13
Naituwid ko naman ng maayos ang first trimester ng pagbubuntis ko. Mabuti nalang at ilang buwan nalang at matatapos ng ang pang ikatlong taon ko sa kolehiyo.
Sa tuwing umaga na naduduwal ako ay kaagapay ko naman si Zairel. He always made sure that he's beside me during those times. Sinisigurado niya palaging maayos ako at naibibigay niya lahat ng cravings ko.
How lucky I am to have a husband like him.
Panay rin ang tanggap namin ng kung ano-anong gamit mula sa mga kaibigan. Hindi nga ako nagkakamali ng mga sumunod na linggo ay naabutan ko nalang ang mga tao na nag ayos daw ng nursery para sa baby. Nalaman ko nalang na si Althea pala ang may pakana noon at kasabwat pa si Demi na pinakiusapan si Zairel. Of course who wouldn't agree?
Ang dating plain na puting pintura sa kwarto, ngayon ay puno na makukulay na desenyo. Numbers, animals and letters were all over the walls. Sobrang planado talaga ni Althea lalo pa't nanghingi pa siya ng tulong kay Demi na isang architectural engineer.
Sobrang ganda at maayos na yung kwarto para kay baby. Hindi pa man siya lumalabas ay sobrang mahal na mahal na siya ng mga taong nakapaligid sa amin.
"Bakit noong nagbubuntis ang asawa ko hindi kayo ganito?" Reklamo ng isip bata kong kuya isang araw na bumisita ang mga kaibigan niya kasabay ng mga kaibigan ko. Natatawa naman kami dahil tunog nagtatampo siya.
"Wag ka nga Elias, ang arte mo! Baka gusto mong isa isahin ko pa ang bigay namin sa anak mo.." Demi smirked.
"Iba kasi pakiramdam ko dito bro, tingin ko lalaki tuh.." Nakangising saad naman ni Sandro.
"Bakit? kasi nagiging Zairel na rin ba si Eleesha?" Pinukulan naman agad ng masamang tingin ni Zairel si Demi.
Napapansin din kasi nila lately na lagi akong nagagalit kaagad. Laging nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay na usually naman daw si Zairel ang ganun sa amin dalawa.
"Nakalimutan mo ata Santiago kung saan kami nakaabot para lang bilhan ng marang ang asawa mo?" Zed said with his disgusted look.
"Kasalanan ko bang palagi kayo sa bahay ko ayan tuloy kayo pinaglihian ng asawa ko. Kung hindi lang virgin ang asawa ko ng ginawa namin ang anak ko malamang nagdududa na ako sa itsura ni Elliana ngayon." Kuya rolled his eyes too.
"Gago! Siyempre may ambag kami dun sa anak mo nuh.." Sabat naman ni Cairo, ngayon lang siya nagpakita dito sa bahay. I always saw him in his bar.
"Luh? Bakit nagcheer ba kayo nung ginawa yung bata?" Sabat naman ni Althea.
"Kami timer noon.." Natatawang saad ni Demi kaya naman nabato siya ng unan ni Althea.
"Kung di kami nagkakamali noong bachelloriate party nabuo si El eh.." Asar ni Zed.
"Gago..." Namumulang sagot ni kuya.
"Oh diba? Huli..." Nag apiran naman si Cairo at Sandro na magkatabi.
Palaging ganun ang eksena sa tuwing kompleto ang parehas naming barkada. Nag aasaran sila, ayaw namang patalo ng mga kaibigan ko na sanay rin sa alaskahan sa eskwela mula noong high school pa.
"Buntisin mo na rin kaya si Althea neer.."tukso ni Sandro kay Demi.
"Gago label muna tanga.."sabat naman ni Ethel sa kanya.
"Weakshit ka pala engineer naturingang playboy mula highschool eh di pala alam paano mag label.." Natatawa naman si kuya. Kitang kita tuloy sa mukha ni Demi na napipikon na.
"How can you put a label eh he's not even courting our friend.. Duh?" Maarteng singit ni Christel sa kanila.
"Duh?" Panggagaya naman ni Cairo kay Christel kaya napikon naman ang isa.
Nakita ko naman ang pagdilat ng mata ni Althea kay Demi. Sa kilos palang nilang dalawa alam ko na may namamagitan na sa kanila. Hindi ko lang alam kong anong rason ang pumipigil sa dalawa para sabihin ito sa mga kaibigan namin.
"Diploma muna bago label...kasal muna bago bata.." Sabat ni Althea na siyang nagpatahimik sa kanilang lahat.
"Kaya gusto ko tuh eh, wais pa sa walis." Pagmamalaki ni Demi sa kanya.
"Gusto ka ba?" Asar ni Chelsea sa kanya.
"Awit."
"Foul.."
Sabay na saad ng mga lalaki bago sabay sabay na tumawa. Mga baliw talaga.
Hindi na muna ako nakapag patuloy sa pag aaral dahil sa pagbubuntis ko. Hindi naman ako nanghihinayang dahil kapalit naman nito ang magiging anak namin. I can always go back if I want to. Mauuna man ang ibang kaibigan ko, alam ko rin na sa susunod ay makakagraduate din ako.
Kaya nang nasa pang pitong buwan na ang tiyan ko ay sobrang ingat na ingat kami. Hindi na namin inalam ang gender ng baby dahil mas gusto kong masusurprisa kaming dalawa. Zairel agree with me too.
Kaya nang magkabuwanan ko na ay hindi na pumapasok si Zairel sa opisina. Sa bahay na siya nagtatrabaho at tinutulungan naman siya ni Zed at ibang pinsan niya sa ibang gawain sa opisina nila.
He always walked with me everymorning. We always do some exercise for pregnant women. Palagi siyang nasa tabi ko at inaalalayan ako sa tuwing nahihirapan sa pag upo sa banyo at kahit sa pagligo ko. He never failed to show us how much he loves me, especially to our unborn baby.
I always read books for a first time mom. Marami akong natutunan sa tulong na rin ng Mama ni Zairel. She's always been there to guide me, pero si mommy? Nevermind her. Kailan ba nagkaroon ng pake sa akin yun? Hindi ko nalang pinilit ang isipan na turulungan niya rin ako. Kasi alam ko na sasabihin niya lang na nakaya ni ate noon at kakayahin ko rin ngayon. Walang pagkakaiba yun dahil parehas lang naman kaming babae. That's her, no one can change that.
"Do you think it's a boy,babe?" I asked Zairel habang nanonood kami ng anime sa sala.
Ewan ko ba bakit nawiwili ako sa anime nitong nakaraang linggo. Dati naman ay hindi ko hilig ito dahil pakiramdam ko hindi ko sila maiintindihan.
"Yeah! Dahil nagiging ako na ikaw." Mahina siyang natawa. Naaalala na naman yata ang asar sa akin ng mga kaibigan niya.
"Seryoso kasi..."nakaka-asar to.
"Mommy said that when it's a boy you'll got dark spot in your sensitive areas. And I can see it in your armpit, so maybe."
Totoo iyon, hindi naman kasi maitim ang kili-kili ko noon pero noong nabuntis ako may itim ito. But my doctor said it's just normal for pregnant women at sinabi niya rin naman na mawawala rin ito pagkatapos manganak.
"If it's a boy you would name him,ha? Pag babae naman ako ang magpapangalan sa kanya." Sabi ko at tumango naman siya.
"I'll name him Zaion Alas,sounds good right? Zaion Alas Santiago-Aragoncillo." Hindi ko na napigilan na lingunin siya at halikan sa labi. I know where did he get that name, and he knew how I treasured that name.
Alas is my grandfather's name. Ang tatay ni mommy na palaging nagtatanggol sa akin noon sa tuwing aawayin ako ni ate. Si lolo na palaging takbuhan ko noong mga panahon na napapagalitan ako ni mommy. Si lolo na palaging nandiyan tuwing may okasyon sa school na kailangan ng mga magulans. Si lolo na palaging sinasabing proud sa akin at laging naa appreciate ang lahat ng achievements ko sa buhay. Si lolo na palaging pinaparamdaman sa akin kung gaano niya ako kamahal. Si lolo na kakampi, kasangga at karamay ko na ngayon ay isa na rin sa mga guardian angels ko sa langit.
Nakakatuwa lang isipin na ganun rin ang pagpapahalaga ni Zairel sa lolo niya. They were close too bago pa ito mamatay. I know alot of grandparents were close to their apos. Marami nga rin nagsasabi na triple ang pagmamahal na binibigay ng mga lola't lolo sa kanilang mga apo kumpara sa mga anak nila. That was true, indeed.
"Our grandfathers name was made for our son too."
He said happily at tumango naman ako. It was indeed a beautiful name for our first born.
Nakakatawang makita na maputla pa si Zairel kaysa sa akin ng sabihin kong manganganak na yata ako. I told him to get our things in the nursery at sobrang taranta naman siya. Kalmado lang ako habang sinasabi iyon pero para naman siyang si the flash sa sobrang bilis kumilos.
Kaya imbes na siya ang magmaneho patungo sa hospital ay nagpasya nalang ako na si mang Danny nalang. Dahil baka imbes na sa delivery room kami ay didiretso kami sa morgue dahil alam kong sa taranta niya ay may posibilidad na maaksidente.
The hospital staffs accomodate us immediately. Nalaman na rin kasi ng doktor na paparating kami kaya handa na siya sa panganganak ko.
"Take a deep breath mommy...in 1...2....3...push mommy..push.." I followwhat she told me. I take a deep breathe and push harder.
"Ahhhhhhh..."naghalo na ang pawis at luha sa aking mukha. Hindi ko narin mabilang kung ilang ere na ang nagawa ko.
"Last one..I can now see the head of your baby.." Kaya agad naman akong humugot ng lakas at mas lalong kumapit sa kamay ni Zairel na kanina pa nanginginig habang hawak ko.
"More Mommy...push more and harder this time..." Agad akong huminga ng malali at sinunod ang bilin ni doktora.
"Ahhhhhhhhhh"
At sa wakas matapos ang ilang minuto at narinig ko na rin ang unang iyak ng sanggol na inalagaan at dala-dala ko ng mahigit siyam na buwan. All my tantrums, unexplainable cravings and every morning sickness are now paid off by our little angel.
Naramdaman ko naman ang halik ni Zairel sa aking noo.Nagsunod-sunod naman ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Mga luha ng kaligayahan hatid ng aming supling.
Walang kapantay ang kaligayahan ko ngayon.
"Congratulations mommy and daddy...it's a baby boy." The doctor said and handed me the baby. May mga dugo pa ito sa kanyang katawan.
Hinalikan ako ni Zairel muli sa aking labi matapos niyang punasan ang aking mukha na kanina ay puno ng luha at pawis. Sunod niya namang pinatakan ng halik ang kanyang anak. I can see his teary eyed, at may nahulog ring patak ng luha ng mahalik na niya ang anak.
I heard the continous clicks of the camera. Maybe Zairel asked our first moment as a family. Hindi ko lubos maisip na sobrang kaligayahan pa ang naibigay ni baby Zaion sa aming mag asawa.
"I love you two more everyday..." He said and I just smiled.
"I love you so much...you and Zaion are my life now." I replied.
This unexpected baby teach me so many things. Hindi ko man una matanggap na paparating na siya, kalaunan ay natutunan ko nang mahalin siya. Hindi pilit at walang pumilit na iparamdam ko yon sa kanya. Me, myself just felt it because he is part of me. He is part of my life now at may malaking parte na rin siya sa buhay naming mag asawa.
Im sorry Zaion for not accepting you easily. I know I was wrong that time, I think ill about you. But mommy will make it up to you every seconds of everyday.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top