08


Siargao is one of the most beautiful Islands of the Philippines. Ngayon ko napatutunayan talaga na sobrang ganda rito. Hindi lang dahil sa mga puting buhangin at asul na dagat. Kung hindi dahil na rin sa mga mababait na tao at masasarap na pagkain.

The people are all welcoming and kind. Sobrang nakakataba ng puso lang dahil kahit hindi mo naman sila kilala ay sobrang mababait nila. Parehas kaming first timer ni Zairel sa isla pero dahil sa tulong ng mga tao dito ay agad naman kaming naka adjust.

We will spend the week here before Zairel will start working.

Our first activity the next morning is island hopping. We rented a bangka for the both of us dahil ayaw din naming makihalubilo sa iba kaya solo namin ito. The white sand in Naked island, the tortquise sea of daku Island and the wavy and rocky magpupungko island are amazingly beautiful. Sobrang saya ko na agad sa unang araw palang namin dito sa Isla.

We are planning to tour around again tomorrow dahil na rin sa nakaka engganyong offer ng tourist guide namin. Our itenerary should be only at the beach and the island hopping but someone offered his service to us kaya agad namang sumang-ayon si Zairel para mas ma-enjoy namin ang stay.

We tour around the coconut plantation, we did the surfing in cloud nine na hindi ko naman na enjoy dahil lagi akong natatangay ng alon kahit anong turo sa akin. We did experienced riding the scooter in a famous road here. Nasubukan ko rin ang swing sa Enchanted river, kahit takot sa heights ay naglakas loob ako.

Marami ring kaming binili na pasalubong para sa mga kaibigan at pamilya namin.

Iyon nga lang,kung kailan ka sobrang nagsasaya ay ganoon din kabilis ang panahon at oras. Natapos ang pananatili namin ng isang linggo na parang bula.

Ang bilis tumakbo ng oras talaga kapag masaya ka.

Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko alam kung kailan kami ulit makakabalik doon or kung makakabalik pa ba kami.

I sleft the whole ride in the plane, hindi naman sobrang layo ng Siargao pero dahil narin siguro sa stop over kaya sobrang napagod ako. Sinundo kami ng driver namin at tulog lang ako buong biyahe.

Nagising nalang ako kinabukasan na nasa kwarto na namin at mag-isa.

Gosh! It would be the start of his busy days, I think.

Sobrang bilis lang din ng buwan, parang kahapon lang ay kayatapos lang ng unang taon ko sa kolehiyo at ngayon ay balik aral ulit para sa ikalawang taon.

Wala naman masyadong ganap sa buhay namin dahil palagi siyang abala sa trabaho. Nasanay na rin ako katagalan, kaya ang ginagawa ko buong summer ay gumala kasama mga kaibigan ko o di kaya dumadalaw sa bahay nila kuya para sa baby nila.

"Gumawa na kasi kayo ng inyo ni Zai nang 'di kana nakikigulo rito."

That's what kuya told me. Palagi nalang daw akong nakatambay sa bahay nila at nakikigulo. Alam ko namang biro lang 'yon pero minsan parang may lamang ang sinasabi ni kuya.

Kaya ang ginawa ko, minsanan nalang ako dumalaw sa kanila. Sobrang nakakaburyo naman kasi ang manatili sa condo mag isa.

"Pwede bang mag alaga ng aso rito sa building mo?" I asked Zairel one time when we were having our dinner.

"Bakit,gusto mo?" He asked na nakakunot ang noo.

"Kung pwede sana,"

"Sige,magtatanong ako."He said that made me smile wider.

Kaya makalipas ang isang linggo,may naabutan akong teacup white poodle na tumatahol sa sala. It is so cute that made me giggle and want to squeesh her. May ribbon pang pula na nakaipit sa balahibo niya.

"Oh my gosh! Zairel,there's a poodle in our sala."

Nagsisigaw ako sa tuwa.I immediately saw Zairel smilling face while holding a cup going out from the kitchen.

"You like her?"he asked.

I happily nodded and bend my knees infront of the dog.

"Hello baby! What's your name?" I asked the dog and then she barked.

"Name her,she don't have one."sabat ni Zairel kaya napa-isip ako.

"I'll think about it first."

Tumango lamang siya, kaya pinagpatuloy ko lang ang paglalaro sa aso.

I named her Waffle, dahil sobrang fluffy niya. She accompany me during my boring days. Hanggang sa magpasukan na nga kami, I always leave her to mang Danny. Our driver.

One day, I decided to bring Zairel his lunch, nagtext ako sa kanya. Una ay dinecline niya dahil hindi naman daw kailangan na gawin 'yon dahil may pagkain naman daw sa baba ng opisina nila. But I insist, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nagpupumilit akong dalhan siya. I don't have class today kaya sinipag akong magluto.

Nagpahatid ako kay mang Danny sa office ni Zairel. I never been here at hindi rin ako kilala ng mga empleyado. I asked the front desk first.

"Excuse me po, pwede pong magtanong kung saan ang opisina ni Zairel Aragoncillo?" I asked the girl.

She look at me from head to toe, nakasuot lang ako ng white printed croptop shirt at highwaist skinny jeans. Nakawhite shoes din ako at may bitbit na paper bag at slingbag ko. I look like a student.

"Do you have appointment?" Istrikta niyang tanong, napanguso ako dahil wala naman akong appointment. Tinignan ulit ako ng babae na nakataas na ang kilay ngayon.

"Saglit lang, tatawagan ko ang secretary niya." Agad naman akong tumango at nag thank you. Ilang minuto pa ang lumipas ng bumaling ang tingin ng babae sa akin.

"Nasa meeting pa daw si Engineer,Miss. Pwede kang maghintay nalang dito."sabay turo niya sa waiting area.

Tumango lamang ako at tinungo ang mahabang sofa.

I scan my slingbag for my phone but I can't find it. Shit! Where is my phone? Pinauwi ko pa naman si mang Danny dahil  mag-isa lang si waffle sa bahay. Omg! Ang tanga mo naman Eli.

Ilang oras pa akong naghintay doon bago nagpasyang magtanong muli sa babae. She dialed again the telephone.

"Ah,miss may importanteng kliyente pa raw si engineer,sabi ng secretary."

My shoulder fell. Dismayado na naman ako dahil sa katangahan ko. Of all the things I should forget bakit ang phone ko pa?

Naghintay pa ako ng ilang minuto room bago nagpasyang tumayo at umuwi nalang. I waited for the taxi to come pero pabaling-baling rin ang tingin sa loob ng building.

Ilang minuto ang nakalipas ng bumukas ang elevator at iniluwa roon ang magaling kong asawa na may nakalingkis na babae sa braso niya.

I immediately hide behind the pole at pinagmasdan lang sila. The girl is talking to him and smilling cheekily. Tila wala man lang kibo si Zairel at nakatingin lang sa dinadaanan nila.

Ganoon ba talaga makipag-usap? Kailangan nakalingkis? Hindi ba niya alam na may asawa na iyang hinaharot niya?

Dahil sa prustrasyonnat irita ay inis akong naglakad patungo sa highway upang maghanap ng masasakyan.

Nang may paparating na taxi ay agad ko itong pinara. I told the driver our address and silently wipe my tears.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiiyak.

Hawak ko pa ang paperbag na dapat lunch niya. Pero mukha namang busog na siya kahit hindi pa nakakain ng kasama niya kaya ano pang silbi ng mga 'yon diba?

I felt bitterness inside me. Tila may kung ano rin na nakabara sa lalamunan ko, kanina pa.

I shouldn't feel it, I shouldn't be jealous. But why am I feeling this way? What I have for him shouldn't last. I need this to stop, ayaw kong lumala ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi ito maaari.

I shouldn't fall for him.

Damnit.

Instead of sleeping in our room that night, I decided to stay in the balcony. I bring a bottle of red wine na hinatak ko lang basta-basta sa cellar kanina. Ayaw kong maabutan ni Zairel sa kwarto namin, ayaw ko siyang makatabi ngayong gabi.

I can't believe him, siya mismo ang gumawa na rules na iyon pero siya rin pala ang lalabag. Huh! Nice one Zairel Martin!

I almost finish the wine, nagpasya rin akong sa guestroom matulog. I want to be alone, kahit ngayong gabi lang. Ayaw kong ang mukha ni Zairel ang bubungad sa akin pagkagising ko kinabukasan.

Inilock ko ang pinto bago nagpasyang matulog. Salamat sa alak at inaantok na ako ngayon. Kaya naman ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatulog na rin ako.

Kinabukasan pagkagising ay naramdam ako ng pagkahilo.  I open my eyes and roam around the room. Sobrang pamilyar na ng kwarto kung nasaan ako. The last time I remembered, I was in the guest room. Why I am here right now?

"Goodmorning.wife..."Zairel's handsome face welcomes me.

I almost choke my own saliva when I saw him. He is now wearing his formal wear for work. Longsleeve,white polo folded under his  elbow.

Nahihiya akong napahikab, I bet my hair is now messy.

"I have to go, I need to attend an early meeting today. We'll talk later when I come home." Hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin. "May breakfast na sa kusina, just heat it. I already talked to your driver." Hindi parin ako sumagot sa kanya.

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa noo, like he always did before going to work. I just watch  him gone on my sight.

Inilibot kong muli ang aking paningin,bakit nga ba ako nagtataka na  dito ako nagising sa kwarto namin,eh bahay niya ito. Malamang may spare key siya kaya niya ako nabuhat pabalik dito sa kwarto.

Gosh,Elisha!?

I ate my breakfast after fixing myself. Masyado pang maaga para sa klase ko mamayang hapon. Nagtimpla nalang muna ako ng kape at ininom ito dahil medyo masakit parin ang ulo ko.

Is that even wine? Bat nakakahilo?

Lutang ako habang papasok ng room. Halos wala rin akong maintindihan sa mga lessons  sa umagang  'yon, mabuti na lamang at hindi ako pansinin ng mga professors.

Lutang rin akong nagtungo sa cafeteria hanggangvsa mahanap ang pwesto ng mga kaibigan.

"Let's go to the bar tonight?" I invited my friends. Kaya halos ibuga na ni Ethel lahat ng kinakain niya, nabulunan naman si Thea kaya agad siyang binigyan ng tubig ni Chelsea.

"God! Eli,is that you? Please kung sino ka man na pumasok sa katawan ng kaibigan namin, please lang umalis kana."

Maarteng saad ni Christel na may pataas pa ng kamay sa ulohan ko. I rolled my eyes.

"Gusto ko lang naman uminom."mahinang saad ko.

"Wala tayong Happy thursday te,wag imaginary."batok ni Thea sa akin.

"May problema ka 'no?"tanong ni Ethel.

"Baka may lagnat be, check mo nga."nalilitong saad ni Chelsea.

"Gago! Wala nga kasi, gusto ko lang uminom." Sabi ko sabay hawi ng kamay ni Thea.

"Nagmumura pa nga." Natatawang sabi ni Althea.

"Basta mamaya ha? "Bilin ko bago pinulot ang bag ko at lumabas na ng cafeteria.

I can't focus on my classes today kaya uuwi nalang muna ako at matutulog. Hindi naman siguro masama ang magliban sa klase minsan diba? Kaya sige 'yon ang gagawin ko.

Hinayaan kong maging tulala ang sarili pansamantala, nakatingin lang ako sa kisema ng sala. Hinahayaang maglayag ang isipan kung saan, kanina pa talaga ako wala sa sarili.

I grab my phone and check it if Zairel leave any message or call. Pero wala talaga kahit isa, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa inakto ko kagabi o binibigyan niya lang ako ng space.

Hindi ako sanay na ganito siya sa'kin. Pakiramdam ko, ako pa ang may kasalanan, e siya nga itong nakita kong may nakalingkis na babae sa braso niya.

I sighed.

Nakatulugan ko na lamang ang pag iisip. I let myself think that he is giving me some space.

Hindi 'yon magagalit, dahil gano'n si Zairel sa akin. Hindi siya kailanman nagalit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top