XXV
KABANATA 25
“Binibining amara, huli na ito pangako. Tutuparin ko rin ang pangako ko kay Juancio babalik ako.” isang ngiti ang pinakawalan ni libet. Isang ngiti na may kahulugang magiging maayos rin ang lahat. Nagdududa ako sa ngiting yan, ako syang mapahamak lalo na ang bata. Humigpit ang hawak ni libet sa kamay ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, nagaalangan akong tumingin kay libet. Bat parang kahit anong desisyon ko ay ako ang mapapasama. Kung hindi ko sya papayagan ay magagalit sya at hindi matatahimik, kung papayagan ko naman sya ay ako ang mayayari pagmay nangyaring masama sa kanya, at ang bata!. napahilot ako ng sentido at pabagsak na umupo sa gilid ng kama.
“Sigi…” wala sa sariling naisagot ko, huli na para bawiin pa ang sagot na iyon. Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang ngiting tagumpay ni libet.
Wala na kaming sinayang na oras, palubog na ang araw ng makarating kami santa ana. Laking gulat ko ng makita ang ilang katawan na puno ng dugo. Wala na kaming nagawa ni libet kundi ang bumaba ng kalesa na sinasakyan namin at pinagdadampot ang mga baril na makita namin.
Ilang sigaw ang naririnig namin mula sa malapit, duon kami sunod na pumunta. Huli na ang lahat, maraming sugatan na ang lumalaban parin. Hindi ko na nasundan ang mga nangyari, nakita ko na lang si libet na nakikipaglaban gamit ang patalim.
Ilang bala ang pinaputok ko sa mga kalaban, mabilis ring naubos ang bala ang apat na baril na nakuha ko. Nakita ko ag sundang na hawak ng isang bangkay, kinuha ko iyon at walang habas na iwinasiwas sa kalaban.
Mula sa likod ay nakita ko ang isang lalaki na palapit sa akin. ‘duwag!’ mabilis na tinarak ko ang sundang sa unang kalaban ko, humakbang ako pakaliwa para makaiwas sa ataki ng kalaban ngunit nahuli ako dahil mabilis na umagos ang dugo mula sa braso. ‘Braso lang naman, malayo sa bituka, tama.’ umikot ako kasabay ng pagtama ng patalim sa tiyan ng hayop na lalaking yun.
Hinanap ng mata ko si libet, kailangan ko syang protektahan punyemas. Walang tigil parin ako sa pagiwas at pagtarak ng sundang sa kalaban. Iniisip ko na lang na patay na sila at ang ginawa ko ay double killing. Kailangan lang na gawin ko ito, dahil kung hindi ay ako ang mamatay. Bawat katawang humahandusay ay lalong nadadagdagan ang takot at konsensya na nanaramdaman ko.
Napalunok ako ng makita ang takot sa mata ng kalaban ko, hindi ito ang tamang panahon para makonsensya. Mabilis akong humakbang palapit sa kalaban kasabay ng katarak ng sundang sa dibdib ng kalaban. Napaiwas ako ng tingin sa mulat na mata ng lalaki.
Lumakad na ako at nakita ko si libet na nakikipaglaban. Kita ang galit ni libet sa bawat pagtarak ng sundang sa katawan ng kalaban, binabalikan nya pa ito kahit patay na at sasaksakin muli. Napalunok ako sa kakaibang libet na nakita ko, galit sya, galit na galit sya na kahit ang pumatay ng kalaban ay madali lang gawin sa kanya ng hindi nakakaramdamn ng konsensya, ng awa….
“Libet!” binilisan ko ang pagtakbo, ngunit laging may sagabal kaya naman kailangan ko na huminto para lumaban.
Ilang sundalo pa ang napatay ko bago ako natigil. Hindi ko napansin ang isang sundalo na papalapit sa akin dahilan kung bakit nasugatan ang balikat ko hanggang likod. Mabilis akong umikot kasabay ng pagdaan ng itak sa tiyan ng sundalo. Agad na napalingon ako kay libet.
“LIBET!” malakas na sigaw, pero huli na ang lahat.
Nakita ko ang pagluhod ni libet habang nakatarak parin sa tiyan nya ang espada. Napaluhod ako at nawalan ng lakas, anong gagawin ko, nangako ako na magiging ligtas sila ng bata na makakauwi. Sa galit ko ay humigpit ang hawak ko sa itak at sumugod sa sundalo. Kitang kita ng mga mata ko ang paghatak ng espada sa katawan ni libet at muling pagsaksak ng sundalo.
“Elizabeth.. im sorry, im sorry.” pagtangis ko habang yakap-yakap ang katawan ni libet. Wala akong nagawa, kundi ang buhatin ang katawan nya ay umalis sa labanan. Naging duwag ako, naging mahina ako, pero hindi ko kaya na hayaan lang si libet ruon.
Wala na, wala na sya. Sinira ko ang pangako ko, at hindi lang sya ang namatay pati ang bata sa sinapupunan nya. Pano ko lahat ibabalita kay juancio ang lahat, tang ina. Isang oras na ang lumipas naging payapa na rin ang kapaligiran. Wala na akong naririnig na sigawan at daig, tapos na ang labanan, at tiyak na talo ang kampo.
Tulala lamang ako habang nakatitig sa kung saan, yakap-yakap ko parin si libet hanggang ngayon. Hindi ko alam pero umaasa akong pupunta sya, na hahanapin nya ako, na gaya ng nangyari noon kay mommy ay darating din sya para pagaanin ang loob ko. Pero mukang malabo, parehas kami ng piniling landas at iyon ay lumaban para sa bayan. May trabaho at katungkulan sya na hindi nya maaaring iwanan para sa akin. Isa laban sa lahat, mag-isa lang ako anong laban ko sa maraming tao na umaasa sa kanila, sa kanya.
Ilang minuto pa akong natulala, bago kumurap ng ilang beses. Ilang mga yapak ang narinig ko papalapit, pero wala, wala akong maramdamang kaba. Palapit ng palapit ang mga yapak, lumuwag ang pagkakayakap ko kay libet at tinitigan ang kanyang muka. Para lang syang natutulog, pero kakaiba na ang kulay ng kanyang balat.
“Amara….”
‘pamilyar, sobrang pamilyar ang muka nya…’ nakasandal ako sa isang puno na malapit sa kampo. Pilit na inaalala ko kung saan ko nga ba nakita ang lalaking to.
May dumating na mga sundalo at nagpakilala sa pamumuno ni heneral prico. Naririnig ko na ang pangalan nya ngunit hindi pa napagbibigyan ng pagkakataon na makita at makilala ko sya ng personal. Sa paraan ng pakikipagusapan nya ay wari ko ay nagkaruon kami ng hindi magandang nakaraan. Puno man ng pagaalala ang muka nya nang tignan ako ay naruon parin ang pagkailang sa kanya, na ipinagtataka ko.
Sakay ng kalesa ay umalis kami at dumayo sa karatig na bayan. Isinakay nila si libet sa isang karuwahe na laking pasasalamat ko, ayokong iwan ang labi nya sa kamay ng ibang tao. Nasa tabi ko si heneral prico at tahimik lang ito habang nagmamasid sa paligid. Habang tinitignan ko ang kanyang muka ay nakakasiguro ako na nakita ko na sya o di kaya ay nakasama.
‘Saan ko nga ba sya nakita?’ napakamot ako ng kilay at umalis sa pagkakasandal sa puno. Sandaling nawala sa isipan ko si libet dahil sa ginoo. Napagpasyahan ko na manatili na lamang sa kubo, at maupo sa hagdan.
Muling bumalik sa akin ang alaala kanina, kung paano sinaksak ng sundalo si libet mula sa likod. Kung paano bumagsak ang katawan nya sa lupa, at kung paano kumalat ang dugo nya sa lupa. Kitang-kita ko ang lahat pero wala akong nagawa, naging pabaya ako.
‘Nabuhay rin kaya sya gaya ko?… sana.’ kung nabuhay sya kahit papaano ay gagaan ang kalooban ko. Dahil tama si ambrosio, nakatadhana ito, at kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa. Maging ang pagiyak at pagmamakaawa ko ay walang magagawa.
Napakunot ang nuo ko nang may sumulpot na mga panyapak sa paningin ko. Tumaas ang kilay ko ng mapagtanto na panlalaki ang sapatos na iyon. Umangat ang tingin ko sa taong nagmamay-ari ng sapatos, napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Bakit ba parang napakapamilyar nya?. nakikita ko na rin kaya sya sa panahon ko?.
“Heneral Prico…” marahang turan ko. Ngumiti ito ngunit mahahalata ang pagod sa kanyang muka, marahil ay kanina na pa sila kumikilos at nakukunsumi sa nangyari.
“Kamusta ang kalagayan mo?” pumaling ang ulo nito at tinignan ang balikat maging ang braso ko. Mahaba ang naging sugat ko sa balikat dahil umabot iyon hanggang likod ng balakang ko. Samantalang malalim naman na sugat ang nakuha ko sa braso.
“Ayos lang, malayo bituka. Isa pa ay buhay ako, iyon ang mahalaga.” pilit na ngiting sabi ko. Pagod man ako at gustong mapagisa ay kabastosan kung aalis agad ako. Isa pa ay sya ang tumulong sa amin kanina para makarating rito, kung hindi ay marahil hawak na ako ng mga sundalo ng espanya.
“Tama, ang mahalaga ay ligtas ka… napakatapang mo. Hindi lahat ay kayang lumaban para sa bayan, at higit sa lahat ay kayang makaligtas sa laban-”
“Tumakas ako at dinala si libet, naging duwag ako-”
“Hindi, nakita ko kung pano ka lumaban. Ang ginawa mo ay hindi karuwagan, nawala sayo ang kaibigan mo at masakit para sa iyo ang nangyari. Ang totoo kung ang kapatid ko ang naruon ay ganun rin ang ginawa ko.”
“Salamat. Gumaan ang loob ko, parang kapatid ko na rin si Elizabeth.” pinilit ko na ngumiti kahit parang malabo. Pagod na pagod na ako, nasagad na masyado ang katawan ko sa pagod.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto, napag-alaman ko rin na sya ang isa sa mga manliligaw ko. Hindi ko alam pero parang gusto kong matawa, pano ay ang haba-haba pala ang buhok ko, hindi lang pala sila ang manliligaw ko dahil may ilan pa. Nakakatuwang tanggap nila ang magiging desisyon ng mga babae at rerespetohin nila ito.
Napag-pasyahan ko umakyat na ng kubo. Bukas ay ililibing ang mga namatay sa labanan, sa mga narinig ko ay hindi lahat ng bangkay ay nakuha dahil mabilis na sinakop ng mga kastila ang lugar. Mabuti na lamang at inilayo ko agad ang katawan ni libet. Pabagsak na humiga ako sa kahoy na sahig.
“Nyeta…” napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang hapdi ng sugat ko sa likod. Tanging banig at kumot lang ang naruon.
Napabuntong hininga ako bago marahang humiga. Mabuti na lang at hindi malalim ang sugat ko sa likod. Nakatitig lang ako sa bubong ng kubo, hindi ko namalayan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumaloy ang antok sakin.
“Mag-iingat ka Amara….”
Madilim pa ang langit nang magising ako, marahan akong bumangon. Nauuhaw ako, kaya lumabas ako ng maliit na kwarto. Nakita ko ang isang baso sa mesa, kumuha ako ng tubig sa isang jar.
Napalingon ako sa pinto ng marinig ang yapak ng kabayo. Mabilis na dinalaw ng kaba ang dibdib ko nang marinig boses ni juancio. Nandito sya, alam na kaya nya?. sisisihin nya ba ako sa nangyari?. napaatras ako sa takot, nanginginig ang buong katawan ko habang umaatras. Nahulog ko ang baso kaya natapon ang kaunting tubig na natira.
Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili, dapat maging handa ako sa ano mang sasabihin nya. Sinira ko ang pangako ko, ano pang mukang ihaharap ko. Pinilit ko na pigilan ang panginginip ng tuhod at mga kamay ko, lumabas ako ng kubo at hinanap si juancio.
Naglakad ako sa libingan ng mga namatay na sundalo. Nakita ko ang isang lalaki na nakaluhod habang yakap-yakap umbok ng lupa, ang libingan ni libet. Si juancio iyon, may kasama syang dalawang babae na nakatayo sa likod nya.
“Elizabeth, anong nangyari?, anong nangyari?!” napaigtad ako sa lakas ng sigaw ni juancio. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit. “Elizabeth, elizabeth, libet. Pakiusap sabihin mo sa aking hindi ito totoo. Na buhay ka at ang anak natin!. Elizabeth, nagmamakaawa ako sayo.”
“Im sorry..” mahinang turan ko. Napatakip ako ng bibig sa nakita kong sitwasyon ni juancio, walang wala sya sa sarili, magulo ang buhok nya. Puno ng luha ang muka nya at puno ng galit ang mga mata nya.
“Juancio, pakiusap huminahon ka. Im so sorry.” lakas loob na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya. Mabilis nyang hinawi iyon at tumayo. Isang masamang tingin ang ipinukol nya sa akin kaya napaatras ako.
“Sabi mo hindi mo papabayaan si elizabeth maging ang anak ko?… hindi ba nangako ka?.. NAKALIMUTAN MO NA BA?! HUH?!” napasabunot sya sa kanyang buhok bago muling bumalik sa pagkakayakap sa libingan ni libet.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili ko, tama sya kasalanan ko yun, at nangako ako sa kanilang dalawa na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para umuwi ng buhay si libet. Umalis na kampante si juancio dahil sa sinabi ko, ang tanga ko bakit ko ba kasi hinayaan na sumama si libet.
“Alam ko kasalanan ko, im sorry.” napayuko na lamang ako at tahimik na umiyak. Hindi tumigil sa pagtawag ng pangalan ni Elizabeth si Juancio. Naramdaman ko ang paglapit ng isa sa mga kasama namin, hinawakan nya ang balikat ko.
“Galit lamang sya kaya nya nasasabi iyon. Hindi mo kasalanan, kasalanan ng mga kastila iyon.” mahinang turan nya. Tumango lamang ako habang nakayuko, pamilyar ang boses nya, siguro ay kasama sya sa samahan. “Madilim pa ang langit, mabuti pa ay magpahinga ka na, Amara.” napatingin ako kay Juancio bago napatingin sa babaing nagsalita.
Napaatras ako sa gulat ng makita ang muka ng babae. Sabi ko na nga ba at kaya pamilyar sya dahil isa sya sa mga kaibigan ko.
“Irene…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top