15
Months passed and I am so stress. Sobrang dami ng school works at nagsunod-sunod ang exams.
Kakatapos lang ng OJT ko ay hinarap ko naman ang final exams ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko dahil sobrang nakakapagod sa utak. Mabuti nalang at pag nakakauwi sa bahay ay may katulong ako sa pag aalaga kay Zalas tuwing gabi kaya hindi ako napupuyat masyado. Zairel would always be there helping me when it comes to our son.
Kahit may Yaya naman at nandiyan si nana Elisa ay inaalagaan parin namin siya basta ba hindi lang kami parehas na abala.
After my busy weeks ay nagbigay naman ako ng oras sa mag-ama ko. I decided to bring them outside for lunch, dahil linggo naman. Nagsimba muna kami kasama si nana bago pumunta sa mall at namasyal.
Zalas enjoyed the toy kingdom dahil sarap sa mata makakita ng maraming laruan. Lahat ng hinahatak at nilalagay niya sa cart ay hinahayaan lang naman ni Zairel. Bahala siya sa buhay niya, siya naman ang magbabayad ng lahat para sa anak niya.
We also shopped for his new clothes dahil sumisikip na rin ang iba niyang damit dahil sa katakawan niya. Namili rin ako ng para kay nana dahil nagpaalam siya na uuwi sa susunod na linggo sa kanilang probinsya upang magbakasyon. May iilang pirasong formal wear din akong nabili para sa interview ko sa susunod na linggo sa in-applyan kong airlines.
Nagda-dalawang isip pa ako noon kung magiging cruise ship stewardee ba ako or magiging flight attendant. Pero ngayon ay alam ko na ang gusto ko at 'yun ang magiging flight attendant. Dahil kung sa barko ako magtatrabaho ay ilang buwan pa akong mawawala, ngayon pa ba na may Zalas na ako. Hindi ko ata makakaya yun dahil sobrang mamimiss ko ang anak ko.
"Dy..." Iyak ni Zalas ng makakita ng mascot na sumasayaw.
Agad naman akong natawa dahil sa takot sa kan'yang mukha. He hates mascot. Kaya no'ng birthday niya ay hindi kami kumuha ng clown na sinuggest ng mga kaibigan ko dahil alam kong matatakot siya.
Binuhat siya ni Zairel at agad naman nitong tinago ang kan'yang ulo sa leeg ng ama.
We eat our lunch happily. Sa wakas after weeks I spend my day with them.
"Niyaya pala ako ni Trisha sasabay kami sa ball ng graduation."paalam ko kay Zairel isang araw ng ihatid niya ako sa school.
Puro practice nalang kami ngayon para sa graduation.
"Didiretso 'di ba tayo niyan sa Bollon?" Tanong niya.
"Pwede naman akong sumunod nalang sa inyo,'di ba? Huling pagkakataon na iyon na makasama ko mga kaklase ko kahit papaano naman napalapit na sila kahit isang taon ko lang sila nakasama."I said sweetly.
Napabuntong hininga nalang siya. I know him and I know that he can't say no to me.
"Fine. Kakausapin ko sila Mama."
Napa 'yes' naman ako sa narinig. Lahat kasi ng mga kaibigan namin ay susunod din sa resort para doon ko i-celebrate ang graduation ko.
When my graduation came, halos buong program ay naluluha lamang ako. After all the hardship, finally I can say that I did it.
Elisha Meirel Santiago-Aragoncillo
Bachelor of Science in Tourism
Cum-Laude
We took our pictures as a family, Zairel, me and Zalas. Nilagay ko rin ang medal ko sa anak ko, he's part of my success after all. Nang dahil sa kaniya ay mas lalo pa akong nagpursige sa pag-aaral ko. Dahil sila ni Zairel at Zalas ang naging inspirasyon sa buong journey ko sa kolehiyo.
I bid my goodbyes to them. Mauuna sila sa Bollon at susunod ako mamaya. Maaga naman ang ball at hindi ako tatagal doon. Siguro ayos na ang dalawang oras.
"Take care of Zalas for me..."hindi ko alam kung bakit madalas na akong emosyonal.
"Mimi...wavwav mimi..." Kumakaway pa si Zalas sa akin habang nagsasalita ito.
"Jusko kang bata ka...hindi naman kami mawawala sa'yo,mauuna lang kami sa resort. Kung wala ka pang iniinom na gamot ay iisipin ko na buntis ka ulit...napaka iyakin mo na..."
Walang tigil na salita ni Nana bago pumasok sa kotse na sasakyan nila. Napasinghot lang naman ako.
"We love you too mommy please follow us immediately,okay?"Zairel kiss on the lips.
"Alagaan mo ang anak natin,Zairel, mahal na mahal ko kayo..."
Umiiyak parin ako habang kinakakawayan ang sinasakyan nila. Si Zairel ang nagmamaneho nito dahil kasama ko mamaya si mang Danny na susunod sa kanila. Matapos ang early lunch namin kanina ay nagdesisyon na silang umalis.
Sa isang high end bar naman napili ng mga ka batch ko i-celebrate ang graduation ball ng lahat. Nang makarating kami rito ay naka-abang na si Trisha sa labas ng bar. I just told mang Danny to wait for me dahil hindi naman ako magtatagal. Hapon nilang napili ang ball dahil karamihan sa amin ay may kani-kaniya namang gaganapin na party.
I accepted the beer they offered,ayaw kong maglasing dahil ba-biyahe pa kami mamaya. Ayaw ko rin namang amoy alak ako pagdating sa resort.
Ilang oras pa ang nakalipas ng medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo. Kaya nagdesisyon akong tumayo para makapag paalam na kay Trisha. She said she will come with us dahil mamaya rin naman pupunta ang kapatid niya.
"We need to go...it's past three now."bulong ko sa kaniya.
"Oh, sorry El,I almost forgot."tumayo naman siya at nagpaalam na kami sa mga kaibigan niya. Nagpaalam na rin muna ako sa mga kaklase ko.
"Convoy na lang ako sa inyo El...I'm with my boyfriend." She said, kaya tumango nalang ako.
Ganoon nga ang nangyari magkasunod lang ang sinasakyan namin. Nagpaalam naman ako kay mang Danny na iidlip muna. Ilang oras ang nakalipas ng magising na ako. Wala na kami sa siyudad dahil puro puno ng kahoy at palayan na ang kadalasan ko nakikita. Siguro ay ilang oras nalang ay makakarating na kami sa Bollon.
"Mang Danny pahinto po ng sasakyan. Parang nagbu-busina po sina Trisha,eh baka may problema po sila." I said worriedly.
Kanina ko pa naririnig ang busina ng sasakyan ni Trisha.
Hininto naman ito ni mang Danny,agad naman akong lumabas ng sasakyan ng huminto rin ang kotse sa likuran. Sabay na lumabas sina Trisha at ang boyfriend niya na ngayon ay parehas nang nagsisigawan. Nag aaway ata sila.
"Fine! But I still go with you and ride with their car."rinig kong sigaw ng lalaki.
"Suit yourself asshole!"balik na sigaw ni Trisha.
Padabog niya ulit binuksan ang sasakyan niya at pumasok sa loob ng driver seat.
"Can I ride with you?"Nahihiyang tanong ng lalaki. Kahit nalilito ay tumango parin ako. "Nag-away kasi kami dahil uminom siya, but I know she's not drunk."ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na sa likuran.
Pumasok din naman siya shotgun seat.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay napapansin ko ang pagtingin ng lalaki sa akin. I don't know why I felt something strange from his stare. Iyong tipo ng tingin na parang may binabalak, nawala na tuloy ang antok ko dahil medyo kinakabahan ako.
Ganoon din si mang Danny panay rin ang tingin niya sa lalaki at napapakunot ang noo nito. Tinitignan niya rin ako minsan sa rearview mirror na parang nagtatanong ang mga mata.
Ilang minuto pa ang nakalipas, ang kaba ko kanina ay mas lalong lang lumakas ng maglabas ng baril ang lalaki. Agad niya naman itong itinutok kay mang Danny kaya napasinghap ako sa nerbyos.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko kung pwede naman kayong tuluyan na ,'di ba?" Humalakhak ang lalaki na siyang nagpatindig sa balahibo ko.
"Alam mo ba bakit kami nag-away ni Trisha? Dahil kanina pa ako gigil na patayin ka para makuha ko na ang bayad mula sa kaniya. Doon pa lang sa bar ay gigil na ang mga kamay ko na tuluyan ka pero hindi siya pumayag dahil dapat daw magmukhang aksidente ang lahat." Tumawa siyang muli ng napakalakas .
Napaluha ako at nanginginig na dahil sa takot.
"P-please...may mga pamilya po kami, at hinihintay po ako sa asawa't anak ko."nagmamakaawa kong sabi pero mas lalo lang siyang natawa.
"Kaya ka nga niya pinapatay dahil sa asawa mo. Tanga ka ba?" umiling ako dahil hindi magagawa iyon ni Trisha sa akin.
"Sa tingin mo hindi kayang magpapatay at pumatay ng tao dahil lang sa pagmamahal?" He smirked. "Drive or I'll shoot your head...kapag sinabi ko na ibangga mo ang sasakyan ibabangga mo...nakuha mo?!"
Kitang kita ko ang panginginig ng mga kamay ni mang Danny kaya naiiyak na rin ako sa takot. How can Trisha do this to me, naging mabait naman ako sa kanya.
Dahil sa takot ni mang Danny ay halos mag zigzag na ang patakbo niya ng sasakyan. May nakasalubong pa kaming kotse na muntik na naming mabangga,mabuti na lamang at nabawi niya agad ang kambya.
Pero hindi natigil doon ang takot ko dahil nag-aagawan na si mang Danny at ang lalaki ng baril. Agad naman akong napatakip ng taenga ko nang pumutok ito at tumama sa bubong ng sasakyan. Patuloy parin sila sa pag-aagawan hanggang sa maitutok ito sa tapat ko. Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
Ilang beses pang pilit na inilayo ni mang Danny ang nakatutok na baril sa akin. Ilang beses rin siyang nagtagumpay pero isang beses ring siya natamaan sa kanyang braso. Gusto kong tulungan si mang Danny pero hindi ko magawa dahil hindi ako makakilos dahil sa takot.
Isang beses pang nakatutok sa gawi ko ang baril hanggang sa magalaw niya ang gatilyo nito. Agad akong nakaramdam ng hilo at naging malabo na ang paningin ko dahil sa dugo na dumaloy sa ulo ko.
Pabalang na ang takbo ng sasakyan namin. Naririnig ko pa ang boses ni mang Danny na tinatawag ang pangalan ko hanggang sa makarinig nalang ako ng malakas na tunog ng pagka bangga.
Tumilapon ako sa labas ng sasakyan at ang huli kong narinig ay ang malakas na pagsabog hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top