02

The next day, I joined Nana Lisa going to church like we always do. I treat her in her favorite restaurant for brunch. Umuwi rin kami kaagad dahil bibisita ang anak niya mula sa Laguna. Ako naman ay may tatapusin pang term paper na deadline next week.

I didn't replied on Zairel's message last night. Hindi ko alam ano ang irereply ko, so I decided just to save his number.

Gano'n pa rin ang mga nangyari sa school nang mga sumunod na araw. Sasabay akong mag-lunch sa mga kaibigan kong kaparehas nang schedule ko.

Napabuntong-hininga ako nang makaupo sa tabi ni Ethel, I was exhausted from my last subject this morning.

"Napano ka?"ngumunguyang tanong ni Althea.

"I feel drained at may dalawang major subjects pa ako mamaya,"tumawa naman si Ethel sa tabi ko at hinila ang aking ulo upang isandal sa balikat niya.

"Ako na oorder ng paborito mo, anong drinks mo today?"Chelsea asked me.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kararating niya lang din gaya ko pero bakit ang fresh pa rin nila kahit may mga exams din sila. Ako lang yata ang pangit sa aming lima.

"Saan na ba si Christel? Isa pa iyon,kahapon pa MIA."sabat ni Althea.

Hindi naman nagtagal ay umupo sa tabi niya ang humahangos na si Christel. Kaya natawa ako sa kanya, she so cute in her clip again. Kahit mukhang pagod kakatakbo ay maganda parin siya. Sana all!

"I still have a class after an hour, may quiz pa ako. Gosh! Bat ganoon sila? Nagsasabay pa."mukha na siyang iiyak.

Inilapag niya agad ang tote bag niya at kinuha ang wallet bago nagtungo sa food stall.

Lima kaming magkakaibigan pero iba-iba kami ng kursong kinuha. Tourism sa akin, Business Management naman kay Ethel at Chelsea dahil sa kani-kanilang family business, si Christel naman ay nursing dahil susunod sa yapak ng ama at si Althea naman ay Culinary dahil noon pa man ay pangarap na niyang maging magaling chef.

Mag-iisang linggo ko na silang kasama mula ng mangyari iyong lunch sa bahay pero hindi ko parin makuhang sabihin sa kanila na ipapakasal ako ng mga magulang ko. Hindi ko rin alam kong saan ako magsisimulang magkwento.

Sa totoo lang hirap na din akong itago sa kanila ang sitwasyon ko. Nasanay kasi akong nagkukwento sa mga nangyayari sa buhay ko lalo na sa mga hinanakit sa aking mga magulang. Pero ngayon, parang nagdadalawang isip akong magkwento. Alam naman nila ang sitwasyon ng mga kapatid ko pero heto ako hindi ko alam kong sasabihin ko ba o ano.

Nakapangalumbaba na ako habang pinagmamasdan si Althea na kumakain ng lunch niya. Sarap na sarap ito kaya naman nawili akong panoorin siya.

She raised her brow, kaya naman napaikot ang mata ko. Ayaw niya talagang tinititigan siya kapag kumakain. Hindi naman siya nacoconscious pero naiirita siya. Nagmumukha daw kasing asong gutom kapag ganun.

Nang makabalik na sina Chelsea at Christel ay agad ko namang nilantakan ang pagkain ko. I want to eat more to gain what I drained earlier. Sana naman mamaya ay di pupurol ang utak ko dahil may quiz na naman. Hindi ko nga alam sa mga professor ko bakit sunod-sunod ngayong araw.

"Kumusta ka naman,Li?"tanong ni Christel.

"Purol na utak, ikaw?" Sagot ko.

"Same sis,Gosh!?after this sem magb-beach talaga ako. Tangina nilang lahat." She exaggeratedly said. Natawa lang kami sa kanya.

"Outing naman us." Saad ni Ethel.

"Oo nga Sa term break ha?" Chelsea agreed.

"Depende pa sa schedule ko."malungkot na saad ni Althea.

"Bakit naman? Break na 'yon eh." Malungkot kong tanong.

"Baka may ipapagawa pa mga professors ko." Sagot ni Althea.

"Kahit overnight lang?" Hirit naman ni Ethel.

"Susubukan ko pero depende nga, ang pangit naman kasing mag outing na overnight lang. Nakakabitin kaya kapag ganoon." Tama nga naman si Thea, mas maeenjoy namin kung tatlong araw o higit pa.

" Sana naman free tayong lahat,"malungkot na singit ni Christel.

"Uh," I cleared my throat first bago sila tinignan isa-isa. Napalunok ako nang nakatuon lahat ang tingin nila sa akin.

"Nakilala ko na fiancé ko." Diretso kong sabi, kaya sabay silang apat na nabulunan.

"Seryoso!?"

"Kailan!?"

"Sino!?"

"Gwapo!?"

Napatakip naman ako ng aking taenga.Oh God! I think it would be a long time of explanation.

"Last saturday p-" I was cut off by Ethel, sinabunutan niya ako dahil siya lang naman ang malapit sa akin.

"Gaga ka...saturday pa pala bakit ngayon mo lang sinabi?" Inis na saad ni Thea.

"Eh-"

"May Gc tayo, gagang 'to.." Christel rolled her eyes on me.

"Para kang others,mag iisang linggo na pala di mo man lang naisipan na sabihin sa'min?" Tunog nagtatampo rin si Chelsea.

"Bakit nga ba ha Elisha?" Hinarap ako ni Ethel.

" Eh,nahihiya ako." Nakatanggap ulit ako ng batok mula sa kanya. Tinapunan rin ako si Althea ng fries.

"Papi ba?" Si Chelsea.

"Ano pangalan? Businessman ba? " sunod-sunod na tanong ni Christel, I rolled my eyes too.

"Saan nag-aaral?" Si Ethel naman. Gosh!

"Wait, ano muna pangalan? Dami niyo nang tanong agad hindi pa nga natin alam pangalan. " saad ni Althea.

"Zairel Martin Aragoncillo." Kaswal kong sagot.

"What the Fuck!? "

Sabay nilang saad na apat, medyo tumaas pa ang mga boses kaya napabaling sa amin ang tingin ng iba.

"You know him,right?" Kunot noo'ng tanong ni Althea.

"Don't tell me..."napatakip ng bibig si Christel.

"Nope." I replied.

"Gaga! Seryoso!?" Gulat na saad ni Ethel, bakit ba naman kasi sila ganyan.

"Oo, noong Saturday ko lang siya nakilala."

"Ay lutang ka girl? Aragoncillo di mo kilala?" Eksaheradang saad ni Christel.

"Bakit ba kasi? Anong meron sa kanya? Kailangan ba kilala ko siya.?" Lito kong tanong. Napailing lang naman si Chelsea, hindi makapaniwala sa naririnig.

"Captain ng Engineering basketball, Deans lister and Candidate for Summa Cum Laude." Sagot ni Althea.

Halos mabulunan din ako sa narinig. Wow! Gano'n siya ka talino?

"And how the earth you didn't know him here in our campus?" Eksaheradang saad ni Ethel.

"Nakalimutan mong sa'tin lang umiikot mundo niyan Ethalya. " Althea smirked.

"Totoo? Di mo kahit nakikita dito sa campus? Kung sabagay malayo ang Engineering dept." Sunod na dugtong si Christel.

"Diba kaibigan ni kuya Eli 'yon?" Kunot noo'ng tanong ni Chelsea.

I just shrugged to them.

"Hindi ko nga kilala at hindi naman kasi nagdadala ng kaibigan si kuya sa bahay mula pa noon." Totoo naman, never ko pang nakita si kuya na nagdala nag mga kaibigan niya. Siguro nangyari na pag wala kami sa bahay . Ewan ko.

"So kailan ang kasal?" May pang-aasar sa tononi Althea.

Their eyes are all on me now.

"Next month, after term break." Mahina kong sagot.

"Agad-agad?"

"Gano'n kabilis?"

"Atat nanay mo?"

"Oh my God!"

Nasapo ko nalang ang aking noo, diba? Gulat nga din sila eh, ako pa kaya?

I told them everything. Kung paano ako umabot sa ganitong sitwasyon at kung paano ako pumayag. They just listened to me and understood where I'm coming from. Gano'n naman sila palagi sa akin, since highschool, palagi silang nandiyan apat para suportahan ako.Sasamahan nila ako sa tuwing nalulungkot, at kasabwat ko palagi sa tuwing tatakas ako sa bahay.

I went home straight after my last subject. Naglinis nang katawan bago bumaba ulit para sa dinner. As usual kasama ko naman si Nana Leda at ang dalawa pa naming kasambahay dahil gabi na naman makakauwi ang mga magulang ko.

Hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli ko silang nakasama kumain.

After the dinner I go back to my room and scan my notes. Wala naman masyadong ganap kinabukasan kaya advance reading lang ang ginawa ko.

The next days came like a whirlwind, Zairel texted me asking kung kailan ako free. I told him any time after class kaya napag desisyunan niya mag dinner kami sa labas mamaya.

I don't understand myself now. I feel nervous and a little bit excited for what will happen tonight.Looking forward for the good outcome of that dinner. Ganado akong nakinig sa leksyon nang mga professor ko sa klase. Panay rin ang ngiti ko at pakikipag usap sa mga kaibigan nang magkaroon naman kami ng parehas na free time.

Nagtataka man sila pero wala ni isa sa kanila ang nagtangka na magtanong sa akin. I just let them be curious about my actions.

Nang mag gabi ay naghanda ako nang maisusuot. Alam naman ng parents ko na may date ako ngayon dahil si Zairel mismo ang nagpaalam sa kanila. Of course, they were happy to know that, especially si mommy. Hindi ko alam kung anong meron kay Zairel lahat sila sa boto sa kanya. Si daddy naman ay nandoon parin ang pag aalala sa akin, pero nakikita ko naman na gusto niya rin si Zairel.

I wore a nude pink bodycon stretch dress. I paired it with my nude pumps, I just feel wearing nude color tonight. At para hindi magmukhang maputla ay naglagay ako ng pink lipstick.

After fixing myself, I receive a message from Zairel. He's already waiting outside, kaya nagmamadali akong bumaba. Nagpaalam lang ako kay Nana nang makita siyang nanonood ng telebisyon sa sala. Nagbilin lang naman ito na 'wag masyadong magpagabi dahil may pasok pa kinabukasan.

I excitedly open our gate, and there I saw Zairel's handsome face leaning against his car. His grandeur is overflowing even though he is simply wearing a white shirt and a tattered black pants. Hindi ko pa siya nakita ni kahit isang beses sa campus, and I am so sure that if he'll wear their respective uniform too well. Sa tindig palang niya, sigurado akong gwapo siya tignan pag iyon ang suot niya. Ano nalang kaya kung nakajersey na siya?

Omg! What am I thinking? Gosh! Elisha Meirel!

Napakurap ako nang umayos siya ng tayo, he open the shotgun seat for me. Nagtatakbo ring umikot sa driver seat, napahinga naman ako ng malalim. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang masikip na lugar kaming dalawa. It's our first time to be alone together, at hindi ko alam bakit kinakabahan ako.

I adjusted my seatbelt and relax a bit, huminga nang malalim bago itinuon ang tingin sa harap. He started maneuver the ignition and our ride was quiet for a while.

"You can play any songs on my stereo, connect your phone. Medyo malayo pa tayo.." He offered. Agad naman akong nangialam doon at nagpatugtog ng paborito kong playlist sa spotify.

Ben & Ben.

I cleared my throat to start the conversation,para mawala ang ilang ko.

"We're on the same university pala?" I look at him and smiled a little.

"Yeah, since grade school." Sagot niya sabay tango. Nanlaki ang mata ko, how could it be that possible? Hindi ko naman siya nakilala at hindi ko rin naririnig ang pangalan niya. Or dahil siguro wala lang akong pakialam sa ibang tao maliban sa mga kaibigan ko. At isa pa malaki ang private school na pinapasukan ko mula noon. Sister school lang kasi ng university namin.

"Paano? Bak-" he cut me off.

"You didn't know me because you just focused yourself in school back then. I never saw you interacting with your classmates in elementary. So, that's acceptable, introvert ka daw eh." There's a humor in his tone. Napaayos naman ako ng upo at mas lalong humarap sa kanya.

"Magkaibigan kayo ni kuya, but I never had a chance to see you two together? Hindi ba kayo nagpupunta sa bahay?" I curiously asked.

Nabaling saglit ang tingin niya sa akin, nakangiti at muling ibinalik ang focus sa daan.

"I've been there so many times, natataon lang siguro na wala ka or nasa kwarto kalang. " he casually said.

"So,you knew me already back then?"

"Who wouldn't? " simple niyang sagot. Marami pa akong gustong itanong pero nangibabaw parin ang hiya ko. Ayaw ko naman na maging madaldal ang una siyang impresyon sa akin. Siguro sa susunod nalang. Natahimik naman kaming pareho at tanging tugtog lang sa stereo ang nangingibabaw.

Ilang minuto pa ang nakalipas sa biyahe nang marating namin ang magarang restaurant. Magara ang labas nito at sigurado akong gano'n din sa loob. Sinalubong naman agad kami nang nakangiting waiter.

"Welcome to Balay Emillia maam and sir. Your reservation this way po." Nakangiting bati ng waiter bago kami iginiya sa nakareserbang mesa. "Our crew will come to take your order, hope you enjoy the night with your fiancee sir. " kumunot ang noo ko sa narinig kaya naman napatingin ako kay Zairel. Napakamot naman siya ng batok niya, tila nahihiya.

"It's one of our family business,naabisuhan ni mommy ang mga crew na magdi-dinner ako dito kasama ang fiancé ko." Nahihiya niyang saad.

Alam ko naman na nasa business world ang pamilya nila gaya ng pamilya ko. But I didn't expect that they're in this kind of business too. Ang alam ko kasi ay may construction company sila at hotels all over the country. Hindi nabanggit sa akin ni mommy na may restaurant din pala sila.

"Ohh! Hindi ko alam na may restaurant din pala kayo." I shyly said. Tumango naman siya at ngumiti bago hinila ang upuan ko at inalalayan.

"Pamana ka mommy ni lola at sigurado akong si Zaira ang magmamana nito dahil mahilig siyang magluto."

"Nabanggit niya nga sa akin na nagbibake din siya."nakangiti kong sagot, ngumiti din ito sa akin.

"Namana niya ata ang talento ni lola sa pagluluto." Tumango ako.

The waiter gave us the menu at agad din namang umalis ng maka order na kami. Nagkwentuhan pa kami bago dumating ang pagkain namin. We eat happily lalo na ako, I enjoyed the food especially the shrimps. It taste different from the usual recipe I've been tasted. Sobrang sarap noon at nakakaganang kumain.

Panay lamang ang sulyap ni Zairel sa'kin habang kumakain kami. Ako naman ay in-enjoy lang ito at naparami pa ang kain ko.

Ilang oras din kaming nagtagal doon bago nagpasyang umuwi. I thank him for this night before bid my goodbye. Hindi ko alam kong ano ang nangyari sa akin at bigla ko nalang siya hinalikan sa pisngi bago lumabas ng kanyang sasakyan. Nagtatakbo ako papasok nang bahay namin dahil tsaka ko nalang narealized ang pinanggagawa ko.

Nagmamadali akong umakyat ng hagdan at tinahak ang akin silid. Gosh! What an embarassing move Eli!?

My phone vibrated at halos mabuwal ako sa kinatatayuan sa aking nabasa.

Zairel Martin

I didn't get a chance to respond your kissed. That was fast Elisha! Please don't surprise me with your kiss next time. Nakakagulat! But still, thank you for tonight. Goodnight Elisha Meirel😊

I feel my face heated but suddenly a smiled form on my lips.

What a goodnight.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top