01
We proceeded to the dining area after a short introduction.
Lutang parin ako habang naglalakad, magkausap parin ang mga magulang namin na nauna nang pumasok sa dining.
I was walking slowly when someone hold my wrist. My heart pounded insanely, halos mabingi na ako sa lakas ng kabog nito. Easy heart, kakakita niyo lang!
"Ah. . .Can we talk after the lunch? Privately?" lumunok muna ako bago siya tignan nang maigi.
I nodded my head.
He smiled before gently releasing my hand. Iminuwestra niya naman ang daan papasok ng dining, signaling me walk first.
Bumungad sa akin ang malapad na ngiti nang aming mga magulang. Tila may kaaya-aya silang nakikita sa amin.
Nalilito man ay tinungo ko na ang pwesto ko. Of course, they want us to settle in the same place kaya magkatabi kami ni Zairel.
Ipinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa kanyang pwesto.
Okay, gentleman.
Tinulungan akong maglagay ng kanin ni Zairel, gusto ko nalang magpakain sa semento dahil sa hiya. Kuya keep on glancing at our direction at may nanunuksong ngiti sa kanyang labi everytime our gaze meet.
His simple gesture gives a strange feelings to me. Sanay akong kumain mag isa at nagkukusang maghain para sa sarili. This is so new to me,I never experience like this to my family.Ito ang unang pagkakataon na may nag-aasikaso sa akin.
Wala namang nakapansin noon sa mga magulang namin maliban kay kuya. I just roled my eyes to him that made him chuckle. Siniko naman siya ni ate dahil napagitnaan ito nila daddy na kausap parin ang tatay ni Zairel.
"Anong ulam sa'yo?" Mahina niyang tanong.
"Buttered Shrimp nalang." It's my fave, lalo na pagmalalaki ang shrimp. I know Nana Lisa intentionally cooked it for me. "Thank you." I gently said when he finished putting it on my plate.
I silently prayed before digging my food. I didn't bother myself to look around dahil in-enjoy ko ang pagkain. Nakailang subo pa ako nang magtanong si daddy.
"So...when will we plan the wedding?" Seryoso niyang tanong, but his eyes settled on me.
"I want it as soon as possible...much better with in this month before we go abroad for our wedding anniversary's vacation." Tito Zasen said.
Halos maibuga ko ang aking kinakain. Ganoon ba sila kaatat? Walang getting to know each other muna?
"What do you think,son?" Dugtong na tanong ni tita Ryza.
Napaayos naman nang upo ang katabi ko, he cleared his throat. "Gusto ko rin po ganapin bago ang exams ko... I would be very busy for the next months for my finals."
"Don't you think it's so fast for them?" sabat ni kuya.
"We can prepare the wedding kahit isang linggo lang. I know someone who could help us." balewala ni mommy.
"What do you think, El?" Napabaling ako ng tingin sa kapatid kong babae.
Does my opinion matter? Gusto kong isatinig iyon,pero pinigilan ko nalang ang aking sarili.
"Kayo po ang bahala..." Sagot ko nalang kahit pa marami akong gustong sabihin.
They talked about their plans. The wedding plans. Hindi na ako nag abala pang sumingit, tama na siguro iyong ako ang magpapakasal. Ayaw ko nang e-involve pa ang sarili ko sa tinatawag nilang plano,ayaw kong ma-hassle at ma-stress. Ginusto nila iyan kaya sila ang mag abala sa pagpa-plano na gusto nila.
After the lunch,my parents asked our helpers to prepare tea for then. They decided to stay in our outdoor patio, may malaking puno sa tabi noon kaya siguradong marerelax sila.
I want to excuse myself from them pero ayaw ko rin namang maging bastos. Nagpaiwan kami ni Zairel sa sala, nakatayo lamang siya. Ako naman ay nakaupo sa pang isahang sofa.
"So?" I bravely trailed off to make the heavy air lightly.
"What made you agree?" He asked.
"Do you think I have a choice?" I raised my brow while crossing my arms. Totoo naman, wala naman akong choice kaya ako pumayag.
"You think we can make it work?"
Nagdadalawang isip akong sumagot. Napabuntong hininga muna bago siya hinarap.
"I don't know,we don't know what the future holds." Tumitig lamang siya sa akin kaya nagpatuloy ako. "But I hope I'm not ruining any relationship. If you have a girlfriend right now, you can back out."matapang kong dugtong.
"I don't have one." Tila may kung anong nabunot sa aking lalamunan nang marinig iyon. I thought he has. "Baka ikaw?"Agad akong umiling, kaya natawa siya sa inasta ko.
"I don't have." I cleared my throat " ...and no plans on having one." Nahihiya kong sagot.
Hindi sa wala akong nagugustuhan mula noon kaya wala akong naging nobyo. One of the reason is this kind of set up. I didn't try to enter a relationship because I know from the very beginning that I would end up this kind of situation.
Noon pa lang alam ko na, noon pa lang ay may ideya na ako na magiging ganito ang kapalaran ko.
Natahimik lang kami, I don't want to start a conversation. Hindi ko rin kasi alam ko paano siya kakausapin. Akala ko nga ay suplado siya dahil sa ekspresyon niya kanina no'ng una ko siyang makita. Pero hindi pala, kinausap niya naman ako nang maayos.
"We still have time to know each other before the wedding. What about going out sometimes?" Agad nanlaki ang aking mata, shocked of what he said. Is he asking me for a date? Kumunot ang akin noo.
"I m-mean, you know, atleast we could hang out—" I didn't let him finish what he was saying.
"Okay." I answered bravely.
"Okay what?"
"W-we can go out sometimes just beep me in when."
Tumango siya sa akin at ngumiti. Ayan na naman ang kalabog ng dibdib ko, simpleng ngiti lang naman 'yon pero kung maka react ka heart!
It's not good.
"Can I have your number,then?" Tumango ako at agad niya naman hinugot sa kanyang bulsa ang kanyang latest unit na iphone. He then gave it to me and I typed my numbers.
Marami kaming napag-usapan kahit papaano,kahit hindi pa masyadong kumportable ay nakasabay naman ako sa kanya.
Our conversation were interrupted by my annoying brother. Abot langit na naman ang ngiti niya na animo'y nanunukso, pinandilatan ko kaagad siya nang mata. I kow him too well, alam ko na ang mga ganyang ngisi niya.
"Well, well, well before anything else I want you to know Aragoncillo that my sister is a bit shy and introvert. Hindi mahilig gumala iyan at makipaghalubilo sa iba except with her friends. Doon lang sa kanila umiikot ang mundo niya maliban sa akin. I hope you'll help her out." ngingiti niyang saad.
Paano ba naman ako magkakaroon ng ganoong klaseng buhay kung palagi lang ako dito sa bahay? Gosh! At isa pa I am not an introvert, we go out sometimes. Hindi lang nila alam iyon dahil hindi naman ako nagpapaalam.
Nalaman ko nalang kanina na magkaibigan sila. Nauna lang grumaduate si kuya dahil business course ang kinuha at apat na taon lang ito sa kolehiyo. While Zairel is taking engineering and it will be his last school year at ga-graduate na siya.
Ako naman ay nasa pangalawang taon palang sa kolehiyo. Studying BS in Tourism in Saint John University. I want to travel and discover new places and things. I want to be a ship attendant someday at the same time I want to own a travel agency too.
"I'm inviting her to a date..." Zairel said casually.
I feel like my face heated, ako ang nahihiya sa narinig mula sa kanya.
"Whoa!? ang bilis naman Aragoncillo, baka nakakalimutan mong hindi ako boto sa'yo?"
Tumaas ang kilay ni Kuya sa kanya, nang aasar.
"Ayos lang hindi naman ikaw ang papakasalan ko." Humagalpak ng tawa si Kuya, wala naman akong reaksyon sa usapan nila. Ayaw kong sumingit dahil nahihiya.
"Aha! Pasalamat ka at ikaw ang ipapakasal sa kapatid ko. Hindi ko pa nakakalimutan na gusto—"
Hindi na natapos ni kuya ang sasabihin niya dahil agad tinakpan ni Zairel ang bunganga nito. Nakakunot noo ko lang silang pinagmamasdan. Trying to understand their conversation but I don't have any idea what it is all about.
Hindi naman sila nagtagal sa bahay, matapos mag usap tungkol sa negosyo. Nagpaalam naman agad ang pamilya ni Zairel sa amin. Her mom hug me again and invite me to go shopping together. Um-oo lamang ako kahit hindi naman sigurado.
Nakahinga lang ako nang malalim ng makapasok na sa aking silid. Hindi ko mawari ang nararamdaman, hindi pa rin sigurado sa mga desisyon ko. Tama ba ang pagpayag kong pakasalan siya?
He look so stiff at first, pero nakakausap naman pala. Pormal nga lang pero ayos na rin kaysa naman na sinupladuhan niya ako kanina.
It's saturday today at tambak ang gawain ko at may quiz pa ako na haharapin sa lunes. Kaya naman kahit tinatamad ay sinigurado kong tapusin lahat, I studied the Philippine Culture and Tourism Geography. Medyo nahihirapan ako sa subject natuh lalo pa't kailangan kong pag aralan ang impacts of places to the travellers.
Pasado alas otso na nang makatapos sa pag aaral. I also ask one of our maids to send my food here in my room dahil tamad na akong bumaba.
After eating my dinner, I took my half bath before lying in my bed. I grabbed my phone and scroll on my social media accounts. I only have Instagram and facebook pero minsanan ko lang nao-open yung facebook ko dahil wala namang masyadong ganap. And I find people there toxic, puro tsismis lang.
I visited our groupchat on messenger and leave a goodnight there. Sigurado akong babahain na naman 'yon ng mura mula sa mga kaibigan ko. I am not into chatting, tamang seen lang ako sa GC at nagrereply lang pag importante ang usapan.
Pero pag kalukohan ay tamad akong magreply sa kanila minsan din ay tatawa lang pag hindi ko na mapigilan. They already knew me, kahit nga sa personal ay hindi ako masyadong nagsasalita pag nagsasama kami. Tatawa at sasagot lang ako sa kanila pag may mga importanteng tanong.
I exited the app and decided to sleep, I need to go in bed early dahil magsisimba pa ako kasama si Nana bukas.
Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag vibrate ito. It was from an unknown number.
Unknown:
Nice to meet you again Elisha! Excited to date you finally, after years.
Goodnight 😊
-Zairel Martin
Napakunot nooa ko sa mensahe niya, what did he mean by that? After years of what?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top