17




"This is for you,mimi." bungad sa akin ni Zia ng makarating siya sa bahay mula sa school.

Kadarating ko lang din mula sa tindahan at andito ako ngayon sa kusina para magluto ng hapunan naming dalawa.

"Thank you,baby." I said my thanks when she handed me her crafted flower.

"My teacher said that I would be a great designer when I grow up but I told her I want to build buildings and houses."she said joyfully.

Napangiti naman ako sa narinig, dahil kahit hindi palaging nariyan ang Mama niya, nakuha niya parin ang hilig nito. Gusto niya rin maging engineer kagaya ng ina.

"You can be an engineer and architect too,love. You can make buildings and houses and design them at the same time." I explained, napatango-tango naman siya na tila nakukuha ang ibig kong sabihin.

The next days went normal for the two of us, dinadala ko siya sa convenience store kapag wala siyang pasok. Nagsisimba rin kami tuwing linggo at inugali na rin namin kumain sa labas matapos ang maagang mesa. I felt like I've been doing this routine for a long time now kahit noong hindi pa dumadating si Zia sa buhay ko. I don't know why, pero pakiramdam ko kasi normal na sa akin ang ganoong gawain.

When monday came, I send her to her school before going to the store that I own. It was build a year after I recovered from coma, my cousin lend me some money para sa puhunan. It was located to the market place kaya halos araw-araw ay madaming tao ang namimili.

I was busy arranging some biscuits on the shelves when I heard students giggling.

"Ang gwapo nong engineer kahit medyo matanda na 'no?" The girl in ponytail giggled.

"I think he's just in his thirties, sobrang matured lang niya tingnan dahil sa panaka-nakang white hair pero gosh! Nakakalaglag panty. Shit!" I almost covered my ears after hearing those.

How can these high school girls talked about that? Napailing nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ma'am mukhang sira po iyong card machine natin ma'am,ayaw gumana kapag nag-swipe." Kabadong saad ni Lizel.

Agad naman akong tumayo at minadaling ayusin ang mga biscuit. Nagloloko talaga iyon minsan at ako lang ang nakaka-ayos.

"May magbabayad ba gamit card?" Nalilitong tanong ko dahil minsana lang naman na card ang ginagamit ng costumer.

"Opo ma'am, hindi raw kasi maka-withdraw sa coop ngayon,naubusan daw cash iyong machine." She explained.

Agad naman naming tinungo ang counter, I saw a man standing straight there. He looks frustrated but remain calm.

Agad akong pumasok sa counter at tiningnan ang machine. I sighed before facing the man infront of me.

Naabutan ko siyang titig na titig sa akin na parang nakakita ng multo. Shock is visible in his face. Nakanganga pa ng bahagya ang kaniyang bibig at tulala. Napakurap pa siya ng harapin ko, I don't know  but I felt my heart stops from its beating when I saw his face.

He looks familliar but I don't remember where did I saw him. Hinampas ko pa ng ilang ulit ang dibdib ko dahil naninikip ito. I took a deep breath before tilting  my head to shrug it off.

"I'm sorry sir but our machine got stock." I said lowly, hindi parin matinag ang titig ng lalaki sa akin. I got conscious tuloy.

"Excuse me,sir." Sabat naman ni Lizel na siyang nagpapukaw sa nakatulalang lalaki. Kumunot ang noo ko sa inaasta niya.

"Y-you're a–"Hindi niya natuloy ang sasabihin ng may nagsalita sa likuran niya.

"Bro, I got my cash now, we can p–"hindi rin natuloy ang sasabihin ng lalaki na bagong dating at nagulat rin itong nakatingin sa akin.

"What the fuck!?" He look at me confused, nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa lalaking tinawag niya na engineer. "E-Elisha?" He said while looking at me, kumunot lalo ang noo ko.

Why did he know my name? Tinuro ko ang sarili ko, mag lalong nagatla ang mukha ko sa kalituhan.

"You know my name?" I ask them confused.

"Oh my God! You're alive!?"he exaggeratedly said.

Of course I am.

Hindi pa rin nagsasalita ang lalaki sa tabi niya, tila naputulan ng dila ito at patuloy lang sa kakatitig sa akin.

"Yes I am...and why did you know me?"

"What the hell happened to you? You don't know us? I am Demi and he's Zairel your h–"hindi na niya napatuloy pa ang sasabihin ng biglang sumakit ang ulo ko. Tila may pumitik na kung anong alaala sa isipan ko, I felt like my head would explode.

The people around me become blurry and the last thing I saw was the man's worried face before everything went black.

I woke up in a familliar white ceiling. Napahawak ako sa sentido ko ng makaramdam ng sakit nito. I can't open my eyes yet, but I can hear voices. Hindi ko lang matukoy ko nasaan ako at hindi ko maalala ang mga nangyari.

"Mimi is going to be okay,right Engineer?" A cute little voice asked someone while sniffing.

"Yes, she just need some rest for now,you want to go home and rest too?" A husky but sweet voice of a man answered.

"I want to be with my mimi until she wakes up po." I know it was Zia. Gosh! What did happened?

I slowly open my eyes while still holding my head.

I saw the two of them sitting on a long sofa. Nakakandong si Zia sa estranghero at tila ba komportable na ito sa tao. Kaagad naman akong napabangon sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid. Tama nga ako at nasa hospital na naman ako. Agad akong nagpanik at biglaang tinanggal ang IV fluid na nakakonekta sa akin.

The man immediately rose up from his seat and put Zia on the sofa. He moved closer to me nervously, agad siyang may pinindot sa ulohan ko at may kinausap doon.

He held both of my hands to control me,umiiyak lang ako kasabay ng pagpupumiglas sa hawak niya. I hate hospitals, the smell, the ambiance and the people here. I don't like it here, I hate being here. Again.

"Please calm down...the nurses and doctor are coming,calm down,please." He said calmly while hugging me and brushing my hair.

I keep on crying, and I can hear Zia's cry too. Bigla naman akong naawa sa pamangkin ko, ayaw kong nakikita niya akong ganito. I don't want her to see me vulnerable.

"Mimi..." She called me crying, puno na ng mga luha ang kaniyang mukha. Naghalo ang luha at sipon. Agad naman akong napabitaw sa hawak ng lalaki sa akin.

Why do I feel comfortable in his arms? I feel like I am used to do it with him.

Agad naman siyang kinarga ng lalaki at itinabi sa gilid ko. She immediately hug me like she misses me so much. Napangiti ako ng tipid at bumaling ng tingin sa lalaki na ngayon ay nakatunganga lang at pinagmamasdan kami.

"Thank you,"I mouthed, he just nodded his head.

The nurses and doctor came to take care of me, ibinalik ang ang IV sa akin at pinainom ako ng gamot. Pinilit ko namang kinalma ang sarili ko para kay Zia. Hindi dapat ako nagpapanick attack dahil maapaektuhan ang bata.

Nakayakap lang ito sa akin hanggang sa narinig ko nalang ang mumunting hilik nito. Agad ko namang inayos ang higa niya sa tabi ko. The doctor said that I need to rest for awhile here in the hospital, kailangan daw nilang e examine ako dahil na rin sa aksidente kinasasangkutan ko noon. It triggered my current situation, that's why the doctor decided to have some test for me.

Kanina pa nakalabas ang lalaki kasabay ng doktor pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakabalik. I know that we're not his responsibility and I understand that. But there's something inside me that wants to see him in no particular reason.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagdesisyong itulog nalang ang pagod na nararamdaman.

I was awaken by a gentle touch on my hair. Tila nag iingat ang bawat haplos upang hindi ako magising sa aking pagkakatulog pero naiihi ako. I open my eyes, agad namang natigil ang paghaplos sa buhok ko. I roam my eyes around and I didn't see Zia beside me, kumunot ang noo at ibinalik ang tingin sa lalaking nasa aking harapan.

The man cleared his throat.

"P-pinauwi ko muna siya sa bahay niyo kasama ang kaibigan ko." He said gently.Napansin niya din yata ang pag aalangan ko. "Don't worry,nothing bad will happen to your niece kung 'yan ang inaalala mo." Dugtong niya kaya kahit nagdadalawang isip ay tumango ako. Hindi ko man sila kilala ay may kung anong parte ng puso ko ang nagtitiwala sa mga estranghero.

Hindi muna ako nagtanong kung bakit niya ako binabantayan at bakit niya hinahaplos ang buhok ko.

"Thank you!you can go home and rest now,I'm fine here," I said to him smilling.

Hindi naman siya sumagot at piniling nakatitig lang sa akin. Agad akong bumangon at pilit inaabot ang swero upang makatungo na sa banyo at makaihi.

Tinulungan niya naman akong abutin sa stand nito at inalalayan.

"I need to pee,thank you."tumango lamang siya at hanggang makapasok sa banyo ay ramdam ko parin ang titig niya sa akin.

I still don't understand why he's here, I know that he's with me awhile ago when I fainted. Pero hindi niya naman ako responsibilidad para alagaan at bantayan buong magdamag.

Nang makalabas sa banyo ay nakita ko naman siyang nakahalukipkip at nakasandal lang sa pader sa labas nito. Nakapikit ang mga mata, I got startled a little, pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.

"You can go home now Mister-" I can't continue what I'm going to call him,kasi hindi ko naman siya kilala.

"I'm Zairel Aragoncillo, you can call me Zai or anything you want,"pagpapakilala niya at inilahad pa ang kamay sa harap ko.

May bigla namang imahe ang lumitaw sa isip ko pero lahat ay hindi masyadong klaro at mabilis. I was hesitant at first pero naisip ko nalang din ang tulong niya sa akin kanina at hanggang ngayon, kaya tinanggap ko na ang pakikipag kamay nito.

"Wow! You are Zai and my niece is Zia," Na amazed ako sa pangalan nila para kasing binaliktad lang. Nakakatuwa.

"Y-yeah!" Nanatiling nakahawak parin siya sa kamay ko, agad ko naman itong binawi dahil natagalan yata ang pagkakahawak niya.

Napakurap siya saglit at tinignan lang ako.

"Thank you for helping me,by the way, kahit hindi mo ako kilala ay tinulungan mo parin ako." I sincerily said.

Bihira na lang ang mga taong tutulungan ka ngayon. May iba pa nga na kahit naghihingalo ka ay pababayaan ka lang.

"I-it's really fine,sinabi din kasi ng mga trabahante mo na wala kayong kasama sa bahay ng p-pamangkin mo." Tumango lamang ako at bumalik na sa kama.

"Yeah! My cousin is working far from this town at minsan lang siya nakakauwi." Paliwanag ko.

"Uhuh! I-ilang taon kanang walang maalala?" Hindi ko alam bakit nauutal siya ng kinakausap ako. But it didn't bother me anyway, kaso nga lang ay sa tikas ng katawan niya parang hindi bagay na nauutal.

"I got into accident years ago,na coma at hanggang ngayon may amnesia parin. But I have my medicines naman, pero malas lang talaga ata kasi kahit iniinom ko naman at may regular check up ako hindi parin gumagaling.." Nalasahan ko na naman ang pait sa tinig ko. I sometimes doubt that medicine dahil instead na gumaling ako ay parang lumalala yata ang pagka makakalimutin ko.

I saw his jaw clenched habang nakakuyom ang kanyang kamao. Nakakunot rin ang kanyang noo.

"C-can I see your medicine?" He stutter.

Inabot ko ang bag sa side table ko at kinuha ang gamot para ibigay sa kanya.

"What's your cousin's name?" He asked, still in anger disposition. Dahil na rin siguro sa takot ay nauutal akong sumagot.

" Trisha Marie Buencamino." I honestly answered.

Agad kong inangat ang aking tingin sa kanyang mukha, ang kaninang galit at pagpipigil ay napalitan na ngayon ng nag aapoy at nagbabagang emosyon. Hindi ko maipaliwanag 'yon pero alam kong galit siya at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top