XXVII

KABANATA 27

Nagising ako sa ingay na nagaganap sa labas, parang maraming tao ang sabay-sabay na naguusap. Sinalag ko ang braso ko sa nakakasilaw na liwanag. Mukang nakabukas na naman ang bintana. Bumangon agad ako at sinara ang bintana.

'Anong oras na ba?' nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. nakabalik na ako, nakabalik ako ng buhay. Nakabalik ako pero si elizabeth hindi, duon na ang magiging libinga nya sa cavite. napabuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa gilid ng kama.

Kakaiba sa pakiramdam, parang may kulang, parang may naiwan ako sa cavite na gusto ko na iyong balikan. parang may kulang sa bahay, sa kwarto ko, o di kaya ay may nawawala.

nabasag ang malalim na pagiisip ko sa sunod-sunod na katok sa pinto. tumayo ako at pinagbuksan ang kumakatok. nanlaki ang mata ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. abot langit ang langit nito habang may hawak-hawak na kupeta.

"Kuya..." pabulong sa sabi ko. napayakap ako sa kanya at ganun rin sya. narinig ko ang pagtawa nya kasunod ng pagsinghot.

"Masaya ako na nakabalik ka ng ligtas, Amara."

"Masaya rin ako, kuya. mabuti at nakabalik ka na!." kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sya ng mabuti. syang-sya ang nakita ko sa litrato pero mas gwapo sya sa personal, ang kinis pa ng muka nya.

"Ikaw talaga, mag-ayos ka na at nariyan sila lola."

Mabilis akong kumilos at naligo. nanibago pa ako dahil dati ay nariyan si libet para pagsilbihan ako, ngayon ay kailangan ng sariling sikap. Isa't kalahating oras bago ako natapos sa pag-aayos. mahirap isuot ang barot saya kaya naman natagalan ako, isa pa ay may sugat ako na kailangan na itago kela mama at papa.

Bumaba na ako pagkatapos. mula sa hagdan ay rinig na rinig ko ang tawanan ng pamilya ko at ilang tao na hindi pamilyar ang boses sa akin. Pinakinggan ko ang mga boses na iyon habang marahan sa pagbaba sa hagdan.

"Irene?" halu-halong emosyon ang naramdaman ko. halos takbohin ko ang mga pagitan ng hakdag at sala para makompirma ang hinala ko.

Huminto ako sa harap at natulala sa nakita. Naruon si lola, ang pamilya ko at ang pamilya ni irene. nakita ko si irene na tumatawa kasabay nila lola, napaatras ako sa takot at bumalik sa kwarto.

Napasandal ako sa pinto na sarado. Anong ginagawa nya rito?. bakit maging ang pamilya nya ay narito?. Natampal ko ang nuo ko sa inis. Hindi si irene, imposible, isa pa ay tatlo silang nakikita ko na sa tingin ko ay kilala ko mula sa panahon ko. Isa ay si heneral prico, irene at si tessa. Hindi ako sigurado kay heneral prico at tessa kaya nababaling ang hinala ko kay irene.

Napahugot ako ng malalim na hininga. kailangan na maging patas ako sa tatlo, sila lang ang nakikita ko na maaaring kasangkot rito. Napalunok ako ng may maalala, isa sa mga paraan para malaman kung sino ang pumatay sa isang biktima ay ang motibo. Kung ganon anong motibo ng bawat isa sa kanila-

"Amara, amara. hindi ka pa ba tapos riyan?." napahawak ako sa dibdib sa gulat. nanggigil na pinaghahampas ko ang dibdib ko sa inis. (Atleast may dibdib yung nagbabasa wala.) inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Kuya, ikaw pala." kunwari ay natutuwang bati ko sa kanya.

Isinukbit ko ang braso ko sa braso nya at sabay kaming bumaba. Kailangan ko na umakto ng tama, sa harap nila. Lahat sila ay tinawag ang pangalan ko, naiilang na ngumiti ako sa kanila isa isa. Bilang tradisyon ay nagmano ako sa magulang ko at magulang ni irene. Si lola ay nagbeso lang ako, lagi syang ganyan. Naniniwala kasi syang nakakatanda ang pagmamano kaya kahit na kanina ay ayaw nyang nagpapamano.

Tumabi ako kay lola pagkatapos nun. Nagpatuloy sila sa paguusap, tumatawa ako kapag tumatawa rin sila. 'In short gaya-gaya, lutang moments'. Nakikinig naman ako sadyang hindi lang kayang i-proseso ng utak ko ang mga pinagsasabi nila. Hanggang sa mapunta sa akin ang usapan, napangiwi ako at napakamot ng kilay.

"Wala pa po. Hindi pa po namin napaguusapan ni ambrosio ang tungkol sa kasal." magalang na sagot ko. Rinig ko ang pagtawa ni lola at hinagod ang likod.

"Ang sabi ko nga ay pagusapan na nila. Abay nagkakaedad na ako, gusto ko ring masilayan ang apo ko sa tuhod. Hindi ba?." nangingising turan ni lola. Sumang-ayon ang mga matatanda na kasama namin. samantalang si kuya ay nangaasar na tumingin sakin. Tsk dapat ay kakampi ko sya rito, pero isa pa sya.

"Tama ka riyan, Donya Vicenta." saad ng ina ni irene.

Nawala sa isip ko, bakit nga ba narito ang mga taong ito?. Tumingin ako kay irene na nasa tabi ng kuya. Tumaas ang kilay ko ng hingin ni kuya ang kamay ni irene. Mas lalong tumaas ang kilay ko ng ngiting pinagsiklop nila ang palad nila. Sumama ang timpla ng muka ko sa nakita, wag mong sabihin na sila, silang dalawa, Kaibigan ko jowa ng kapatid ko?.

Kinilabotan ako at napaiwas ng tingin. 'Bat parang ang awkward nun?'. Bakit kapatid ko pa irene?, alam ko na may pagkaplay girl ka pero parang ibang usapan na 'to. Nakangiwi ako nang nilingon ulit ang dalawa. Ayun may sarili na silang mundo. Gusto ko tuloy makasama si ambrosio. Tsk, mga nagpapaingit, magbreak sana kayo!, etchos kapatid at kaibigan ko nga pala yan.

Kung saan-saan napunta ang usapan ng mga matatanda. Sa huli ay tinantanan ko na ng tingin ang dalawa, nilalanggam na nga kami, mga yawa. Nagpadala na rin ng pagkain sa mesa dahil hindi pa ako kumakain, ang sabi ay duon na raw ako kumain dahil may mahalagang paguusapan, tinapay at syokolate ang inalapag sa mesa, kumain rin sila mama at lola. May hinihintay pang bisita at sisimulan na ang paguusapan. Kinabahan ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Nang matapos ako kumain ay lumapit ang isang kasambahay at sinabing nariyan na si donya verona at don juaqien.

Dalawang matanda na kaedad ni lola ang dumating. Tumayo ang lahat kaya naman gumaya ako sa kanila, nagmano si kuya at irene sa dalawang matanda kaya gumaya na naman ako. Pinaupo na kami ng dalawang matanda, magkaharap ang dalawang pamilya, isa lang ang ibig sabihin nun.

"May naisip na ba kayong simbahan para kasal nyo?" agad na panimula ni donya veronica.

Parang huminto ang oras, natulala ako sa kela kuya at irene na naguusap. Wala na akong naintindihan sa pinaguusapan nila, parang may matinis na ingay na bumalot sa tenga ko para hindi sila marinig. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi ng lola nya. Kahit alam ko na iyon ang paguusapan ay nabigla parin ako, kaibigan ko at kuya ko?, seryoso ba 'to? Buong paguusap nila ay tulala lamang ako. Napansin siguro iyon ni mama kaya lumipat sya ng upo, umalis sya sa tabi nila at umupo sa tabi ko.

"Anak, ayos ka lang ba?" pabulong na tanong ni mama. Tumingin ako sa kanya at tumango, wala paring emosyon ang muka ko. Hindi ko rin alam kung paano ipapakita ang pagtutol sa dalawa. Oo, tutol ako sa dalawa, pero kung hindi si irene ang taong tinutukoy ni amos ay ayos lang sa akin. Kaya sana hindi si irene ang taong yun.

"Mabuti pa ay pumunta na tayong kusina. Kumain ka ng kumain para magkalakas ka." tumango na lang ako bilang sagot.

Nagpaalam si mama sa kanilang lahat, inakay ako ni mama patungon kusina. Napangiwi ako ng malaman ang daan papunta ruon, ang daming pasikot-sikot. Naalala ko tuloy nung araw na nahuli ko si libet at juancio, lalong sumama ang pakiramdam ko. Iniisip ko kung galit parin kaya sa akin si juancio, napahinto ako at napakunot. May motibo si juancio para makagawa ng masama sakin....

"Amara?" natauhan ako at ngumiti kay ina. Ano bang iniisip ko, hindi magagawa ni juancio iyon. Madalas ay sya ang laging tumutulong sa akin kapag kailangan ko ng tulong. Pero hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala iyon.

Nagpahanda si mama ng makakain ko sa hapag kainan. Habang kumakain ako ay kung ano-anong ideya ang pumasok sakin, nakatitig lang si mama sakin. Apat, apat silang nasa listahan ko. Si irene, na syang kaibigan ko at malapit sa pamilya ko. Both present and past life ko ay kasama ko sya, si juancio ay may malaking galit sakin. Si heneral cornelio at tessa ang hindi ko makitan ng motibo.

Natapos ako sa pagkain at dumiretso sa kwarto. Nung una ay pinilit pa ako ni mama na sumalo sa kanila pero dinahilan ko na masama ang pakiramdam ko. Natakot pa ako ng sabihin nyang kabastosan raw iyon kaya wala akong pagpipilian kundi ipakita ang sugat ko. Bago ako tuluyang makahiga ay pumasok si mama at papa para gamotin ang sugat ko.

Buong maghapon na tulala ako sa kesama, dinadalhan ako ng pagkain ni mama pero umaalis sya agad. Naging aligaga ang mga kasama ko sa bahay dahil sa gaganapin na kasal. Nagkibit balikat na lamang ako at hinayaan sila sa gusto nilang mangyari. May pakiramdam ako na may mangyayaring hindi maganda, gusto ko mang alamin yun pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

Nakatulog ako sa sobrang pagiisip. Madilim na sa labas ng magising ako, narinig ko ang boses na nagpatigil sa kabayo. Umayos ako ng higa at nanatili sa loob ng kwarto. Sa tingin ko ay si ambrosio iyon, ipinagtataka ko lamang ang maagang pagdalaw nya. Gaya ng inaasahan ay bumukas ang pinto, ang akala ko ay si ambrosio iyon ngunit nagkamali ako, si kuya ang pumasok.

"Amara, narito si ambrosio. May mahalaga syang sasabihin sa atin at kay ama." tumango ako at bumangon.

Sabay kaming lumabas ng kwarto, sa dulo ng paselyo sya dumiretso. Sumunod ako at pagbukas nya ng pinto ay may binuksan muli syang isa pang pinto. Ganitong-ganito ang bahay ni flor, maraming pasikot-sikot. May hagdan kami na ginamit pababa sa isang kwarto, duon ay nakita ko si papa na nakaupo sa dulong bahagi ng mahabang mesa. Naruon rin si irene at ambrosio, tumayo at lumapit sa akin si ambrosio nang makita ako.

"Maayos ba ang kalagayan mo?, alam ko na pumunta ka sa labanan, nasugatan ka ba?, may masakit ba sa iyo-" pinutol ko ang sunod na sasabihin nya. Grabe nakikipagkompetensya atah sya sa pagiging O.A ni mama.

"Sandali." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat nya. "Nandito ako sa harap mo, buo ang katawan, may paa, may kamay, nakakakita at higit sa lahat humihinga." tumaas- taas ang dalawang kilay ko at ngumiti ng malawak. Napangiti na rin sya at napakamot ng batok.

"Nagaalala lamang ako sayo, kahit na kakaiba kang babae na hindi kailan man nanghihingi ng proteksyon. Nais ko paring ibigay sayo, sadyang matigas lang yang ulo mo." natatawang turan nya. napangiwi ako at napasimangot sa kalokohan nya, aaminin ko na matigas ang ulo ko, pero hindi madalas.

"Iwan ko sayo, nga pala bat ka narito?" hindi sya sumagot bagkos at inalalayan nya ako hanggang sa pagupo. Mukang ako lang ang walang alam sa paguusapan. Naging mabigat naging tensyonado ako ng makita ang seryosong mga muka nila, parang ang sarap tuloy magjoke.

"Kailangan ko ang tulong nyo...." panimula ni ambrosio.

Naging mabigat ang paguusapan namin, kailangan ng malaking pondo para masuplayan ang pangangailangan ng mga sundalo sa samahan, Nauubusan na ng pondo ang samahan. Sinabi ni ambrosio ang tungkol sa magaganap na pagsalakay ng kastila sa kampo na hawak ni heneral prico. Ang hawak ni heneral prico ang isa sa may pinakamaliit na samahan, kaya siguro ito ang nais nilang sunod na pabagsakin.

Malapit na ang disyembre, at ang alam ko ay nakatala sa historya ng pilipinas ang tungkol sa kasunduan ng presidente at kastila. May magaganap rin na pagatras ng presidente sa bundok ng biak na bato. Ipaparapon sa hongkong ang presidente. anong mangyayari sakin?, kay ambrosio?, sa aming lahat?. mamamatay na ba ako?.

Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari, malapit ng matapos ang taon ngunit hanggang ngayon ay buhay parin ako, isa lang ang ibig sabihin nun mali ang taong binilang ko. Hindi ko parin kilala ang taong tinutukoy ni amos. Sino ba talaga ang taong iyon?. sa isiping ngayong taon ako mamatay ay natatakot ako, ngayon nga ba?. Pano si ambrosio?, maiiwan ba sya rito sa labanan?.

"Tayong apat ang pupunta sa labanan...." napatulala na lamang ako sa sinabi ni ambrosio.

'Wala ng atrasan....'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top