Episode 6: Corpse
NADUWAL ako. Hindi kinaya ang lahat ng natunghayan. Sa ginawa ko ay tila bang nahawa si Ecca, ginaya niya ako.
"P*tangina . . ." Vin gasped as we continued staring at Naji.
At her corpse.
Nakamulat ang kanyang mga mata. Matatanaw dito ang kilabot na marahil, namayani sa kanyang sistema bago siya mawalan ng buhay. But what's really horrifying is her body.
Wala na siyang suot na damit. Pero, nakabukas ang kanyang tiyan. Wala na siyang laman loob at ang tanging makikita na lang ay ang kanyang buto. Ang dugo mula doon ay dire-diretsong tumutulo pababa sa lupa.
It was the view that will forever haunt me.
Isama pa dito ang nakakasulasok nitong amoy. Kaya hindi ko na nakayanan pa, tuluyan nang bumaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako papalayo. Humarap sa malaking puno at kumapit sa katawan nito. Doon ako nagsuka nang todo.
Nang mahimasmasan na ako ay bumalik na ako kina Ecca at Vin.
Ecca is crying hard and Vin as well. Dito ay hindi ko na rin napigilan pa ang mga nag-uunahang mainit na likido mula sa aking mga mata.
I sobbed as Vin pulled me for a hug. He is now caressing my back. I just let all of my emotions out as I pulled Ecca for a hug as well. Before we know it, we are now in a group hug.
"I think, we need to go now," Vin told us. Breaking the painful silence that surrounded us just earlier.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking mukha. Ganoon rin si Ecca. Si Vin naman ay hinubad ang kanyang denim jacket, saka iyon itinakip sa bangkay ni Naji.
"Babalikan ka namin, Naji." I told her. "We are not going to leave you here alone."
That was my last few words to her as we continued walking. May mga oras na nagaalangan akong magpatuloy sa paglalakad. Because truth be told, gusto kong balikan si Naji. Gusto kong isama siya sa amin. Because now that we found her, she has to stay with us. Kasi may posibilidad na tuluyan na siyang mawala sa amin. Na baka hindi na namin siya mabalikan sa eksaktong lugar kung saan namin siya iniwan.
But the thing is, hindi pwede. Hindi namin pwedeng isakripisyo ang kaligtasan namin para sa taong wala na. And that is the reality of life. There's a specific line between life and death. Na ang buhay ay prologo at kamatayan naman ang epilogo. Na may mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin kahit na masakit. Kahit sobra pa ang kirot nito. Kasi sa buhay, hindi tayo pwedeng ma-stuck lang sa mga nawala na. We still have our life to continue on. And by that, we should just live while cherishing the memories that we've had with our deceased loved ones.
"We really have to find my car now, Kitkatbaby," sambit ni Vin na siyang nakabasag sa malalim kong iniisip.
Kagaya kanina, magkahawahak-kamay uli kami. Sa kabilang kamay ko naman nakahawak si Ecca. Sinisiguro na walang mahihiwalay sa aming tatlo.
"Yes, as much as possible," sagot ko naman sa kanya.
"But how about Jonrick? Hindi na ba natin siya hahanapin?" Ecca mumbled out of nowhere.
Doon ako napatingin sa kanya. At doon din ako nainis sa sarili ko. Yes! Si Jonrick, I forgot about him!
"We will figure out later on but before that, we need to do everything to survive," Vin said with a careful manner. Seemed trying hard not to sound selfish.
Pero iyon kasi talaga ang realidad ng buhay. Na minsan, darating din talaga ang pagkakataon na pipiliin at pipiliin mo ang sarili mong kaligtasan keysa sa iba. That at the end of the road, it's our individual survival that matters the most.
Hindi na muling umimik pa si Ecca. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Vin is quiet. Tila ba inaanalisa ang buong paligid. Na siya ko rin namang ginawa.
Ngayon kasi ay naglalakad kami sa isang daan. Iyong tuwid na lupang daan pero sa bawat gilid ay puro damuhan. Kung iisipin, hindi ito isang daan na ginawa lang ng lupa. O natural lang na na nagawa. Hindi ito basta lumitaw dito para maging daan. Mga tao ang siyang gumawa nito at siguro, kung susundan lang namin ito ay mararating rin namin ang highway kung saan naka-park ang sasakyan ni Vin.
Ang tanong na lang talaga ngayon, tamang direksyon ba ang tinatahak namin?
At ang mas nakakainis pa dito ay hindi ko alam kung papaano sosolusyunan ang problema naming ito. Right now, we obviously have no choice but to just move forward—without thinking of the negative possibilities. Without minding the downfall that might be waiting at the end of this path.
"Wala tayong ibang panghahawakan ngayon kung hindi ang manalig. Na sana, ito iyong tamang daan na tinatahak natin," sambit naman ni Vin na tila ba nabasa ang isip ko.
I only nodded my head at him.
Pero . . .
Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapabaling ako sa aming harapan. Doon kasi may nakita akong ilaw ng sasakyan. Mabilis itong nawala na tila ba dumaan lang.
Highway!
Baka iyon na ang highway!
Nang magkatinginan kami ni Vin ay tila ba talagang may kakayahan siyang mabasa ang utak ko. Dito na kami kusang napatakbo.
That's it!
Dito na kami bumitaw mula sa pagkakahawak sa isa't isa. I ran faster than what I think I can. Ganoon rin sina Ecca at Vin. Hanggang sa namalayan na nga namin na . . . nandito na kami sa highway. Never in my wildest dreams did I thought that I can be this so much happy just by seeing this concrete road.
"Naalala ko pa ang daan na ito! Nadaanan na natin ito kanina," yelled by Vin. Tinuro niya ang daan na nasa aming harapan, "we should go that way! Nandoon ang kotse ko ngayon!"
I only nodded at him. Walang usap-usap, tumakbo na kami patungo doon. At mukhang pinapalad talaga kami dahil totoo nga, nandoon nga amg sasakyan ni Vin! Bukas pa ang mga ilaw nito sa harapan!
"Thanks, God!" Nakangiti kong sambit sa langit. Pero bigla rin naman akong natigilan nang para bang may humarang sa ilaw ng sasakyan. At dahil nakakasilaw ito, hindi ko maaaninag ang tao na ngayon ay nakatayo sa harapan nito.
"Jonrick?" Sambit ni Ecca.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top