XXII

KABATANA 22

Ali POV.

I almost half of reading the whole article when i receive a message from irene. A message pop up from my screen, i directly click the arrow to the notification.

'Ali, something came up. i can't explain but what happened to arene are happening to me!. What?, she mean it?!.' Suddenly a ringtone filled and echo to my room. 'Sino naman kaya ito?!'

Mabilis na kinuha ko ang phone ko sa bagpack, when i saw it, irene name flash on a screen. Kumunot ang nuo ko, hindi nakontento sa message, nagcall pa talaga. is she really mean it?. nagdalawang isip pa ako kung sasagotin iyon. but at the end i choice to answer the call.

"Hello?!" i greeted her. i can hear a gasp from the other line. Ano bang problema ng babaing ito?. Nagsalubong ang kilay ko nang ilang segundo na ay hindi parin sya sumasagot. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. "Irene, c'mon irene, dont scare me!. Irene!" i almost shout at the top my lungs but irene still didn't respond. its scare the shit out me. may nangyayari bang hindi ko alam, another incident again that will slump each of us.

"There's a unfulfilled wishes-"

Arene/Amara POV

Nasa harap ako ng salamin at inaayosan ang sarili, im wearing this filipiniana. May pupuntahan kaming salu-salo na isa sa mga kaibigan ni ama, kung hindi ako nagkakamali ay kapatid iyon ni heneral cornelio, na syang may kaarawan ngayon. Isang mayaman at may mataas na posisyon si ama sa pamahalaan ng espanya. Ang sabi nya ay malaki ang pinuhunan ng kanyang mga magulang para sa kapangyarihan na natatamasa nya ngayon.

Muli ko namang tinitigan ang aking sarili, hindi ko alam na pag-na-ayosan ako ay magiging tao ako. Bigla ay naalala ko si ambrosio, kung pano sya tumingin sa akin, na parang ako ang pinakamagandang tanawin na gusto nyang laging magmasdan. Matagal-tagal na rin simula ng makita ko si ambrosio, kung katulad lang siguro ako ng mga bata na nag-aaral at bata pa lamang ay may nobyo na, siguro ay matagal ko ng hiniwalayan si ambrosio dahil wala syang oras na ibinibigay sakin. Iyon ang isa mga dahilan ng mga magkasintahan na naghihiwalay sa panahon ko, walang oras sa isa't-isa.

Napatingin ako sa kumpol-kumpol na mga liham na lagi nyang pinapadala. Kapag may mga kasamahan sya sa kanilang kampo na pupunta ng maynila ay madalas syang pagpasuyo ng telegrama. Akmang kukunin ko sana ang isa sa mga bagong ipinadala nya ng napaigtad ako sa gulat ng bumukas ang pinto.

"Anak, halika na. Nariyan na ang kalesa." pumasok ang si ama at lumapit sa akin. Napasimangot ako dahil sa pagkakagulat ng pumasok sya.

"Ginulat mo ko, ama." tumawa lamang si ama at inilahad ang kamay sa harap ko.

"Nahulog ka sa malalim na pagiisip kaya nagulat ka anak. Sino ba ang iniisip mo?. si ambrosio ba?." napalabi ako sa sinabi ni ama. Mukang halata ako masyado, hmp. Plastik na ngumit ako kay ama, hindi ko alam kung paano magreact. Nakasimangot ko na tinanggap ang kamay nya.

Lumabas kami ng kwarto habang ang kamay ko at nasa braso ni papa, bat kaya ang ganda ng build ng katawan nila sa panahon na ito. Wala pa akong nakikitang matabang lalaki, ang ibig kung sabihin ay puro magaganda ang katawan ng mga lalaki. Mapagkakamalan mo na laman lagi ng gym.

Sa harap namin ay ang dalawang kalesa, inalalayan muna ako ni ama sa pagsakay bago nya sinuportahan sa pagsakay rin si libet. Nagpasalamat muna kami kay ama bago sya tuluyang lumapit kay ina. Parang isang babasaging gamit si ina kung alagan at alalayan ni ama. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila, totoong pag-ibig, walang halong laro.

"Binibining Amara?." napalingon ako kay libet nang magsalita ito.

"Hmm?" sandali ano pala ang ginagawa ni libet rito?. hindi ko alam na inimbitahan rin sya. "Ahm, saan ka ba patungo, kasama ka ba amin?"

"Hmm, hindi po. May ibang lakad po ako ngayon, binibini." Patango na lamang ako sa sinabi nya, kaya pala. Siguro ay pupuntahan nya si juancio. Hindi ko pa pala sya nakakausap tungkol sa pagbubuntis nya, laging nawawala sa isip ko. "Ahm.. gusto ko lang sabihin na, mag-iingat ka kay Gobernador-heneral diago. Mabuti ng hindi kayo magkaruon ng kahit na maliit na alitan."

"Huh?... anong ibig mong sabihin?!" kunot nuong tanong ko. Kanina ay namatay ang kaba sa dibdib ko ngayon ay muli na namang nabuhay, dahil sa sinabi ni libet.

"Sabi ko nangaba, ano ho ba talaga ang nangyayari sa iyo, binibining amara?."

"A-anong ibig mong sabihin?!"

"Hindi bali na, binibining amara. Basta tandaan mo na hindi ka dapat magkaruon ng kahit kaunting alitan kay gobernador-heneral." tanging tango lang ang naisagot ko at bumalik sa tahimik kaming dalawa.

May alam kaya sya sa totoong nangyayari sa akin?. matagal na syang naninilbihan sa akin, ako rin daw ang naturo sa kanya ng mga bagay na dapat nyang matutunan. Alam ko na hindi sya mangmang para hindi mapansin ang mga pagbabago ko, anong gagawin ko?.

Hindi nya pwedeng malaman ang sitwasyon ko, sasabog na ang utak ko. Mula sa pagkakayuko ay napa-angat ang tingin ko sa mga kumpol ng tao. Anong nangyayari?, bakit parang may kagulohan. Nagtatanong na tumingin ako kay libet, na ngayon ay nakatingin rin sa kumpol ng tao. Nakita ko ang kaba at paglunok nya. May hindi tamang nangyayari, masama ang kutob ko kanina pa.

"Por favor detengase aqui!" agad na huminto ang kalesa kaya bumaba rin agad kami. Tumakbo kami sa kumpol-kumpol na mga tao at nakisiksik ruon hanggang sa mapunta kami sa harapan.

"Maria..." rinig ko na mahinang sabi ni libet. Napalingon ako sa kanya at nakitang nakatulala sya sa isang babae na natayo ngayon sa harap ng mga tao habang nakatali ang kamay at katawan.

'Sya si maria?... '. nakatayo ngayon sa harap namin ang isang lalaki, si maria, at dalawang bata. Napalunok ako ng maalala ang paraan ng pagpataw ng kamatayan ng mga kastila sa mga taong nagkasala. Ganito yun, ganitong ganito. Hinanap ko ang sundalo sa paligid, at nakita ko iyon malapit sa kinatatayuan nila maria.

Third POV

Maraming tao ang nakapalibot sa harap ng bahay ng magpamilyang cortes, na syang pinatawan ng kamatayan, dahil sa hindi malamang dahilan. Naging malaking paraan ito ng espanya para ipakita kung sino ang mas nakakataas na dapat sundin ng mga mamamayan ng filipinas. Ganito sila kumilos, mga duwag at hangal. Tahimik at walang magawa ang mga tao na naruon para saksihan ang pagpatay.

Maririnig ang pagmamakaawa ng isang ina, mga pakiusap na hindi pinapakinggan. Mula sa pagkakatayo ay lumuhod si maria para ipakiusap ang buhay ng kanyang dalawang anak. Isang batang lalaki ang nasa edad na pitong taong gulang na umiiyak habang tinitignan ang kanyang ina na umiiyak at nagmamakaawa para sa kanilang mga buhay. isang batang babae na nasa edad na kense anyos ang tahimik lang na umiiyak habang pinagmamasdan ang kanyang pamilya. Para bang tanggap na nyang ito na ang kanilang kataposan, at wala na silang magagawa pa.

"Heneral, pakiusap ang mga anak ko. Wala silang alam, mga bata lamang sila. Maawa kayo, wala silang kasalanan. Bakit kailangan idamay sila rito?" umalingawngaw ang boses ni maria habang walang tigil sa pagtawag at paghingi ng buhay ng kanyang anak.

"Bakit nila kaylan gawin ito, ang mga bata, wala silang kaalam-alam." naisa-tinig ni amara. Puno ng panunumbat at galit rin ang nararamdamdaman nya ngunit alam nyang wala syang magagawa sa pagkakataong ito kundi panuorin ang dalawang bata na paulit-ulit na tinatawa ang kanilang mga magulang.

"Hindi pa ba halata, paraan nila ito hija para takotin ang lahat ng taong gustong kumalaban sa kanila." Isang sagot ang nakuha ni amara mula sa isang matanda na nasa likod nya. Mabilis syang napalingon rito at namukaan ang muka ng isang matanda.

'Ang matanda, sya ang matandang babae sa library.' Gulat ang mababasa sa muka ni amara, napaatras sya sa takot at ideyang paano napunta rito ang matanda gayong nasa kasalukuyan nya ito unang nakita. Nadagdagan muli ang mga gumugulo sa isipan nya.

"Amara, ito ang buhay natin sa panahon na ito. Wala ka ng mababago, Kailangan mo lang ay taposin ang misyon mo. Wag mo ng ulitin ang pagkakamali mo nang iligtas mo si flor." Mahinang turan ng matanda. Nanlaki ang mata ni amara ng marinig ang sinabi nito.

"Paano nyo nalaman ang tungkol sa pagligtas kay flor, apat lamang kaming nakakaalam ng tungkol sa nangyari." napuno ng kaba at takot si amara, pumasok sa isip nya na baka maaari syang mahuli at hindi matupad ang totoong misyon dahil baka masuplong sya sa kinauukulan.

"Wag kang mag-alala-" sasagot na sana ang matanda ngunit naputol ito sa pagsasalita ng umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na putok ng baril.

"AMA!" sigaw ng batang paslit habang nakikita ang unti-unting pagbagsak ng katawan ng ama. Galit ang nabuo sa isipan ng bata habang nakikita ang ama. "PAPA!, Mama si papa!"

Mabilis na napalingon ruon si amara at nanlaki ang mata. Napahawak sya sa kanyang bibig dahil sa dugong nakikita. Nawala ang atensyon nya sa matanda na ngayon ay parang bulang naglaho ng walang nakakapansin.

Nakita nya ang pagbagsak ng katawan ng asawa ni maria. Dumanak ang dugo nito sa semintadong kalsada kung saan humandusay ang wala ng buhay nitong katawan. Gulat at awa ang naramdamdam ni amara para sa lalaking ipinaglalaban lang ang sa tingin nitong tama.

Naikuyom nya sa galit ang kanyang kamay, akmang lalapit sya ng pigilan sya ng isang kamay. Nawala sa isip nya ang taong may ari ng kamay, inakala nyang si libet lang iyon. Alam nyang wala syang magagawa, kundi ang tulala lamang sa sundalo na ngayon ay nakatutok na ang baril sa likod ni maria. Si maria na ang sunod na babalirin, sumisigaw ito habang nakaluhod parin.

"Hindi ito maaari, hindi tama." galit na bulong ni amara, alam nyang wala syang magagawa. Pagkumilos sya ngayon ay maaaring madamay ang taong mahahalaga sa kanya. 'Bakit kailangan idamay ang mga bata, mga hayop kayo!. Mga walang puso, sana kayo na lang ang mamatay. Matutuwa akong makitang dumadanak ang dugo mula sa katawan nyo, mga hayop kayo!.'

"PAKIUSAP HENERAL. ANG ANAK KO. PAKIUSAP, PAKIUSAP, PAKIUSAP, HINDI ITO TAMA!. WALA KAMING KASALANAN!. DINOOO-" Isang putok ng baril ang nagpatigil kay maria. Dilat ang mata nito habang unti unting bumabagsak ang katawan.

Napaupo si amara kasabay ng pagtulo ng luha nya. Mabilis na pumatak at nagkarerahan ang mga luha sa pisngi nya. Napatakip sya ng bibig habang umiiling nang makita nya kung pano itinutok ng sundalo ang baril sa bata. 'Mga hayop kayo!'. parang bumagal ang oras at kitang kita nya ang pagsukbit ng daliri ng sundalo sa gatilyo ng baril. 'HINDI TO MAAARI!. MGA HAYOP!' mabilis na tumayo si amara, naging buo ang pasya sa kanyang isipan na iligtas ang bata. Ilang hakbang palang ang kanyang nagagawa ng pumulupot sa katawan nya ang dalawang braso.

"Bitawan mo ko!" pigil na inis na sabi ni amara habang nagpupumiglas sa pagkakayakap sa kanya ng kung sino mula sa likuran. "Bitawan mo ko sabi, pakiusap!." nanghihinang turan ni amara. Naruon parin ang patuloy na pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Napahinto sa pagpupumiglas si amara nang umalingawngaw ang putok ng baril. 'Ang bata!.'

Wala ng nagawa si amara kundi ang tignan lang ang bata na wala ng buhay. 'paano nila naatim na pumatay ng bata?, ganun ba kahalang ang bituka nila?.' naikuyom nya ang kanyang palad sa sobrang galit. Ngayon alam na nya kung pano namatay ang mommy nya, ang marka ng baril sa likod ng mommy nya, iyon ang marka ng baril na dahilan ng pagkamatay nya sa nakaraang buhay. 'Mom, im sorry. Wala akong nagawa para iligtas ka. Im really sorry... now I know, my mom in the present time is miss maria in the past life. And that little boy is my fucking little brother.'

"Wala na tayong magagawa, mahal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top