20
Nabulabog kami ng isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. Katabi ko si Zia natulog dahil nanaginip ito ng masama.
"Elisha,open the door!"it's Trisha's voice.
Halos sirain na niya ang pinto sa lakas ng pagkakalabog. Pupungas-pungas akong bumangon at nagmamadaling buksan ang pintuan.
"May problema ba? Anong oras kang nakarating,Trisha?"nag-aalalang tanong ko dahil sigurado akong madaling araw na.
"Fix your things and we need to go. Hindi na kayo safe dito ni Zia."kabadong saad niya kaya kapakunot ang noo ko.
Kailan pa kami hindi naging safe rito? Sa ilang taon naming naninirahan dito ay wala naman akong nababalitaang masamang nangyari.
"Ano bang problema?"nalilito kong tanong.
She looks nervous and her hands were shaking.
"Basta! kailangan nating umalis dito,Eli, please."pagmamakaawa niya. Halos maiyak na siya dahil sa kaba.
"May humahabol ba sa'yo? May kalaban ka ba o pinagkakautangan? Ano,Trish?"
Dahil hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari sa kanya. Sa loob ng pitong taon mula nang magising ako ay ngayon lang siya naging ganito ka kabado. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"We need to go,delikado na tayo rito lalo na kayo..."
Her voice croacked and her hands are trembling. Takot ang bumabalot sa kanyang itsura. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya upang pakalmahin.
"Trish. . . kung tungkol 'yan sa mga taong naghahabol sa'yo o kung may nautangan ka man,we can pay them right away, malaki na ang naipon ko sa kita ng convenience–"
"It is not just about the money or the people who after me,Eli! Please, sumunod ka nalang sa akin,pwede ba!?"tumaas na ang boses niya kaya naman bigla akong natigilan at nabalot ng kaba.
Agad akong napatakip sa dalawa kong taenga ng marinig siyang sumisigaw. May biglang boses na umalingawngaw sa utak ko at nagpapaalala ang sigaw ni Trisha.
"'Mimi. . .Mama?"boses iyon ni Zia. Nagkukusot pa siya ng mata at naalimpungatan dahil sa narinig niya.
"Go get your bag, Zi. Put some important things for you, l-like your clothes or anything. Aalis tayo."
Nanginginig niyang utos sa anak. Nanatili naman akong nakaluhod at nagtatakip ng taenga. Pumipitik na rin ang aking sentido.
"S-saan tayo pupunta?"kabado kong tanong. Dahil kung lalayo kami paano nalang ang negosyo ko?
"Basta. . .hindi ko alam, malayo dit–"
Sabay kaming napalingon sa malakas na kalabog mula sa pinto ng bahay. Marahas itong binuksan at galit na galit na mukha ni Zairel at Demi ang iniluwa roon. Napasinghap naman ang katabi ko dahil sa nakita. Nabalot ng kaba at takot ang mukha ni Trisha.
"Z-zai,K-kuya."
"Don't you dare call my name!"galit na galit si Zairel habang lumalapit sa amin.
Nanginginig naman si Trisha dahil sa kaba. Agad naman siyang nahawakan sa braso ng lalaking dati ay nakakatakot na ang awra ngayon ay mas lalong lumala. He's like a mad lion that ready to eat his prey.
"Paano mo nagawa sa akin ito?" Agad naman siyang dinaluhan ni Demi dahil bigla nalang siyang nanghihina. "I-I'm almost there, I believed you, I trust led you so much. . . You made me believe in love again,you made me feel loved but–"his voice croacked and I saw the tears started falling from his eyes.
"I-im sorry.." Trisha cried too. Nabitawan siya ni Zairel sa pagkakahawak nito kaya agad naman siyang napaluhod sa harap ng lalaki. Napasinghap ako. "Mahal na mahal kita,Zai,kaya ko nagawa 'to."
Mahal,mahal nila ang isa't isa pero heto sila ngayon,nagkakasakitan. Ganoon ba ang pagmamahal?
"Bullshit!?"
Parang kulog naman na dumagundong ang boses ng lalaki sa buong bahay. Napatakip akong muli sa taenga ko at nanatiling iniyuko ang ulo. Nakakatakot na sigaw at may kasama pang putok ng baril ang paulit-ulit na naririnig ko sa utak.
Napapikit ako sa sobrang sakit. Then some memory flash on my head. I can clearly see someone pointing a gun to a driver while someone is shouting for help.
I heard Zia's cry, malamang ay narinig nito ang boses ni Zairel dahil sa pagsigaw. Hindi ako makaangat ng tingin at nananatiling nakaluhod at nakayuko habang takip ang dalawang kamay sa taenga. Ayaw kong makarinig ng sigaw, natatakot ako.
"Zai please,magpapaliwanag ako,"Trisha continue pleasing.
"Pitong taon? magwawalong taon na, magwawalong taon mo na akong ginawang tanga at ngayon may lakas ng loob ka pang magpaliwanag?"mababa ang boses ngunit bawat salit niya ay may diin at galit.
I don't understand what they're talking about. Tahimik lang din naman si Demi na ngayon ay inaalo ang bata. Ilang minuto at nakita kong buhat niya si Zia at ipinasok itong muli sa kwarto nito habang may bitbit na baso ng tubig.
"Ginawa mo akong gago, pinamukha mo akong bobo.Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo! Tapos ngayon magpapaliwanag ka?Putangina mo!?"
He hold Trisha's chin at diniin ang pagkakahawak nito.
Nakita ko namang napangiwi si Trisha dahil sa sakit. She look at me pleading, parang nanghihingi ng tulong sa akin pero ni kahit na anong salita ay walang lumalabas sa bibig ko dahil na rin sa takot.
"May pulis na sa labas at hinihintay na lang ang pagsuko mo. I've warning you so many times, noong nakaraang buwan ko pa sinabi sayo pero ngayon may balak ka pang itakas ang mag-ina ko? How dare you!?"Padabog niyang binitawan ang panga ni Trisha,napangiwi lang ang babae dahil sa sakit nito.
I lost for words, kahit gusto kong magsalita ay wala ni kahit ano ang lumalabas sa aking bibig. I felt like mute for awhile, pilit na pinoproseso parin ang lahat na nangyayari. Lahat ng mga narinig ko ay tila nagrarambol parin sa aking utak. I can't process anything in my mind, sobrang gulo at kahit anong isip ko ay sobrang malabo.
May ingay akong naririnig mula sa entrada ng bahay. Mga yapak na papalapit sa pwesto namin, siguro sila yung sinasabi ni Zairel na mga naghihintay na pulis.
"Sir,"
Napaangat ako ng tingin at nakita nga ang tatlong naka uniporming pulis. Naghihintay ng utos ni Zairel, tumango ito bilang sagot na siyang nagpalapit sa mga pulis kay Trisha. One was holding a handcuff, agad nilang pinatayo si Trisha at siya namang pagposas rito. Bigla akong naalerto dahil sa nangyayari. Bakit nila huhulihin ang pinsan ko?
Tsaka lamang ako napabalik sa ulirat.
"Saan niyo siya dadalhin?"Kabado kong tanong.
"Ma'am–"pinutol agad ni Zairel ang sasabihin ng pulis.
"I'll explain to you later,"mahinahon niyang sambit pero umiling lamang ako.
"No! Please k-kung may malaking utang man sa 'yo ang pinsan ko,ako na ang magbabayad, please kailangan siya ng pamangkin ko. . ."
Nakikiusap kong saad dahil kahit papano ay kailangan siya ni Zia. She's her mother for pete sake at ngayon makukulong siya? Mas mabuti pang magtrabaho nalang siya sa malayo dahil kahit na gano'n ay nakakauwi naman siya minsan dito sa amin at nakakakasama ang anak niya.
"Please,Eli. . . I'll explain later,let them be."agad ko siyang pinukulan ng masamang tingin,paano niya nagagawa ito?
Gusto ko nalang lapitan siya at sampalin dahil hindi niya maintindihan ang sitwasyon. Wala siya sa posisyon ko na nakikita ang lungkot ng pamangkin sa tuwing wala ang nanay niya. Hindi niya maintindihan dahil hindi siya ang mawawalan. Damn him!
"Kung pera lang naman,may pera ako sa bangko. Mababayaran kita sa utang ni Trisha, just please..."
Kung kailangang lumuhod ako ay gagawin ko para sa pamangkin. Ayaw ko talagang makulong si Trisha dahil paano nalang si Zia.
"It's not about the money, Damn it!?"
His voice thundered and made
Me tremble in fear. Napaatras ako dahil sa takot.
"Takot siya sa sigaw,Zairel."kahit nakaposas at takot rin ay nakuha pang sabihin 'yon ng pinsan ko.
"Yeah,and that's because of you and fuck you for that!?"I can see the flame in his eyes. Ang kaninang umuusok,ngayon ay lumiliyab sa galit ang kanyang mga mata. "Just bring her to the presinct, chief, susunod ako mamaya o ang kaibigan ko."
Dali-dali naman akong lumapit kay Trisha at hinawakan ang kanyang mukha.
"Ilalabas kita,Trish, pangako. I'll get you a lawyer, hintayin mo ako. Ilalabas kita."
Umiling lamang siya at may luha na namang pumatak sa kanyang mga mata.
"I'm sorry,El, I really do."kahit naguguluhan ay tumango lamang ako
Siguro dahil nabigo na naman siya bilang ina kay Zia. Madadagdagan na naman ang pagkukulang niya sa kanyang anak.
Nauna na siyang maglakad sa mga pulis kaya hinayaan ito na walang nakahawak sa kanya. Natanaw ko pa ang kanilang pagpasok sa police car at pagka wala nito sa paningin ko.
Nanghihina akong napaupo sa sofa at napahilamos sa mukha. My processing everything that had happened.
Kung saan bigla nalang uuwi si Trisha dito ng madaling araw na tila hinahabol ng kung sino. Kasunod naman ang pagdating ng galit na galit na Demi at Zairel. Ang mga sinasabi nila na kahit isa ay wala akong maintindihan. Kung paano kami umabot sa puntong ito na makukulong ang pinsan ko.
Sa pitong taon na nakasama ko si Trisha ni kahit minsan ay hindi ko ito nakitaan ng masamang pakikitungo sa amin. She would let me helped in taking care of Zia. She even let me barrowed money for the convenience store, lahat ng sinasabi ko sa kanya ay ginawa niya. Pinagamot pa niya ako matapos ang aksidenteng nangyari sa amin ng mga magulang ko. Binibilhan ng mga gamot para sa sakit ko at kahit alam kong may kamahalan 'yon ay kahit minsan hindi ko man lang siya narinig na nagreklamo.
She's been good to me all along. Kahit pa palagi niyang iniiwan si Zia sa akin, sinisigurado niya na maayos kaming dalawa at may kinakain sa loob ng maraming taon.
I understand her when it comes to spending her time for Zia, naisip ko noon na dahil hindi siya pinanindigan ng ama nito kaya medyo malayo ang loob niya sa bata.
But these past months she tried to made it up with her daughter. Nakuha pa nga niyang manatili ng ilang araw dito noon na sa ilang taon hindi niya nagawa.
Kaya ako nagagalit ngayon dahil kung kailan natuto nang bumawi si Trisha ay tsaka pa nangyayari ito. I look at the man who's still standing infront of me. Masama ko siyang binalingan ng tingin dahil nagpupuyos na sa galit ang kalooban ko.
This man sent my cousin to jail and I hate him for that. Ang akala ko ay mahalaga sa kanya si Zia pero heto siya ngayon at inilayo ang bata sa kanyang ina.
"Why did you do that? Ano bang kasalanan ng pinsan ko sa'yo at umabot pa sa ganito?" I can't help but raise my voice at him.
Kanina pa ako nagtitimpi at gusto ko nalang siyang sampalin.
"She's not your cousin."deretso niyang tugon bago nag-iwas ng tingin.
"She is."diin kong sagot.
"Of course,you will never believe me.ay halong pait sa boses niya.
Sino ba naman kasi ang maniniwala sa kanya? I've been with Trisha for years at naniniwala ako sa kanya kaysa dito sa estranghero na ito.
"Kaya ba pilit mong maging malapit sa amin para makakuha ka ng impormasyon tungkol sa kanya?"matapang kong tanong.
Dahil kanina ko pa naisip na kaya siya siguro lumapit sa amin ni Zia dahil gusto niya lang makakuha ng impormasyon tungkol kay Trisha. Siguro hindi niya ito mahanap noon kaya ng makakuha ng pagkakataon ay kami ang nilapitan niya.
"No!"
"Then what? Kailangan ko ng paliwanag dahil sobrang lito na ng utak ko. Sobrang nakakasakit ng ulo dahil kahit saang anggulo wala akong makita na dahilan para ipakulong mo ang pinsan ko."
"Will you believe me I'll tell you?"
"S-susubukan ko..."
"T-trisha did a crime almost eight years ago and that crime involves my w-wife,"
Napasinghap ako sa narinig, sobrang bigat ng paratang niya.
"She's with my wife that time, tinangka nilang patayin ang asawa ko. Tinutukan ng baril at pinatay ang driver. Nabangga sa puno ang sinasakyan nila dahil nag aagawan ang driver nito at ang inutusan ni Trisha ng manibela. Siya lang ang hindi nasali sa aksidente dahil nakasunod lang ang sinasakyan niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa konsensya imbes na patayin niya ang asawa ko ay dinala niya pa ito sa hospital malapit sa pinangyarihan ng aksidente. But instead of telling what happened to her family,she hide it from us and showed her face after like nothing happened."
Halata na ngayon sa boses niya na nahihirapan siya.
"Her family believed that she's dead because the car exploded. Namatay ang driver at may mga gamit ng asawa ko na nakita sa crime scene matapos ang pagsabog na 'yon. But since then,I didn't believe it. Hinanap ko siya sa mga lugar na malapit sa aksidente. Pero kahit anino ay wala akong makita,I even go to the nearest hospital and asked some information about the accident but no one gave their statement."
Umigting ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Iyong hospital na napagtanungan ko,iyon din iyong mismong hospital na pinagdalhan niya sa asawa ko. She even paid them millions for their silent at putangina nilang lahat at nabulag sila sa pera. I can even give them another hospital and money kung 'yon lang pala ang kabayaran para lang sabihin nila sa akin kung nasaan ang asawa ko, but–"
Nag uunahan nang maglandasan ang luha sa kanyang mga mata,parang kinukurot din ang puso ko sa aking nakikita.
How can Trisha do a crime? Hindi halata sa itsura niya na magagawa niya 'yon. At kung nagawa man niya,ano naman ang rason?
"D-did you found her?"nag-angat siya ng tingin at agad nagtama ang aming mga mata. "I mean your w-wife, you found her?"marahan lamang siyang tumango sa akin at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
"But she doesn't know me, she didn't recognize me as her husband because she has am–"hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng patakbong lumabas si Demi mula sa kwarto ni Zia at buhat-buhat na ito.
"Fuck! Zai her nose is bleeding." Kabadong saad ni Demi habang papalapit sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top