XXXIV

KABANATA 34

Hindi na ata mawawala ang takot sa dibdib ko. Alam na ni Heneral Cornelio ang totoo. Alam na nya ang tungkol sa pagsama ko sa mga laban, maging ang pagtulong ko kay Flor at maging ang totoong katauhan ni papa. Nasa labanan kami ng mabalitaan ko na pinupunterya na kami ni Heneral Cornelio at si Flor, ngayon na alam nya na rin, na nakabalik na si Flor sa bansa.

Wala sa oras na umuwi ako ng bahay para masiguro ang kaligtasan ni ina. Ngayon na sigurado na ako na ligtas si ma'ma ay balak kong muli, na bumalik sa labanan. Hindi ako maaaring manatili rito, kailangan ko ring makita si Ambrosio. Sigurado ako na ngayong buwan sya mawawala sakin. 

Hindi ko alam, pero kahit alam kong wala akong magagawa para pigilan ang pagkamatay nya nais ko paring manatili sa tabi nya.

Magkaibang lugar at laban ang sinamahan namin ni Ambrosio, pero alam ko na buhay parin sya. Gaya ng huli naming pagkikita ay nakiusap ako sa sumama sa kanya. Kagabi lang ay nagpadala ako ng telegrama sa kanya. Sana lamang ay pumayag sya sa nais ko. Balak ko ngayong gabi na umalis. Pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako sa sagot ni Ambrosio.

Malalim na ang gabi. Nakaayos na ako ng aking pantulog na damit. Nakaupo ako sa tapat ng bintana sa aking kwarto. Kitang-kita ang bituin sa langit, maging ang ganda ng buwan. Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto dahil sa tawag at katok ng isang tagapagsilbi. Lumapit ako ruon at ako na mismo ang nagbukas ng pinto.

"Buenos noches, Binibining Amara. Sulat po galing kay Ginoong Ambrosio." magalang na sabi ng katulong. Ngumiti ako at tumango lamang ako bilang sagot. Yumuko rin sya bago tuluyang umalis.

Takang nakatingin ako sa maliit na piraso ng papel. Parang pinunit iyon at nagmamadaling isinulat. Nagtataka tuloy ako kung kay Ambrosio ba talaga galing ito. Napailing na lamang ako bago bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pagkaupo ko ay saka ko lamang binuksan ang piraso ng papel.

Magkita tayo, Amara. Bukas, martes sa dakong ala syete ng umaga sa loob ng Magdalene. Maghihintay ako, mahal ko.

-Ambrosio.

Sa isang simbahan? At bakit duon nya naisip makipagkita? Bakit parang masama ang kutob ko sa mga nangyayari sa kanya? Malapit na ba talaga? Pwede bang maghanda pa ako ng ilang araw o buwan?

Napailing na lamang ako. Kahit ganito ay may nararamdaman parin akong saya dahil sa wakas ay makikita kong muli sya. Alam ko na pipigilan na naman ako ni mamá umalis bukas, kaya pipiliin ko na lamang na magsinungaling at tumakas kesa makipagtalo sa kanya. Ang nais nya ay lumaban ako pagkinakailangan lamang, hindi ko lubos maisip na hindi nya nakikita na kailangan kami ng bansa.

Ilang minuto akong nakatingin sa papel bago pinunit iyon. Itinapon ko iyon sa ilalim ng kama at nagpasyang matulog na. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng antok.

Kinaumagahan ay alas kwatro pa lang ay gising na ako. Nagsuot ako ng simpling barot saya. Napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa salamin habang inayos ko ang damit ko. Simpling pusod ng buhok ay bumaba na ako para mag-almusal. Nakita ko si Ina nakaupo na, halatang hinihintay ang pagbaba ko. Tahimik akong umupo sa tapat nya bago ko sya binati. nakalapag na ang lahat ng pagkain maging ang plato ko. Tahimik akong nagdasal bago kumuha ng makakain.

"Saan ka patungo?" akmang susubo na ako ng matigilan sa tanong ni ina. Ibinaba ko muna ang kutsara bago sumagot.

"Magkikita po kami ni Ambrosio." kinakabahang sagot ko. Mabilis na kinuha ko ang kutsara at kinain ang nakalagay ruon. Hindi ko manguya ng maayos dahil kinakabahan ako kay ina. Ngayon lang sya nag-almusal ng napakaaga, para bang alam nya ang plano ko.

"Saan?" muling tanong ni Mama.

Chismosa naman si mama eh. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang hindi pa nagagalaw nyang pagkain. Maasyo ang pagkakaupo nito habang nakatingin ng diretso sakin.

"Sa simbahan po. Sa Magdalene po."

Mabilis kong tinapos ang almusal. Buti na lamang at hindi na nagtanong pa ng kung ano-ano ni Mama. Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso sa labas ng bahay. Sa tarangkahan ay nakita ko Juancio na sakay ng kalesa. Sya ang sundo ko. Tumakbo ako palapit ruon at mabilis na sumampa sa loob ng kalesa. Hindi na bumaba pa si Juancio para tulungan ako, pagkasakay ko ay agad nya iyong pinatakbo.

Kinakabahan ako pero natutuwa rin ako namakakasama ko sya kahit kaunting sandali na naman. Matagal pa ang hinintay ko bago makarating sa tapat ng simbahan. Ang pintuan sa likod ng simbahan ako dumaan. Madilim ang simbahan pagkapasok ko, sarado ang lahat pwedeng pasukan ng liwanag maliban sa mga bintana na lumulusot parin ang liwanag.

Hindi ko makita si Ambrosio. Nahihirapan akong makaaninag kahit hindi ganun kadilim. Malawak at malaki ang simbahan na iyon. Naglakad pa ako ng mapahinto ako sa pinakagitnang bahagi ng simbahan. Nakita ko si Ambrosio na nakayuko habang nakasiklop ang mga kamay. Maingat akong umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya kaya napaangat sya ng tingin.

Napalunok ako ng makitang umiiyak sya. Mukang tahimik syang umiiyak hanggang sa makarating ako. Nagulat ako ng isandal nya ang ulo nya sa balikat ko, para bang nanghihina sya, parang pagod na pagod at gusto ng magpahinga. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko. Hinabot ko ang pisnge nya at hinaplos iyon, basa iyon ng luha.

Napalunok ako para mawala ang namumuong bara sa lalamunan ko. Nasasaktan ako, gusto ko mang magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko na tungkol iyon sa mga magulang nya, ayokong magsalita tungkol ruon. Ano mang desisyon nya ay re-respitohin ko.

Unti-unti syang tumingin sakin. Umayos sya ng upo at hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang dalawang nya. Nakatingin lang ako sa kamay namin. Hindi ko kaya. Ito na yun? Iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko may mamatay. Itong pakiramdam na 'to ang paulit-ulit kong nararamdaman sa tuwing gigising ako ng umaga pagkatapos ng isang masamang panaginip.

"Amara, isang pangako ang bibitawan ko... hahanapin kita sa susunod nating buhay." emosyonal sa sabi nya. Nagtagpo ang mga tingin namin. Lalong nanghina ang pakiramdaman ko.

"Hihintayin kita, Ambrosio."

"Tiyak akong mahahanap kita... sa susunod nating buhay ay hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin... ayokong muli nating sapitin ang lupit at galit ng tadhana para sa atin."

Umaasa ako. Gagawa ako ng paraan para mangyari ang gusto nya. Hinaplos nya ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan. Unti-unti nyang inilapit ang kanyang muka. Hindi ko alam kong pano magre-react. I'm new to this kind of scenery. Hinayaan ko sya sa gusto nya. Naglapat ang mga labi namin. Hindi rin nagtagal iyon at sinundan nya ng mahigpit na yakap na ginantihan ko.

Isang pagsabog ang nakapagpahiwalay samin. Mabilis kaming tumayo at hinarap ang tarangkahan ng simbahan. Pagiba na iyon. Sandali akong naestatwa bago hinila si Ambrosio palabas ng simbahan. Panibagong pagsabog ang narinig namin. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa malabas at makalayo sa simbahan.

Nakita namin si Juancio sakay ng isang kabayo. Bumaba ito at ibinigay kay Ambrosio. Hindi pa nakakapagsalita si Ambrosio ay sumakay na ako. Sandali syang natigilan bago sumakay rin ng kabayo. Pinatakbo nya iyon.

"Handa ka na ba?" nagulat ako nang maramdaman ang hininga nya malapit sa tenga ko. Pakiramdam ko ang dami na naming kasalanan.

'I broke the rules for you, Ambrosio. Always and i never regret it.'

Tumigil kami nang makita ang labanan sa isang bayan. Sa bilis ng pagpapatakbo ni Ambrosio ay kung saan-saan na kami napadpad. Bumaba si Ambrosio kaya agad akong sumunod ng walang tulog nya. Nakita ko si Juancio na paparating, hawak-hawak ang isang arquebus. Senyasan ko sya na ihagis yun at ginawa naman nya. Mabilis ko iyong nasalo bago nakisabak sa labanan.

Hindi ako magaling gumamit ng kahit na anog sandata. Pero pag ang buhay na ang pinaguusapan makikita mo na lang ang sarili ko na nagagawa ang di mo inaakalang magagawa mo. Itinusok ko ang dulo ng arquebus sa papasugod na kalaban. Paulit-ulit ko yung ginawa.

Panibagong pagsabog ang narinig namin. Hindi ako huminto sa pakikipaglaban, ginamit ko ang dulong bahagi ng baril na may kutsilyo. Kaunti lamang ang bala na meron ako, hindi ko pwedeng sayangin yun. Malayo na ang simbahan samin pero dahil sa lakas ng pagsabog ay rinig na rinig namin iyon.

Hindi sapat ang kutsilyo na naruon sa arquebus para makalaban ako ng maayos. Inikot ko ang paningin para makahanap ng itak o espada. Nang makita ko ang isang espada na hawak-hawak ng isang bangkay ay walang alinlangan ko iyong tinakbo at kinuha. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may sundalo ng papalapit sakin. Sinalag ko ang pakanan ang atake nya. Hindi ko namalayan ang isa nya pang hawak na espada dahilan kung bakit nadaplisan ang bewang ko.

Nakita ko ang isa pang kalaban na palapit sakin. Bakit ba ang puntirya nila lagi ay babae? Bakit lagi rin akong nakokorner ng dalawang kalaban? Inis na tinadyakan ko ang nasa harapan ko at tinarak ang espada sa dibdib nya. Umikot ako para harapin ang isa pa pero may naunang pumatay ruon. Nakita ko ang pagtagos ng espada mula sa likod ng kalaban. Nang matumba ang lalaki nakita ko si Ambrosio, si Ambrosio ang pumatay sa kalaban. Hindi na kami nag-aksaya pa at tumakbo na kami sa kalaban.

Nagdadalawang isip ako. Gusto kong makita si Ambrosio pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam ko ang mangyayari. Ilang sundalo pa ang napatay ko bago ko hanapin si Ambrosio. Desidido na ako gusto ko syang makita. Tumakbo ako sa kakahuyan para magtago. Nanghihina ako sa sobrang pagod at sugat. Sa pagtakas namin sa simbahan kanina ay hindi na namin namalayan na ilang barangay na ang nadaanan namin. Napaupo ako habang hawak-hawak ko ang sugat ko. Marami na ang dugong lumabas mula ruon kahit na daplis lang ay medyo may kalaliman iyon.

Ilang hugot ng hininga ang ginawa ko para ibsan ang sakit na naramdaman ko. Dahil sa paglaban ko pa kanina kaya lalong dumago ang sugat. Wala ng panahon tumayo ako at kumuha ng suporta sa puno na sinasandalan ko. Hinanap ng mata ko si Ambrosio. Halos manlumo ako sa nakita ko.

Wala na sya. Isang sundalo ang sumaksak sa dibdib nya dahilan para mapaluhod sya. Hindi nakuntento ang sundalo dahil tumama ang espada nito sa batok ni Ambrosio. Pero sa ang mas hindi ko inaasahan ay ang isang putok ng baril sa tumama sa ulo ni Ambrosio.

Ito ako walang magawa. Nakatayo lang habang pinapanuod kong mamatay ang taong mahal ko. May magagawa ba ako? Iyon na ang nakasulat sa aklat ng kapalaran. Mababago ko ba yun? Kung ang taong mahal ko mismo ang nagpasya sa sarili nya at para sa bayan na ipinaglalaban nya. Wala ng mas masakit pa sa taong namatayan, alam ko yun, kasi paulit-ulit kong naranasan pero mas masakit kung ang taong mahal mo mamatay sa harapan mo pero wala kang nagawa.

Tahimik akong umiiyak dapat tapos na ako sa sitwasyon na ito. Bakit kailangan ko pa ulit maranasan? Bakit kailangan ko pang makita? Ang kamatayan ko lang naman ang dapat kong malaman hindi ba?

Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawak ang espada. Hinanap ko ang taong may hawak ng baril pero isa lang ang nakikita ko. Ang hayop na yun, hindi ko alam na may sa demonyo pala ang hayop na yun. Umaasa ako na sana hindi sya yun, na akala ko lang pero hindi, dahil lumapit sya sa katawan ni ambrosio at sinipa iyon.

"Hayop ka! Heneral prico!" pilit kong pinipigilan ang sarili na wag gumawa ng hindi naayon pero hindi ko na kaya. Itinapon ko ang espadang hawak ko at kinuka ang baril na kanina pangnakasabit sa katawan ko. "Papatayin kitang hayop ka!"

Huminga ako ng malalim bago tinakbo ang distansya namin ng heneral. Sa likod nya ako pumewesto saka itinutok ang baril sa ulo nya. Nang lumingon sya, kitang-kita ko ang gulat at pagkataranta sa muka nya. Hindi na ako nakapagpigil, hindi ko na hinintay na magsalita sya. Hinampas ko ang ulo nya gamit ang dulong parte ng arquebes. Nang madapa sya ay agad kong itinutok ang baril sa ulo nya at walang awang binaril iyon.

Napaluhod ako sa harap ni Ambrosio. Alam kong ano mang oras ay may pwedeng makakita sakin at gamitin ang kahinaan ko para patayin ako. Sa bigat ni Ambrosio ay hindi ko sya kaya gusto ko syang buhati ay ilibing ng maayos. Narinig ko ang yapak ng isang kabayo buong akala ko ay kamataposan ko na.

"Binibini..." si Juancio ang dumating. "Halika na." nagmamadaling sabi nya sabay pasan nya sa katawan ni Ambrosio.

Kinuha ko ang espada ni juancio at ako ang nakipaglaban habang lumalayo kami. Salamat sa dios dahil dumating si Juancio. Sabi ko na nga ba at hindi sya ang taong tinutukoy ni Amos. Nagkamali ako, si Heneral Prico iyon. pero ngayong patay na sya pano ako?

Nakarating kami sa kakahuyan. Hiniga nya si Ambrosio sa mga dahon ng saging. Lumuhod ako sa tabi ni Ambrosio. May nakita rin akong ibang bangkay na naruon. may ilan na buhay pa at ginagamot. Kinuha ni Juancio ang espada sa kamay ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Aalis na po ako, Binibini." pagod na ngiti ang sumilay sa labi nya.

"Pero-"

"Sa huling pagkakataon nais kong magpasalamat sa lahat ng tulong at pagaalaga sa aking mag-ina. Ito ang huling nais gawin ni Elizabeth, sinimulan nya tataposin ko. Hanggang sa muli, Binibining Amara." yumuko ito bago tuluyang umalis. Nakaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha.

Panong nagagawa nilang lumaban para sa bayan? Panong nagagawa nilang lumaban para sa taong mahal nila? Nakakatawang isipin na mabilis na lang ang ligawan sa panahon ko, at kung gano kabilis ang ligawan ganun rin kabilis itapon ang relasyon. Kung gano kabilis nakuha ng lalaki ang babae, ganon nya rin kabilis nyang bitawan yun.

Hinawakan ko ang kamay ni Ambrosio at hinalikan iyon. gusto ko ng mamatay, sino pa bang hihintayin kong mamatay sa harapan ko. Si Libet wala na, si Irene at kuya wala na rin, si mom wala akong nagawa, si Juancio na naging kaibigan ko rin ngayon handa ng sumunod sa taong mahal nya, at ngayon si Ambrosio, may kulang pa ba? May idadagdag pa bang sakit? Baka meron pa? Lubos-lubosin na nila, nakakahiya naman kasi, ako na yung a-adjust para sa kanila.

Tahimik akong umiyak. Inalala ang lahat ng mga pagkakataon na nakasama ko sya. Nakatatak sa isip ko ang lahat ng mga pangako nya sana naman tuparin nya iyon, lalo na ang huling pangakong binitawan nya.

"Ambrosio......"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top