XII
KABANATA 12
“Kakaiba talaga, kung pano ka magsalita ngayon, Amara.” papahina ang boses sabi nya. Nakangiti sya habang sinasabi iyon na parang kakaiba at bago sa pandinig nya, na ikinatutuwa nya.
Nahulog sya sa malalim na pagiisip at parang naging palaisipan sa kanya ang sinabi. Nawala ang tawa ko at napatulala sa kanya.
Nasa butaka chair pa rin kami at naguusap. Naging magaan agad ang loob ko sa kanya at muntikan ko na ring masabi na ako si Arene sa susunod naming buhay. Naikwento ko na rin ang halos mga nakakatawang childhood memories ko sa kanya pero laging ibang pangalan ang sinasabi ko at ginagawang kwento-kwento lang iyon at katatawanan para hindi nya mahalatang ibang tao ang kasama nya.
“Ahh ehh kasi…..” pangiwi ako ng walang pumapasok sa isip ko. Ano ba ang pwedeng maidahilan. “Wait lang natae ako bigla, este nababanyo, HUH!.. Napapalikuran!” natataranta kong sagot. Napatayo ako at mabilis na tumakbo. Hawak-hawak ang laylayan ng barot saya ay pumasok ako ng bahay. Dumaan ako sa likurang bahagi na ipinagtataka ko kung panong nalaman ko iyon. Basta na lang ako tumakbo at dito ako dinala ng mga paa ko. “Hoo! Ano bang kabaliwan ito, Arene?!” tanong ko sa sarili. Napasandal ako sa hamba ng pintuan at napapikit sa pagod. Nakakapagod tumakbo lalo na at mabigat ang suot-suot ko.
Nasa hamba ako ng pintuan ng maalala ko na hindi ko alam ang parte ng bahay na pinasukan ko. Napaayos ako ng tayo at binitawan ang laylayan saya ng suot ko. Nilibot ko paningin ko sa buong paligid. Nasa kusina ako! Ang lupit ng mga gamit nila halos lahat ay gawa at galing sa inang kalikasan.
"Amara!” napatalon ako sa gulat at agad na napalingon sa labas, sa pinanggalingan ko. “Ngayon na nga lang tayo muling nagkasama ay pinagtataguan mo pa ako!” maginoong reklamo nya. Meron palang ganun? Maginoong reklamador.
Diba dapat ay galit na sya, kung alam nyang pinagtataguan ko na sya? Sa panahon ko ay simpling bagay, ang init na agad nang ulo ng mga lalaki, sarap balibagin. Well, may mga babae rin namang ganoon.
Napatayo ako ng maayos at humarap sa kanya. Tinitigan ko sya ng mabuti, maamong muka. Maginoo at maunawain. Lahat ng babae ay nanaisin ang ganitong klase ng lalaki. Sa panahon na ito ang pag-ibig ay hindi lang pagmamahalan kailangan. Kailangan ring paghirapan at patunayan, hindi lang sa salita kundi sa gawa. Kaya rin siguro maraming taon na ang lumipas ay magkasama parin ang mga mag-asawa sa panahon na ito, matatag at sulido.
“Amara, tila nabibighani ka naman sa aking gandang paglalaki.” natatawang asar nya.
Napa-face palm na lang ako dahil bigla ay humangin na naman. Alam na alam nya talaga na gwapo sya ang kaso ay basta. Wala sa sariling napangiti ako ng makitang ngumiti sya pagkatapos tumawa. Kakaiba talaga ang gandang lalaki nya. Arghh, admit it or not gwapo talaga sya lalo na at matangkad sya, dagdag pogi points. Napailing na lang ako bago nagtatanong na tumingin sa kanya.
“Pano mo nga pala nasabing pinagtataguan kita at anong ginagawa mo rito?!” mataray kong tanong. Napataas ako ng kilay ng ngumiti sya ng malawak.
“Amara, tila nakakalimut ka. Nobyo mo ako at kilala kita. Isa pa ay ayaw mong pumapasok ng kusina pero dito mo parin nakuhang dumaan kung sakali ngang…. Napapalikuran ka?!” natatawa nyang sagot. Lumakas ang tawa nya ng sabihin nya ang huling salita.
‘Lahat naman tumatae ah! Anong nakakatawa dun?!’ naiinis na sinamaan ko sya ng tingin. Aba malay ko ba kung anong tagalog ng nac-cr. Wait nababanyo?!…. papalikuran?!…. Kakasilyas! What! Ay naku bat ba kasi yun ang pumasok sa isip ko? Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Ang mga babae sa panahon na ito ay dapat mahinhin at maayos ang mga salitang binibitiwan, in short mali ang sinabi ko, natatae? What the heck! Arene!
“Amara, mabuti pa ay mamasyal na lang tayo!” natatawa paring sabi nya.
Saan ko ba kasi nakuha ang salitang yun, ang sarap magpalamon sa lupa. Kung may brilyante lang ako nang lupa haytss. bakit kasi panahon pa na ito ako pinadala pwede namang sa mundo nila danaya.
“Pagabi na at saan naman tayo maaaring mamasyal?!” takang tanong ko. Inilahad nya ang kanyang kamay kaya nagtataka akong napatingin duon. Napataas ang kilay ko at muling binalik ang tingin sa kanya.
“Amara, hindi biro ang ngalay ng aking kamay, kakahintay sa iyong magandang kamay.” natatawang sabi nya.
Napaawang ang labi ko ng makuha ang gusto nyang mangyari. Lakas ng amats nito, laging nakangiti at tawa, happy pill nya atah ako. Marahan kung inangat ang kamay ko, pwede naman ang holding hands diba, I mean sa panahon na ito pwede naman siguro.
‘Maugat ang palad, ehem.’ pinilig ko ang ulo ko at tinaboy ang namumuong kabaliwan sa isip ko. Kapusukan, hindi naman siguro nila alam iyon? Lalo pa at busy sila sa digmaan diba? Arghh wala na silang panahon para magmasturbate! ‘Arghh, Arene tumigil ka na!’ internet ba naman kasi. Nabasa ko lang sa internet yun, na pagmaugat ang kamay ng lalaki ay mahilig daw, arghh, I should stop.
“Salamat, alam kung hindi dapat ngunit gusto kung sulitin ang mga natitira pang mga panahon para makasama ka.” halos pabulong nyang sabi nang mahawakan ang kamay ko. Hinaplos nya iyon bago malulungkot ang matang tumingin sakin at ngumiti.
‘Anong-.’ Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya, akmang magtatanong pa sana ako ng magsalita ulit sya.
“Halika, sa halamanan tayo ni Mang Petong. Ang sabi nya sakin ay may bago daw syang mga tanim na bulaklak.” nakangiting sabi nya. Wala sa sariling napatango na lang ako. Marahan nya akong inakay palabas ng kusina.
Sandali, gabi na pero sa halamanan nya ako dadalhin? Hindi kaya may binabalak na hindi maganda sakin ‘to? Napahawak ako sa dibdib ko kaya napatingin sya sakin. Nakita ko ang pagtataka sa muka nya kaya ibinababa ko ang mga kamay ko. Muka namang hindi nya magagawa yun.
Nasa labas na kami ng bakuran at halaman na syang tanging harang sa bahay. Nakita ko agad ang kabayo na nakatali sa malaking puno. Agad na napakunot ang nuo ko, wag naman sana. Hi nd Ii naman siguro yan ang sasakyan namin hindi ba?!’ wala sa sariling naitanong ko. Hawak nya parin ang kamay ko ay inakay nya ako palapit sa kabayo. Napapangiwi ako habang palapit kami ng palapit. Hindi pwede hindi ako marunong sumakay dyan! Ayoko!
“Malayo ba, ang halamanan ni Mang Petong?!” nag-aalinlangan kong tanong. Nasa tapat na kami ng kabayo nang harapin nya ako.
“Hmmm… sa tingin ko ay anim na bahay lang mula rito?!” hindi siguradong sagot nya. Nagtataka syang napatingin sakin na nagpakaba sakin.
“Ahh ehh lakarin na lang natin!” kinakabahan kong sagot. Hinila ko ang kamay nya at nagsimulang maglakad.
Pinigilan nya ako, halata ang pagkalito sa boses nya. Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Mabilis na lumapit sya harapan ko kaya napaiwas ako ng tingin. “Amara, tumingin ka sa akin.” nag-aalalang pakiusap nya.
‘Arghh, alam ko naman na gwapo sya. Bakit kailangan may patingin tingin pa syang nalalaman?’ napatingin ako sa paligid habang nakayuko parin. Napabuntong hininga na lang ako at wala ng nagawa. Kinakabahan akong napa-angat ng tingin sa kanya.
“Ito nah, ano?!” kinakabahang tanong ko. Nananatili syang tahimik at tinignan lang ako ng mabuti na lalong pagpakaba sakin. Alam ko naman na maganda ako pero iba parin pag sya na ang tumitig.
“Amara….” maya-maya’y pagtawag nya. “May suliranin ka bang hindi sinasabi sa akin… o kaya ay may tinatago ka sakin at ayaw na ipaalam?!” nagdududa nyang tanong.
Parang isang bombang sumabog ang tanong nya na nagpahina sakin. Mabilis na pinagpawisan ako ng malamig. Anong ibig nyang sabihin dun?! Pati ako, sa sarili ko maraming tanong. Ako nga ba si Amara? Bakit nandito ako sa panahon nya?
“Batid kung ayaw mong ipaalam sakin, hindi kita pipilitin. Sulitin na lamang natin ang araw ito…. dahil baka matagalan bago muli kitang makasama…. o baka hindi na…” makahulogang bulong nya. Parang wala sa sariling pinagmasdan nya ako habang ramdam ko sa palad ko ang paghaplos ng mga daliri nya sa kamay ko.
“Ano bang iniisip mo?!” nag-aalalang tanong ko. Malungkot syang napangiti sa hindi malamang dahilan.
“Bakit tila pinagkait satin ng kapalaran ang panahon? Panahon na magkasama ng matagal?” pabulong na sagot nya. Nagtatanong sa taas, may hinanakit at maraming emosyon ang mababasa sa mga mata nya.
Iyon rin naman siguro ang nasa isip ni Amara. Bakit nga ba? Pero pwede naman nilang piliin na manahimik, hindi ba?
“Bakit? Tila pinagkait sakin ng kapalaran ang pagkakataon na makasama ka. Ano mang oras ay parehong nasa peligro ang ating buhay, wala tayong kalayaan na mahalin ang isa’t-isa, nang malaya at walang iniisip na paparating na panganib.” wala sa sariling nasabi nya. Parang hindi para sakin ang mga salitang binitiwan nya kundi para sa mga taong dahilan ng paghihirap nya. Maging ako ay napapatanong kung bakit ba nangyayari samin ito.
'Atleast, hindi pangakong napapako...'
“Gusto kong mangako na mananatili ako sa tabi mo ngunit alam nating pareho ang kahihinatnan nito.” mabigat sa loob na sabi nya. Alam ko, mas mabuti nga sigurong hindi sya mangako lalo na kung alam nya hindi nya kayang tuparin.
“Alam ko, Salamat dahil hindi ka nagbitaw ng mga salitang aasahan ko ngunit sa huli ay masisira mo lang ang tiwala ko.” pagod na ngiti ang pinakawalan ko na syang ikinatawa nya. Napatawa na lang rin ako dahil sa kakaibang hatid nang ngumiti sya.
“Pero may isa akong pangako, at alam ko kayang kaya kong maibigay sayo.” nakangiting sabi nya. Nagdududa akong napatingin sa kanya. Parang kakaiba ang hula ko sa sasabihin ng lalaking ito, parang kalokohan.
“Ano?!” taas kilay kong tanong.
“Sayo lang ako, pagkaitan man tayo ng kapalaran, ng pagkakataon na magkasama. Hindi titigil ang pagtibok ng puso ko para sayo, habang nabubuhay ako. Dahil nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang sa buhay ko. Ngunit kahit ang kamatayan ay hindi kayang patigilin ang pagmamahal ko sayo.” nakangiting sabi nya. Ok that’s kinda chessy but syems aminin kinilig ako. Napapailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Nakangiting tumingin ako sa kanya nang biglang may pumasok sa isip ko.
“Hindi mo na nga lang maipaparamdam.” pilit na ngiting sabi ko.
Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko. Pilyong ngiti na tumingin sya sa kamay namin na nakasiklop. Binalik nya ang tingin sakin, parang may naisip syang kapilyohan dahil sa kakaibang ngiti nya. Napataas ang kilay ko at naningkit ang mga matang tumingin sa kanya na ikinatawa nya.
“Para riyan sa iyong sentimyento. Sa tingin ko ay may magagawa pa tayo. May pupuntahan tayo na sigurado akong maiibigan mo.” nakangiting sabi nya. Marahan nya akong hinila pabalik sa tapat ng kabayo.
“No way!” hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili nang ilahad nya ang isa nya pang kamay sakin. Kinuha ko ang isang kamay ko sa kanya at umatras ng kaunti. Nakita ko ang nagtatanong nyang tingin kasabay ng halos pagdikit ng kilay nya sa pagtataka.
'Ayoko pangmamatay, hindi pa ngayon. Hindi ko pa nga nahahawakan ang abs ni Ambrosio!'
“Ano.. I mean pano ba… kasi tae… sigi na nga!” inis na sabi ko. walang pasabing sumakay ako ng kabayo ng walang tulong nya. Panira ng poise amp. Damang dama ko pa naman pagiging dalagang pilipina, parte ba ito noon. Umayos ako ng pagkakasakay bago muling napatingin sa kanya. Nakaawang ang bibig nya habang manghang nakatingin sakin.
“Saan ka natuto sumakay ng kabayo?!” takang tanong nya habang marahang umayos ng tayo. Napangiwi ako ng maalala kung pano ako turuan ng daddy sa sumakay ng kabayo. Pero hanggang pagsakay lang ng kabayo ang tanging natutunan ko. Napasimangot ako ng maalala ko iyon.
“Dad!.. see?!… told ya I can do it na!” pagyayabang ko kay dad ng makasakay ako ng kabayo ng walang tulong nya at ng bangko. Napapailing na lang si dad habang nakangiti.
“Ok, ok, princess, hanggang dyan ka na lang, you’re still young to ride a horse.” natatawang sabi nya.
Akmang lalapit sya ng hilahin ko ang lubid ng kabayo. Mabilis na kumilos ang kabayo at tumakbo, sa una ay maayos pa ang pagtakbo nya. I just do what daddy’s doing every time he ride a horse. Dad was panicking pero hinayaan ko lang sya. Tumakbo sya palapit samin ng kabayo kasama ang caretaker ng mga kabayo. Sisigaw na sana ako at sasabihin na ok lang ako pero biglang nagwala ang kabayo.
“No stop, arghh. Horse stop can’t you understand!” inis at kinakabahang sabi ko. “Daddy! Help me!” wala sa sarilig sigaw ko habang lalong humigpit ang yakap ko sa leeg ng kabayo. Naging mabilis ang pangyayari nakita ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa kabayo. And everything went black.
Pakiramdam ko ay napakatanga ko sa part na yun. Well im just 9 years old with full of self confident na, sa sobrang yabang napahamak ko ang sarili ko. Nakakahiya!.
“Amara..” nanlalaki ang matang napalingon ako sa likod ko.
The heck lutang na naman ako. Hindi ko namalayan na sumakay na pala sya. Mula sa likod ay hinawakan nya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa lubid.
“Makakatulong sa iyo kung matuto kang mangabayo. Sa tingin ko naman ay kaya mo na dahil nagawa mo ng sumakay ng maayos at bumalanse pagsakay mo pa lang” mahinang sabit nya.
Marahan nyang sinimulan ang pagpapatakbo sa kabayo. Naiilang akong napalunok at wala sa sariling napadasal ako. Sobrang kapusukan na ba kung iisipin kung sobrang romantic nito.
‘Masama bang hilingin ko, kung nanaisin ko na manatili rito sa panahon na ito at makasama sya, kasi kung oo ay gugustohin kong maging masama at makasarili para sa kanya….’
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top