Episode 3: Pain
MAKALIPAS ang ilang segundo ng pagkagulantang, kilabot at labis na kalituhan, doon ko lang napagtanto ang tungkol sa kalagayan ni Jonrick at Naji.
"Nasaan na sina Jonrick at Naji? Saang daan sila dumiretso?!" I hysterically asked.
"There, Kitkatbaby. Tara, bilisan natin para maabutan pa natin sila!" Vin mumbled then hold my hand, "mas mabuti na rin siguro na hindi tayo maghiwa-hiwalay ngayon. We fucking need to stay together at this moment."
Tumango ako sa kanya. He has all of the points. Sa ganitong mga oras ay mas malakas kami kung marami kami. Isang kahinaan kung mag-isa lang ang kahit na sino sa amin. Ito ang punto kung saan talagang uubra ang katagang, "no man is an island".
Doon ay hinawakan ko rin ang kamay ni Ecca. Nanlalamig ang kanyang palad. Ramdam ko rin ang panginginig niyon. I caressed it with my thumb.
"Ecca, we need you to be strong right now," I told her as I looked straight into her eyes, "alright? Kaya natin ito. Hangga't magkakasama tayo, hindi tayo mapapahamak."
Mula sa kaunting sinag ng buwan ay nakita ko siyang tumango. Bakas pa rin sa kanyang mga mata ang takot. Na pinilit kong tanggalin sa akin. Kasi kung maski ako ay magpapakita sa kanya ng takot ay paniguradong mas madadagdagan lang ang mga daga sa kanyang dibdib.
"Ready?" Vin mumbled, I looked at him and I hold Ecca's hand tightly before I nod my head at him.
Matapos niyon ay nagsimula na kaming tumakbo. Hindi ko alam kung "tumakbo" nga ba ang tamang term sa ginagawa namin ngayon. Mukhang mas bagay dito ang "magpatangay" kay Vin. Ngayon kasi ay tila ba hindi na kami tumatakbo ni Ecca nang dahil lang sa sarili naming pwersa. Nagpapatianod na lang kami sa bilis na ginagawa ng lalaki.
Habang nagpapatangay sa kanya ay iniwasan ko ang mapatingin sa aming gilid. Ang daan kasi na tinatahak namin ay hindi sementado. Lupa lang ito na unti-unting sinasakop ng damuhan. Pero ang nakakatakot dito ay ang mga nakapaligid na malalaking puno dito. Tila ba sa mga sanga nito ay nararamdaman kong may mga mata na nakasunod lang sa amin; tahimik na nagmamatyag.
God, I fucking hate this.
"There, that's Jonrick right?" Hingal kong sambit nang makita ang pink na polo niya, "that's him, right?"
"Yep, Kitkatbaby. That's Jonrick! That's really him!" Sagot naman ni Vin na ngayon ay mas hingal pa sa akin. "Bilisan pa natin!"
Doon ay ginawa ko na rin ang makakaya upang makatakbo nang mas mabilis. I helped Vin to the best that I can. And thankfully, we became too close to Jonrick.
Hanggang sa bigla ay makita na lang namin na mawalan siya ng balanse.
"Jonrick!" I yelled in horror. Ngayon kasi ay nakabulagta ang kaibigan namin sa lupa. Mabuti na lang talaga at agad namin siyang naabutan.
"Hey, bro!" Vin also yelled, "are you okay-"
"Why would I fucking be okay, bro?!" Bulalas na sagot ni Jonrick. Sinambit niya iyon sa gitna ng bawat paghingal niya at paghagulgol.
"How can I be fucking okay kung nakita ng dalawang mga mata ko kung paaano nawalan ng malay si Naji habang kala-kaladkad siya ng nilalang na iyon?!" He continued to yell and cry.
Sa mga narinig sa kanya ay kusang gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang hapdi sa sistema ko. Hanggang sa magresulta iyon sa pagtutubig ng mga mata ko.
Wala na ba talaga si Naji?
Bakit . . . Bakit ang bilis naman yata?
Ngayon ay napaupo na si Jonrick sa lupa. Patuloy ang paghagulgol, at ganiyon na rin ang pagbuhos ng mga luha pababa sa aking pisngi. I can't fathom the pain that he is feeling right now. It must be worst than what I am feeling. At talagang hindi ko na nakayanan pa nang makitang napapasuntok na siya sa lupa.
"Hey, Jonrick . . ." I tried to stop him but he is just not on his usual self right now, "hey . . . Everything will be fine. Hahanapin natin si Naji. Mahahanap natin siya."
Pero nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Doon ay wala na akong nagawa kung hindi ang lumayo na lang. Yakapin ang sarili at pakinggan na lang siyang umiyak nang umiyak.
Then it was now Ecca's turn to calm him, lumapit siya dito at sinubukan siyang yakapin, "Jonrick, tatatagan lang natin. Tatatagan mo lang. Mas kailangan mo ang maging matatag ngayon."
Pero kagaya ko ay wala rin siyang nagawa. Ngayon ay katulad ko na lang din siyang nakatayo sa kanyang harapan. Napapaiyak at napapayakap na lang sa sarili.
"Tol," it was now Vin's turn to speak again, "we really have to move now. Kasi kung hindi, baka maging huli na talaga ang lahat. All we had to do now is just to be strong. Kailangan nating maging matatag, kailangan nating lakasan ang loob natin dahil ito ang mas kailangan ngayon ni Naji."
Jonrick is still crying when I saw him nod. Pilit niyang pinupunasan ang mga lumalabas na tubig sa kanyang mga mata, pero tila bang walang hangganan ang mga iyon ngayon.
"S-Sorry . . . S-Sorry, bro," he continued sobbing, "I am just so fucking messed up right now. Kahit anong pilit kong ipagduldulan sa isip ko na ayos lang si Naji, hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Nakita ng dalawang mga mata ko kung paano siya lapain ng nilalang na iyon!"
Inalalayan ko siyang tumayo. I feel him. Nakakainis na sa ganitong sitwasyon, mas pinapangunahan ako ng negativity. Tipong para bang mas madali ang mag-isip ng masama ngayon keysa mabuti.
"We will help you find her, bro," sambit muli ni Vin, ngayon ay tinatapik na niya si Jonrick sa kanyang likod, "hindi tayo uuwi ngayong gabi nang hindi natin siya nakikita."
Jonrick just continued to sob while nodding his head, "salamat, bro. Salamat talaga . . ."
Doon ay nagsimula na kaming muling maglakad. Ngayon ay walang ibang namamayani sa akin kung hindi ang kilabot. Kasi sa patuloy na pagtagal ng oras ay tila bang nagiging mas nakakakilabot ang nararamdaman kong mga matang nakasunod mula sa naglalakihan na mga puno.
Swear, gusto ko na lang talagang umuwi.
Pero sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ni Naji ay pinipilit ko na lang talaga ang maging malakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top