07


The next days were just normal for the both of us. Tinupad ni Zairel ang sinabi niyang magkakaroon ako ng sariling driver. His schedules were different from mine, mas maaga ang pasok niya kaya nagigising ako ng late at wala ng Zairel ang naaabutan tuwing umaga.

Isang beses pa lang kaming nagsabay ng uwi dahil freecut nila sa huling subject.
Ang alam ko ay abala siya dahil malapit na rin ang finals at graduation niya.

Madalas din akong nauuna umuwi sa kanya, and everytime he's home I cooked dinner for us at sabay kaming kakain. It looks normal for us dahil kahit papaano ay asawa ko naman siya. It is my responsibility to take care of him dahil lagi siyang pagod sa pag-aaral.

When the christmas and new year's break come,we celebrated our Christmas eve with my family. They were talking about business, and some topics that I don't get. Tinatanong din nila si Zairel tungkol sa plano niya after ng graduation. He answered them all, hindi ko lang masabayan iyon dahil wala naman akong alam sa negosyo at kung anong plano niya.

The new year, we had our dinner in their house. I really appreciate how his family is very welcoming to me. Mas nararamdaman ko pa sila kaysa sa sarili kong pamilya. We never talked about business during the dinner, hindi gaya ng pamilya ko na kahit anong okasyon ay hindi mawawala ang usapang negosyo.

I really admired how Zairel's parents took care of their children. Sayang nga lang at wala ang panganay nilang kapatid na babae dahil nasa Australia ito kasama ang sariling pamilya. Makikita mo talaga sa pamilya nila na sobrang oriented at Godfearing. I never saw my parents going to church, hindi ko lang alam si ate. I sometimes bring kuya to church when he had a time to spare. Hindi naman nagrereklamo iyon pero minsan ay nakikita kong inaantok siya habang nagsasalita ang pare sa mesa.

This kind of family is what I'm dreaming of, yung tipong kahit puro sila abala ay may nilalaang iras parin sila sa kanilang mga anak. Hindi lang puro pera ang nasa utak nila kundi pinapahalagahan rin nila ang kanilang Pamilya.

We go home after the dinner, ayaw pa sana kaming pauwiin ng ina ni Zairel but he insisted to celebrate our first new year together in his condo. I don't know where did he get that beliefs but I still appreciate it. Hindi ko lang lubos maisip na may ganun pala siyang paniniwala. Na kailangan nasa sariling pamamahay ka upang salubungin ang bagong taon.

When the clock strike to eleven fifty, we decided to go out in our balcony. Zairel bring a wine there and give me, we did cheers before drinking our wines.

Nakasandal ako paharap sa barandelya ng balcony. Nakaharap sa matatayog na gusali at nakakalulang ilaw ng mga sasakyan sa baba. Kahit papasalubong na ang bagong taon ay abala parin ang mga tao sa daan. Aren't they going to celebrate their new year to their respective family? Nakakalungkot naman.

"Twenty seconds before midnight."Zairel whisper habang tumatabi na rin sa akin.

He's not holding his wine glass now, I can also hear the loud voice of our television in the sala. May countdown doon.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

"Happy new year."we both greeted each other smilling from ear to ear.

Zairel lean closer to me and give me a peck in my lips. It was not our first kiss,pero natigilan parin ako dahil sa pagkabigla. Naging tuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw at parang nabuhusan ng malamig na tubig. I tighten my grip to the wine glass I was holding.

The kiss was just mesmerizing and shocking at the same time it feels heaven. It should be normal for us, we are married but I still feel...

Napapikit pa ako lalo ng pwersahang pasukin ang bunganga ko. I gasped for air at ginawa niya naman iyong pagkakataon upang mas lalong diinan ang halik niya. He bit my lower lip that made me moan a little. I can feel his smile, mas lalo pa niyang pinalalim ang halik. Itinulak niya ang bibig ko gamit ang dila niya upang maibuka ko pa lalo.

Para naman akong sunod-sunurang tuta na ibinuka ang bibig. I still didn't move...

"Just follow what I'm doing,baby."he said gently.

At dahil siguro sa lasing na pakiramdam ay sinunod ko naman ang sinabi niya. I slowly kiss him back, I follow what he is doing. I can feel him smile, na parang satisfy masyado sa ginagawa ko. He continue kissing me slowly, marahan lamang ito at may pag iingat.

Maybe because it was my first real kiss kaya nag-iingat pa siya. Oh my god! This is how it feels like pala. I only see it in the movie, I can't believe that it is happening to me right now . I am experiencing this now.

We both panting and gasping for air after the long kiss. Nakatitig parin kami sa isa't isa na may mapupungay na mata. Tila nahihipnotismo ang titig niya, kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakagawa ako ng bagay na hindi ko alam kong pagsisisihan ko ba kalaunan.

I kiss him again aggresively, he didn't hesitate to kiss me back hanggang sa lumalim ito. It took us God knows how long. Parehas kaming sabik sa bawat mapupusok na halik na tugon ng bawat isa.

Wala na akong pakialam kung tama ba ang paghalik ko sa kanya basta ang alam ko gusto ko ang ginagawa ko at masaya ako.

Agad naman ako nakaramdam ng hiya matapos ang ginawa. Tama nga ang sinasabi nila na sa huli ang pagsisisi. Pero, mukhang hindi ko naman pagsisisihan ang nagawa ko. I love the kiss and I am satisfied with it.

Tahimik lang kami parehas habang nakatingin sa paligid. Sari saring fireworks ang nakikita ko sa iba't ibang parte ng siyudad. Kasabay ng putukan sa labas ay ang kalabog ng naghuhurmentado kong puso.

I hope Zairel can't hear it, dahil nahihiya ako.

Months passed like a whirlwind. We both busied ourselves from acads.He's a graduating student kaya siguro abala sila. I heard that their exams would be advance from us. Maybe because of their graduation practice.

Noong January at february ay wala naman masyadong ganap sa buhay namin. Except celebrating Valentines day together. I prepared our dinner that night, a candelite dinner for us. Ayaw ko munang lumabas kami at kumain sa mamahaling restaurant dahil alam ko namang busy siya.

I saw happiness in him when I surprise him that night. Akala ko pa noon ay hindi siya makakauwi ng maaga. Mabuti nalang at pinakiusapan ko sina Demi tungkol sa surprisa ko. That morning he send me bouquet of my favorite flowers in our room.

Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti. Halos sabunutan din ako ng mga kaibigan ko nang magkita kami sa cafeteria. Of course they all recieved gifts from their admirers. Nakakapagtaka lang ngayon dahil nag iisa lang ang natanggap ko. Hindi naman sa umaasa ako dahil noong isang taon ay mga limang lalaki ata ang lumapit sa akin noon at nag abot ng mga regalo.

But this time, only from my husband.

I feel special, though.

That night he gave me a silver necklace with a Zairel engraved pendant. He said that it would remind everyone that he owns me. Nagbiro pa siya noon na corny daw but I don't find it like that. It is the sweetest and most special gift I ever recieved to my entire life. I felt very special for him, ngayon lang ako napagtuunan ng ganitong atensyon. Ang atensyon at kalinga na noon ay hinahanap ko sa mga magulang ko. Pinupunan na ngayon ni Zairel. Higit pa sa sobra.

When his graduation came, I attended it with his family. Mabuti na lamang at Suma Cumlaude siya kaya pweding apat ang papasok sa venue. I am so proud hearing him delivered his speech on stage. Naluluha rin si Mama Ryza sa tabi ko, I know they were all proud of him.

We took pictures together after the program. Meron kaming lima kasama ko ang pamilya niya at meron rin kaming dalawa lang na kuha ni Zyra.

I gave him my gift. Ilang buwan kong pinag ipunan yun dahil gusto ko talagang yun ang ibigay sa kanya. Iy was a rolex silver watch, latest model ng rolex yun at limited edition pa. Nagpatulong pa ako kay kuya noon kung saan ako makakabili dahil halos ubusan na sa mga stores. Tunog nagseselos pa siya dahil sobrang espesyal naman daw ni Zairel, eh noong grumaduate siya ay tamang Micheal Kors lang na relo alng bigay ko.

"Thank you so much wife."He whipered. "Though it's not really needed but you still did. Thank you."halos manindig ang balahibo ko sa katawan marinig ang boses na yin sa tenga ko.

"Hoy! Mamaya na landian sa bahay niyo! Let's have lunch na."putol ni Zed sa amin.

I heard Zairel chuckle at hinila na ako pasunod sa kanila.

Sa restaurant nila ang lunch, nandoon na rin ang ibang pamilya at mga kaibigan ni Zairel. May pa party poppers pa sila at balloons na nakadesign sa loob ng dumating kami. Zairel was holding my hands all the time, parang ayaw niyang mawala ako. Bumitaw lang noong kumuha kami ng pagkain at nag umpisang kumain.

We occupied the one table with his friends. Katabi ko si Trisha ang kapatid ni Demi. We're not that close but we talk. Ilang oras din kaming nanatili sa restaurant. After the lunch we headed home, Zairel were asking me about vacation. Gusto niyang magbakasyon kaming dalawa, dahil magsisimula na siyang magtrabaho sa susunod na linggo.

"Siargao kaya?" I suggested.

"Pwede rin naman, since you love Island hopping." I smiled.

Matagal ko nang naririnig ang Siargao at gusto ko talagang puntahan iyon. Kung dati ay wishlist lang iyon,ngayon ay matutupad na ito.

"Yay! Thank you. Pero hindi ba dapat ikaw ang
pumili ng lugar since it's your graduation?" Nakanguso kong saad dahil bigla kong naisip yun.

He lean closer to me and kiss my lips.

"It's okay as long as you're with me."he said and wink.

Agad ko namang naramdaman ang pagkapula ng mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin na siyang ikinatawa niya. Gosh! This brute is making fun of me.

"Habang tumatagal lalo kang nagiging corny."natatawa kong saad pambawi sa kahihiyan.

Hindi ko lubos maisip na sa loob ng ilang buwan ay magiging ganito kami. Nagkakasundo sa mga bagay na akala ko noon ay hindi. We become closer and closer through times. At nakakatuwa iyon sa pakiramdam ko.

"Uhuh! Really? But you like me being corny though."

"Kapal naman." I chuckled.

Lumapit siya sa akin at sinundot ang tagiliran ko. Alam niya na kasi kung saan ang kiliti ko kaya sa tuwing nag-aasaran kami ay iyan ang panlaban niya sa akin. Agad niya akong kikilitiin dahil alam niyang iyon ang kahinaan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top