Chapter 1

Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sina Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka-pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain.

Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.

"What if may nang-hold up kay kuya John no'ng pauwi siya? Tapos napatay at tinapon ang katawan sa ilog o kaya chinap-chop tsaka nilagay sa maleta o kaya tinapon sa basurahan?"

"What the..." si Eddie.

"Tang'na..." halos pabulong na aniya ni Rove.

Si Theo naman ay napangiwi. Napahilamos naman ng mukha si Bean gamit ang palad. May parte na sinisi ang sarili dahil sa pagiging padalos-dalos nito kagabi at na-tweet ang tungkol sa pagkwala ni John na wala rin silang lead. John's family also kept them in the dark. Dito nagre-report ang mga police.

They decided to read the replies from his tweet, which was already deleted, thinking that they may find something useful. Bean took screenshots before deleting the tweet. Inasar pa siya nina Rove dahil sa typo niyang 'asa' imbes na 'asa'n'. What can he do? He was drunk that time.

It's their break time and they are in McDonald's where their squad usually hangs out whenever they have classes.

"But she has a point..." Eddie said referring to one of the fans. "It could be John had some errands to run that night, like his part-time job as a grab driver after the party so he didn't drive me home anymore," hinuha nito.

"Tapos na-holdap siya ng pasahero niya? Bago 'yun ah. Diba mga driver yung mga nangho-holdap?" sabi ni Rove.

Natahimik silang apat. May mali.

Kung ano-anong pumapasok na senaryo sa isip nila tulad ng baka may nakisakay nga kay John tapos pinatay ito, o baka naman kinidnap, o baka may nangyaring mistaken identity at pinagbabaril ang kotse nito, o baka naman nabangga tapos dinispatya para hindi makulong ang nakabangga.

"O baka naligaw siya tapos hindi binaliktad 'yung damit kaya hindi na nakabalik," Bean said loudly.

All of them grunted.

"Basahin mo na nga 'yung next," ani Rove na itinaas ang hintuturo pagkatapos sumipsip sa soda nito.

"Baka naman nagtanan na."

They all expressed their disgust.

"Wala nga 'yong girlfriend, sino itatanan no'n? Yung kotse niya?" asik ni Rove.

Sumang-ayon naman sina Theo, Eddie at Bean. Alam na nila agad na hindi nila iyon tagasubaybay o kakilala dahil sa teorya nito.

"Naglayas," basa ni Bean. Iisang salita pero ramdam nilang lahat ang pagka-offend.

"Hindi gano'n si John..." komento ni Theo habang nakatulala sa ketchup.

Bean nodded. "Atsaka konti na lang graduate na tayo ba't naman niya gagawin 'yon?" he said trying to cheer Theo up.

"Naglayas... That's the common cover up for a missing person in media black out," Eddie sarcastically said.

"It doesn't make sense. Una, sa pagkakakilala na'tin sa kanya hindi siya gano'ng klase ng tao. Pero wala rin namang masama kung bubukod siya kung kaya niya na sarili niya, ang conflict lang ay hindi man lang siya nagsabi kahit sa'tin. At madalas sa mga naglalayas, sa mga kaibigan din nakikitira. But we have to cross all of that thought from our perception as his friend." Rove sighed. "We have to be open to all possibilities."

"Ibig mong sabihin iko-konsider din na'tin 'tong naglayas o nagtanan siya?" parang napapagod na tanong ni Bean habang nakahalumbaba at pinahaba ang tunog ng 'r' sa 'konsider'.

Rove nodded. "Eddie, ikaw ang nakasakay sa kotse ni John dahil sinundo ka niya. May nakita ka bang luggage o ano na magsasabing may plano ngang magtanan o maglayas si John?" Rove asked straightforwardly.

Hindi gumalaw si Eddie, inaalala at isinasa-imahe ang panahong nakasakay siya sa kotse ni John. Ang pink na barong nila na nakasabit sa hawakan sa loob ang nakita niya, kapagkuwan ay sumagot ito. "Wala. Pero yung sa trunk hindi ko nakita."

They let Bean proceeded to read the other replies.

"Nag-vacation po si kuya hehe," basa ni Bean at nag-scroll ulit dahil katulad din naman ng kanina ang sinabi ng nag reply. 'Nag bakasyon eh konti na lang naman bakasyon na rin namin.'

Meanwhile, Eddie was frowning while looking at Bean as he read the replies. His chin resting on the back of his intertwined hands.

'It might not be that John just wanted to take a vacation away from school, it could also be from stress, toxicity that us youth experiences not only from school demands, but also home, this city, or peers... From us.'

Eddie snapped out from his reverie when he noticed someone taking a photo of him. Bean.

"Mukha kang 'yung meme na nag-iisip tapos may mga equations sa paligid," patawa-tawang sabi ni Bean.

"Penny for your thoughts?" nag-iintay na sabi ni Rove.

Sinabi naman ni Eddie ang naisip niya.

"Self-check," tanging sabi ni Rove na pinaalalahanan silang mag-reflect sa mga sarili nila na posibleng maging dahilan ng naisip ni Eddie.

Ang pagiging straightforward at pagiging patas ang natutunan nila sa kaibigang si Rove kaya nagsimulang magbigay ng saloobin si Theo.

"Hindi ako komportableng pangunahan natin ang nararamdaman ni John, pero kung iisipin 'yon din ang ginawa ko kanina no'ng sinabi kong hindi siya gano'n, na maglalayas." Kahit na namo-mroblema rin ito sa pagkawala ni John ay hindi pa rin nawawala ang pag-ngiti nito na nakakapagpagaan sa mga tao. His smile that their fans craved for in every vlogs and streams.

Alam niyang ginagawa nila ang mag-assume para matukoy ang pagkawala ng kaibigan nila. Kahit si Rove na kilala nilang man of a few words ay nakarami ng salita ngayon ay dahil para maisa-isa nila ang mga posibilidad.

Naniniwala sila na walang katawan, hindi nila tatanggaping patay na ang kaibigan.

Tinignan sila ni Theo gamit ang nangangakong mga mata na gagawin nito ang makakaya para malaman ang dahilan ng pagkawala ni John kahit pa gawin ang bagay na hindi komportable sa kaniya, sa kanilang lahat.

"So what's your assumption?" tanong ni Eddie. Lahat sila ay nakatutok kay Theo.

"Tingin ko..."

***

"Adorable ka no?" tanong ng guard sa gate ng Golden Crossroad.

Automatiko namang ngumiti si Theo at tumango tsaka nagpatuloy maglakad.

Habang naglalakad pauwi sa bahay nila ay may naririnig siyang bulungan.

"Siya ba 'yon? O.M.G!"

"Teka tignan natin ng maigi!"

Nag-angat siya ng tingin at nakita ang dalawang babae na magka-angkla ang mga braso at napatigil sa paglapit sa kanya, napapahiya. Pabulong pang napamura ang isa. "Siya nga ghorl!"

"Hi... Theo! Pinapanuod po namin vlogs at streams mo hihi," bati ng dalawa at kumaway sa kanya.

"Ah!" May tunog pang ngumiti si Theo "Salamat, mga pamangkin."

Nabitin sa ere ang kamay ng dalawang babae, nagpatuloy naman maglakad si Theo pagkatapos magpaalam sa kanila. Nakalayo na siya nang marinig ang pagtili ng dalawang babae.

Habang naglalakad ay napaisip si Theo. Because of those ladies, he realized that he's been on hiatus ever since John went missing. Kasabay pa no'n ang pagiging hectic sa school kaya hindi na niya na talaga binubuksan ulit ang social media accounts. It's been more than two months...

Pagdating sa bahay ng mga Adorable ay naabutan niya ang magulang na kapwa nanunuod sa sala.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng ina "Ma." Pabiro naman niyang pinalo ang likod ng kaniyang tatay bago dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

"'Toy, hindi ka pa ba magpapagupit?" tanong ng mama ni Theo habang hinahaplos ang may kahabaan niyang buhok. Tumabi siya sa ina sa sofa at doon na rin kumain ng hapunan.

Napahawak si Theo sa sariling buhok. Hindi niya namalayang humaba na ang buhok niya, hindi niya na naaasikaso ang sarili dahil sa daming ginagawa sa paaralan, lalo na't graduating students sila.

***

"Kumusta mga pamangkin! Nandito na si Theo at may pasalubong sa inyooong..." nag V sign siya sa harap ng camera "VLOG!"

Naglakad siya papunta sa harapan ng pinto ng CR.

"Istorbohin na'tin si Bean." Kumatok si Theo sa pinto ng CR.

"BEAN! Natatae na 'ko," he said nonchalanty then walked away like nothing happened.

Dumaldal pa si Theo sa harap ng camera nang bumukas ang pinto ng CR. Hinarap niya ang camera sa direksyon no'n at nakita sa video si Bean na topless at nakatapi ng tuwalya sa beywang, may bula-bula pa ang buhok nito pababa sa nakapikit na kanang mata.

"Sinong natatae?" tanong ni Bean na lumilinga-linga sa labas ng banyo gamit ang isang nakabukas na mata.

Naghagalpakan sa tawa sina Theo, Eddie, Rove at Bean. Sapo-sapo pa ni Rove ang tiyan sa sobrang pagtawa.

"Gago!" natatawa sa sariling aniya ni Bean.

Nasa kuwarto sila ni Theo at pinapanuod ang video nila sa laptop nito. Dumiretso sila sa bahay ng mga Adorable pagkatapos manggaling sa kani-kanilang tahanan mula sa school. Sa iisang village lang silang magkakaibigan nakatira.

"Kasama ba 'yan sa channel mo?" naniniguradong tanong ni Bean.

"Hindi ko sinama," nakangising sagot ni Theo.

Nang makumpirmang wala naman doon si John ay ibang videos na naka-save naman sa laptop ni Theo ang pinanuod nila.

"Wala naman tayong makitang scandal--- este bullying issues, o whatever issues na sinabi nilang possibility kung bakit lalayo si John dito--" Napatigil si Bean nang makita nila ang hitsura ni Eddie. Hindi ito kumukurap at parang nawawala sa sarili.

"Guys... What's happening to us? We all know we're not bullying anyone. We're messing up our own minds!" nanlulumong sabi ni Eddie, nanlalamig ang mga kamay.

'Nadala sila ng mga replies ng mga tao sa tweet ni Bean at ngayon pinagdududahan na nila si John pati na rin ang mga sarili nila. They are starting to be unsure of their actions, and their friendship now.' Rove thought.

Until Theo stumbled upon a video titled "Team Theo vs. Team Lilian Exhibition Game".

Theo clicked it and then they saw themselves at the other table with their mobile phones. Sa kabilang table naman ay ang kalaro nilang squad. It brings back memories.

"Nakaka-miss mag ML men. Hindi pa 'ko naglalaro ulit simula no'ng mawasak poso ko kay Myra..." pagbabahagi ni Bean.

Alam nilang gusto nitong maglaro. Ngayon. Nilabas na ni Bean ang phone niya at pare-pareho sila ng naisip.

To divert their minds away from whatever the hell is happening with them right now for some time, they took out their phones and opened the app.

Napunta ang atensyon nila sa pinto ng kwarto ni Theo nang may kumatok do'n.

"Ma..." aniya ni Theo nang mapagbuksan ng pinto ang ina. May halong lungkot ang mga mata nito.

"Mga hijo, si John...wala na siya," nahihirapang ani nito.

"Ma?"

"Tumawag sa'kin ang tita niya, ang sabi nakuha na raw ng magulang niya ang katawan niya." Pagkasabi no'n ng mama ni Theo ay siya ring pagsigaw ni Bean.

"Bean, bakit?" tanong nila kay Bean na nilalayuan ang phone nito at nagsusumiksik sa gilid ng pader.

Pinulot naman ni Rove ang phone ni Bean at tinignan ang dahilan ng pagsigaw nito.

johnceno

Invite you to take part in RANK

It was John's account.

}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top