16
"May tatlong bear sa loob ng isang bahay,si Papa bear, si Mama bear at Baby Bear. Si Papa bear ay napakalakas, si Mama bear ay napaka ganda, si baby bear ay napakalusog...tingnan mo tingnan mo ang saya nila..."
I smiled while listening to the cutest voice I've ever heard. She has a talent in singing, I can tell. And it makes me happy every time I heard her sing.
Agad akong napatigil sa paglilista sa maliit kong notebook at tinitigan siyang nakaupo sa carpeted floor habang nilalaro ang mga stuff toys niya. I smiled while looking at her, she's always jolly and playful. And most of the time, she acts more mature than her age. She's just four years old pero kahit sa murang edad ay parang matanda na itong makipag usap sa mga tao.
"Where did you learn that song?" I asked curiously.
She look at me and smiled, showing her small white teeth.
"Sa classmate ko 'mi, turo daw ng mama niya. Pero may Papa siya,Mimi"agad akong natigilan sa narinig.
Tila may pahiwatag ang sinabi niya.
"May Papa ka naman,ah,"sagot ko.
"Pero hindi ko kasama,"malungkot niyang sabi.
"Your mama explained that already,right? And if you want to meet your Papa, we can ask her that,"
Bumuntong hininga muna siya bago pinagpatuloy ang paglalaro. Neverminding what I said.
She's my niece, anak ng pinsan ko at ako ang nag-aalaga simula pa noong baby pa siya. My cousin is working in a far city from here. Dumadalaw lang ito rito sa amin sa tuwing nagbibigay ng budget para sa anak niya. Minsan dalawang beses sa isang buwan pero madalas isa. May pagkakataon pang hindi talaga.
"Sana ikaw nalang talaga ang mommy ko 'mi."malungkot niyang sabi.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. I understand where she's coming from, dahil simula noong magising ako mula sa pagkaka-comatose ko ay ako na ang nakasama niya.
"Mama is not always around, uuwi lang tapos aalis ulit. Bibigay lang food at money pero hindi rin nags-stay." Naluluha niyang saad.
Agad ko siyang dinaluhan para aluin. Ayaw kong nararamdaman niya na may kulang sa kaniya, kaya lahat ginagawa ko para mapunan ang pagkukulang ng kaniyang ina sa kaniya. Alam ko namang hindi sapat 'yon, but I always tried.
I love her so much and I am willing to do everything to make her feel that she's loved. Kahit ako din naman, hindi ko rin maintindihan ang pinsan ko, why she's too far away from her daughter? Ang sarap alagaan at mahalin ni Zia, kaya hindi ko talaga maintindihan ang pakikitungo niya sa sariling anak.
Ni minsan hindi niya rin nabuksan ang topic na gusto niyang makasama ang anak kung saan man siya nagta-trabaho. Hinayaan ko iyon dahil ang inisip ko ay baka kampante siya rito sa probinsya ang anak niya dahil nandito naman ako.
She told me that the father of Zia doesn't want to father her. Pero hindi naman sapat na rason 'yon para ituring niya rin na gano'n ang anak niya.Pasalamat nga siya at may makakasama siya hanggang sa pagtanda. And it has to be Zia, her daughter will took care of her when she gets old, tapos ngayong bata pa lang pababayaan niya? I don't really get her.
I used to have a family too but everything went fucked up when the accident happened. I got coma for more than a year and that accident took both of my parents away.
Si Trisha nalang ang natitirang kamag-anak ko dahil sabi niya noon ay nakatira siya sa amin at ulila na. Sila mommy at daddy daw ang nagpa-aral sa kaniya mula bata pa hanggang college. We had our vacation after my graduation in college,iyon nga lang ay nabangga ang sinasakyan naming van sa isang container truck.
I got comatose, and according to my cousin Trisha I am still suffering from amnesia. Though, I have to take this mentainance for my sickness. Regular din ang check up ko every month, pero hanggang doon nalang yata 'yon. Kasi hanggang ngayon hindi ko parin maalala ang mga taong naging parte ng buhay ko sa nakaraan. I only remember my name,my mother and father,ang my life during my elementary, nothing more nothing less.
I got back to my senses when I heard Zia's loud voice. She's laughing like she did something funny. And then I feel something wet on my dress.
Oh my God!
"Mapple peed on your dress 'mi..."she continue laughing.
"Mapple!?" Agad namang tumakbo ang aso palayo. She knows what going to happen. "Come back here,you little brat!" Naiinis ako sa asong 'yan, walang utang na loob kahit ako ang nag aalaga sa kaniya.
"What a badass Mapple." Saad ni Zia habang tumatawa parin. Really? this brat too. Natutuwa pa siya na naihian ako ng aso niya? Gosh!
"I will choke her later Zia,watch me!?"I smirked.
Nakakainis talaga! Ang baho pa naman ng ihi nitong aso.
"Bad 'mimi, bad."bumusangot siya kaya naman tumayo na ako. Hindi ako maaaring magpadala sa pa-cute niya. Nang aabuso na 'yang alaga niya kaya mamaya hindi ko bibigyan ng treats 'yan. Hah!?
Hindi pa man nakakalayo ay narinig ko na ang hikbi ni Zia. Kaya naalarma ako at hinarap siya, she's crying, e wala pa nga akong ginagawa.
"That was a joke Zi, I can't do that to Mapple, I'm sorry." Mabilis ko siyang nilapitan at inalo. Wow! Parang kasalanan ko pa,ah?
"She'll say her sorry to you later mommy please don't make her choke or palo 'mi. Please...please." Natawa naman agad ako sa conyo niyang pagsasalita.
"Hindi na, I'll give her a chance. Third chance if she'll pee on my dress again, I'll give her to the beggar in the market." I said calmly.
"No 'mimi, I'll talk to her po. Wag po lang bibigay."pakiusap niya.
She continue crying like I did something wrong. Hindi pa nga,eh! Niyakap ko nalang siya at hinimas ang likod, sininok pa nga siya dahil sa kakaiyak.
Kinandong ko nalang at inalo pa rin, hanggang sa makatulog na ito. Inayos ko na lamang siya sa sofa at itinuon ang electric fan sa harap. It's not that hot pero dahil pawisin si Zia ay 'yon na lang ang ginawa ko.
I decided to cook our dinner at ginising na lamang siya ng kakain na.
Kinabukasan ay abala ako sa pagtulong sa convenience store nang tumawag si Trisha.
"Napatawag ka?" We don't usually talk and we're that close pero hindi rin naman kami nag aaway dalawa. Minsanan lang din kami nag uusap at madalas sa tawag lang.
"A-ahmm do you somehow notice people who you barely know around the town? Or nakaaligid bahay?" Napakunot ang noo ko sa ramdom niyang tanong.
"Ha? Wala naman Trisha, bakit?" She cleared her throat before continue speaking.
"W-wala naman,kung may lalapit sa inyong hindi mo kilala 'wag mong kakausapin Elisha." Halatang kabado ang tinig niya.
"Bakit? May nangyayari ba Trisha?" I asked her calmly, dahil bigla rin akong kinakabahan sa inaasta niya. Hindi naman siya ganito noon.
"Wala,basta sundin mo nalang ang bilin ko at mag ingat kayo ni Zia. Uuwi ako bukas or sa susunod na araw para ihatid ang supply niyo. Sige na Elisha." Hindi pa man ako nakasagot ay naputol na ang tawag niya. I don't know why she's acting weird.
Nang sumunod na araw nga ay dumating siya, as usual marami na namang dalang pasalubong sa anak at pati na rin sa akin. Asensado naman itong bayan kong tutuusin, kaso nga lang ay wala masyadong matataas na establishementong
kagaya ng sa mga siyudad. Kaya palage kaming pinag-shopping ni Trisha bago siya dadalaw sa amin ng anak niya.
Ito na ata ang pinaka matagal niyang pananatili dito sa bahay. She's been here for three days now at sinabi niyang hindi pa siya sigurado kung kailan siya babalik sa trabaho dahil isang linggo naman daw ang leave niya.
Nakapag bonding din sila ng anak niya habang abala ako sa trabaho. She's the one sending Zia to school and fetching her after class. Natutuwa naman ako dahil masaya ang bata dahil kahit papaano ay bumabawi siya sa anak niya. 'Yon nga lang ay naputol na naman 'yon ng nagpasyang bumalik na sa trabaho si Trisha.
Umiiyak si Zia pero pilit ko itong pinapaintindi na babalik pa rin ang nanay niya. Trisha also promised her to visit again next time at hahabaan na ang leave na hihilingin sa boss niya.
Kahit pa umiiyak ay nakuha parin ni Zia ang kumaway sa napapalayong ina. It was hard for me to see her cry, It felt like twisting my heart.
"Mama will come back,okay?" She nodded but never leave her sight off the road.
Naging tahimik lang kami ni Zia ng mga sumunod na araw. We did our daily routine pero hindi masyadong nag uusap. Naging tahimik lang siya at magsasalita lang kapag may tinatanong.
It was the first time after all these years, she was used to it. Na uuwi ang mama niya at aalis agad kinabukasan, hindi naman siya gano'n noon. Pero siguro dahil mas matagal niyang nakasama si Trisha ngayon kaya napalapit na itong muli sa kaniya.
And it made my heart ache, ang makita siyang ganiyan ay tila pinipiga ang puso ko. As if something with us connected, kaya mas nasasaktan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top