XIV

KABANATA 14

"Nasan ako?!" napalunok ako sa kaba nang magising ako sa isang pamilyar na lugar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. wala akong makita kundi mga puno, mga halamang bulaklak at isang balon.

"Balon.... Wishing will?!" naitanong ko sa sarili. Nanlalaki ang matang napahawak ako sa bibig ko ng hindi bumuka ang bibig ko pero narinig ko ang pag-echo ng boses ko sa buong paligid. "Anong nangyayari?!" kinakabahang tanong ko. Sa muling pagkakataon ay ganoon parin ang nangyari. Naririnig ko ang boses ko ngunit walang lumalabas na mga salita sa bibig ko.

Nagugulahan na ako. Nagpaikot- ikot ako sa kinatatayuan ko. Nasan ba ako? Bakit nandito ako? Gusto kong gumising sa bangungot na 'to. Kung panaginip man ito pero parang totoo ang lahat. Napapalunok ako habang pilit pinapakalma ang sarili, pinagpapawisan ako sa sobrang kaba. Malamig ang paligid pero hindi sapat para lamigin ka ng sobra. Napakapayapa, napakatahimik parang walang problema.

Inangat ko ang ulo at tumingin sa langit, tama may langit. Ngunit walang ulap tanging asul na kulay lang ang makikita. Maya-maya ay biglang lumakas ang hangin at tinatangay ang saya ng damit ko. Kakaibang kilabot ang hatid ng hangin na iyon. napalingon agad ako sa balon ng marinig ang malakas na pagtunog ng kampana. Panibagong takot ang naramdaman ko dahil sa tunog na iyon.

Mabilis na napaatras ako ng makitang kusang tumutunog ang kampana na nasa taas ng wishing well. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarerahan kay kamatayan.

'Patay na ba ako?!' wala sa sariling naitanong ko. Sa isip lamang iyon pero narinig ko kung pano mag-echo iyon sa paligid.

Walang tigil ang pagtunong ng nakakakilabot na tunog ng kampana. Kasabay ng paglakas ng hangin at pagsayaw ng mga puno sa hangin. Kung kanina ay payapa at tahimik ngayon ay naging nakakatakot at nakakakilabot na tunog ang maririnig. Napaupo ako at napatakip ng tenga dahil sa takot.
Naguguluhan ako. Kung totoong panaginip ito ay gusto ko ng magising.

Ilang minuto pa ay huminto ang nakakatakot na tunog, kasabay ng paghinto ng hangin. Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa balon. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob, hindi ako matatakotin pero sa mga nangyayari sakin nitong mga nakaraan ay nakakatakot na. Napaatras at napaupo ako ng tuluyan sa grass field ng makita ang isang muting ilaw.

'Amara....' tinig ng isang pamilyar na boses ang narinig ko. Agad na napalingon ako sa paligid ngunit walang tao. Ako lang at, wala sa sariling napapalunok ako habang marahang lumilingon sa balon kung nasan ang muting liwanag na hugis tao.

"Sino ka?!" gulat na tanong ko nang makita ang isang magandang babae na nakaupo sa palibot ng balon. Napatayo agad ako at napaatras sa takot.

"Wag kang matakot, Amara." mahinhin nitong sabi at umalis sa pagkakaupo sa balon. Agad na napaatras ako ng humakbang sya palapit. maging sya ay hindi bumuka ang bibig ngunit naririnig ko!.

"Wag kang lalapit." pagbabanta ko sa kanya. Mabilis kong pinagkrus ang daliri ko dahil baka masamang espiritu sya. Ngunit ngumiti lang sya at lumapit pa.

"Ang sabi ko ay wag kang matakot, Amara. Hindi kita sasaktan." nakangiting sabi nito. Wala sa sariling naibaba ko ang kamay ko at napatitig sa maganda nyang muka.

"Si-sino ho ba kayo?!" wala sa sariling naitanong ko. Kinakabahan parin ako sa kanya kahit maganda at marangya ang long gown na suot nya ay hindi ko parin sya kilala. White long gown na may kakaibang desenyo na di ko mawari ang suot nya. Parang isang diwata.

"Ako?!..." nakangiting sagot nito. Huminto sya sa tapat ko at inilahad ang palad. "Ako. Ako si Amos..." nakangiting sabi nito. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa palad nya at sa kanya. "Hawakan mo." pag-uudyuk nya sakin. Nagda-dalawang isip ako pero wala rin namang mawawala kung susubukan ko, siguro. nanginginig kong itinaas ang kamay ko at ipinatong sa palad nya.

"Halika." nakangiting sabi nya at mahinang inakay ako palapit sa balon.

'Balon?!' inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid. Bakit pakiramdam ko napunta na ako rito? Bakit napakapamilyar ng lugar na 'to?

Napatitig ako sa magandang babae. Malamig ang mga palad nya, ngunit muka namang hindi sya kinakabahan para maging ganito kalamig ang palad nya.
Napaawang ang labi ko sa pagkamangha. Madilim man ang gabi kitang-kita parin ang ganda ng paligid dahil sa liwanag ng buwan, maging sa gaserang dala-dala ni Ambrosio na hiniram pa nya galing sa nakatira sa bahay kubo ay nagbigay rin ng liwanag sa paligid. Nagbibigay liwanag rin ang alitaptap. Para silang bantay ng balon.

Isang balon lang ang nasa isip ko. Isang balon lang ang pumapasok sa isip ko.

Wala sa sariling nabitawan ko ang kamay ni Ambroiso at lumapit sa isang puno na pinalilibotan ng alitaptap. Nakangiting itinaas ko ang kanang kamay ko, nagba-baka sakaling may dumapo na mga alitaptap.

“Sabi ko na nga at magugustohan mo.” rinig kong sabi ni Ambroiso.

“Tama ka.” nakangiting bumaling ako sa kanya. Nandun parin sya sa kinakatayuan nya kanina at pinagmamasdan lang ako. “Salamat.” wala sa sariling sabi ko. Ngumiti sya at lumapit sakin.

“Sa tingin ko ay magugustohan mo rin ang kwento tungkol sa balon na ito.” nakangiting sabi nya at tumingin sa direksyon ng balon kaya napatingin na rin ako dun. Halos sabay kaming napatingin sa isa’t-isa kaya natawa kami.

Marahan nya akong inakay palapit sa balon. Isinabit nya ang gasera sa sabitan sa bubong ng balon. Nagmistulang bulb ang gasera dahil sa pagkakasabit nito. Lalong lumiwanag ang bukana ng balon dahil sa gasera at maging ang hatid na ilaw ng mga alitaptap. Agad na napakunot ang nuo ko ng makita ang gintong barya na kimikislap dahil tinatamaan ito ng ilaw.

“Balon ba ito o wishing well?!” takang tanong ko at napatingin sa kanya. Napakunot din ang nuo nya bago bumaling ang tingin sakin mula sa balon.

“Wei-anong ibig mong sabihin?!” takang tanong nya.

“Ang ibig kong sabihin ay balon ng kahilingan, kung saan maaari kang humiling nang nais mo kapalit ng barya na ihuhulog mo.” kinakabahang paliwanag ko.

“Tama ka, Amara.” nakangiting sabi nito. Napapaplastikohang ngumiti ako at binalik ang tingin sa balon.

“Alam mo ba?!”

‘Hindi ko alam’ pamimilosopo ko sa isip ko.

“Na ang balon na ito ay mahiwaga?!” napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. 

“Ang sabi ay may diwata raw na nakatira dito na syang nagbabantay sa balon. Ang totoo ay balon talaga ito ngunit sa hindi malamang dahilan ay maraming hiling daw ang natupad dahil sa balon na ito, maharal ay naririnig ng diwata ang mga kahilingan nila. Duon nagsimula ang pag-alay ng barya at pagkain sa balon ito.” nakangiting kwento nya. Sa tingin ko ay naniniwala sya sa kwento kwento. Bigla ay kinilabutan ako. Nagpalinga -linga ako sa paligid.

"Amara?!.." mahinhin nitong pukaw sakin.

Naalala ko ang lugar na 'to. Ito ang balon kung saan ako dinala ni Ambrosio. Anong ginagawa ko rito? At sino ang babaing 'to? Wag mong sabihin na totoo ang sinabi ni Ambrosio? May diwata? May hiwaga?

"Hmm, ano pong gagawin natin?!" naiilang na tanong ko.

"Hindi mo ba ako nakikilala?!" muli ay nakangiting tanong nito. Napailing agad ako dahil iyon naman talaga ang sagot.
"Hindi po." nahihiyang sagot ko.

"Kung ganoon ay panuorin mong mabuti ito." napatango na lamang ako habang nakatingin ng mabuti sa kanya.

Ilang sandali pa ay lumiwanag ang buong katawan nya dahilan para pumikit ako at mabitawan ko ang kamay nya. Tinakpan ko ng dalawang ko ang mga mata ko dahil sa tindi ng nakakasilaw na liwanag.

"Amara?!.." rinig kong tawag ng isang matanda. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko.

"Lola?!" napalakas ang boses ko sa sobrang gulat. Sya ang matandang napakita sakin sa library! Kung hindi ako nagkakamali. Panong napunta sya dito?!.....

Naisalag kong muli ang mga braso nang lumiwanag muli ang katawan nya. Hindi ba titigil ang nakakasilaw na liwanag na yan? Ang sakit na sa mata. Hindi ko na nga maintindihan ang mga nangyayari, tsk.

"Maaari ka ng tumingin, Amara." napalunok muna ako bago dahan dahang ibinaba ang mga kamay ko. Bumalik ang babae, ngunit nawala ang matanda....

"Ano ba talagang nangyayari?!" kinakabahang tanong ko.

"Hindi mo parin ba makuha amara?!" nakangiting tanong nito. Napangiwi ako sa klase ng tanong nya. magtatanong ba naman ako kung nakuha ko na ang mga sagot sa tanong ko. Napapangiwi akong umiling. "Kung ganun ay kailangan mong ihanda ang iyong sarili sa mga susunod na mga pangyayari." nakangiting sagot nito. Napakunot ang nuo ko at mabilis na hinawakan ang kamay nya.

"Ano pong ibig nyong sabihin?!" naguguluhang tanong ko.

"Amara... makinig kang mabuti." tumingin ito sakin ng mabuti kaya napalunok ako sa kaba. Napatango ako bilang sagot. "Ako, ako si Amos ang diyosa ng kalangitan. Muli kong ipinagkaloob ang buhay sa inyong kahilingan. Nagbalik ka sa dati mong buhay sapagkat may taong naging dahilan kung bakit hindi mo maalala ang iyong nakaraan." napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko makuha ang sinasabi nya. Ayaw pumasok sa isip ko.

"Hindi ko maintindihan." naiinis na sabi ko.

Parang gusto kong umiiyak dahil kahit anong gawin ko ay hindi makuhang intindihin ng utak ko. Nabibigla ako sa lahat, name-mental black na naman ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong intindihin.

"Amara, makinig ka." hinawakan ng dalawang kamay nya ang kamay ko. Nanghihina akong napatingin sa kanya. Wala akong makuha sa mga sinasabi nya. "Nasa paligid mo ang kalaban. Hindi ang mga dayuhan ang papatay sayo. Kamatayan mo ang magiging dahilan ng pagkawala ng iyong mga alala ng nakaraan. Bumalik ka sa iyong nakaraang buhay para sa mga alaala mo. magagamit mo ito para iyong hinaharap ay maligtas ka tiyak na kapahamakan." seryosong sabi nya.

Kalaban?! Kamatayan?! Anong laban ko sa mga yun? Yun ang dahilan kung bakit ako bumalik sa nakaraan ko? Ano para ipaalala sakin kung pano ako namatay? Dahil ganun rin ang mangyayari sakin sa kasalukuyan?!

"Naguguluhan parin ako." nanghihina kong bulong. Napayuko at napatitig ako sa kamay nyang nakahawak sakin.

"Si Ambrosio, kailangan mo syang mahanap sa kasalukuyan, pagbalik mo." seryosong sagot nya. Napatingin agad ako sa kanya.

‘Buhay sya?’ Kung ganun ay buhay sya. Kumunot ang nuo ko kasabay ng kalabog ng tibok ng puso ko. Parang hindi maganda ang mangyayari.

"Bakit, bakit?!" desperada kong tanong. Kailangan kong malaman.

"Dahil may naghihintay na panganib para sa kanya, sayo, inyo." napapailing sya at parang maging sya ay walang magawa. Sya ang dahilan kung bakit kami nabuhay ulit. Bakit hindi nya kami kayang iligtas?

"Ngunit ang hiling namin!-" agad nyang pinutol ang mga sasabihin ko.

"Tinupad ko ang hiling nyo, ngunit isa lang ang kaya kong ibigay para sa inyo. Ito ang kapalaran nyo. Lalabanan nyo o hahayaan na lamang ninyo?" nakangiting sabi nya.

Unti-unting naging malamig ang hangin, at lumakas ito ng lumakas. humigpit ang hawak ko sa kamay nya at para makakuha ng suporta. napapikit ako dahil sa kakaibang sakit at hapdi na dulot ng hingin sa mata.

"Makinig ka, Amara... nasa paligid lang ang kalaban, ang pumatay sa iyo, ang papatay sa inyo ni Ambrosio." rinig kong sabi nito bago tila hindi ko na maramdaman ang kamay nya. Kasabay ng unti-unting pagkalma ng hangin ay ang pagkawala ng sense of touch ko. Napaupo ako pilit na inaanig ang paligid.

Ilang minuto pa unti-unti ring tumunog at sumabay sa hangin ang pagtunog ng kampana. parang tunog ng patay. nagtaasan ang balahibo ko. Masakit sa tenga ang tunog dahil malapit lamang ako. Mabilis kong tinakpan ang tenga ko bago tuluyang kumalma ang paligid. Huminto ang malakas na hangin. Naging payapa ang mga halaman. ngunit tumuloy ang kampana sa pagtunog. Tumayo ako at lumayo sa balon. Nakita ko ang kusang paggalaw nito. napatulala ako sa kampana kasunod ng unti unting pagkahilo ko. Unti-unting gumalaw ang paligid at umiikot sa paningin ko kasabay ng pagdilim ng buong paligid.

"Binibining Amara!" ramdam ko ang dalawang kamay sa aking magkabilang balikat. niyuyog iyon at parang hindi napapagod. "Binibining Amara!" pasigaw na bulong ng isang boses babae.
"Ano ka ba, Binibining Amara. Kailangan na nating maghanda para sa ating pag-alis." patuloy ang pagyugyog nya habang sinasabi iyon.

Napakamot ako sa batok bago tinatamad na bumangon. Kinusot ko ang mga mata ko baka sakaling may muta pa. Tinatamad pa ako, isa pa ang lamig ng kwarto na nakakapagpadagdag sa katamaran ko. I'm still fell  sleepy.

"Anong esturbo sa pagtulog iyan, Libet?!" inis na sabi ko habang umuunat.

"Binibini, hindi ba, ngayon ang paghahanap ng bagong miyembro na sasapi sa ating kilosan at paghingi ng tulong sa pinansyal." pabulong nitong sabi. natigilan ako sa paguunat at nabitin sa ere ang mga kamay ko sa gulat. Nakaawang pa ang labi ko ng maalalang ngayon nga. Mabilis akong kumilos at nagtungo sa banyo.

'Kailangan ng bagong miyembro, kailangan ay may maitulong ako...' napatigil ako sa tangang pagbuhos ng maalala ang panaginip.

Totoo ba yun? Nangyari ba talaga yun? Bakit parang parte lang yun ng imagination ko? I remembered every single detailed, kaya imposibling panaginip lang yun!.

'Naalala ko ang lahat, parang totoo ang lahat, kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malamang ang tao sa likod ng pagkamatay ko.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top