12


Two red lines in three different pregnancy test.

I almost lost my sanity when I hold them three. Tulala lamang ako habang nakaupo sa banyo ng school.

Napabalik lang ako sa katinuan ko nang makarinig ng malakas na katok mula sa mga kaibigan ko.

"Labas na El, jusko ka anong oras na, 'te." boses ni Althea 'yon.

"You know that we're always here, right?" It was Chelsea.

"I can be a pretty ninang,El."boses 'yon ni Christel.

"Ano kaba! nakuha mo pa talagang magbiro,eh problemado na nga iyong isa."naiinis na saad ni Ethel at siguro nahampas niya si Christel kaya napaaray ito.

It's been three days since that scene happened in our house. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Zairel dahil sa nangyari. Nagigising ako sa umaga na wala na siya sa higaan, naabutan ang kusina na may nakahandang pagkain at gatas na dati ay kape.

Tuwing gabi naman ay madaling araw na siya kung umuuwi kaya palaging hindi nagkukrus ang landas naming dalawa.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pinarealize sa akin ang lahat. Na hindi dahil ay nabuntis ako ng maaga ay patuloy na mawawala ang pangarap ko. Hindi dahil magiging ina ako sa murang edad ay hindi ko na makakamit ang mga mithiin sa buhay.

I realized that I can still continue my study even if I'll have a child. Hindi naman magiging balakid ang bata sa mga pangarap ko. Oo, madedelay saglit pero hindi ibig sabihin noon ay hanggang doon nalang ako.

I need to stand now as a woman, hindi na ako ang dating Elisha na sunod-sunuran sa mga magulang niya. I am now a woman,a married woman. Kaya dapat noon palang ay naisip ko na ang lahat ng posibilidad, lalo na ang posibilidad ng pagiging ina.

Maswerte na lamang ako at may asawang handang panindigan ang magiging pamilya. I know Zairel dream about having a child, sino ba naman ako para hadlangan 'yon diba?

This baby is unexpected, pero sigurado akong magbibigay ito ng saya sa amin. He or she will be our rainbow in every rain. He or she will be our light in every darkness we've been. Magiging pundasyon siya sa magiging matatag naming relasyon ni Zairel. I know that.

Inabot ko agad sa kanila ang stick kong dala ng makalabas ako sa banyo. Mabuti nalang at kami lang ang tao sa loob kaya ng sumigaw si Christel dahil sa tuwa ay sinundan agad ito ng iba.

"O-M- with the G! I'm going to be a ninang na. I can't wait for it."she giggled sabay himas sa tiyan ko na wala pa namang umbok.

"We need to bring you to the doctor para na rin sigurado."saad ni Chelsea.

"Kailangan nating malaman yung mga bawal sayo."naeexcite naman na tugon ni Ethel.

"The vitamins too," Sabat naman ulit ni Christel.

"Hoy! Saglit nga."agad silang pinatabi ni Thea at hinarap ako. "Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya. "Yung totoo Elisha,alam ko naman na hindi kapa handa para dito pero hindi naman sa lahat ng panahon nakaplano, 'di ba? I know you can do it. Andito lang naman kaming mga kaibigan mo." Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kanila.

"We can babysit every weekends."suggest pa ni Ethel.

"I can make palit the diapers too,even if it's gross, I can naman."maarteng saad ni Christel.

"Basta ako magbabantay lang ako ng bata, walang palit ng diapers tapos." Natawa akong napapaluha sa sinabi ni Chelsea. Alam ko namang handa siyang palitan ng diaper ang anak ko kung sakali man siya ang magbabantay.

"I–...hindi ko lang alam paano sasabihin kay Zairel ito. You know,may tampuhan pa kami."

Nahihiyang saad ko.

"Ano kaba,huwag kang kabado diyan sa asawa mo. Eh hulog na hulog naman iyon sa'yo." Natatawa na ring saad ni Chelsea.

"Diba nagtampuhan lang kayo dahil sa akala niyang ayaw mo sa baby."tumango lang ako sa sinabi ni Ethel.

"Edi wala ng problema,you can now tell him that you accepted it already." Si Christel.

"Tsaka ano kaba,binibigyan ka lang ng oras no'n para mag isip. Alam ko namang hindi ka rin matitiis niyang asawa mo." Saad ni Althea.

Tumango na lamang ako at napabuntong hininga. I am so lucky to have them as my friends. Palagi silang nandiyan at handang tulungan ako.

Kaya kinahapunan noon ay sabay kaming lima ang nagtungo sa OB-GYNE na tiyahin ni Christel. Mabuti nalang at pumayag itong macheck ako kahit hindi naman kami nakapa schedule sa kanya.

Atat na atat silang marinig ang sasabihin ng doctor tungkol sa sitwasyon ko. Kaya matapos ang isang oras na paghihintay namin para sa resulta ng urine test ko ay nag uunahan pa silang salubungin ang doctor.

Natigil lang sila dahil sinuway si Christel ng kanyang tiyahin.

"You know that most of the pregnant women suffered stress from the people around them? And you think guys that your friend would not suffer this because of you?" Natahimik silang apat, kaya natawa ang ginang sa reaksyon nila. "I was just kidding." Dugtong nito.

Agad namang sabay napasinghap ang apat kong kaibigan.

"Tita talaga!?"maktol ni Christel.

"Paano ba naman kasi parang kayo yung buntis dahil sobrang excited. Wala namang kayong ambag nung ginawa nila yung bata ini-stress niyo pa ang nanay. Tumigil nga kayo kung ayaw niyong pagbawalan ko siyang makita kayo habang nagdadalang tao pa siya." Mas lalong nagsinghapan ang mga kasama ko. Hindi makapaniwala sa sinabi ng doctor sa kanila. Gusto kong matawa.

Napapaisip nalang tuloy ako kung ganito din ba ang mga kaibigan ni Zairel kagaya nila? Can't wait for their reactions too.

Nagbilin lang si doktora ng iilang bawal gawin at kainin. She also gave me the list of healthy foods for pregnant like me. May vitamins din siyang nireseta.

Nagpupumilit naman ang mga kaibigan ko na dumaan sa mall bago nila ako ihatid sa condo. I already knew what's on their mind kaya naman nang makarating kami sa mall ay diretso agad kami sa store kung saan matatagpuan ang mga damit at gamit pang baby. I can't believe they are this excited for me baby to come out. Kaya imbes na pigilan sila ay nag suggest nalang ako ng mga damit na hanggang three months muna para sa suaunod pag lumabas na ang bata ay makakabili pa ng angkop sa laki nito at edad niya.

They chose the colors that are good for both gender. Ako tuloy ang nahihilo sa pinanggagawa nila, Christel even bought a stroller. Si Chelsea naman ay nagpagawa na ng Kuna na pwedeng ipa-customize at pre-order pa talaga. Si Ethel naman ay puro mamahaling bottle at damit. Si Althea ay nakamasid lang sa kanila at minsanan ring napapailing dahil sa pinanggagawa ng mga kaibigan niya.

"Anong sa'yo,Thea?" Asar ko dahil tahimik lang naman siya.

"I can honestly bought her or him a house and lot someday. Pero sa ngayon, tanging ganda ko lang talaga muna ang maambag ko na laging makikita ng nanay niya."halos maubusan ako ng hininga dahil sa kakatawa.

Kilala ko siya alam kong may naiisip na siyang bilhin pero pasurprisa pa.

"What did you buy?"tanong ni Christel sa kanya, she just shrugged her shoulder .

"Wala,tamang kagandahan ko lang muna."

Napakunot naman ang noo ng isa dahil sa kalituhan sa kaibigan niya. Nauna ng magbayad si Althea ng sampong pirasong damit at lampin ng bata. Kagandahan pala ha,natawa naman ako sa kanya, alam ko namang na eexcite din siya hindi lang pinapahalata dahil ganyan naman 'yan palagi sa aming magbabarkada.

Siya palaging ang nasa gitna. She's the one who always balance our mood and whimps.

They really send me in our condo, literal na sa unit namin mismo dahil nga sa mga bitbit nilang tinatawag nilang regalo. Eh hindi pa nga lumalabas yung reregaluhan nila.

Sinalubong kami ni waffle ng tahol niya sa sala. Agad naman siyang pinagkakaguluhan ng mga kaibigan ko.

"Unfair! Bakit bawal sa condo ko tapos dito hindi?"maktol ni Christel.

"Timang ka ba? E,may ari nitong building ang asawa,malamang!" Ethel even rolled her eyes na tinapatan rin ng isa.

"Saan 'to ilalagay El?" Tanong ni Chelsea dahil sa dami ng aming dala.

"Doon nalang sa bakanteng kwarto." Sabay turo ko sa isang guestroom dito sa baba.

Dinala nila roon lahat at nag aaway pa kung saan dapat ang tamang pwesto. Jusko! Hindi talaga matatahimik ang isang kwarto pag kasama ko ang mga tuh.

Nagpaalam naman sila kaagad ng mag pasado alas otso na. Binilinan pa nila akong wag kalimutan ang vitamins at gatas ko. I just nodded to them like a obedient puppy.

I clean myself first before drag my body to sleep. I felt tired.

Kinaumagahan ay nagising lamang ako sa mga mumunting halik sa buong mukha. I slowly open my eyes and there I saw Zairel's smilling face. After four days of not seeing him made me missed him so much. Hindi ko na napigilan ang sarili na hagkan siya at pupugin rin ng halik ang kanyang mukha.

He chuckled but hold me even closer to him. I missed him.

Hindi ko na namalayan na napatulo na pala ang luha ko at napahagulgol nalang bigla. Kakainis naman, sobrang iyakin ko na masyado.

"Hey!" Alo niya sa akin pero mas lalo parin akong naiiyak. "I'm sorry love, it will never happen again,I'm sorry!?"

Lukot na lukot ang damit ni Zairel ng bitawan ko. I keep on punching him dahil sa inis ko. Panay rin ang hila ko ng tshirt niya kaya halos mapunit na ito ng bitawan ko. But he still manage to laugh despite my tantrums.

Ipinangko niya ako at binuhat hanggang sa makalabas na kami ng kwarto at bumababa ng hagdan. I look like a baby when he carried me. I know it still early for his work and for my school too. Inilapag niya ako sa high stool at inipon ang buhaghag kong buhok bago itinali ito. Hindi ko alam kong saan siya nakakuha ng panali basta ang alam ko nalang ay maayos niyang nagawa ang bun sa ulo ko.

Agad niyang ibinigay ang isang basong gatas na pinainit niya pa sa microwave.

"It's your pregnant milk."tumango lamang ako at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Naninibago sa bagong umaga namin bilang mag asawa. Nakakamiss rin pala ang ganito, sa ilang araw kasing nag iiwan siya ng pagkain sa mesa tuwing umaga ay tila iba. Parang laging kulang dahil siguro nagtatampuhan pa kaming dalawa.

He gave me two boiled eggs instead of sunny side up, he also gave me the salad he prepared for me. Kung ano ang kakainin ko ay gano'n rin ang nakahain sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong ito dahil ang bilin ng doctor kahapon ay bawal muna ako sa mamantikaing pagkain.

I should avoid them because of my blood pressure. Hindi naman ako highblood pero mas mabuti na raw yung nag iingat dahil delikado sa pagbubuntis ko. May lahi kasing highblood ang pamilya ni daddy at may posibilidad na matrigger ito sa dugo ko. Lalo pa't buntis ako at madaling makapitan ng kahit anong sakit.

We ate silently.

Agad namang akong napatayo matapos ang pagkain ko at nilapitan si Zairel sa kanyang pwesto.

"I love you daddy." I said sweetly while wrapping my arms around his nape. He smiled gently.

"I love you even more mommy." And then and there, we are back to our relationship again. Maayos na kaming muli bilang mag asawa.

It made my heart full of love again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top