Episode 5: We Are So Dead
NAGPATULOY lang ako sa pagtakbo. Hila-hila ang kamay ni Ecca, pinilit kong mas bilisan pa ang paghakbang. Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko, maging ligtas lang laban sa isang nakakatakot na nilalang na ngayon ay tumatakbo para kami ay atakihin . . . at gawin sa amin ang isang bagay na ayoko nang isipin pa.
"Vin!" Hingal ko, hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo, "saan na tayo nito? Paniguradong kapag naabutan tayo ng nilalang na iyan, patay na tayo! Wala tayong laban diyan!"
Nakakainis na sa mga sandaling ito, parang mas madali pa talaga ang maging negatibo keysa positibo. This has always been my problem ever since I was a child. I always look forward to the negativity instead of positivity—pero hindi ito ang oras para ma-concious ako sa pag-iisip ko.
We are now basically dealing with life and death. We are literally running for our lives. And one wrong move—one mistake and it will cost us to meeting the grim reaper.
"Just run for now! We have no other choice now but to just run! Come on! Wala tayong panahon para magsalita! Tumakbo lang tayo!" Ang natatarantang sagot naman sa akin ni Vin kaya ako, nataranta din lalo.
And when I looked at Ecca, she is now crying and sobbing and it only caused me nothing but more panic. Badtrip naman! Wala bang kahit isa lang sa kanila ang pwedeng magpalakas ng loob ko?!
I only winced as I continued to run. Dahil madilim ang buong paligid ay lalo akong nahintakutan. Lalong nanaig sa akin ang takot at kilabot. Namawis ang noo ko hindi lang dahil sa pagod kundi dahil na rin sa pagtayo ng mga balahibo ko.
Ewan ko ba, hindi ko na alam kung saan ba ako dapat matakot. Sa posibilidad ba na baka bigla na lang kaming mabalian ng buto dahil hindi namin makita ang dinadaanan namin o hindi naman kaya ay ang mamatay dahil sa nilalang na hinahabol kami.
Sa tuwing napapalingon kasi ako sa aking likuran ay ganoon lang din naman katindi ang takot na nananaig sa aking dibdib. Kitang-kita ko kasi kung papaano naging mabilis din ang pagtakbo ng nilalang na iyon mahabol lang kami. Ang mga dahon ng puno ay marahas na gumagawa ng nakakatakot na tunog.
Pero . . .
Pero ang tunog na iyon ay unti-unti rin namang nawawala sa pagtagal ng mga minuto. Hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan na itong naglaho na para bang isang bula.
"Wala na ba siya?!" Paghinto ni Vin sa pagtakbo habang humihinga na mula sa kanyang bibig.
One moment of silence and no one dared to speak. Lahat kami, pinapakiramdaman ang paligid. Doon lang ako nakahinga nang maayos. Ito ay dahil wala na akong narinig pa ni kahit na anong tunog galing sa nilalang na iyon.
"Ligtas na tayo . . . Shit, thank you Lord!" Bulalas ni Vin.
Napahiga pa siya sa damuhan. Ako naman ay napaupo sa kanyang tabi, gayon na rin si Ecca na ngayon ay patuloy pa rin sa paghagulgol kahit na hingal na hingal pa.
Ano ba, Ecca?! May magagawa ba 'yang paghagulgol mo, girl?!
Imbes na mairita ay pinili ko na lang na huminga at bawiin ang lakas na nawala sa akin kanina. Sa ginawa kasi namin kani-kanina lang ay hindi maitatangging nawalan talaga ako ng lakas.
"So what do we do now?" I asked again after a few moments of rest.
Vin is still catching his breath. Huminga muna siya ng mas malalim pa bago siya sumagot, "we prolly have to go back to my car. Fix the shit out of it. And leave this God damn place."
Umiling siya matapos ay bumuga uli ng hangin, "we are never going to be safe here, Kitkatbaby. We really need to go away now before that creature chased us again. We never know, baka the next time, magtagumpay na siya sa pakay niya sa atin."
Sa sinabi niya ay lalong dinaga ang dibdib ko. Kasi totoo naman talaga. May point siya. Kapag nagtagal pa kami sa lugar na ito ay wala nang kasiguraduhan pa kung makakabalik pa ba kami sa mga bahay namin nang buhay.
"Then we need to move now," I stood up. Tumingin ako sa kanilang dalawa, urging them to just stand up now as well. We have no time to waste now. All we have to do is to just fucking move.
Huminga ng malalim si Alfonso. Ganoon na rin si Ecca na ngayon ay nagpupunas na ng mga luha. Napagod na rin siya sa wakas sa pag-iyak.
Dito ay nagsimula na uli kaming maglakad. We made sure na hindi kami maghihiwa-hiwalay. Gamit ang mahabang sanga ng puno ay sinigurado ni Vin na hindi kami makakalayo sa kanya. Siya ang nasa unahan at ako naman ang nasa huli. Si Ecca ang nasa gitna. Ang plano kasi sakali mang umatake uli ang nilalang na iyon ay tatakbo lang kami nang tatakbo hanggang sa maka-survive kami.
Yes, we have no goals right now but to just survive the night.
"Wait guys, what is that smell?" I mumbled all of a sudden.
Sa sinambit ko ay natigilan sina Ecca at Vin sa paglalakad. Through the dim lights of the moon, I can clearly see their reaction. Vin is knitting his eye brows and on the other hand, Ecca seemed about to cry again.
"What is it?" Vin mumbled, sniffing while roaming his eyes around the darkness of this forest.
"I-I really don't know," hindi ko magawang i-esplika ang naaamoy ko.
The smell is too much for my nose to handle. Masangsang ito. At nanunuot sa ilong ko ang nakakadiri nitong amoy. Animo amoy ng natuyong dugo. Gusto kong maduwal. Gusto kong masuka. Hindi ko talaga kaya itong tiisin. Hindi ko iyon matago sa aking mukha.
"Nakakasuka iyong amoy, naaamoy niyo rin ba?" I started an initial gag.
Ecca is now shaking, "y-yes, I can smell it too."
"What the hell is that smell?" Vin is now scrunching his nose. Tila ba ngayon niya lang talaga napansin ang amoy na iyon.
"But whatever it is, we have to move now. Hayaan niyo na kung saan ba nanggagaling ang amoy na iyon," Vin added and now he is walking. Now pulling Ecca and I to just move, "basta ang mahalaga ngayon, gumalaw tayo. Iyong umalagwa tayo—what the fuck?!"
Sa biglang bulyaw niya ay pareho kaming natigilan ni Ecca. We are just staring at him as he reached for his phone on his pocket. Clicked something on it and then the flashlight from it was turned on.
Pero . . .
Pero nanlaki na lang talaga ang mga mata ko sa biglang bumungad sa akin. Otomatiko akong napahawak sa aking bibig. Nanginginig ang katawan, halos manghina ang mga tuhod ko sa halo-halong emosyon na namayani sa aking sistema.
"N-Naji!!!" Ecca cried out loud.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top