Episode 4: Hakbang

NANG magsimula na uli kaming maglakad ay pinangunahan ito ni Jonrick. Samantala, minabuti naman ni Vin na sa likod namin ni Ecca pumwesto. Right now, Ecca and I are basically being sandwiched by the protection of our two guy friends.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Kanina pa namamawis ang noo ko kahit na malamig naman dito. Ganoon na rin ang panghihina ng mga tuhod ko.

Kakaiba naman kasi talaga ang pakiramdam dito.

'Di ko alam kung utak ko lang ba talaga ang gumagawa ng nararamdaman ko ngayon. O hindi kaya pawang imahinasyon ko lang ang lahat pero . . . pero damang-dama ko talaga. Marami ang mga matang nakatitig sa amin mula sa naglalakihang mga puno sa paligid.

"Ecca, do you feel it too?"

She focused her gaze on me, "what?"

"Kanina ko pa kasi nararamdaman na maraming nakatingin sa atin, eh," I scratched my nape, "alam mo 'yon? 'Yung pakiramdam na parang ang dami-dami natin dito kahit na apat lang naman talaga tayo ngayon?"

She sighed and that just fueled my fear. Ano ba, Ecca! Hindi ka mag-a-agree sa akin!

"Yes, I feel it too. Kanina pa," hinahaplos niya ngayon ang kanyang mga braso habang patingin-tingin sa itaas ng puno, "para bang ang dami-dami nila ngayon sa paligid . . . Mga nakatingin lang sa atin."

Fuck! Dapat pala, hindi na ako nagtanong pa!

Dahil sa takot ay minabuti ko na lang na manahimik. Iyong i-close na lang ang bibig kasi sa huli naman, ako at ako lang din naman ang mahihirapan. Kasi ako lang din naman ang sobrang natakot!

Habang naglalakad ay maya't maya kong chini-check ang cell phone ko. Nagdadasal na sana ay magkaroon na ng signal para kahit papaano ay makahingi kami ng tulong sa mga otoridad. O hindi naman kaya ay matawagan sina February para makahingi kami sa kanila ng agarang tulong. But still, there is no signs of connection on this part of the Province.

Sa totoo niyan, gusto kong mainis. Gusto kong isumpa ang gabing ito. Pero ano bang magagawa ko? Nandito na ako. May magagawa pa ba ang inis ko? May magagawa pa ba ako kung magalit lang ako dito?

"Narinig niyo ba 'yon?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Vin mula sa likuran namin. Kamuntikan ko na siyang nahampas! Bakit naman kasi nangugulat?!

"Ang ano?" Sambit ko habang sapo-sapo ang dibdib. Hindi pa rin nakaka-recover mula sa pagkagulat.

Doon ay natigilan kaming apat. Kami nina Ecca at Jonrick ay nakatingin lang sa kanya habang siya naman ay iginigiya ang kamay na manahimik kami. He is looking from afar.

Pero natigilan na rin ako nang marinig na rin ang tinutukoy niya.

Mabibigat na hakbang. Maingay iyon at kayang gumawa ng pagdagundong mula sa lupa. Sa tunog palang nito ay halata nang nanggaling ito sa isang malaking nilalang.

Lumunok ako at niyakap ang sarili. "Papalapit na uli siya."

"Let's just calm down for now, guys. And make sure na magkakasama tayo-" natigilan si Vin. Tumingin siya sa likuran namin, "where the fuck did Jonrick go?!"

Doon ay nanlalaki ang mga mata ko nang isentro ang tingin kay Jonrick na nasa likuran lang namin kanina. Right now, he is gone. He is fucking gone.

Nasaan na siya?!

"Let's go! Mukhang sinundan niya yata ang mga yabag na iyon!" Bulalas ni Vin.

Nang magsimula na siyang tumakbo patungo sa kung saan nanggagaling ang mabibigat na mga hakbang, hinila ko na ang kamay ni Ecca. Sabay kaming tumakbo patungo sa direksyon na tinahak ni Vin. I made sure na hindi kami mawawala sa kanyang paningin.

"Jonrick! You, fucker!" Hiyaw ni Vin habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo, "nasaan ka?! Sumagot ka!"

His voice only echoes with the creepy silence of this dark forest. Pero makaraan ang ilang sandali ay naisipan ko na ring tawagin siya. I started to yell Jonrick's name too. Even Ecca joined us with her small and timid voice.

But to no avail, hindi na namin narinig pa si Jonrick. Walang sagot. Wala kahit na yabag man lang.

Nasaan na ba ang lalaking iyon? Bakit bigla na lang siyang nawala? Could it be . . . no, it is not possible na nakuha siya ng malaking nilalang na iyon! We just heard it from afar!

Bago pa dumagdag nang dumagdag ang stress na namamayani sa buong sistema ko ay minabuti ko na lang na mas bilisan pa ang pagtakbo. Ganoon din kasi si Vin, kung hindi ko papantayan ang kanyang bilis ay tiyak na maiiwan niya kami ni Ecca nang walang kahirap-hirap.

Pero . . .

Pero halos matumba ako sa pagkagulat nang may biglang umalingawngaw na malakas at nakakapangilabot na tunog hindi kalayuan sa amin. Tila ba ito nagmula sa isang malaking nilalang. It was so loud that it created so much impact in the leaves of these gigantic trees around us.

It was scary.

Fucking creepy.

Pero tuluyan na talaga kaming natigilan nang biglang mahawi ang dahon ng mga naglalakihang puno sa tabi namin. And then all of a sudden, it revealed these freaking red eyes. It is illuminating against the dark environment . . .

That creature is now here . . . just infront of us.

"R-Run!" Ang biglang sambit ni Vin. Doon lang ako natauhan. Doon lang ako nagising.

Nang hinila niya ako ay hinila ko rin si Ecca. Before I knew it, we are now running away from that creature. Muli itong humuni nang malakas. Until that was the point where his loud foot steps appeared again. Unlike earlier, it was aggressive. It was so loud and so fast. Pinapantayan nito ang bilis ng pagdagundong ng puso ko ngayon.

"Kitkatbaby and Ecca! Walang bibitaw! Walang lilingon!" Vin yelled with his breathless voice, "just run! Just fucking run away from that creature!"

Mangiyak-ngiyak akong tumango sa kanya. Pinilit kong lakasan ang loob ko pero sadyang nakakakilabot lang talaga kasi ang lahat ng nangyayari. Sinubukan ko na lang na lunukin ang bawat takot na namamayani sa dibdib ko. Pinili kong lakasan ang loob ko kasi kung hindi . . . baka ito na ang huling gabi ko sa mundong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top