Chapter 14

Lumabas mula sa madilim na pasilyo ang dalawa, ang daang nagko-konekta sa chapel at underground house. Ngayon ay nasa maliwanag na silang silid, mas maliwanag dahil sa puting pintura.


"Bakit ka sumama sa'kin? Gusto mo rin, noh?" mapang-akit na bulong ni Andra kay John.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni John. Someone crossed his mind.

Kaya siya sumama ay para tigilan na nito ang kapatid niyang si Ran. Hindi niya alam kung ano ang buong detalye kung bakit ayaw nito makasama ulit ang babae kaya nabuo ang planong niyang kilalanin ito at malaman ang mga rason nito. He always seeks the good in everyone.

Pero hindi mapakali ang kalooban niya sa bagay na iniisip ng babae na may gusto siya rito. Siya ang tipo ng tao na matapat, hindi siya napapanatag kapag mali ang iniisip ng ibang "totoo".

"Mamatay na lang ako," giit niya.

Ang taong gusto niya ay si Mary B-

"Bakit ka namumula? You like me, don't you?" Mas idinikit ni Andra ang katawan sa kanya. "Ganyan ka pala, kunyari maasahang kuya but you left your sister for a woman. Are you that desperate to get in my pants?"

Hindi makapaniwala si John sa sinabi ni Andra. Ito mismo ang nagsabi noong nasa vacation house pa lang sila na titigilan nito ang kapatid niya kung sasama siya rito. Naguguluhan si John sa mga sinasabi at inaakto ni Andra.

Andra laughed mockingly.

"Hindi naman kita tatanggihan kung 'yan ang gusto mo," Andra said seductively. It started to annoy John.

Hinaplos ni Andra ang dibdib niya. "You want it, don't you?"

"Anong sinasabi mo!?" If he's feeling something right now, that's discomfort.

"Sex," bulong ni Andra malapit sa tainga niya.

"Bitch," mariing asik ni John. Nakaupo siya sa kama niya nang maalala ang mga ginawa ng babaeng kinasusuklaman niya. Nilalamon na naman siya ng poot.

Dinampot niya ang phone at sinalpak ang earphones.

"I don't fuck with you!" pagsabay niya sa intro ng kanta ni Big Sean na I Don't Fuck With You.

Nilakasan niya ang volume at dinama ang kanta. Umalingawngaw ang tugtog sa magkabilang tainga niya.

You little stupid ass bitch I ain't fuckin' with you! 🎶

You little, you little dumb ass bitch I ain't fuckin' with you! 🎶

I got a million trillion things I'd rather fuckin' do... Than to be fuckin' with you 🎶

Little stupid ass, I don't give a fuck
I don't give a fuck, I don't I don't I don't give a fuck 🎶

Bitch, I don't give a fuck about you or anything that you do 🎶

Don't give a fuck about you or anything that you do 🎶

Habang sumasabay siya sa kanta, sa labas ng kwarto ay naroon si Victoria na papalapit dahil sa naririnig mula sa kwarto ni John.

Naging malinaw lang ang naririnig niya mula sa kwarto ni John nang nasa tapat na siya ng pintuan nito.

"John!" tawag niya rito habang nakapameywang.

Binuksan niya ang pinto at malalaking matang tinignan ang anak. Pati siya ay nagulat sa inaasta nito. Hindi naman ito palamura pero no'ng nakabalik ito sa kanila ay ilang mura na ang lumalabas sa bibig nito.

"John, ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Tumigil ka na nga sa Andra na 'yan!" Pati siya ay naii-stress na rin.

Sumama ang loob ni John dahil sa sinabi ng nanay. Bakit lagi na lang nababaliktad?

"Kapag ex na move on na," dagdag pa ni Victoria.

Pero imbis na i-depensa ang sarili ay nanatiling tikom ang bibig ni John. Hindi niya na rin alam kung paano ba ipapaintindi sa ibang tao. Lalong mahirap maintindihan ng mga ito dahil hindi naman nila naranasan ang naranasan niya.

Humiga na lamang si John at itinalukbong ang unan sa mukha.

'Ayaw ko sa putang babae na 'yon.' Tumulo ang luha niya. Pinanatili niya ang sariling hindi gumalaw, ayaw niyang usisain na naman ng asawa ng tatay niya kung bakit siya umiiyak. Hindi ito nakakatulong.

He was trying to heal. Pero hindi pa rin siya tinatantanan ni Andra. Kaya naman kahit dalawang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin niya napagtatagumpayang makatakas sa masalimuot na nakaraan.

Lahat ng pwedeng gawin na ginagawa ng ibang tao upang maging maayos ay ginawa niya na. He distracted himself with working, hanging out with his friends, getting therapy. Parang gusto niya na nga rin magpa-albularyo. Lahat ay willing siyang gawin para lang maging maayos.

Pero dawalang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya tuluyang nakaka-recover. He hopes that it's not a lifelong damage.

He missed his old self. He's not up for revenge, he just fucking wants to heal.

If everything happens for a reason, John wonders what's the purpose of it to happen to him. Bakit dumating si Andra sa buhay niya? Bakit kailangang mawala ng John na workaholic, magalang, at mabait? John who finds the good in everyone and everything became someone who doubts people now. Wasak na ang tiwala niya.

He became the John na tambay sa bahay, palamunin kung tutuusin. Kung dati ay kaliwa't kanan ang part-time jobs niya ay ngayon isa na lang at nasisante pa siya dahil sa hindi magandang performance at madalang na pagpasok. The friendly him became angsty. The polite him became rude.

"Umiiyak ka ba? Huwag mo ngang sayangin ang luha mo ro'n," suway ni Victoria.

Hindi siya kumibo kahit mali ang iniisip ng nanay niya. Hindi naman ang babaeng 'yon ang iniisip niya.

'Kapag umiiyak ako hindi sa taong galit ako ang iniisip ko kundi ang taong gusto ko para tumahan ako.' That's what he observed. Hindi naman ito ang unang beses na umiyak siya. Ngayon-ngayon niya lang napagtanto ang technique na ginagawa ng utak niya para maging okay siya.

***

"Hindi pa rin tumitigil 'yung tang'na na 'yon," galit na galit niyang imporma sa mga kaibigan.

It was painful to see John being like this for Theo, Rove, Bean and Eddie.

"Nautakan daw nina Andra sina Hakan," umpisa ni Rove at dumukot ng fries. Tulad ng nakagawian, hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagkain ng sama-sama sa McDo.

"Dapat talaga pinakulong na lang 'yun eh," inis na sabi ni Bean.

"Hindi naman porket galit ka sa tao na 'yon, dapat galit na rin kami sa kaniya." Kung narinig niyo na ang linya na 'yan, pwes hindi 'yan uso sa squad nila. Nagagalit na rin sila kay Andra dahil hindi pa rin nito tinatantanan ang kaibigan nila. John is still not functioning well because of that desperate woman who's getting in the way for him to be okay.

"Magiging okay ka rin, brad." Tinapik ni Eddie ang balikat ni John. Nginitian naman siya nito. Hindi rin makakalimutan ni John ang ginawang risk ni Eddie at ng mga kaibigan niya para lang maligtas siya.

"I'm trying hard. Always," he assured them.

"Naalala niyo ba yung sinabi ni Bean dati? 'Yung Hunyango," natatawang pagbabalik tanaw ni Rove.

"John, miss ka na namin," Theo pouted.

"Asan na ba 'yung John na kaibigan namin?" pagda-drama ni Bean.

"Shit..." Napatigil si Bean. Nang nilingon ito nina Theo, Rove at Eddie ay nakabukas ng malaki ang mga mata nito.

"Bakit?" natatakot na tanong ni Theo.

"Sampu silang umalis, sampu rin silang nakabalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan." Bean quoted a blurb of a story in a poetic way.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Theo at inilapit ang bibig sa gilid ng mukha nito. "Baka hindi si John 'tong na rescue na'tin." He paused.

"Baka isa siyang Hunyango."

Bumuka ang bibig ni Theo. Shocked and horrified. "Ano 'yung Hunyango, pre?"

"'Yong sa kwento ni Serialsleeper!" Bean whined.

Theo laughed, dahilan para maningkit ang mga mata nito. "Wattpad pa!"

Bumungisngis si Theo nang maalala ang moment na 'yon.

"Pre, ikaw ba talaga 'yan? Nagbago ka na. We can't see you!" Naalog si John dahil nakahawak sa magkabilang braso niya si Bean.

"Pre, umay sa 'We Can't See You' mo! Sa Twitter ka pa ha!" natatawang pang-aasar ni Rove kay Bean.

"Eddie Wyne..." Nginusuan siya ni Bean.

"Guys."

Tinignan nila si John, napahimas ito ng batok.

"Hindi pala 'ko nakapag thank you kay Mary Belle," concerned na aniya ni John.

"Ga'no katagal na kayo hindi nagkikita?" tanong ni Eddie.

"Two years?"

"Tagal na. Crush mo pa rin?" Rove lowkey teased John.

"May palusot ka na para makita siya." Bean laughed. Tinutukoy ang pagbigay ng pasasalamat ni John.

"I miss her," John bravely confessed. Kung totoo naman, hindi siya mahihiyang sabihin.

Bakas sa mukha niya ang lungkot.

Huminga siya ng malalim. "Siya 'yung iniisip ko tuwing naaalala ko 'yung babae na 'yon."

The difference between the person you like and dislike is when the person you dislike pops in your mind, you do things to keep it away, or at least keep hating them even in daydreaming. While when the person you like flashes in your mind, you will keep thinking about that person with a smile on your face.

"May naisip ako," aniya ni Bean.

Agad namang lumingon sa kaniya sina Rove, Eddie at Theo kaya tinanong niya ang mga ito, "are you thinking what I'm thinking?"

"Ano 'yan?" usisa ni John sa mga kaibigan. Baka isa na namang kalokohan ang maisip ng mga ito.

"Baka kapag nakita mo na at nakasama si Belle maging okay ka na ulit?" seryosong sabi Bean.

Natigilan naman si John.

"Uy, pero 'wag kang umasa na ilalakad ka namin sa kaniya, unfair naman 'yun kay Belle kasi hindi ka naman niya gusto," dagdag ni Rove. Natawa silang lima.

"Na'mo," nakangiting mura ni John.

"Hindi ko naman nakakalimutang mga bitter tayo. Being able to redeem yourself because of a woman? Absurd." Hindi rin naman dapat iasa sa iba ang ganitong bagay, naisip niya.

"But we can consider." Nginata ni Eddie ang dalawang fries ng magkasabay. "Come to think of it, Andra was able to turn you into someone you don't like. What if Belle can help you to go back to your old self or better, into a greater person?"

Maybe... Maybe John could consider.

}


Y naman gano'n binigay kay John Koya Wel? 😂

Hello! Kumusta kayo? Sem break na namin akala ko mas magkaka time ako magsulat pero ang busy pa rin ><

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top