XIX
KABANATA 19
Nasa loob na ako ng kwarto. tulala habang nakaupo sa gilid ng kama. iniisip ko ang nakita ko kanina, naaawa ako kay juancio. nagmahal lamang sya, gusto nya lang ay mabuhay ng payapa, kasama ang taong mahal nya. wala ako sa lugar para makialam pa sa kanila pero inaalala ko ang bata.
Napabuntong-hininga na lamang ako. hindi ko na itinuloy ang pagkuha ng gasera maging ang pagkuha sa first-aid kit nila. haytss sakit nila sa head at heart. humiga na lamang ulit ako ng patalikod para hindi malagyan ng dugo ang kama ko. sigurado ako na bumuka ang sugat ko kanina ang bumagsak ako dahil sa gulat.
Napabuntong-hininga na naman ako habang nakahiga sa kama. nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni libet, mukang desidido sya sa mga plano nya.
Flashback
"Maglalakad tayo binibini hanggang maynila!" hindi makapaniwalang sabi ni libet. Pinisil ko ang kamay nya kaya napatingin ako sya sa akin. Ano bang nangyayari sa batang ito. Nakikita ko ang pangamba at takot sa mga mata nya. Yumuko sya at nakita ko ang paghawak ng isa nyang kamay sa kanyang tiyan. Mabilis akong nilukob ng kaba, imposible ang nasa isip ko. Agad kung pinilig ang aking ulo at napatingin ng mabuti kay libet.
End of flashback.
"Nagaalala rin sya..." mahinang turan ko. napabuga ako ng hangin dahilan para dumaloy ang kirot sa likod ko. Arghh kainis wala na talagang pag-asa ang sugat na ito.
'Biktima ng pagkakataon, biktima ng panahon. bakit kung kailan seryoso ang mga tao na magmahal, sila pa ang pinagkakaitan ng kapalaraan Ang daya ng mundo, ang daya-daya.' naramdaman ko ang pagpatak ng putil ng luha sa mga pisngi ko. maraming mga katanongan sa isipan ko na napahirap sagutin, o baka wala naman talagang sagot, kasi talagang madaya lang talaga ang mundo.
"Jusmeyo por dos san tesema, amara." nagising ako sa lakas ng boses ni ina. "Libet, Amado!." sigaw ni ina. narinig ko ang ilang sunod-sunod na yapak palapit sa kwarto.
"Jusmiyo, anak!" Rinig kung bulalas ni ama. anong bang nangyayari sa kanila.
"Binibining Amara!" sigaw rin ni libet. ayy bahala kayo, basta ako ay matutulog pa.
"Ang mga gamot, libet!" rinig kung muling sigaw ni ina. arghh pano ako makakatulog ng maayos kung panay ang sigaw nila. naramdaman ko ang paglubog ng kama malapit sa paanan ko. "Ano ba ang nangyayari sa anak natin amado" rinig kung naiiiyak na sabi ni ina.
"Wag kang magalala mahal ko. nagdurugo lang ang kanyang sugat dahil sa kanyang paggalaw." mahinahon na sagot ni ama.
"Heto ang gamot doñia alvira". rinig kung sabi ni libet. naramdaman ko ang paggalaw sa kama.
"Sa tingin ko ay kailangan ko ng umalis, tawagin mo na lamang ako pagmay kailangan ka" rinig sabi ni ama kasunod ng pagsara ng pinto.
Gumalaw ang hinihigaan ko at naramdaman ko ang paghawak ni ina sa sugat ko. mukang nakita ni ina ang dugo sa damit ko kaya sila nagsisigaw. napangiwi ako dahil sa sakit, dinadalaw na naman ako ng antok. hinayaan ko ang sariling lamunin ng antok, para na rin hindi ko maramdaman ang sakit ng sugat ko habang ginagamot ni ina.
Nagising ako ng maayos na ang pakiramdam. ramdam ko ang ihip ng hangin na pumapasok sa kwarto. napamulat ako ng mata ng bumukas ang pinto. tumingin ako rito at nakitang likod ni ina. narinig ko rin ang boses ni ambrosio. agad akong pumikit at nagpanggap na tulog.
"Sa tingin namin ay nagising na sya. maiwan na muna kita rito dahil may gagawin pa ako" rinig kung sabi ni ina bago muling nagsara ang pinto. naramdaman ko ang paglubog ng kama malapit sa paanan ko marahil ay duon umupo na si ambrosio.
"Alam kung gising ka, bakit kailangan mo pang magpanggap?!" natatawang tanong nya. dahan-dahan kung iminulat ang mga mata ko. punyemas pano nya nalamang gising ako. napangiwi ako ng makitang titig na titig sya sakin habang nakangiti.
"Maganda ba?!" ngiting tanong ko sa kanya. grabe kasi sya kung tumitig, dahil siguro nagagandahan sakin. napawi ang ngiti nya at sumimangot.
"Hindi" Nakasimangot nyang sagot. sumama ang timpla ng muka ko at inis na sinipa sya pero nailagan nya.
"Tsk alis" inis na sabi ko. humalagapak sya ng tawa at nahulog sa sahig. hindi pala ako maganda hah hindi mo ko makakausap ngayon, ngayon lang.
"Nagbibiro lamang ako, amara" natatawa sabi nya. pinipilit nyang pigilan ang tawa ngunit hindi nya kaya. pilit na ngiting pinagmasdan ko sya kahit ang totoo naiinis na ako dahil hindi parin sya tumitigil.
"Alis!" inis na sigaw ng ilang minuto ay hindi parin sya tumigil. talagang pinuno nya pasensya ko, umaataki na naman ang pagiging short and bad temper ko.
"Biro lamang, amara." matatawang sabi nya. umayos sya ng upo sa paanan ko habang pinipigilan paring hindi matawa.
"Gusto mo pa tumawa?!" platik na ngiting tanong ko. Hindi sya sumagot at nangingiting pinagmasdan lang akong mainis. "Ayun, bukas ang pinto sa labas ka tumawa. Alis!" itinuro ko ang pinto at inis syang sinipa ng isang paa.
"Nagbibiro lamang ako, amara. ikaw naman talaga ang pinakamagandang binibini na aking nakilala. isang tanawin na hihilingin kung una kung mapagmamasdan sa pagmulat pa lang ng aking mga mata sa umaga" nakangiting sabi nya. parang unti unting nawawala ang inis ko. wait teka nga, ang rupok ko naman ata. matatamis lang na salita eh lalambot na ako.
"Lakas mo rin mangbola eh noh" inis na bulong ko. inis na sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi pa ako magaling, baka magdilim ang paningin ko, ambrosio"
"Nagbibiro lang ako maniwala ka sa akin. pasensya na amara" nakayukong sabi nya. punyemas, bat ba ang kyot nya pag nag-gaganyan sya kagigil, wala na, tunaw na.
"Oo na tsk..." inis na sabi ko. haytss, marupok, marupok pa sa kahoy. tumingin agad sya sakin at ngumiti ng nakakaloka. "Ano yan!?" nagdududa kung tanong. parang may pumapasok na naman na kalokohan sa utak ng lalaking ito.
"Hmm... wala naman" ngiting sabi nya. tinaasan ko sya ng kilay na ikinatawa nya. "Wala naman talaga iyon, naisip ko lang na ako ang una mong nakita pagmulat ng iyong mga mata ay natutuwa na ako" nakangiting sabi nya. wait what... happy pill nya talaga ako. hindi ko alam na simpli lang ang mga bagay na ikakangiti nya. siguro mabilis lang pakiligin ito. well sa tingin para sa mga taong totoong nagmamahal ay big deal sa kanila ang mga ganun.
"Kay simpling bagay ng iyong ikinatutuwa". kunot nuong tanong ko. natawa sya sa sinabi ko bago muling tumingin sakin. bakit pakiramdam ko tuwing tumatawa sya ay may liwanag na lumalabas sa likod nya, parang nagiging maliwanag at maaliwalas ang buong paligid, weird.
"Sa akin ay nakakatuwa na iyon. maliit man na bagay o malaki mang bagay basta patungkol sa iyo, ay ikakatuwa ng puso ko. dahil mahal kita" sinserong sabi nya. ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko na nasa kama lang. Hinaplos nya iyon at tinitigan.
Pinigilan kung wag ngumiti at pinanatiling blanko ang muka. i admit, kinikilig ako. ganito ba kiligin, parang maiihi ka sa tuwa, gusto mong tumalon at sumigaw para mailabas lahat ng kakaibang pakiramdam. kinakabahan ako na iwan, hindi dahil may mangyayaring masama kundi dahil sa sobrang tuwa.
"Hinihiling kung makasama ka pa ng matagal. masilayan ko pa ang mga bagay na ikakangiti mo. makilala ka pa ng mas mabuti." tumingin sya sakin at ngumiti. bat ang cute ng lalaki ito, mapapangiti na sana ako pero nauwi sa pagkasimangot dahil sa dinugtong nya. "Gusto ko pa makita kung pano ka mainis sa mga biro ko, at pano ka maasar ng sobra" tumatawang sabi nya. hinawi ko ang kamay ko sa kanya at hinampas ang kamay nya.
"Alis, alis kung hindi ay tatadyakan ko yang muka mo" tumawa lang sya ng tumawa. kainis itong lalaking ito, happy pill nya talaga ako. wala ng ginawa kundi ang tumawa kapag kasama ako. "Isa, ambrosio" pagbabanta ko sa kanya. tumingil sya sa pagtawa at nakangiti tumingin sakin. sinamaan ko lang sya ng tingin na ikinangiti nya lang.
"Titigil na po, binibining amara." napataas ang kilay ko sa tawag nya. ang sakit na nga ng likod, pinapasakit nya ulo ko.
"Tsk, lumayas ka na nga lang. mabuti pa ay papuntahin mo si libet dito, nagugutom na ako" nakasimangot kung sabi. natawa sya bago tumayo.
"Nagugutom na pala ang aking mapapangasawa, aalis na muna ako at kukuha ng iyong makakain. kaya pala mainit ang iyong ulo, baka mamaya ay ako ang iyong makain" natatawang sabi nya, bago yumuko sa harap ko at lumabas ng kwarto. Baka anohin raw sya?!....
'Kaya pala mainit ang iyong ulo, baka mamaya ay ako ang iyong makain?!.... wait what the hell!, siguradong literal ang sinasabi nya'. naloloka na talaga ako.
Napatingin ako sa bintana. mukang tanghali na dahil sa taas ng sikat ng araw. tanghali na ako nagising, nakakahiya. sa panahon pa naman na ito ay iba ang tingin sa mga taong tanghali na kung magising. napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa kisame. nakabalik na nga talaga ako, pano ba talaga nangyayari ang lahat. hindi parin ako makapaniwala, masyadong mabilis ang lahat.
Isa't kalahating buwan na akong narito, sa panahon na ito. kailan kaya ako makakabalik, makikita ko kaya agad si ambrosio pagbalik ko. siguradong ganun parin ang muka nya kaya mabilis ko lang syang makikilala, pero ang pangalan nya.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang sunod-sunod na yapak. parang nagmamadali o di kaya ay tumatakbo, imposibleng si ambrosio iyon. pinilit kung bumango at umupo sa kama ng biglang bumukas ang pinto. nakita ko si libet na kinakapos ang hininga habang nakahawak sa mga tuhod nya.
"Libet..." takang tawag ko sa kanya. napakunot ang nuo ko ng makita ang pagkabahala at kaba sa muka nya. umayos ako ng upo paharap sa kanya. "Libet, ano iyon, may sasabihin ka ba?!" pumaling ang nuo ko habang nakatingin sa kanya. nakahawak ang mga kamay ko sa kama para kumuha ng lakas.
"Si binibining flor...." pinutol nya ang sasabihin at huminga ng malalim. umayos sya ng tayo, at lumapit sa harap ko. "Binibining amara, si binibining flor hinuli ng mga guwardiya sibil ni heneral Cornelio....."
Parang tumigil ang oras, maging ang pagkilos ni libet. Tumigil ang mundo at natulala ako sa pinto. Paanong nangyari, nakita ba sya, namukaan ba sya ng mga nagmatyag?.
"Binibining amara." natauhan ako sa pagtawag ni libet. Kumurap ako ng ilang beses bago nakaawang ang bibig na tumingin sa kanya. "Ano na hong gagawin natin?...."
"Hindi ko alam...."
Ilang minuto akong natulala, at nagiisip ng maaaring gawin. Mabilis akong napalingon ka libet na nanatili sa kinatatayuan. Tumayo ako na ikinagulat nya, mabilis kung hinawakan ang kamay nya at hinila palabas ng kwarto. Pababa na kami ng hagdan ng makitang paakyat na si ambrosio. Nahinto ako sa akmang pagbaba at napaatras, dali-dali kung hinila si flor pabalik ng kwarto.
"Alam ba ni ambrosio ang tungkol sa paghuli kay flor?!" kinakabahang tanong ko habang papasok kami ng kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at nagpanggap na parang walang nangyari.
"Sa tingin ko po ay hindi pa." tumango ako at seninyasan syang umalis na. Yumuko muna sya bago tuluyang umalis. Sakto namang pagpasok ni ambrosio.
Flor POV
"Binibining flor, paumanhin ngunit hindi ko sila napigilan." kapos ang hiningang saad ni marie.
Nagtataka akong tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng piano. Napatingin ako sa pinto kung saan sunod-sunod na pumasok ang guwardiya sibil kasama si heneral cornelio.
Nagugulahan akong tumingin kay marie upang humingi ng paliwanag sa nangyayari ngunit umiling lamang sya habang may muting luhang unti-unting pumapatak sa mga mata nya. Ano ba talaga ang nangyayari?.
"Mabuti pa ay sumama ka na lamang sa amin, kunin sya." ngising aso na tumingin sakin si heneral cornelio. Lumapit sa akin ang dalawang guwardiya at mabilis na hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Sandali, SANDALI!... ipaliwanag nyo sa akin ang nangyayari. Hindi nyo pwedeng gawin sa akin ito, wala akong ginagawang masama. Bitawan nyo ako." nagpupumiglas ako ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Ano bang nangyayari?. naghihisterya ako hanggang sa lumabas kami ng aking bahay. "Hindi, hindi. Heneral cornelio, anong nangyayari?!." pinilit kung huminto at nilingon ang heneral, siguradong ito na ang katapusan ko.
Nakita ko ang ngiti sa labi nya, isang ngiti na nagsasabing panalo sya. Lumapit sya sa akin habang hinahampas ang diyaryo sa kamay nya. Hawak-hawak parin ang ng guwardiya sa magkabilang braso.
"Alam mo, binibining flor. Kay ganda mo sana ngunit kay tigas ng iyong ulo. Akala mo ba ay magbubulag bulagan kami sa aming nakita." nakangiting sabi nya habang hinatapik-tapik nya ng marahan ang diyaryo sa pisngi ko. Sinamaan ko sya ng tingin at ganun rin ang ginawa nya kasunod ng malakas na paghampas ng hawak ng diyaryo sa pisngi ko. Tumabingi ang muka at napayuko na lamang. "Mamili ka flor, pagbibigyan kitang mabuhay. Mamili ka ng mabuti at tiyakin mong magugusto ko ang iyong pipiliin. Gandahan mo ang iyong pagsagot binibini."
Mabilis akong nagpumiglas ng lumapit ang muka nya at ibinulong iyon. May binabalak sya at siguradong ito na ang katapusan ko. Dinakma nya ang kabuoan ng aking baba at diniinan ang pagkakahawak ruon.
"Hindi mo ko mau-uto. Kaya kung ako sa iyo ay patayin mo na lamang ako."
"Ganyan mo na ba talaga ka dis gusto, hah, flor?."
"Hindi ba halata, cornelio."
"Heneral, flor. Heneral cornelio."
"Wala akong pakialam."
"Que?.. de verdad?.." natatawang sagot nya. Napahilamos sya ng muka, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na ginawa. "Ningun problema!." galit na sigaw nya kasunod ng isang matunog na sampal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top