Episode 2: Naji
LAHAT kami ay patuloy na natigilan. Habang si Vin naman ay tila bang nakawala na sa kanyang kalasingan. Makailang subok niyang pina-andar ang kanyang sasakyan pero hindi ito muling gumana.
"F*ck!" Bulyaw niya sabay hampas ng dalawang kamay sa manibela, "t*ngina naman, talagang dito pa tayo nasiraan ng makina!"
Sa narinig ay napalunok ako. Kasi oo, t*ngina nga talaga. We are basically in the middle of darkness. Naglalakihan ang mga puno sa aming paligid. Ang ilaw lang mula sa unahan ng sasakyan ang nagsisilbi naming liwanag.
Sinubukan kong 'wag i-focus ang atensyon sa daan. Hindi ko kasi maiwasan na maisip na baka may kung anong sumulpot doon. Tapos papatayin kami. Ewan ko ba, kakapanood ko siguro ito ng mga Horror movies.
"Lalabas muna ako. Let me check kung ano ang pwede kong magawa just to fix this damn car."
Akmang bubuksan na sana ni Vin ang pinto nang hawakan ko ang braso niya. He turned his gaze at me. His knitted brows faded and it was replaced by his questioning eyes.
"Yes, Kitkatbaby?"
"It might be dangerous for you to go outside alone."
"Concern ka sa 'kin?"
Bigla akong napairap nang lumitaw na naman ang pilyo niyang ngiti. At dahil may dimples ang gago ay mahirap talaga sa kanya ang hindi magmukhang-fuck boy. Nakakairita talaga ang mukha ng isang 'to.
Imbes na sagutin siya ay tumingin ako sa backseat, kay Jonrick, "samahan mo na muna si Vin. Mapanganib kung siya lang ang lalabas. Lahat naman siguro tayo ay narinig iyong kakaibang ingay mula sa dulo ng sasakyan bago tayo nasiraan."
Jonrick only nods at me. Samantalang si Vin ay ngiting-ngiti sa akin bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Napairap na lang talaga ako.
Sa backseat naman ay binuksan na ni Naji ang pintuan. Pinapagitnaan kasi si Jonrick nina Ecca at Naji. Naunang lumabas si Naji bago si Jonrick. Buong akala ko ay babalik si Naji sa sasakyan pero hindi. Sinaraduhan na niya kasi ang pinto. Naiwan kami ni Ecca dito sa loob.
"Oks ka lang, Veks?" Nilingon ko siya.
She shyly smiled at me, "medyo natatakot."
Inabot ko ang kanyang kamay at pinisil iyon. Doon ko naramdaman na nanlalamig na pala ang kanyang kamay. Marahil siguro'y labis siyang nahihintakutan ngayon.
"Everything will be fine, Veks," ngumiti ako sa kanya, "magaling umayos ng sasakyan 'yang si Vin. Remember when he fixed Professor Sorayda's car at the University last year? 'Di ba, ang bilis lang? Tapos after n'on, naging favorite na siya ni Prof."
"Yeah," Vecca laughed timidly, "I remembered it as well. Back then you are all cheering him."
I joined her laugh.
"Bagay talaga kayong dalawa, Kitkat," sambit muli ni Ecca at doon na ako natigilan, "bakit hindi mo pa siya pinapayagan na ligawan ka? You know? Bagay naman kayo. Maganda ka, gwapo siya. You, guys, are perfect for each other."
"Wow," I failed to supress my laugh, "iyan na yata ang pinakamahabang salita na nabitawan mo, Veks, ha! I am so proud of you!"
"Loka," she started laughing with confidence now, "pero ano nga?"
"Hmm," I started, "siguro kasi hindi ko lang talaga bet kapag overly attractive ang isang lalaki? Alam mo 'yon? Nasa era tayo na maraming cheater, maraming ahas. Feeling ko lang talaga, magiging sakit ko lang ng ulo itong si Vin. Paniguradong marami ang nagkakandarapa diyan ngayon, what more pa kaya kapag kami na?"
"Pero kung mahal ka naman talaga niya, why would he cheat?"
I scrunched my nose and get all of Ecca's point, "basta. Hayaan mo na nga. Saka hindi rin naman ako handang magka-jowa pa sa ngayon, ano ba. Focus muna sa studies. Diploma over boys."
Ecca only laughed and I joined her. Realizing that this might be one of the rarest conversation that I had with her.
Pero . . .
Pero pareho kaming natigilan sa pagtawa nang bigla, may kung anong kumalabog na naman mula sa likuran ng sasakyan. And then the next thing we saw from the back of the car is Jonrick, running fastly away from the car, away from us. Sinundan siya ni Vin.
Nanlalaki ang mga mata, tiningnan ko si Ecca, "we should follow them, Veks."
Bakas na bakas ang takot sa kanyang mukha nang tumango siya sa akin. Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pagbukas ng pinto. Ganiyon din siya. At matapos niyon ay tumakbo na kami nang mabilis patungo sa direksyon na tinahak nina Jonrick at Vin.
Teka . . .
Jonrick at Vin . . . Nasaan si Naji?!
Habang tumatakbo ay ibinaling ko ang mga mata kung nasaan ang sasakyan. Doon ay walang Naji akong nakita.
Nasaan na siya?
Ano ba talaga ang nangyayari?!
Mas binilisan pa namin ni Ecca ang pagtakbo. And thankfully, hindi naman nawala sa aking paningin si Vin. Maya't maya rin kasi siyang tumitingin sa amin. Na tila ba sinisigurado na ligtas kami habang patuloy lang siya sa pagsunod kay Jonrick.
Nag-away ba sina Jonrick at Naji? Nagtatampo na naman ba ang babaeng iyon kaya bigla-bigla na lang nag-tantrums at tumakbo papalayo?
Kung oo, mababatukan ko talaga siya!
Unti-unti ay naging mabagal ang pagtakbo ni Vin. Tila bang sinadya niya iyon nang sa gayon ay maabutan na namin siya.
Hingal na hingal akong napakapit sa kanyang braso, "w-what is happening?"
Mula sa kaunting liwanag galing sa buwan ay nakita ko siyang napasabunot sa kanyang buhok. Natigilan ako nang makita ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Tila ba siya . . . nasindak?
"Si . . . Si Naji."
"Anong nangyari kay Naji?!"
Napapikit siya. Tila ba hindi na kaya pang magsalita. But I pushed him. I hold him on his arms. Inalog ko siya, "just answer my question, Vin!"
"Naji . . . Naji was attacked by a huge creature."
"Ano?!" Bulalas ko.
"It was a huge creature. Namalayan na lang namin na umirit si Naji. Bago nang mapatingin kami sa kanya . . . kagat-kagat na siya ng kakaibang nilalang na iyon. And before we even knew it, that creature is running away from us. It ran away while the fangs of it are digging at Naji's shoulders."
Natigilan ako sa narinig. Nanlalaki ang mga mata, napatingin na lang ako kay Ecca na kagaya ko ay nasindak din. She covered her mouth with her hand and I lost my balance. Mabuti na lang at agad akong naalalayan ni Vin.
Naji . . . I hope she is safe right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top