XXXII
KABANATA 32
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari.
Lumipas ang ilang buwan, natapos na ang taon ng 1897. Araw, linggo, buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Naging mahirap para sakin ang umuwi, at umapak ang mga paa sa pintuan ng bahay na mag-isa. Buwan ang binilang bago kami nakaahon, lalo na si mama at papa.
Nang gabi ring iyon, kung saan natagpuan namin ang katawan ni Irene napagpasyahan namin na duon na rin ilibing sa tabi ni kuya ang katawan nya. Linggo-linggo kung dumalaw si ina at ama sa puntod na iyon, tahimik lang sila at walang sinasabi. Para bang alam na nilang maaaring mangyari ito at tinaggap na lamang nila dahil alam nilang ito ang kapalarang pinili namin.
Lumipas ang buwan simula ng ihatid ako ni ambrosio sa bahay, simula nun ay bihira na lamang syang magpakita. Madalas ay puro sulat ang natatanggap ko mula sa kanya. Magkita man kami ay laging patago, para bang may pinagtataguan sya at sa pagkakataong makita nila kami ay katapusan na. Minsan ay tinatanong ko sa kanya iyon pero lagi nyang sinasagot ng may kahulugan.
“Binibining Amara, sulat po mula kay Ginoong Ambrosio.” napatayo ako sa kinauupuan. Lumapit ang isang tagapagsilbi at iniabot ang sulat. Yumuko ito bago nagpaalam.
Payapa ang umaga ngayon, nasa balkonahe ako para sa sulat na ipapadala ngayon ni ambrosio. Para bang tapos na nga ang labanan kahit ang totoo ay sandali lamang kaming namahinga. Umupo muli ako at maingat na binuklat ang papel. Tulad ng mga nakaraang araw ay may kasama ulit itong bulaklak, inilagay ko muna iyon sa mesa para mabasa ang liham.
Amara,
Ilang linggo na ang lumipas mahal ko, nangungulila ako sa piling mo.
Gustuhin ko man na makasama ka, ay hindi maaari.
Akala ko ay kapalaran ang ating kalaban, Ngunit maging ang buong mundo ay sumasang-ayon na sa kapalaran.
‘Anong ibig nyang sabihin?…’ tumigil ako sandali sa pagbabasa at napaisip. Kapalaran? Hindi ba dahil sa sitwasyon namin tungkol sa digmaan ang tinutukoy nya? Kung ganun ano ang mundo? Kalikasan? O di kaya ay tao….
Napailing ako para alisin ang iniisip ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, maging ang totoong pakay ko rito ay nababahiran ng kung ano-ano. Binasa ko na lang muli ang liham, may kahabaan rin sya at may mga ilang tanong tungkol sa kalagayan ko.
“Paglayuin man tayo ng dagat at lupa. Iisa naman ang tinitingalang tala, nagiisa ka lang sa puso ko kahit ilang kilometro pa ang layo mo…. nagmamahal ang iyong pinakamakisig mong nobyo, Ambrosio.” napangiwi ako sa huling nabasa. Maginoo na mahangin, sariling papuri. Sa huli ay napangiti rin ako, hindi parin sya pumapalya sa pagpapakilig. Kahit sino sigurong babae ay mahuhulog sa galing nyang mangbula, sa ganda ng pananalita, maging sa paraan nya ng pagsulat ng tula.
Ilang minuto akong napatitig sa bulaklak. Alam nya talaga ang hilig ko, napapakamot ka nga lang ng ulo paginamin nyang walang paalam nyang pinitas iyon kela mang berting. Kahit napakapilyo nya ang sarap parin nyang kasama.
“Binibini, may bisita ho kayo.” napatingin ako sa tagapagsilbi saka tumango. Yumuko muli ito bago umalis.
Sino naman kaya iyon? Sana ay wag si Heneral Cornelio. Inayos ko ang sarili bago naglakad patungong sala. Nadaan ko ang isang lamesa at duon ko muna inilagay ang sulat ni Ambrosio kasama ang bulaklak. Sa malayo pa lang ay alam ko na agad kung sino ito, si Heneral Prico. Ang lalaking nasa listahan ng mga pinaghihinalaan ko. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong prutas at bulaklak. Binalewala ko ang mga dala nya na nasa lamesa. Agad syang tumayo ng mapansin ako na papalapit.
“Maupo ka, Heneral Prico. Anong maitutulong ko sayo?” agad na tanong ko pagka-upo. Sandali syang natigilan bago ngumiti.
“Nais ko lang matiyak ang kalagayan mo.”
“Maayos ang kalagayan ko. Ilang araw na kayong laging bumibisita rito Heneral, hindi ba parang nakakaabala na ako sa mga ginagawa nyo?” hindi ko ipinahalata ang pag-kainis ko. Ngumiti ako ng malawak at tinignan sya ng mabuti.
Ilang araw na syang pumunta rito simula nang matapos ang labanan, napapadalas na ang pag-bisita nya sa hindi malamang dahilan. Noong unang buwan at mga sumunod ay hindi ko sya hinaharap dahil hindi pa ako naging maayos ang pag-iisip ko, ngayong linggo ko lang sya nahaharap. Nalaman ko rin isa ang pamilya nya sa nabibilang na mayamang pamilya.
“Hindi naman, pagkatapos ng lahat, kasabay nang paglisan ng presidente patungong hongkong ay sandaling pagkaparalisa ng samahan. Kaya naman ito ako.”
Nagtagal pa sya ng ilang minuto bago napagpasyahan na umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun, pano ay hindi ko naman talaga gusto ang presensya nya. Binalikan ko ang sulat at bulalak na bigay ni Ambrosio bago ako nagtungo sa kwarto.
Gaya ng mga nakaraang araw ay madalas na wala sa bahay si ama para sa kanyang trabaho. Habang si ina ay abala sa pananahi at hindi ko na ginugulo.
Lilipas na naman ang araw na parang walang nangyari, gaya ngayon nagising ako na linggo na at araw na para magsimba. Hindi tulad dati na inaabot ako ng ilang minuto sa pagsuot ng barot saya ngayon kaya ko na ng mabilisan. Hindi na rin ako kumuha pa ng tagapagsilb. Bumaba na ako para sa almusal, kasama ko si ina sa pagsisimba linggo-linggo.
Sumakay kami sa kalisa at nagkwentohan. Hindi tulad nitong mga nakaraang araw na tahimik at tulala lang si ina, ngayon ay nakakausap na sya. Nadaanan namin ang ilang kilalang lugar sa manila.
Sa dulong bahagi kami naupo ni mama dahil marami na ang nakaupo sa unahan. Natapos ang mesa na hindi maalis sa isipan ko ang napanuod ko nuon, maging ang nabasa ko sa el fili. Hindi maganda ang imahe ng mga pari sa panahon na ‘to. Mga nananakit sila, kung sino pa ang nagtuturo ng salita ng dios ay sya pa ang halimaw. Alam ko na hindi lahat, pero may ilan.
Lumabas kami ng simbahan ni ina na ganun ang iniisip ko. Sa daan ay nakikita ko ang ilang mga pilipino na magaganda ang suot. Nakaligtas sila dahil sa yaman ng pamilya nila, ano nga ba ang magagawa ng pera? Hanggang saan ka masasalba ng pera at taas ng posisyon mo? Sa panahon ngayon kailangan mo ng pera, posisyon sa lipunan, at koneksyon na magliligtas sayo sa kalaban.
Bumaba kami ni ina ng mapadaan kami sa puente de espana o jones bridge. Pinili naming maglakad-lakad ng huminto si ina at tumingin sa ilog.
“Heneral Cornelio…” napalingon ako sa likod ko ng makitang duon nakatingin si ina.
Napalunok ako sa kaba. Hinarang ko ang sarili ko kay ina. Alam ko na naghihinala na sya noon pa man sakin, lalo na ang kapatid nya.
“Heneral Cornelio, buenos dias.” buong galang na pagbati ko. Nakangiti itong lumapit samin, pakiramdam ko ay napaka-plastik nyang tao. Impokretong heneral.
“Buenos dias, Donya Alvares. Buenos dias, Binibining Amara. La luz del sol es tan hermosa, no?” nakangising tanong ng Heneral. Pinilit kong pitatag ang loob ko.
“Tienes razon, Heneral. Kaya naman napagpasyahan namin ni ina na maglakad-lakad.” sarkastikong sagot ko.
“Kung ganun ay maiwan ko na kayo. Sa susunod muli nating pagkikita, Amara. Wari’y makakalabas ka pa. Magiingat ka, dahil may isang lion na gumagala para sunggaban ka.” nakangising saad ng Heneral. May halong pananakot at pagbabanta. Hindi ako nagpahalata, at mas tinapangan ang ekpresyon ng aking muka.
“O baka isang agila na matalas ang mga mata, na syang nagmamatyag sa mga kilos ko, Heneral.” matapang na sinalubong ko ang mga mata nya. Ngumisi sya at tumawa na parang demonyo.
“Ang tapang mo para sa isang babae, Amara. Ngunit ang tapang mong yan ang ikapapahamak mo at ng buong pamilya mo….” sumama ang timpla ng muka ko, piste talaga ang heartbroken na Heneral na ‘to. “Bibigyan kita ng payo, binibini. Bawasan mo ang tapang mo. Manatili ka na lamang sa inyong tahanan o di kaya ay sa simbahan, para iyon sa kaligtasan mo.” huling salita nya bago umalis. Nakangisi pa na parang aso ang sawing Heneral.
‘Baliw! Heart broken! Wala ka nang pag-asa pa kay Flor! Maghanap ka na lang ng iba para naman mawala yang kabitiran mo!’ nanggigil ako sa gurang na hukloban na yun.
Alam nya man o hindi ang tungkol sa pagsama ko sa labanan, wala na syang magagawa. Wala syang pruwebang makukuha para madiin ako sa mga hinila nyang walang kwenta. Napalingon ako kay ina ng maramdaman ko ang paghawak nya sa aking braso.
“Anak, pakiusap, wag ka ng masasangkot sa kahit anong panganib, o labanan. Hindi ko nakakayanin pa ang mawalan ng isa pang anak.” emosyonal na pakiusap ni ina. Hindi ako sumagot dahil ayokong baliin iyon. Hinawakan ko na lamang ang kanyang kamay bago ko sya yakapin.
Sandali kaming nanatili pa sa tulay bago napagpasyahan na sumakay na ng kalisa.
“Anak, iwasan mo ang Heneral. Hanggang maaari wag ka ng sumama pa sa ano mang kilosan.” bilang pakiusap ni ina. Natigilan ako at nagiwas ng tingin. Hindi ko maipapangako iyon, o kahit ang sumang-ayon sa ganun. Lalaban parin ako. “Anak, wala na ang kapatid mo-” pinutol ko si ina dahil alam ko na ang sasabihin nya.
“Paumanhin, Ina. pero kailangan mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni kuya.” seryosong saad ko. Napabuntong hininga si ina, tumingin sya sa daan at sandaling natahimik.
“Ito talaga ang daan na pinili nyo. Sa tingin ko ay wala na ang magagawa pa.” mabigat ang loob na tumingin sakin si ina. “Nasayo ang aking pahintulot anak, basbas na nawa ay gabayan ka ng ating panginoon. Matanda na rin ako, kami ng ama mo. Naghahayag ng digmaan ang mga amerikano, nagsisimulang kumilos ang mga tulisan, bumubuo ng mas matatag na samahan. Nasa sa iyo ang buong desisyon, anak.” maliit na ngiti ang ibinigay ni Ina. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Natigilan ako sa sinabi ni ina. Naghahayag ng digmaan ang mga Amerikano? Kung ganun ay narito na sila? Anong araw o taon ba nangyari ang unang pagbabalik ko rito? Sa inis ko ay natahimik na lamang ako at hindi na kumibo pa kay Ina. Maraming tanong na naman ang hindi na naman masasagot. Kung ganun malapit na rin ang digmaan sa pagitan ng amerikano at espanyol.
Buong magdamag akong gising. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay narito parin ako sa panahon na ito. Hanggang ngayon hindi ko parin malaman kung sino ang tinutukoy ni Amos. Ngayon ay hindi ko alam ang tungkol sa paparating na digmaan. Malaking kagulohan ang mangyayari, anong gagawin namin.
Ang totoo ay hindi natigil ang kaguluhan. Ang kasunduan sa biak-na-bato ay hindi naging hadlang para patuloy ang kilosang nagaganap. Tahimik lamang ang mga ito, ngunit nasa paligid lang. Nagmamatyag at naghahanap ng magandang pagkakataon para kumilos. Maraming kilosan ang nabuo magmula ng mangyari ang kasunduan sa biak-na-bato, ibat-ibang pinuno ngunit iisa lang ang layunin. Isa na ruon ang pinamumunuan ni ambrosio, at ang aking ama na nagbibigay ng pinansyal na pangangailangan.
Ilang linggo na simula ng bumalik si Flor, ngunit dahil sa kagustohan ni ina na itigil ko na ang pagsama sa kilosan ay sinunod ko iyon. Ngayon ay napapaisip ako, ito nga ba talaga ang gusto ko ang manatiling magtago at walang ginagawa gayong may magagawa naman ako. Napabangon ako sa pagkakahiga. Alas-tres na ng madaling araw at dilat parin ang aking mga mata. Buo na ang desisyon ko, tutal ay pumayag na rin si ina.
‘Kailangan kong makausap si Flor…’
Kinaumagahan ay mabilis ang naging kilos ko. Tatlong oras lang ang naging tulog ko, alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Kumilos ako ng mag-isa. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si ina sa hapag-kainan, nakaupo na ito kasama si papa. Bumati ako, ganun rin sila sa akin. Saktong pagkaupo ko ay isa-isa ng inilagay ang pagkain sa mesa.
“Ina, Ama. Nais ko sanang makausap si Binibining Flor.” nakita ko na natigilan sila. Nagkatingin sila bago lumingon si ama sakin. Si Ina ay nagpanggap na walang narinig. Alam ko na alam nila ang ibig kong sabihin ruon
“Anak, ikaw ba ay sigurado na riyan?” naruon ang pagunawa sa boses ni Ama. Ngumiti ako ng malawak at tumango. Siguradong-sigurado na ako.
“Opo, pakiramdam ko po, ama. Wala pong saysay ang buhay ko kung mabubulok na lamang ako rito sa bahay at simbahan. Nais kong may gawin, lalo na kung alam ko naman na may magagawa ako, mali, lalo naman kung may maitutulong ako.” tumango si ama at ngumiti. Sa kanilang dalawa ni ina, si ama ang laging nakasuporta saming dalawa ni kuya.
Pagkatapos ko kumain ay hinatid ako ni ama sa bagong tahanan ni Flor. Naging maingat kami dahil patuloy parin ang paghahanap sa mga kagaya namin. Sa isang malaking bahay kami nagtungo ni ama, isang pangmayamang bahay na ipinagtataka ko.
Kanino kaya ito? Si Flor ba ang may ari ng may na ito?
Pumasok ako sa bahay. Si ama ay hindi na sumama pa. Sakay ng kalisa ay tinanaw ko syang papaalis bago ako tuluyang pumasok. Nakita ako ng isang tagapagsilbi kaya naman dinala nya ako sa silid tanggapan ni flor. Nakita kong nagbabas ng mga papeless si Flor. Iniwan naman kami ng tagapagsilbi.
“Binibining Flor…”
Sinabi ko sa kanya ang nais ko. Hindi na rin ako nagpaligo-ligoy pa. Ang ama at ina ko ang inaalala nya, kaya naman ilang salita pa ang sinabi ko para mapapayag sya.
“Sigurado ka pa sa nais mo, Amara?” seryosong tanong ni Flor.
“Alam ko po ang ginagawa ko….”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top