Chapter 11

"Grabe! Ang ganda ng inclusions!" Tuwang-tuwa ang isang fan na nakapwesto ang table sa glass wall katabi ng pintuan.

Dalawa ang pintuan sa cafe, isa sa left side at isa sa front na pinagigitnaan ng counter at display cabinet.

Kasulukuyang ginaganap ang isang cupsleeve event ngayong araw sa cafe kaya naman halos lahat ng customers ay mga fan ng idol nilang may birthday ngayon.

Sa table na nasa left entrance pumwesto ang dalawang fan na babae dahil crowded sa kabila. Dalawang table lang ang nandito pero sila lang ang nandoon kaya tahimik.

Umilaw ang coaster pager kaya naman nagmadaling tumayo ang isa sa kanila at umikot sa kabilang entrance para kunin ang order na frappes at cake sa counter.

Paglingon naman ng babaeng naiwan para tignan ang kasama niya ay nakita niya ang isang lalaking crew na natatawa at hawak ang order nilang frappe habang nakatingin sa kanya.

Lumapit ang babae at tuluyang natawa nang magsalita ang isa pang lakaking crew.

"Umikot pa 'yung kasama mo," natatawang sabi nito.

Kinuha naman niya ang drinks nilang inabot sa kanya.

Bago pa siya makaupo ulit ay nakabalik na ang kasama niya at natawa sila pareho.

"Umikot pa 'ko!"

Nang matapos silang kumain ay umalis na sila cafe para makapunta pa sa ibang cupsleeve events sa araw na 'yon.

"Ang cute ni kuya," panimula ng isa habang nauunang maglakad.

Naalala ng babae ang ngiti nito nang iabot ang inumin nila. "Kaya nga eh," pagsang-ayon niya.

"Kaso loyal ako kay ano," habol ng babae kaya natawa sila ng kasama niya.

Samantalang sa cafe naman ay nagsalita ang kasamang crew ng lalake.

"Cute ngumiti nu'ng babae noh," napapantastikuhang aniya nito. Tinutukoy ang kumuha ng drinks.

Ngiti lang ang isinagot ng kausap.

Kahit maraming customers ay hindi naman masyadong hectic ang pagta-trabaho nila. Isa pa, nakakatuwang makita ang mga itong nakangiti at nasisiyahan dahil bukod sa inclusions sa cupsleeve event ng organizer ay pati mismong nasa menu ng cafe ay nakakatanggap ng compliments.

Pakaunti nang pakaunti ang customers hanggang sa nagsarado na ang cafe.

"John!" tawag ng lalaking crew kanina.

Lumingon naman si John na nagpapalit na ng damit pang-uwi.

"Bakit, Leo?" tanong niya.

"Sama ka? Swimming daw," yaya nito at sinabi kung kailan. "May lakad ka ba no'n?" dagdag ni Leofwine.

"Wala naman," nakangiting tugon ni John.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na sila ng locker room.

Sa umaga ay sa Golden Cuisine nagta-trabaho si John, sa hapon naman ay may klase siya. Pagdating ng gabi ay dito sa cafe ang diretso niya. Pero kapag wala namang pasok o kaya ay maaga ang uwian, suma-sideline din siya bilang isang grab driver.

***

Sorry Leo 😅

Hindi ako makakasama

Basa ni Leo sa message ni John.

Sige, pre

Tinago ni John ang phone pagkakita  sa reply ng kaibigan dahil kailangan na nilang umakyat ng stage.

"Bitter Sweet Men!" pakilala ng commentator sa squad nila.

"Magandang araw sa inyo!" bati ni Bean sa mga manonood. Mayroong audience ang nasa baba ng stage na nakatayo at nagsisiksikan. Mayroon din sa ibang palapag ng mall na nakadungaw para makinuod.

"Basta Bitter?" Itinapat ni Bean ang mic sa audience.

"Sweet lover!" Pagpapatuloy ng mga ito.

Ang iba ay natawa sa kakornihan, ang iba naman ay kinilabutan sa motto.

Sunod namang umakyat ng stage ang makakalaban na team ng BSM.

Ang squad ay may apat na babae, sina Lillian, Nova, Ran, Karina at isang binabae na si London.

Habang naglalaro ay napapatingin si John sa kapatid na nasa kabilang mesa na madalang niya ring makita dahil nakatira ito kasama ang teammates.

Nasa laro ang focus ni John kaya nagulat siya nang banggitin ng commentator.

"Eto si John Ceno nagpapaka John Cena eh." Dinig niya at nakitawa sa audience.

Nang matapos ang laro ay nakatanggap siya ng tawag mula sa stepmother niyang si Victoria. Napatingin siya kay Ran habang hawak ang phone sa tapat ng tainga.

"Tapos na ba kayo, anak? Ang kapatid mo ah," paalala nito.

"Opo, Ma. Tapos na po 'yung game," sagot niya.

Bigla naman siyang inakbayan ng mga kaibigan pababa ng stage.

1 week later

Sinundo ni John si Eddie gamit ang kaniyang puting kotse papuntang Golden Cuisine.

Inimbitahan sila ng schoolmate nilang si Annie na kapatid ng kaibigan din nila sa debut nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sumama si John sa swimming na tinutukoy ni Leo.

Pagdating nila sa pinakataas na floor ng restaurant kung saan ginaganap ang mga parties ay nakita nila sina Bean, Rove at Theo sa isang mesa. Nauna ang mga ito kasama si Theo na may sariling kotse rin kahit nasa iisang village lang sila. Kailangan kasing maaga ang punta ni Theo dahil siya ang kinuhang videographer sa 18th birthday ni Annie.

Sina Bean at Rove ay sumama kay Theo dahil wala silang magawa sa bahay.

Natapos ang party ng puno ng tuksuhan. Nagpaalam na sila at bumaba papuntang parking lot.

Sina Bean at Rove ay sa kotse ulit ni Theo sasakay. Si Eddie naman ay sa kotse ulit ni John.

Nag vibrate ang phone ni John, kinuha niya ito mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang ina.

"Anak... hindi ko ma-contact ang kapatid mo, ilang araw na." Victoria was whining. Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Puntahan mo naman oh, baka kung ano nang nangyari dun."

Napatigil si John at humarap sa mga kaibigan. "Sige, Ma."

"May k-kailangan ako puntahan," paliwanag niya. Halata na ng mga kaibigan niyang nagmamadali siya.

"Sige pre," sabi ni Bean.

"Eddie, sa'min ka na sumakay." Tinuro ni Rove ang kotse ni Theo gamit ang hinlalaki.

Sumakay naman si John sa kaniyang kotse at pinaandar 'yon palabas ng GC.

Habang nagmamaneho ay binuksan ni John ang isang navigation app para makita niya ang direksyon papunta sa vacation house na pinuntahan ng kapatid at ang squad nito.

Nakarating na siya sa bungad ng Patid Road kagaya ng nasa map.

Inapakan niya ang accelerator ng sasakyan at tuluyang nakapasok sa Patid Road.

"You have arrived at your destination."

Napatingin siya sa phone niyang nakasabit malapit sa manibela nang marinig ang mga katagang 'yon.

Inilibot niya ang paningin sa labas ng sasakyan ngunit wala siyang makitang bahay. Nasa kalsada pa rin siya, tila nasa gitna ng kawalan.

Pinagiisipan niya kung di-diretsuhin ang kalsada o magyu-u-turn habang inoobserbahan pa rin ang paligid.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya at pagkatapos ay kumabog ng malalim nang magbago ang paligid. Mula sa modernong kalsada ay naging malubak ito, ang mga berdeng puno ay kumulimlim. Nakakatakot at parang anumang oras ay gagalaw ang mga 'yon na tila may mga sariling buhay.

Tumingin si John sa harap, hawak-hawak ng mahigpit ang manibela at huminga ng malalim.

Sa gilid ng kanyang mata ay may mabilis na dumaan. Nang sundan ng tingin 'yon ay nakita niya ang isang itim na kotse. Dahil sa takot ay agad niyang sinundan ang kotse. Nanginginig ang mga kamay niyang ginagalaw ang gear lever at manibela.

Natagpuan niya ang sarili hindi kalayuan sa likod ng itim na kotse na nakatigil sa labas ng isang malaking bahay.

Dahil sa pagka-monotone ng bahay ay nangingibabaw din ang kulay ng damo. Halos magmukha iyong artificial dahil sa ganda ng pagkaberde.

Nanginginig ang paghinga ni John nang lumabas ng sasakyan at naglakad para lapitan ang driver ng itim na kotse na kakalabas lang din.

Nakapasok na siya sa loob ng gate at naaapakan ang damo, hindi niya maiwasang luminga dahil sa laki ng lugar.

Bumalik ang tingin niya sa sinusundan ngunit nawala ito dahilan para mapatigil siya. Ilang hakbang na lang ay malapit na rin siya sa pintuan ng bahay nang may maramdaman siyang matigas na bahay ang malakas na humampas sa likod ng ulo niya. Nawalan siya ng malay at bumagsak ang katawan sa damuhan.

***

Pakiramdam ni John ay umiikot ang katawan niya. It was pitch black. Nagpatuloy ang ganoong pakiramdam hanggang sa naidilat niya ang mga mata habang unti-unting nawawala ang pag-ikot. Tsaka niya naramdaman ang malamig at matigas na kinahihigaan.

Napagtanto niya padapa siyang nakasalampak sa sahig. Pinalinaw niya ang paningin hanggang may maaninag siya sa harapan na dalawang metro ang layo.

Tuluyang nagising ang sistema niya nang makitang isa itong babae na gaya niya'y nakahiga sa malamig na sahig, sugatan at mukhang wala nang buhay.

Bago pa man makagawa ng ingay dahil sa takot ay may humarang na mukha sa harapan niya.

'Ran!' sigaw ng isip niya nang makilala ang kapatid.

"Shh. Huwag kang maingay, Kuya," alo nito bago pa siya makapag-react. Napansin niya ang pagmamadali nito.

"Faron, tulungan mo 'kong makalabas dito." Dinig nilang pakiusap ng isang babae.

Halos pati ang paghinga nila ay tumigil dahil sumenyas si Ran na huwag gumawa ng ingay. Hindi sila gumalaw sa pwesto at nakatingin kung saan nila narinig ang boses.

"Karina. Wala na 'kong pinagkakatiwalaan," walang buhay na aniya ng isang lalake.

Mabilis na kumakabog ang puso ni John habang nakatitig sa pintuan kung saan may tanging ilaw hanggang sa may nakita silang tumakbo.

Tumakbo si Karina at nakasunod dito si Faron. Nagtama ang mga mata nila nang dumaan si Faron sa tapat ng madilim na kwartong kinalalagyan nila.

Sa mga sandaling 'yon ay naisip ni John na nalintikan na.

Umiwas ng tingin si Faron at naglakad papunta kung saan tumatakbo si Karina hanggang sa nakarinig sila ng palahaw.

Pagkatapos no'n ay naging tahimik ang paligid. Nakatingin sila sa pinto at inaabangan ang pagbalik ng lalaking nakakita sa kanilang buhay.

Pero wala...

Ilang minuto ng tahimik at mukhang wala na rin doon ang lalake. Tumayo sina John at Ran. Maingat na naglakad patungo sa pinto.

Dahan-dahan silang sumilip sa labas at luminga-linga. Walang ibang naroon. Napalingon naman sila sa babaeng nasa loob ng kwarto at wala nang buhay. Bumalik ang tingin nila sa labas ng kwarto. Isang pasilyo, sa kanan ay dead end, sa kaliwa naman ang nakita nilang tinakbuhan ni Karina ay may hagdanan.

Tuluyan silang lumabas at alertong naglakad. Nang makalapit sa hagdan ay bumagal ang paglalakad nang makita si Karina.

May mahahaba itong cut sa mga binti, sumisirit din ang dugo mula sa leeg nitong nilaslas.

Napaatras sila nang gumalaw ang paningin nito papunta sa direksyon nila.

"S-si..." May nais itong sabihin kay Ran pero bumulwak lang ang dugo nito sa bibig.

"Tara na." Hinawakan ni Ran ang braso ni John na nakakunot ang noo. He was curious about what Karina wanted to say.

"Kilala mo ba kung sino 'yung lalake kanina?" tanong ni John na ginigiya ang kapatid pababa ng hagdan.

Ran sighed. "Isa sa mga caretaker ng vacation house."

Inalala ni John ang nangyari bago matagpuan ang sarili sa kwarto kanina.

Napakunot ang noo niya nang maalala ang driver ng itim na kotseng sinundan niya. Tingin niya ay 'yon din ang humampas sa ulo niya.

Nasa loob din siguro siya ng itim na bahay na nakita niya kanina. Madilim sa loob ng bahay pero nakakaaninag pa rin sila dahil sa ilaw mula sa labas.

"Sinubukan mo na bang dumaan sa pintuan sa baba?" tanong niya nang maalala ang pintong 'yon.

Napatigil si Ran at tumingin sa kanya na parang nakakatawa ang sinabi niya. "Kuya, it's void out there. Kapag lumabas ka wala kang mapupuntahang iba kundi walang hanggang kadiliman. Ang vacation house lang ang nandito."

Naguluhan naman si John dahil kung vacation house lang ang nandoon, ano ang nadaanan niya kanina?

Pero dahil doon nalinawan naman siya sa isang bagay. "Hindi kaya nasa isang ilusyon tayo?"

Ngumiti naman ng makahulugan si Ran.

"'Andito rin ba ang physical body natin?" tanong ni John habang lumilinga-linga.

"Ano 'to paranormal? Humiwalay kaluluwa natin sa katawan natin?" natatawang aniya ni Ran.

'Natutulog lang ang katawan namin pero nasa ibang realidad ang diwa namin.' John was frowning.

"Three down, one remains." May narinig silang boses ng lalaki na parang nagre-report sa kung sino.

Ran sighed and smiled faintly. "If it was just me, hahayaan ko na lang mangyari ang gusto nilang gawin. I deserve it anyway. Pero ikaw Kuya, hindi ka dapat nandito."

"Ilalabas kita rito." Katulad ng request ng kanilang ina, iuuwi niya si Ran.

Pumikit si John, hinawakan ng magkabilang kamay ang ulo. Binuksan niya ang mga mata pagkaraan ng ilang saglit.

"Pa'no ba 'ko gigising?" Hindi niya sinasadyang sabihin iyon ng malakas.

"Gising."

Napatigil si John at nanlaki ang mga mata nang may marinig na tinig. Napakamalumanay no'n at boses ng babae.

Napasinghap siya dahil sa biglaang pagbago ng paligid. He squinted because of the light.

Naramdaman niyang nakaupo siya at may babae sa gilid niya.

Napa-umang ang bibig niya nang makita ang mga kasama ni Ran na nakaupo rin at may nakatakip sa kalahati ng mukha.

Agad niyang hinanap kung nasaan ang kapatid nang maalala ito.

"Ran!" Inalis niya ang nakasuot sa ulo nito at kalmado itong nagmulat ng mga mata.

"Faith!"

Napalingon sina John at Ran sa babae. Nakalahad ang palad nito.

"I came here to get you," nakangiting ani nito.

"Nalintikan na!" Bungad ng isang lalaki na metal ang mga braso at binti.

"Hindi naparusahan 'yung isa!" sigaw nito habang naka-tilt ang ulo sa nakabukas na pinto.

***

"Anong ginagawa mo rito, Andra?" istriktong tanong ni Mang Franco.

Ang mga kasama naman ni Ran na sina Nova, Karina at London ay tahimik na nakatungo habang tensyonadong nag-uusap si Andra at ang caretakers ng vacation house.

"I didn't come here for Faron, ayaw sa'kin ng kapatid ko I won't force myself to him." Ngumiti si Andra ng napakatamis. "I found a new family!"

Nagtinginan naman sina Mang Franco, Faron at Hakan. Hinahanap kung sino ang tinutukoy nito.

"Faith, halika na," yaya muli ni Andra. "Pati ang pangalan niya bagay, diba? She's really meant to be one of us," pagmamalaki nito sa kapatid at kay Mang Franco.

"Faith? Parang nakita ko na 'yong pangalan na 'yon." Napahawak si Hakan sa kaniyang baba.

"Common na ang pangalang Faith. Malamang," singit ng isang lalaking brusko.

Napa-angat ng tingin si John sa lalake. Iyon ang driver ng itim na kotse!

"Hindi! Ibig kong sabihin—ah! Alam ko na!" Hakan grinned mischievously. "Sa contract nina Lillian ko nakita."

Napahinga ng malalim si Mang Franco. "Taga-squad ni Lillian ang sinasabi mong bagong pamilya?"

Hindi maintindihan ni John kung ano ang pinaguusapan nila. Ang alam niya lang ay gustong isama ng babaeng nagngangalang Andra si Ran. Naguguluhan din siya kung pa'no naging pamilya nito si Ran.

"Andami mo namang pamilya. Squad ni Lillian—kung hindi ako nagkakamali, kamag-anak mo ang lalaking 'to dahil tinawag mo siyang Kuya. Tapos heto, may nagc-claim sa'yong—" tinakpan ng driver ang bibig ni Hakan dahil naiingayan na siya rito.

"Hinahanap ka na ni Mama. Kailangan mo ng umuwi," bulong ni John sa kapatid.

"What are you saying?" Nakakatakot ang tono ng boses ni Andra. "Si Faith mismo ang pumayag na sumali sa'min. Sa'kin siya sasama!"

Naiinis namang napapikit si Ran. "Nag-paalam na 'ko, Andra. Bago ko piliin ang desisyon na umalis, sinigurado kong hindi na 'ko babalik."

"Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to! Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" Namumuo ang luha sa mga mata ni Andra pero nanlilisik din ito nang tignan niya si Faron.

"Sadgirl ampotek," sarkastikong komento ni Hakan habang tumatawa.

"I'll let you go but in one condition." Nawala ang pamumuo ng luha at panlilisik ng mga mata nito. "Your brother will be your replacement."

}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top