Chapter 10
May mga nakahilerang upuan katulad sa normal na chapel. Ang akala nila ay isa 'yong wedding pero walang ibang tao sa loob kundi ang dalawang nasa altar.
Tumingkayad ang babae at inalapat ang kanyang labi sa labi ni John. Nakatitig lang ang binata sa dalaga pero hindi nagtagal ay gumalaw din ang mga labi niya para sagutin ang halik nito.
Ang senaryong iyon ang naabutan nina Eddie, Theo, Bean, Rove at Belle.
Two kissing people were not the reason why they were shocked but the fact that the person they thought they knew will do something out of character, that is kissing the woman back.
After the kiss, napatingin ang dalawa sa may entrance ng chapel dahilan para mapatalima ang mga bagong dating. Nagtama ang tingin nina John at Belle.
Matapang silang nakatingin sa mga mata ng isa't isa. Hindi mailayo ni Belle ang tingin sa mga mata ni John. Masarap 'yon pagmasdan. Tila may kung anong emosyon ang dumadaloy sa kanya na hindi niya maipaliwanag ngunit tiyak na positibo.
Masarap pagmasdan kahit magkasalubong ang mga kilay nito na hindi sigurado ni Belle kung dahil sa galit o pagtataka.
"Oh, ito na ba sila?" Napaka-feminine ng tinig ng babaeng katabi ni John.
"Obvious ba, Andra?" pabirong sagot ng lalaking nag bukas ng pinto.
"Andra?!" pabulong na asik ng apat.
Ngumiti naman si Andra sa naging tugon ng kasamahan.
The four boys scanned her. She has an incredibly angelic and perfectly proportioned face. She also has great tits, a slim waist and thick thighs.
Sabay-sabay na tumingin ang apat sa taong nasa likod nila.
Nakita nila si Belle na walang emosyon ang mukha at hindi sila kinikibo.
***
Magkakatabi silang nakaupo sa harap ng mahabang lamesa na natatakpan ng puting tela. Nasa dulo ng lamesa si Andra na katabi si John na malayo sa kanilang lima.
There's classical music playing in the background. Napansin nilang puti at ginto ang mga kulay ng mga kubyertos. Same with the wall, puti iyon at may mga gold patterns. Ganoon din ang iba pang mga kagamitan sa silid na ino-okupahan nila.
Lumaki ang mga mata ni Bean at mabilis na nilingon ang mga kaibigan. Hawak pa nito sa magkabilang kamay ang isang kutsara at tinidor.
'Baka kaya sumama rito si John dahil puti bahay neto!' pagtukoy ni Bean kay Andra na kasalukuyang kumakain. Elegante ang pagkilos nito.
'Yonow, peyborit niya color wayt.' Bean looked at the whole room animatedly. 'Heaven!'
"Teka! Ba't ka kumakain?" pagalit na bulong ni Rove kay Bean na hawak lang naman ang kutsara't tinidor pero hindi pa nagagalaw ang pagkain, siraulo rin.
"Walang kakain!" pabulong na sigaw Rove. He's even gritting his teeth.
Dahil sa reaksyon ni Rove naalala ni Bean ang mga scenes sa thriller movies na may inaalok sa mga characters na pagkain bilang bisita tapos may lason pala 'yon.
'It's a trap!' Bean's realization.
"We apologize for the bargain." Nag-angat ng tingin si Rove kay Andra. "But it seemed like you're expecting us."
"Mm-mm. Leofwine's been contacting you, right?" Andra asked friendly.
"Pardon?" Eddie asked, slightly leaning forward.
"Oh, the one who's playing with you, ang kasama niyong gwapong lalaki kanina, remember?" Ibinaba ni Andra ang hawak na tinidor at table knife.
"Bakit parang natatakot kayo sa'kin?"
"The person who's playing using John's account repeatedly goes to the top lane, goes down and up towards mid lane to bottom lane then descended..." Eddie describes the rotation more until he traced it with his forefinger.
"S-O-S" he finally said with a shaky breath.
Those were flashing before their eyes.
"Buti nakarating kayo. Hindi ako nagkamaling malalaman niyo ang pinahiwatig ko," sabi sa kanila ng lalaking habang sinusundan nila ito sa paglalakad.
Nagkatinginan ang apat. Gulat at dismayadong napatungo.
Dapat matuwa sila dahil tama ang teorya nila, pero ibig sabihin no'n hindi talaga sila kinausap ni John mula ng sumama ito kay Andra. Hanggang ngayong na nasa iisang silid na lang sila ay hindi sila nito ina-approach. Kapag nagtatama naman ang mga tingin nila ay parang hindi sila nito kilala. There's no hint of recognition. It's intimidating.
Pero bakit? May nagawa ba sila para hindi na pansinin ni John? Did he already cut his tie off with them?
The four of them checked on Belle. Wala itong ganang nakatingin sa kawalan. Pare-pareho sila ng nararamdaman. Parang gusto na nilang umuwi.
Belle's gaze moved in its direction. "We met your brother Faron?"
"Ah. Yes." Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Andra.
"Kumusta na siya?" she sighed. "No matter how much I convince him na sumama sa'kin ayaw niya. He's been tainted by those people." Napapikit ng mata si Andra.
"Mahirap talaga kapag mahina ang paniniwala sa Diyos, madaling ma-impluwensyahan ng kasamaan," sabi nito nang magmulat ng mga mata at diretsong nakatangin sa lima.
Parang gustong matawa ni Belle dahil sa choice of words ni Andra. "Anong ibig mong sabihin?"
"I'm sure nakita niyo rin ang ginagawa nila sa mga nagbabakasyon sa bahay na 'yon."
They nodded.
"Yep, 'yung nagv-VR?" tanong ni Bean.
Pinagtinginan naman siya ng mga kasama sa lamesa.
"I think It's too late to save him."
Napatingin sila kay Andra na marahang ikinikiskis ang mga palad sa isa't isa.
"John," tawag ni Theo.
Hindi naman inaasahan nina Rove, Bean at Eddie na gagawin 'yon ni Theo dahil mukhang wala namang balak si John na kausapin sila.
"Wait, magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Andra. "Hindi ko pa naman binabanggit ang pangalan niya." Pagtukoy niya kay John.
"Si John ang pinunta namin dito." Humikab si Rove.
Naramdaman nilang tumahimik ang paligid. Nang tignan nila ang direksyon nina John at Andra sa dulo ng mesa ay nakita nila ang babae na seryoso ang mukha.
"Si John? I thought you came here because you want to join our religion?"
Natigilan ang lima at naguluhan sa sinabi nito.
"Leofwine told me that," matigas na sabi ni Andra.
Dumako ang tingin nila kay John.
"John, bumalik ka muna sa kwarto mo," utos ni Andra nang mapansin 'yon.
Tumayo naman si John at naglakad paalis.
"John!" tawag nila pero tuluyan na itong nakalabas.
Naiwan sila sa hapagkainang anim pero ilang sandali lang ay tumayo na rin si Andra at nakatangin sa kanila.
"Kakausapin ko muna kayong apat, then I'll let you talk to John." Umalis na rin si Andra sa silid na 'yon.
***
Leofwine, the man with the blonde hair guided them to their rooms.
Tig-iisa sila ng kwarto dahil 'yon daw ang utos ni Andra. At doon na rin sa kwarto nila sila kakausapin ng babae isa-isa.
"This is weird. What did we get ourselves into?" seryosong aniya ni Bean sa kawalan habang nakatitig sa kisame. Magka-krus ang mga braso niya habang nakasandal sa headboard at naka stretch ang mga binti sa kama. Hindi na siya nag-abalang magtanggal ng sapatos.
He suddenly heard a knock twice. Tinignan niya ang pinto at bumukas 'yon.
Nginitian siya ni Andra habang isinara nito ang pintuan sa likod.
Humila si Andra ng upuan mula sa tila study table sa sulok ng kwarto. Inilapit niya 'yon sa dulo ng kama at naupo para hindi na maabala pang gumalaw si Bean.
"I'll be straight to the point," she said, still smiling. The woman is undeniably beautiful. She looks like royalty and an angel.
"Do you know 1 Corinthians 15:33?" tanong ni Andra.
Bean looked up cutely. "Do not be misled: "Bad company corrupts good character."" mabagal niyang aniya.
Lumiwanag naman ang mukha ni Andra at mas lalong ngumiti. "Good." Sumandal si Andra sa kinauupuan. She looked more relax.
"Ayoko lang magaya si John sa kapatid ko. Gusto kong mabubuting tao ang maging mga kaibigan niya." Andra moved her gaze up Bean's eyes. "What's your favorite passage in the bible about friendship?"
"Proverbs 12:26," tipid na sagot ni Bean.
Ibinalik ni Andra ang upuan kung saan ito naka-pwesto kanina at lumabas ng kwarto.
Tahimik na nakaupo si Theo sa gilid ng kama ng kwarto kung nasaan siya at nilalaro ang sariling kamay ng hindi niya namamalayan.
Nakirinig siya ng katok bago bumukas ang pinto. Hindi tulad ng nakasanayan ay walang ngiting ibinigay si Theo sa babae.
"Hello. Theo, diba?" nahihiyang tanong ni Andra.
Theo smiled and nodded.
Gaya kanina ay ganoon din ang naging kilos ni Andra. Umupo ito sa bangko sa harap ni Theo.
"Kindly tell me, what's Proverbs 13:20?"
"Isang bersikulo mula sa Bibliya," sagot ni Theo. Andra can't tell what Theo's thinking because of his eyes.
'Interesting.' She thought.
"That's right. I mean, anong sinasabi sa verse na 'yon?" natatawang sabi ni Andra.
"Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo," Theo said, quoting the verse.
Hindi naman mapigilang mapahanga ni Andra sa pagkakabigkas ni Theo, para itong sinaunang tao.
***
Nag-angat ng tingin si Eddie nang may pumasok sa kwarto niya. Tinago niya ang kaniyang phone sa bulsa bilang respeto sa pag-uusap nila ni Andra. Kagaya nila Bean at Theo ay sa kama rin siya nakaupo. Halata ang mahaba niyang mga binti dahil sa pagkakaupo.
"Wyne, alam mo ba kung ano ang sinasabi sa Proverbs 18:24?" Andra asked specifically this time after what happened earlier with Theo.
Umiling si Eddie.
"No? 'Wag kang mahiya, come on." Nginitian siya ni Andra.
"I don't know. I'm sorry, Miss."
"Magbasa-basa ka ng bible," Andra said.
Eddie can sense the feeling of superiority in Andra's tone.
"I don't care kung anong religion niyo, ang mahalaga sa'kin ay may kinatatakutan kayong Diyos." Andra paused. "Well then, let me introduce you to my religion, baka hindi mo lang gusto ang religion niyo kaya hindi ka nagbabasa ng bible."
May kinuha si Andra sa bulsa ng kaniyang white coat. Nang buklatin niya 'yon ay na-realize ni Eddie kung anong libro 'yon. Isang pocket-sized bible.
Eddie became curious.
"How are you so sure that whatever God you're believing in is real?" tanong niya.
"Dahil lang sa bible?" dagdag niya.
"Oo," Andra answered.
Eddie knows it's about faith but,
"Bibles are still books that can be manipulated," he said.
"Sa dami ng religion, hindi ko alam kung alin ang sasalihan ko. Sa dami ng Diyos hindi ko rin alam kung sino ang paniniwalaan ko—"
Andra stood up. Nakangiti itong nakatungo kay Eddie na kasalukuyan pa ring nakaupo. Nang mag-angat ng tingin si Eddie ay nakita niya ang madilim na mukha ni Andra.
Lumabas si Andra mula sa kwarto ni Eddie at tinungo ang sunod na taong kakausapin niya.
"Honestly speaking, I don't want you to be part of us. I know you like John. Babae ka rin, kaya sana...'wag kang kumabit. Kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo." Andra was sitting with her legs crossed as she talks to Belle.
"How desperate can you get, umabot ka hanggang dito para sa lalake? Are you guys even close? I can tell na hindi naman naging kayo. Assuming ka lang," pagpapatuloy pa nito.
"Looks like you want drama, Andra. Pasensya na, hindi ako nagsasayang ng laway. Pang pisikalan ako eh," Belle said, laid back.
"Oh? Then, mas lamang pa rin ako sa'yo" Andra bragged, giggling.
Belle looked at her questioningly.
"I can do it verbally, and I can also hurt you..." mula sa kaniyang likod ay may ipnakitang hawak hammer si Andra. "Physically."
***
Samantalang ang huling taong hindi pa nakakausap ni Andra ay nasa kwarto lang at kausap si Leofwine.
"Nakatrabaho ko si John no'n sa isa sa mga part-time jobs niya. Naging magkaibigan din kami kaya nu'ng nakita ko siyang isinama ni Ms. Andra rito nag-alala talaga 'ko," paliwanag ni Leofwine.
"I thought you gave us clues so we can get John back, but it turns out, ginamit mo lang 'yon para pumunta kami rito at sumali sa inyo," sumbat ni Rove.
"Yun lang ang sinabi ko kay Ms. Andra, na gusto niyong sumali para payagan kayong makapasok pero pangako gusto kong tulungan si John makaalis dito. He doesn't belong here," bigay todong pangungumbinsi ni Leofwine.
"Wow, English," tukso ni Rove.
Natawa si Leofwine sabay seryosong lumapit kay Rove at bumulong dito. Nag-iingat na hindi marinig ng iba sa labas ng kwarto.
"Kailangan niyong maitakas si John dito."
***
Belle dropped on the floor. Malakas pang tumama ang likod ng ulo niya kaya nakaramdam siya ng pag-ikot ng panginin.
Napasigaw siya sa sakit at gulat nang hampasin ni Andra ng martilyo ang buto sa paa niya.
Bumwelo pa si Andra at hahampasin na naman ng martilyo ang parehong parte ng paa niya. Belle was raging in pain and anger and gathered all her energy to push Andra away.
Hindi nabitawan ni Andra ang martilyo kaya lumingon-lingon si Belle para maghanap ng pang depensa dahil hindi niya magawang tumayo.
Pero wala siyang nakita roon na pwedeng gamitin kundi ang isang bangko. Sa sobrang pagka-irita ay itinulak niya si Andra at pumaibabaw rito.
Naramdaman niya ang sakit sa paa nang magalaw 'yon kaya itukod niya ang tuhod bilang suporta atsaka sinipa gamit ang isang paa ang martilyo na hawak ni Andra.
Pilit na kumakawaka ang huli sa pagkakadagan niya at nararamdaman niyang malakas din ito. Bago pa siya tuluyang maitulak ni Andra ay sinapak niya itong ng napakalas, sinigurado ni Belle na sapat ang lakas no'n para mawalan ito ng malay.
Marahas na bumukas ang pinto sa kwarto na 'yon at mabilis na lumingon si Belle para makita kung kasamahan ba 'yon ni Andra para masapak niya rin.
"Mary Belle!" Hinihingal at malalaking matang sigaw ni Rove at lumapit sa kaniya. "Ayos ka lang?"
Napansin ni Belle si Leofwine sa pinto.
'Magkasama sila ni Rove?'
Naalis ang atensyon sa kanila ni Leofwine at napunta 'yon sa labas ng kwarto.
Maya-maya ay nakita na nila sa nakabukas na pinto sina Bean at Theo na gulat sa naabutan.
"Mary Belleeeeee!" Kanya-kanyang tawag ng dalawa nang mapansin ang nagdurugong paa niya.
"Teka nasa'n si Eddie?" tanong ni Rove.
"Okay lang ako," senyas ni Belle sa tatlo para hanapin na nila si Eddie.
Sinundan nila si Leofwine na nakakaalam kung saan ang kwarto ni Eddie.
Nang makarating sila ro'n ay pinihit na nila ng walang sere-seremonya ang pinto.
"Eddie?" Sinilip nila ang loob ng kwarto.
Nilibot nila ng panginin ang silid hanggang sa dumako ang tingin nila sa sahig at nakita si Eddie.
He was laying on his back. His one hand was placed on his stomach. Bleeding.
}
Andra to Mary Belle be like:
EPILOGUE SOON~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top