XX

KABANATA 20

Flor POV

Dinala ako sa isang piitan, na dalawang guwardiya sibil ang ang nagbabantay. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung bakit ako narito. May gumugulo sa akin na ilang mga katanungan, ngunit hindi ko mahanapan ng kasagutan. Isa lang ang sigurado ako at iyon ay dahil sa kasamaan ni Cornelio. Tiyak na gagawa si Cornelio ng paraan para makuha ang kanyang nais na syang ikinatatakot ko.

Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng piitan. Isang kama kung saan ako nakaupo, isang mesa na may dalawang bangko. Bakal na bintana sa aking harapan ngayon, na syang pinapasokan ng sariwang hangin. Dalawang maliit na kabinet, kung saan nakapatong ang dalawang gasera. Wala akong maaaring gawin para makatakas.

Muli akong nagbalik tanaw sa mga oras na sinabi ni Ina ang nais nyang ipakasal sa akin. Habang inaalala iyon ay hindi ko namalayan ang pagdalaw ng antok at nakatulog ako.

"Hindi sya ang nais kong pakasalan, ina....." agad na pagtutol ko sa nais ng aking mga magulang.

Nais nilang pakasalan ko si Heneral Cornelio upang maging ligtas kami sa kahit na anong nagaganap na labanan at kilosan. Gagamitin ako ng sarili kong mga magulang para sa aming kaligtasan. Hindi ako makakapayag. Isa lang ang nais kong pakasalan at iyon ay ang aking nobyo. Sagrado ang tingin ko sa kasal. At ang kasal ay para lamang sa taong nagmamahalan ng totoo.

"Gagawin mo ang nais ko, Flor!" pagalit na sabi ni Ina. Napaayos sya ng kanyang pagkakaupo sa aking harap. Nasa hapag-kainan kami upang mananghalian ngunit nawawalan na ako ng gana.

"Ina, kahit anong mangyari ay hindi ko papakasalan ang Heneral."

"Sinusuway mo ba talaga ang nais ko, Flor?" nagtitimping tanong ni Ina. Napaangat ako ng aking ulo at tinignan sya.

"Kung patuloy nyong ipipilit ang nais mo, Ina." umawang ang kanyang bibig sa gulat ngunit mabilis ring nakabawi at itinapon sa aking muka ang panyo, na kanina na nya pa hawak.

"Lumayas ka!.. Ang akala mo ba ang hindi ko alam ang tungkol sa inyo ng bastardong iyon?!.. Hah! Lumayas ka sa pamamahay ko-" napatayo ako ng makitang napahawak si Ina sa kanyang dibdib.

Wala si Ama sa bahay dahil sa kanyang tungkulin maging ang aking kapatid. Mabilis kong dinaluhan si Ina ngunit hinawi nya ang aking kamay. Naruon ang pagkamuhi sa kanyang mga mata. Hindi ko matanggap na ganito nila ako tratohin, sa kadahilan na isa lamang akong hamak na babae. Papatunayan kong may kaya rin akong gawin.

"Lumayas ka sa aking pamamahay, Flor." nanghihina nitong sabi. Hinawakan ko ang kanyang braso at inalalayan syang umupo. Mabuti at hindi na sya umangal pa.

Isang mahihinang daing ang nagpagising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinto ng aking piitan. Madilim na sa labas kaya mabilis akong nilukob ng kaba. Tanging ilaw ng buwan nagbibigay liwanag sa buong piitan. Maingat akong umalis sa aking higaan at marahang lumapit sa pinto ng aking piitan. Napaatras ako ang nang biglaang bumukas ang pinto, at pumasok ang isang babae na hindi ko mamukuan dahil sa kadiliman ng paligid.

"Flor, bilis! Umalis na tayo rito." nanlaki ang aking mata sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses ni Amara. Mabilis syang lumapit sa akin at hinila ang aking kamay palabas ng piitan.

Nadaanan namin ang guwardiya na syang nagbabantay sa akin. Nakahandusay na ang mga ito sa lupa. Napatingin ako sa kamay ni Amara na nakahawak sa aking kamay bago nabaling ang tingin ko sa likod nya. Mag-isa lang ba syang magtungo rito? Kakaibang kaba ang bumalot sa akin dahil siguradong hindi lang ako ang maaaring pwedeng mapahamak kundi maging sya. Huminto sya sa isang pader kaya napahinto rin ako. Nagpalinga-linga sya sa paligid kaya ganoon rin ang ginawa ko. Laking gulat ko ng malaman na nasa bakuran kami ni Heneral Cornelio.

'Dito nya ako dinala? Nahihibang na ba sya?' mabilis kong nailayo ang aking muka nang lumingon si Amara. Ang batang ito talaga ako, parang batang musmus at gusgusin kung kumilos.

"Sa bilang kong dalawa ay tatakbo tayo." pabulong na sabi nito. Makikita ang kaba ngunit tapang sa kanyang muka. Agad na nagtaka ako sa tinuran nya. Hindi ba dapat ay sa pagbilang ko ng tatlo?

"Sandali hindi ba dapat ay tatlo?!"

"Abay, magiinarte ka pa ba sa bilang? Kung mamamatay na tayo ano mang oras mula ngayon, kung sakaling mahuhuli tayo." kunot nuong sagot nito. Hinigpitan nya ang hawak sa aking kamay kaya wala na akong nagawa.

"Tama ka nga. Ngunit dapat ay tatlo iyon." kibit balikat na turan ko sa kanya. Hindi nya na lang ako pinansin at narinig ko ang kanyang malakas na buntong hininga.

"Pano kung pagbilang ko ng tatlo ay patay na tayo, kaya manahimik ka na lamang at sumunod sa akin." pabulong na asik nito. Naging alerto ako ng marinig ko ang mahina nyang pagbilag. "Isa, dalawa, takbo!." sabay kaming tumakbo sa halaman at sumiksik ruon. Mabilis ko syang hinila sa palabas ng tarangkahan nang huminto sya sa pagtakbo.

Nasa kalsada na kami nang huminto kami sa pagtakbo. Napahawak ako sa magkabila kong tuhod maging si Amara. Malayo-layo na kami sa bahay ni Cornelio kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Napaayos ako ng tayo ng makita ang isang kalesa na papalapit sa amin.

"Amara, bilis magtago tayo!" hinawakan ko ang kanyang kamay nang hindi sya kumikilos. Hinila ko sya at nagtago kami sa isang kumpol-kumpol ng kahoy. "Ang bagal-bagal mong kumilos."

"Flor, si Juancio iyon kaya, tara na. Hindi natin kailangan magtago." kapos na hiningang sabi nya. Tumayo sya at napahawak sa kanyang balakang at parang isang matandang naglakad. Tiyempo namang huminto ang kalesa at si Juacio nga ang sakay nito.

"Madali mga binibini. Kailangan nating makaalis ng agaran." napatango na lamang ako at mabilis na tumako pasakay ng kalesa. Naunahan ko si Amara kaya naman inalalayan ko sya ng sumakay. Mabilis namang pinatakbo ni Juancio ang kalesa.

Narinig ko ang pagdaing ni Amara kaya napalingon ako rito. Nakita ko ang dugo sa kanyang palad na syang tinitignan nya. Nagkatinginan kami at napailing na lamang sya. Naalala kong may sugat nga pala sya dahil sa tama ng bala. Mabilis na nilukod ako ng kaba. Paano nya nagawang patumbahin ng mag-isa ang mga guwardiya sibil habang may sugat sya at hindi pa iyon gumagaling? Magkahalong pagtataka, gulat at pagkamangha ang aking naramdaman.

"Wag mo akong tignan ng ganyan, Flor." lukot ang nuo nyang sabi. Napaayos sya ng upo at hinawakan ang likod.

"Anong tingin?!" naguguluhang tanong ko.

"Makatingin ka kasi ay para akong isang alien. Well, pwede namang angel na nahulog sa lupa dahil sa kakaibang kong taglay na ganda." tumaas ang sulok ng kanyang labi maging ang kanyang isang kilay. Nagsalubong ang aking kilay dahil sa kakaibang lengwahe na tinuran nya.

"Hmm, Amara. Ang totoo ay hindi ko maunawaan ang iyong tinuturan."

"Kug ganun ay manahimik ka na lamang, dahil pati ang aking ulo ay sumasakit. Mukang bumuka na naman ang sugat ko, yawa." inis na sabi nya. Binaliwala ko na lamang ang inaasta nya at umayos ng upo.

Amara POV

Maingat kong binuksan ang pinto at iniwasang huwag lumikha ng ano mang ingay. Sinara ko ang pinto at mabilis na napahawak sa aking likod na dumurugo na naman. Madilim na ang bahay at siguradong hindi malalaman nila ama't ina ang ginawa kong pagtulong kay Flor. Akmang maglalakad na ako nang marinig ko ang boses ng aking ama na napahinto sakin.

"At saan ka nagtungo, Amara?!" napatuwid ako ng tayo kasabay ng pagliwanag ng paligid dahil sa gasera na sinindihan ni Ama.

Kakasabi ko lang na hindi ako mahuhuli pero ito ako ngayon nag-iisip ng mga palusot. Bakit ba kasi ang malas-malas ko? Lagi na lang bang ganito?

"Hmm, Ama." pilit na ngiting bati ko. Nakatayo sya malapit gasera na nakapatong sa lamesa. Lumapit sya sa akin habang seryosong nakapameywang.

"Tinatanong kita, Amara." huminto sya sa harap ko at seryoso akong tinignan.

"Hmm, diyan lang po nagpahangin." nakangiwing sabi ko. Ang hirap magsinungaling lalo na pag sa magulang mo. Lakas makakonsensya.

"Nagpahangin?!" nagdududang tanong nya. Sinuri nya ang muka ko na parang may hinahanap ruon. Ano bang hinahanap nya? Yung beauty ko? Hindi nya ma-see? Siguro kasi madilim.

"Ahh, opo."

"Sigurado ka ba diyan, anak. Kanina pa ako rito at sa labas ngunit hindi kita nakita." natahimik ako bigla sa sinabi ni Ama. Alam nyang nagsisinungaling ako! Ang pangit ng dahilan ko! Wala akong maisip na matinong dahilan. Kinakabahan ako, lalo pa't parang mahinahon lang si ama. Nakokonsensya ako ng sobra. Biglang naalala ko si Ambrosio, tama!

"Sa banyo!" masayang sabi ko. Agad ring nawala ang sayang naramadaman ko nang mapagtanto na wala sa hulog o wala sa lugar ang sayang nakakaramdaman ko.

"Anong sa banyo?"

"Nagkasilyas po kasi ako, Ama." may halong pagmamalaking sagot ko.

"Ang tagal mo namang magkasilyas, inabot ka ng madaling araw." nakangiting sabi ni ama. Sa tingin ko talaga ay alam nya at pinapaamin nya lang ako. Pero hindi ko pwedeng aminin dahil paniguradong malalaman ito ni Ina. Paniguradong magkakaruon ng giyera bukas at papaulanan ako ni Ina ang bala, i mean sermon.

"Ah eh kasi po.. hmm ayaw pong lumabas. Kaya naman po hinintay ko pa po talagang lumabas ang mahiwagang bilog." tumango-tango pa ako at ngumiti ng malapad para mapaniwala sya. Napabuntong-hininga na lamang si Ama at ngumiti.

"Hay, naku. Sigi na at bukas na tayo magusap." tumango sya kaya tumango rin ako. Pinauna ko muna syang umalis bago ako sumunod sa pag-akyat sa kwarto. Siguradong kumakalat na ang dugo sa damit ko. Kung minamalas ka nga naman.

Umakyat na ako ng hagdan habang hawak-hawak ang likuran ko. Kumuha rin ako ng suporta sa hawakan ng hagdan. Nawala na ang takot at kaba na naramdaman ko dahil alam kong ligtas na si Flor. Mabuti na lang at maasahan si Juancio, at hindi nagpaapekto sa nangyari sa kanila ni Libet. Hindi napagplanohan ng maayos ang pagtakas kay Flor pero sa huli ang mahalaga ay naitakas sya.

Naguguluhan parin ako kung sino ang nagpadala ng tulong kay Flor para makalabas ng bansa. Malalaman ko rin iyon, makukumbinsi ko ring magsalita si Juancio dahil sya rin ang maghahatid kay Flor.

Maingat kong binuksan at isinara ang pinto bago paharap na sumalampak ng higa sa kama. Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot ng sugat ko pero hinayaan ko na lang. Sa pagod ay mabilis akong nilamon ng antok.

"Papa...." napayuko ng makitang bumuka na naman ang bibig ni ina upang manermon.

Arghh kainis naman, alam ko namang may kasalanan ako pero hindi naman tama na pagalitan nila ako. Ang sakit na nga ng buong katawan ko at nanghihina pa ako, tapos sermon ang maririnig ko. Ang sakit sa tenga, kahit na napakahinhin pa at mahinahon ang paraan ng pananalita nya ay paulit-ulit naman.

"Wag mong kakampihan yan, Amando!" napatayo ng tuwid si a
Ama na kanina ay nakaupo sa tabi ko.

Napatingin ako kay ama na nakatayo sa gilid ng kama ko. Pabiro nyang itinuro ang ina at pabiro ring senenyalan na patay kami kay ina. Ngumiwi ako ng makita under ni mama si papa. Ano ba yan! Ganyan ba mga lalaki dito? Sa panahon na 'to? Mga under ng mga misis? Natatawa na lang ako pag-naaalala ko ang paglalambing ni ama kanina kay ina na hayaan na lamang ako pero pinungot ni ina ang tenga nya kaya natahimik sya.

"Ina, maayos naman ako. Wala kayong dapat ipagalala sa akin." pangangatwiran ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko at pumaling ang ulo. Ngumiti ako para ipakitang maayos lang ako kahit ang totoo ay gusto ko ng mahiga at sumigaw sa sakit na naramdam ko. Parang ano mang oras ay maiihi ako sa hapdi ng sugat ko.

"Aminin mo muna sa amin kung saan ka nagtungo kagabi." nakapameywang na sabi ni ina. Napalunok ako bago matamlay na ibinababa ang mga kamay.

"Ina, hindi ba sinabi ko na." inis na sabi ko. Pinagpapadyak ko ang paa ko pero natigilan din ng maramdaman ko ang sugat ko.

"At sa tingin mo ay maniniwala kami? Sa tingin mo ay mapapaniwala mo ako? Huh? Amara."

kung bakit ba naman kasi laging iyon ang pumapasok sa isip ko na I-dahilan. May tao bang aabotin ng madaling araw bago matapos magkasilyas. Napangiwi ako ng maalala ang nangyari kagabi, napakamot na lang ako ng kilay.

"Hmm, tinulungan ko po na makatakas si Flor mula sa piitan." pag-amin ko. Napayuko ako at hinintay ang sermon ni ina pero ilang minuto pa ang lumipas pero tahimik lang sila, kaya napalingon ako sa kanila at nakitang nakangiti lang si ama habang si ina ay blangko ang muka. "Ina... papa, gusto ko lang naman makatulong."

"Mahal, wala na tayong magagawa. Huminahon ka, hindi ba dapat ay matuwa ka dahil napakabuti at napakabusilak ang puso ng ating anak?" nakangiting pangbobola ni papa. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.

"Oo nga, agree ako diyan, ama." itinaas ko pa ang isang kamay ko at pinurmang thums up, ngunit nagitla ako ng magsalita si ina na may kalakasan. Nagkatinginan kami ni papa at parehas na yumuko.

"Manahimik kayong dalawa!"

"Mananahimik na po." sabay naming turan ni ama. Parehas na takot na masermonan ulit, kaya piniling manahimik na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top