05
Lahat ng isla ay napuntahan namin, in the second to the last island we eat our lunch. Boodle fight ang hinandang pagkain sa amin, kasali na raw ito sa package ng island tour na binayaran nila Zairel. Hindi namin iyon alam, but the boys insisted that, kaya wala na rin kami'ng nagawa kung hindi ang makikain na rin. Choosy paba kami sa libre? Siyempre gustong-gusto namin 'yon.
The food was satisfying for our grumbling stomachs. Halos maubos nga namin ang pagkain na nakahain. Mantakin mo, isang long table 'yon at puno ng seafoods at kanin pero halos maubos namin. Well, kung sabagay madaming lalaki naman ang kasama, kaya siguro.
Buong pananatili namin sa resort ay kasabay na namin ang magkakaibigan. Masaya silang kasama, ang akala ko noong una ay puro suplado sila. Parehas lang pala sila kay kuya na mga isip bata rin minsan.
Napatunayan ko 'yon nang maghabulan si Demi at Zed sa buhanginan. At nag-away si Cairo at Sandro dahil lang sa sand castle nilang nasagi ng isa. Parang mga bata talaga dahil sa pagmamaktol nila parehas. Sayang nga lang at hindi nila ngayon kasama si kuya dahil kabuwanan na ni Martha.
Ilang linggo pa ang lumipas at naging abala na rin ako sa paghahanda sa kasal. Kasal. I can't imagine myself being the bride. Hindi makapaniwala na sa mga susunod na araw sa buhay ko ay isa na akong ganap na asawa. I don't have any idea of how to be a wife, wala rin akong ideya kung paano ba pakisamahan ang magiging asawa.
No one taught me that,and maybe I should learn things to be a good one.
Sa ilang araw na kasama namin si Zairel ay kahit papaano naman at nakilala ko siya. He's not that type of a person na magsasalita ng una. Palaging nakasalubong ang makakapal na kilay at nakakunot ang noo. Ngunit, kahit ganoon ay nanatili pa'ring gwapo sa paningin ko.
He sometimes smile kahit 'yong ibang kaibigan niya ay mamamatay na sa tawa. Tangi'ng ngisi lang ang naitutugon niya sa tawa nami'ng lahat. Minsan mo lang marinig ang tawa niya at puro tipid na ngiti lang siya. Hindi ko alam kung nagpipigil ba o sadyang gano'n na talaga siya.
I'm almost done with myself when I heard a knock on my hotel room. Agad namang binuksan ito nang isa mga mga tauhan ng make up artist ko. There I saw my friends with their respective gowns, parehas naman lahat ang kulay pero iba ibang desenyo bawat isa.
Akala ko pa noon ay hindi matatapos ang pagpapagawa nang isusuot nila dahil dalawang linggo bago ang kasal tsaka pa lang sila nasukatan. I thought that the wedding would be headed by some judge. Hindi ko naman akalain na church wedding pala kaya nang tanungin ako tungkol sa mga abay ko ay napili ko agad silang lima kasama na si Zyra.
They were all wearing a smile while entering my room.
"Ang ganda naman ng bride, sarap itakbo at itanan." Nakangising tukso ni Chelsea.
"You can make tanan lang diba when you are a boy?" Kuryusong sabat ni Christel kaya nakatanggap na naman nang batok sa bestfriend niya'ng si Chelsea.
"Hindi ko alam kung inosente kang gaga ko or tanga lang talaga." Saad niya pa.
"Hoy! Dito pa talaga kayo magkakalat ng katangahan niyo. Itigil niyo 'yan di yan healthy." Sabat ni Ethel sa kanila.
"Hmm? pangit kabonding ni Chelsea." napairap naman si Christel sa kanya.
"Mas pangit ka kausap,gaga!?" Natawa kami dahil sa asaran nila,kahit ang make up artist ko ay gano'n din.
"Sino kayang makakasalo ng bouquet?" tanong ni Althea.
"Baka si nana Leda." Natatawang saad pa ni Chelsea. They know nana Elisa dahil palagi ko'ng binabanggit ito sa kanila at nakasama na rin naman.
"Wala nang plano mag asawa 'yon noh, sabi nga niya diba siya nalang mag aalaga sa mga anak ni Elisha." Sabat naman ni Ethel.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga nasa isip ng mga 'to. Kung ano anong sinasabi at dinadamay pa 'yong inosente kong yaya.
We took pictures together dahil may nakaready'ng backdrop dito sa kwarto ko. Sabi kasi nang nakuha'ng photographer para daw sa picturial nang bride's family at entourage. Iba rin ang picturial para sa groom, at doon 'yon sa kwarto ni Zairel. Ilang pose's pa ang nagawa namin at natigil lang nang dumating sina mommy. Siyempre, sa takot ng mga kaibigan ko ay nag giveway sila sa aking pamilya.
Una kaming kinuhanan nina mommy at daddy. Kaming tatlo'ng magkakapatid ang sumunod.Si nana Elisa, kasunod naman ay kaming buong pamilya at ang kanya-kanyang pamilya ng mga kapatid ko. At panghuli ay kami'ng lahat na.
The bridal car stopped infront of a most memorable church for me. Dito ikinasal sina lolo at lola, pati na rin ang parehas na parents namin ni Zairel. I chose the church with Zairel dahil katulad ko memorable din daw ito para sa kanya.
I waited the signal for my turn.
Makalipas ang ilang minuto matapos ang entourage ko, iginiya ako ng organizer na pumasok na.
Bumungad sa akin ang malamyos na musika,the voice of the singer is soathing.
You're always on my mind
Since I've had this feeling
I found in you a dream
I've believed to be true
Finally you got me fallin' like this
I don't wanna end a feeling like this
I started walking slowly.
You know I want to share my world with you
I promise to you my feelings will never change
You know I want to forever live in this moment
I wanna spent the rest of my life with you
I do.
Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa or sa isiping matatali ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Pero pumatak talaga ang luha ko, daddy even wipe it away ng marating ko ang pwesto nila. He kissed my forehead before guiding me towards the man who'd be part of my life from now on. Sabay sila ni mommy na hinahatid ako sa tao'ng pakakasalan ko. But there is no any emotion showed with my mom's face. She's emotionless and stayed being in her stoic face.
May ibinulong naman si daddy kay Zairel na hindi ko narinig. Tanging sagot lamang ni Zairel ang narinig ko na siyang nagpakampante sa akin.
"Makakaasa po kayo,sir."nagmano siya sa mga magulang ko bago ako hinarap at ngumiti.
The mass started at sumunod lang kami sa mga sinasabi ng pari. Hindi man ako handa sa kasal na ito pero may inihanda naman akong vow para sa kanya.
"I, Elisha Meirel Santiago take you as my husband. Nangangako akong maging tapat sa'yo at handang aalagaan ka sa hirap at ginhawa. I will stay by your side through happiness and sadness. I will always hold your hands when no one does. I will always be your other half for better and for worst." Saad ko bago isinuot ang singsing sa kanya.
"I, Zairel Martin Aragoncillo take you as my wife. Nangangako akong hahawakan palagi ang iyong mga kamay at mananatiling tapat sayo. I always dreamed a wife who could give me a family and I know someday we can build it our own. I will always be there for you no matter what happen. I will always be your shoulder to lean on and I am willing to do everything to make you happy." He slid the ring and smiled to me.
Ilang salita pa ang binigay nang pari bago e anunsyo na tapos na ang kasal.
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may kiss your bride."anunsyo ng pari. Agad namang nagsipulan ang mga kaibigan ni Zairel bago isigaw ang kiss.
He lean closer to me and tilted his head to give some access on my lips.
"I'm sorry for stealing your first kiss." Halos mapasinghap ako sa sinabi niya, the audacity of this man, really?
Pero agad naman akong napapikit nang maramdamang nakalapat na ang mga labi namin sa isa't isa. It was just a smack but it gives me chills. May kung ano'ng kuryente na naman ang dumaloy sa buong sistema ko.
Masigabong palakpakan at sipulan naman ang maririnig sa loob ng simbahan bago bumitaw si Zairel sa halik namin.
We did the photoshoot inside the church before headed to the reception which is their restaurant. Hindi naman kalayuan 'yon pero pakiramdam ko ay ilang oras kaming nagbyahe.
There was an awkward atmosphere between us.
Tahimik lang kami at parehas nakatingin sa labas nang bintana hanggang sa makarating kami sa venue.
I changed my attire first into a comfortable dress, puti parin naman at mahaba pero hindi na kasing haba ng una kong suot. Si Zairel naman ay ganun parin ang suot niya.
"Let us now welcome Mr. and Mrs. Aragoncillo." Sinalubong kami nang masigabong palakpakan at maingay na tunog ng kubyertos sa baso.
Iginiya naman kami ng asherette sa upuan na hinanda para sa amin. We eat first before the program started. Of course hindi mawawala 'yon, magulang namin ang nagdesisyon at nagplano kaya sigurado na maraming kaartehan ang magaganap bago matapos ang araw na ito.
Tinawag din ang mga magulang namin upang magbigay ng mensahe amin. Hindi ko alam kong madidisappoint ba ako dahil hindi man lang nagbigay ng kahit anong mensahe ang nanay ko. Only my dad, sister and my brother, hindi ko man aminin ay naiinggit talaga ako sa pamilya ni Zairel. Umuwi pa nga ang panganay niyang kapatid para lang makaattend sa kasal namin.
Dapat nga sanay na ako sa inaasta ng nanay ko pero hindi ko talaga mapigilan ang masaktan. Hindi ba siya masaya na sinunod ko na ang gusto niya? Hindi ba siya kuntento sa ginawa ko? Ano pa ba ang dapat kong patunayan sa kanya? Siguro tsaka niya lang maappreciate ang lahat ng ginawa ko kapag wala na ako sa paningin niya. Iyong literal na wala at kahit kailanman ay hindi na niya makikita.
We did our first dance, slicing of cake, cheering the wine and opening one of our gifts. I even throw my bouquet at hindi ko kilala kong sino man ang nakasalo noon. Isa sa mga pinsan din ni Zairel ang nakakuha ng garter. Puno ng kantyaw at hiyawan ang venue, nagsisiyahan ang lahat. Kahit mga kaibigan ko ay nakikisaya na rin kasama ang iba.
Ako lang ata ang bride na malungkot habang ikinakasal. Nawala lang ang mga iniisip ko nang may lumapit sa akin at bumulong.
"You wanna go home now?" It was Zairel.
Kahit ayaw ko man ay sa tingin ko tapos na rin ang role ko sa okasyon na ito. Kaya kahit nagsisiyahan pa ang lahat ay tumango ako. Gusto kong magpahinga, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako,hindi lang ang katawan ko kung hindi pati na rin ang isip ko.
"Magpapaalam muna ako sa mga magulang natin." Tumango lang ako sa kanya. Lumapit naman siya agad sa mga magulang namin at nagpalitan pa sila nang salita.
Nang makabalik ay agad kong naisip na baka gusto pa niya'ng mag enjoy kasama ang mga kaibigan, kaya..
"Kung gusto mo pang mag enjoy kasama ang mga kaibigan mo, we can stay for awhile." I said carefully.
"We can always enjoy in the future, you look tired...let's go home." Wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kanya. I am still wearing my gown pero hindi na ito ang gown na suot ko sa simbahan kanina. Hindi na masyadong mahaba ito kaya medyo komportable naman ang lakad ko. But Zairel being a gentleman he is, he still guide me while his hands was on my back.
Kinausap ko pa muna ang mga kaibigan ko, nagpaalam ako na mauuna na at puro asar lang ang aking natamo. Maypa goodluck pa silang nalalaman na akala mo'y sasabak ako sa paligsahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top