Chapter 12

"Ayaw ko nang bumalik sa kanya, kuya."

"I can find you wherever you are."

'Yan ang mga paulit-ulit na naririnig sa isipan ni John habang katabing naglalakad si Andra.

Nag-angat siya ng tingin at nakitang paakyat na sila sa isang chapel. Nagpatuloy sila sa paglalakad nang makapasok dito hanggang makaabot sa likod ng altar.

May malaking pintuan doon na walang salitang binuksan ni Andra at bumungad kay John ang madilim na lagusan nito.

Pinitik ni Andra ang daliri dahilan para lumiwanag at makita nila ang hahakbangan pababa.

"Bakit hindi niyo na lang isumbong sa pulis 'yang babae?" tanong ni Karina na mas namo-mroblema pa kaysa kina Ran.

"They can do nothing if there's no physical assault. Lalo na kung si Ran din mismo ang pumayag na sumali sa kanila," walang emosyong paliwanag ni Faron.

"Edi ipa-Tulfo na lang para ma-aksyunan!" pagkumbinsi pa ni Karina.

"Seriously, Karina? Parang wala kang natutunan sa ginawa nila sa'tin," mataray na sabat ni London.

"Ha! Kayo lang naman 'tong may kasalan, nadamay lang ako." Naka-pamewang si Karina kay London at nagbigay ng mapang-asar na mukha.

"Siguro nga may kasalan ako, kasalanan na maging maganda," habol ni Karina sabay flip ng buhok.

Nakabukakang nakaupo ang lalake habang abala sa paglalaro sa kaniyang phone nang may mahagip ang mata niyang pumasok sa silid.

Tinignan niya si Andra para batiin ito nang may makita pa siyang isang kakilala.

"J-John!?"

Nag-angat ng tingin si John na kanina pa bahagyang nakatungo at natigilan din nang makilala niya kung sino ang nandoon.

Nakakunot na tumingin si Leo kay Andra nang magsalita ito ng may ngiti.

"He's a new family."

Napakurap-kurap na lang si Leo kay John.

***

"Hindi ko alam na kapatid mo siya!" Mulat na mulat ang mga mata ni Leo nang malamang kapatid ni John ang dating nakasama sa bahay ni Andra.

Sinuri naman ni John ang reakyon niya, gulat na gulat ang itsura ni Leo.

'Ang OA.' John thought.

Kaya inalis ni John ang tingin nang maisip na baka hindi talaga nito alam.

"Kailangan mong umalis dito," bulong ni Leo na sa ibang direkyon nakatingin.

Samantala, may narinig silang ingay mula sa labas ng sala. Napatingin sila roon hanggang sa pumasok si Andra na may bahid ng dugo.

"John, akin na mga gamit mo," wika ni Andra.

***

Hindi makagalaw si John sa kinatatayuan habang pinagtutulungan sunugin nina Andra at Leo ang isang katawan.

"Leo!" Lumuluhang tawag ni John sa kaibigan. Thinking that it might make Leo come back to his senses.

Lumingon ito sa kanya. "I'm sorry, John. I'm sorry," Leo said hopelessly.

Nagpatuloy ang dalawa sa ginagawa. They burnt the body enough for it to be unrecognizable. Hanggang sa dumating ang isa pang lalaking malaki ang katawan at may kahabaan ang brown na buhok.

Nilagay ni Leo at ng lalaki ang katawan sa loob ng puting body bag atsaka ipinasok sa isang puting sedan.

Napansin naman ni John na binitbit ng lalaki ang mga gamit niya na tulad ng school ID, driver's licence, at ang phone niya. Napakagat siya ng labi. Hindi niya maco-contact ang iba kung pati 'yon kukunin nila, sira na rin ito na parang pinukpok ng ilang beses.

Pagkatapos ng nasaksikahan ay tila sinampal siya ng katotohanang hindi niya kaya at hindi iyon ang panahon para manlaban. Napapikit na lang siya at malungkot na ngumiti.

***

Pasulyap-sulyap si Leo kina Andra at John na abala sa pag-uusap.

Madali niyang binuksan ang phone. Ang phone na iyon ay gawa ng kasamahan niya at ang laman lang noon ay mga games. Hindi siya makakapag-download ng iba pang app.

Tuwing nasa labas siya ay phone niya ang gamit niya. Kapag nakila Andra naman ay kinukuha nito ang phone niya at ibinibigay iyong imbensyon ng isa pang member ng squad nila.

"What is trust?" he muttered.

"John, paheram ako ng account mo sa ML," pasimple niyang sabi.

Tumigil sa paghuhugas ng pinggan si John at walang emosyong nilingon siya. "Bakit?"

"Anong ginagawa mo?" Sumulpot si Andra sa likuran niya.

"Naglalaro, obvious ba?" he said nonchalantly. Kunyari walang ginagawang kababalaghan.

"Bakit johnceno? Account ni John ang gamit mo?" Tumaas ang kilay ng babae.

Nilingon niya ito na parang naiingayan siya. "Tinutulungan ko siya maka-rank up, hm?"

Inabangan niya ang magiging reaksyon ni Andra, wala naman itong nagawa kundi tumango.

Umayos siya ng upo at bumalik sa pakikipaglaro sa mga ka-squad ni John.

***

Tinatali ni Belle ang katawan ni Andra gamit ang kumot para hindi ito manakit ulit pag nagising. Lalo na't injured na ang ankle niya.

Nasa pagtatali siya nang may maramdamang pumasok sa kwarto.

"Ako nang bahala sa kanya."

Nilingon niya ang nagsalita at nakita si Leo.

Naisip ni Belle na kasamahan pa rin ito ni Andra kaya hindi niya pwedeng iwanan dito ang babae dahil baka tumakas sila pareho.

May isa pang pumasok sa kwarto, akala nila ay isa kina Bean, Eddie, Rove o Theo pero nagulat sila nang makita si John. Nakatigil ito dahil sa nasaksihan. Magulo ang kama, may mga nahulog na gamit sa sahig, wasak ang mga furnitures.

Napakunot lalo ang noo ni John nang makita ang kalagayan ni Andra. Nagmukha itong mummy dahil binalot ng puting tela. Dumako rin ang paningin niya sa paa ni Belle.

"Tulungan mo si Belle, ako nang bahala kay Andra." Hindi pa man sila pumapayag ay binuhat na nito si Andra at inilagay sa kanang balikat na parang sako ng bigas.

Lumapit si John kay Belle, aalalayan niya sana ito nang agad itong tumayo at maingat na naglakad.

Nang makalapit sa kwarto ni Eddie ay naguluhan sila dahil sa ingay na parang nagkakagulo.

"Eddie!"

"Pree, mamamatay ka nang hindi ka pa nakakaporma kay Medy!"

"Men!" Hinawakan ng mahigpit ni Bean ang kamay ni Eddie.

Lumuluha na sina Bean, Theo at Rove na nakakumpol sa katawan niya. Nanghihinang pinagtawanan ni Eddie ang mga kaibigan niya.

Unti-unting bumaba ang mga talukap niya hanggang sa hindi niya na napagilan itong sumara. He felt drifting away.

"Eddie? Eddie!" tawag ng tatlo.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay!" sigaw nila pero nanatiling nakapikit ito at hindi na gumagalaw.

Parang mga batang ngumawa ang tatlo sa paligid niya.

"Edgardo!"

Nagmulat si Eddie.

"Hindi pa 'ko patay," saway nito sa mga kaibigan.

"Hindi rin naman magluluksa si Medy kahit mawala ako."

Pagkasabi no'n ni Eddie ay sabay-sabay silang ngumawang apat.

Tumingin sina Belle sa kisame nang nakarinig ng tunog ng ambulansya. Umiiyak pa rin ang apat kaya kinuha niya ang atensyon ng mga ito.

***

Si Bean ang sumama kay Eddie sa ambulansya habang sina Theo, at Rove ay naiwan.

Bukod sa ambulansya ay may isa pang kotse ang nandoon.

"Bakit, Rove?" pukaw ni Theo sa kaibigan na parang may malalim na iniisip.

"Tumawag ako sa ambulansya pero parang may mali sa arrival time. Mas maaga," sagot nito.

May narinig silang nag-click. Bumukas ang kotse na kasabay ng ambulansyang dumating. Inabangan nila kung sino ang nandoon hanggang sa lumabas ang isang babae.

"Ran?"

Ngumiti naman ito. "Umuwi na kayo, isabay niyo si Belle dahil hindi na 'yan makakapag-motor."

Lumingon sila kay Belle. She's acting differently. Hindi man lang din nito kinikibo ang katabing si John.

"Ah. Baka nagselos," bulalas ni Theo.

Tinignan naman siya nina Belle, John at Ran.

"Kasama namin mag-hanap si Mary Belle kay John. Sabi niya may gusto niya sa kaibigan namin. Pero parang wala siyang pakialam ngayon," paliwanag ni Theo.

Tumawa naman si Ran. "Wala siyang gusto kay Kuya, si Kuya ang may gusto sa kanya."

"Kaya nga pinapunta ko siya rito para piliin ni Kuya John umuwi. Kahit sana hindi para sa sarili niya, para kay Mary Belle na lang palayo kay Andra. I know how she will react kapag may nakita siyang karibal."

"Akala ko mala-Sakura ka eh," wala sa sariling wika ni Rove kay Belle.

"Kasabwat mo rin ba si Leobwayn? Tinulungan niya rin kami para makita si John," tanong ni Theo.

"Tinulungan? Baka gusto niya lang mag mukhang kakampi para kapag pumalya si Andra, hindi siya kasama sa mga makukulong." Ran scoffed.

"Ano? Hoy, nag-alala talaga 'ko sa kapatid mo!" opposed Leo.

"But there's another person I asked for a favor." Ngumisi si Ran.

"Sino?"

"Si Eddie." She smiled meaningfully.

"I know, I know. But we had to do it. It would be absurd kung lahat kayo, tapos isang babae lang. And if it's Mary Belle iisipin lang ng public na away ng mga babae dahil sa lalaki. I chose someone who will lose against a woman physically. And that's Eddie, matangkad siya pero mapayat. Kayang-kaya siya ni Andra na mukhang regular mag gym."

"I contacted him nang makapunta kayo rito. He successfully got into Andra's nerve. She's the kind of person who will snap if you talk down her religion. Alam ni Eddie na masasaktan siya, we couldn't also fake it dahil kailangan natin ng sapat na dahilan para mapakulong si Andra." Tumingin si Ran sa kanilang lahat.

"Roane Nhica Faith, baka naman." Naka-pamewang si Belle, inilalagay ang bigat ng katawan sa kabilang paa.

"Sorry na." Tinapik ni Ran ang balikat ni Theo. "Mauna na kayo, ako nang bahala magpaliwanag sa mga pulis," aniya at tumingin sa wrist watch.

Bago pa man siya makalampas ay nagsalita si Rove. "You deceived us."

"You're welcome," aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nag-aalala namang tinignan ni Theo si Rove. The latter shrugged. "We all have our manipulative side, and sometimes we need to use it to survive."

Lumapit si Ran kay Leo na bitbit si Andra na mahimbing ang tulog.

"Mukhang mas malakas si Mary Belle," sambit niya.

"Tatawagan ko na ang mga pulis at media," imporma ni Ran kay Leo.

"But I have my own plan..."

As if on cue, dumating ang isang grupo ng mga naka-itim.

***

"Malapit na tayo pre, fighting!" Kung anu-ano na lang ang sinasabi ni Bean para i-comfort si Eddie na naka-higa sa stretcher sakay ng ambulansya.

"Sorry for everything." Diretsong nakatingin si Eddie kay Bean.

Naalala ni Eddie ang mga oras na pinagsasabihan niya si Bean dahil nakukulitan at naiingayan siya rito. Ang pagtutol niya sa pagiging happy-go-lucky student ni Bean.

"I actually envy and admire you for who you are. You know what you want and you don't care even if doesn't suit other people's standard." Eddie smiled at him.

Naiyak naman si Bean dahil sa paghingi ng tawad ni Eddie at sa pagpuri nito sa kaniya.

"Ayoko makarinig ng compliments sa'yo! Parang mamamatay ka na talaga eh," iyak niya. Ilang saglit ay nagsalita rin si Bean.

"Don't be hard on yourself. You are smart and talented. You're just oblivious, always. I look up to you, I know I'm annoying to you. But to me, you're one of my favorite person. Godbless." Napa-aray si Bean ng suntukin ni Eddie ang tiyan niya.

"English na nga 'yon eh!" he whined. "And lastly, for me, studying is not my life but just a part of my life. For you, study is important so... I support you!" Itinaas ni Bean ang dalawang kamao.

Napa-iwas na lang ng tingin si Eddie at tumingin sa kisame ng ambulansya.

'Ayokong mamatay ng ganito ang huling makikita.'

***

Nang pare-pareho na nakasakay sa kotse ni Theo sina Belle, John na nasa backseat at si Rove na nasa passenger seat, sandali silang napasandal at napatulala.

"Theo! Rove!"

"John!"

Sabay-sabay nilang tawag.

Ilang sandali lang ay nag-group hug ang tatlo habang humihikbi.

Si Belle naman na tahimik na nakasandal sa upuan ay bahagyang napangiti sa eksena ng magka-kaibigan.

'I'm glad I was able to help them see him.'

}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top