulang mag-alala si John dahil baka atakihin ito sa high blood.
"Ano!?" sigaw muli ni Victoria. "Gabi-gabi kang nasa bar? Anong ginagawa mo ro'n? Wala ka na ngang dulot nakukuha mo pang gumanyan?!"
Naramdaman ni John ang pag-init ng pisngi niya pataas sa ulo. Natikom niya ang bibig. Nakunot ang noo at pinipigilang sumabog. Namumuo na ang luha sa mga mata niya.
"Ngayon lang po 'ko pumunta..." He managed to speak calmly but in a low voice.
Nang-usisa pa si Victoria hanggang sa binanggit ni John ang kasalukuyan niyang trabaho bilang paliwanag sa late na pag-uwi.
"'Susmaryosep naman John!" Humawak ito sa balakang bilang suporta.
"Nakapagtapos ka ng kolehiyo tapos sa pagiging driver ka pa rin babagsak?! Humanap ka naman ng disenteng trabaho! Gamitin mo 'yung diploma mo! Mag trabaho ka sa opisina! Kung ayaw mo kahit doon na lang sa Golden Cuisine para at least kilala 'yung pangalan!" Nawawalan na ng pag-asa ang tono ng pananalita ni Victoria. Nagagalit. Nanunumbat.
Napatulala na lang si John sa sahig.
Kung pwede lang siyang umalis. Pero pagmamay-ari nila ang bahay na 'to.
Sina Victoria lang ang nakikitira, hindi niya masabi sa harap nitong umalis ito roon. Para na ring pinalayas niya ang tumatayong nanay niya at asawa ng tatay niya. Siya lang din ang mapapasama. Kagaya ngayon. Kagaya sa sitwasyon nila ni Andra.
"Saan ka pa nagpupupunta? GrabFood driver pero iniiwan mo motor mo minsan?"
Pilit inalala ni John kung kailan niya hindi dinala ang motor.
'Mcdo— Hindi pa 'ko naga-apply no'n.' Napatigil siya at kumunot ang noo.
"Si-sino pong nagsabing pumunta kami sa bar ngayon?" Huli na nang mapansin niyang natanong niya 'yon ng malakas.
Sina Theo, Eddie, Bean, o Rove kaya?
Tila umamo ng kaunti ang mukha ni Victoria. "'Yung ex mo!" Sa galit ay hindi pa rin ito makabalik sa pagsasalita ng kalmado.
"Sinong ex?" Nakapinta ang kalituhan at pagkadisgusto sa mukha ni John. Parang may question mark sa ibabaw ng ulo nito. Wala naman siyang ex.
"Si Andra!" Pagtatama ni Victoria na parang may memory gap ang anak.
Gumalaw ang labi ni John pero walang salita ang mabubuo roon.
Nakapameywang na ipinakita ni Victoria ang kaniyang phone.
Andra
Parehong jeep nga po kaming nasakyan ni John
Kaso hindi niya po 'ko pinansin nag-abot ako ng bayad
Nanikip ang dibdib ni John at bumilis ang kaniyang paghinga.
Victoria just looked at him weirdly as he hardly made his way to the stairs while gripping his chest.
Nakuyom niya ang kamao pagpasok ng kwarto. Pumunta siya sa banyo sa kanan para maghilamos sa isiping makakatulong 'yon para makahinga siya ng maayos.
Nagmamadali siyang kumuha ng isang basong tubig at nilaklak 'yon.
Binuksan niya ang closet para kumuha ng pamalit nang tumambad ang pare-parehong puting mga damit.
He grabbed the clothes and threw them on the floor.
Sa oras na 'yon, naging iritable at napuno siya ng poot kapag tinitignan ang mga puting damit.
Matagal niya na ba dapat 'tong ginawa?
***
"Papi!" Kinikilig na sigaw ng babaeng customer at sinenyasan ang kasama niya na tignan ang nasa labas.
Halos mabali ang leeg nila sa pagsilip sa isang lalaking kalalabas lang mula sa pulang Toyota Vios. Nakasuot ito ng brown oversized t-shirt, faded jeans at ray ban wayferer.
"Ang gwapo naman niyan!"
Dala ng kuryosidad, napasilip din ang ibang customers sa bintana ng restaurant.
Lumabas ang owner ng Golden Cuisine para salubungin ang lalake.
Nakita ni John ang paglapit sa kaniya ni Yel, ang dating boss niya. Yel almost leapt on her way towards him.
His former boss' smile was like saying that she's very happy to see him.
"Ceno! Ang tagal mo nang hindi nagpapakitang bata ka!" May bahid ng ngiting sabi nito habang niyayakap siya ng mahigpit.
This is the first time John has received a warm hug for a long time. It made his heart swell.
Gumalaw rin ang mga kamay niya para yakapin pabalik si Yel. Ilang years lang ang agwat nila. Who would have thought that he would feel the mother in her, at least at this moment. Nanubig ang mga mata niya, mabuti na lang at nagsuot siya ng sunglasses.
Namamaga ang mata niya sa pag-iyak dahil sa nangyari kagabi. Ayaw niyang makita pa ng iba. Napatingin siya sa mga tao sa loob ng restaurant habang naglalakad sila papunta sa entrance, sa direksyon niya ang mga ito nakatingin.
"Pasensya na Ms Yel hindi ako nakapag-resign ng maayos noon," guilty na panimula ni John nang makapasok sila sa opisina ni Yel.
Dumantay si Yel sa working table niya. "Aware naman ako sa sitwasyon mo, Ceno. Tsaka pwede ka pa rin magtrabaho ulit dito kung gusto mo," anyaya nito habang nakangiti.
Umangat ang tingin ni John sa dating boss.
"Kumusta nga pala session mo kay Caydence?" biglang tanong ni Yel.
"Ah..." Napahawak sa batok si John, nahihirapan siya kung paano ipapaliwanag.
"Hindi na po 'ko nakakapunta. Na-busy na sa trabaho," pagdadahilan niya. Pero ang totoo ay tinigil niya na dahil bukod sa ginagastusan niya ang therapy ay hindi naman ganoon nakakatulong. Dini-dismiss din siya kapag mukhang maayos siya.
Si Yel ang nag refer sa kaniya kay Caydence na isang psychiatrist kaya baka ma-offend ito kung sasabihin niya.
"Oh... But, okay ka na ba?"
Bumuntonghininga si John.
Hinilot ang noo.
Ilang sandali ang lumipas bago bumuka ang bibig niya.
Pero hindi niya mahanap ang mga angkop na salita.
Nakalimutan niya na rin ang dahilan bakit siya pumunta sa Golden Cuisine.
"'Di pa po 'ko okay," umpisa niya matapos ang mahabang katahimikan. "I mean, I didn't notice that I'm getting better. I was able to be productive again, to laugh, to spend a day without the past pestering my mind. But just one trigger, all my hardship to be okay, all my efforts to fix myself will be torn apart. Then I have to start from negative one again."
"Ceno... You should know you're not the only one." Yel gave him a small smile.
"There are just things that are out of your control. Things that even time can't heal." Nahalata ni John ang pagkangawit ni Yel nang umikot ito sa working table at naupo sa swivel chair. Sumunod siyang umupo sa tapat ng lamesa nito.
"Not all bad experiences will make you stronger. Sometimes, it will make you more human. If you haven't hated someone, as I've known that you always find the good in others, ngayon may kinamumuhian ka na. If you're not a crybaby, ngayon konting kibot naiiyak ka na." Yel smiled gently, para bang alam nito ang nasa likod ng salamin niya.
"And you always knew what you want. When you want something, you get it. Because you're hardworking. You knew yourself well and you're goal-oriented. But now, you unconsciously compare yourself with others." Habang nagsasalita si Yel ay pumapasok sa isip niya ang lalaking kasama ni Mary Belle, ang mga naging katrabaho niya sa nagdaang buwan. Ang pagkumpara niya ng kinita niya sa kinita ng ka-grab niya.
"It's been two years since your disappearance. How severely are you injured? Is it just a cut or a wound that may leave a scar? Mababaw o malalim? But it's not always the basis, your trauma depends on what experience affected your mind the most.
Imagine, nagunting mo daliri mo, it did bleed pero hindi siya nag-iwan ng scar o peklat. Now, kung nadapa ka at nasugatan, mas malaki yung sugat, kita yung balat at nag-iwan ng peklat. Alin sa dalawang aksidente ka pinakanatakot at mas nag-iwan ng impression?" Tinitignan siya ni Yel sa mga mata.
"Nagunting daliri?" tugon niya.
"Okay. Ibig sabihin, hindi man nag-iwan ng scar 'yung pagka-cut pero tumatak naman siya sa isip mo. Next question..."
'Bakit parang naging therapy session na 'to?' Naisip ni John habang diretsong nakatuon kay Yel.
"Dahil na-disgrasya ka sa paggamit ng gunting at paglalakad, hindi ka na ba maggugupit o maglalakad kahit kailan?" Nakaangat ang dalawang kilay ni Yel.
"Of course not, right? But the next time you do it, may pag-iingat na. Just like now, noong nagkamali ka sa kaniya, did you stop talking to other strangers after that? Hindi mo na rin ba kinakausap ibang babae?"
"Hindi po," tugon niya. "Pero wala na 'kong tiwala sa ibang tao..."
Kahit mismo sa mga kaibigan niya ay nagdududa na siyang baka pinag-uusapan ng mga itong ma-drama at mahina siya. Nag-angat siya ng tingin kay Yel, kahit na hindi mukhang ganoong klaseng tao ang dating boss niya, mamabutihin niyang huwag sabihin dito. Everyone's full of surprises anyway. Baka sa isip nito, hinuhusgahan na rin siya.
Nagpakawala ng hininga si Yel. "Just remember, the only constant in the world is change. Walang poreber kaya asahan mong lilipas din 'yan."
Nanlaki ang mga mata ni John at natutop ang mga labi sa pinakita ni Yel. Inangat nito ang sleeve at bumungad sa kanya ang mga peklat sa braso nito.
She coughed. "Marami pa 'to..." Sa loob ng pang-itaas at sa iba pang parte ng katawan niya.
"Marami tayong pagdadaanan at 'yong iba ro'n nag-iiwan ng bakas, some wounds may still hurt after it's healed, some scars will give you the fun of the painful memory of how you ended up with it, but the time will come na kahit nandyan pa rin 'yan, you won't give a damn anymore. And even if you have an awful scar, someone will still love you." Yel smiled and placed her hand on her belly.
Dumako ang tingin ni John doon at ilang saglit ay napagtanto niya na.
"Ceno, I'm proud of you and I trust you. Can you be my child's godfather?"
John's eyes sparkled, his mouth opened in happiness. He walked towards Yel and hugged her. "Congrats, booosss!"
Tinapik ni Yel ang balikat niya.
Napag-usapan nila ang ilang naganap sa restaurant noong wala si John. Nagpahanda rin si Yel ng pagkain.
"Saan ka ngayon?" tanong ni Yel nang matapos silang kumain.
Nakatayo na sa tapat ng pinto ng opisina si John at sinuot ulit ang salamin.
"Kay papa po."
}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top