X

KABANATA 10

Nasa gilid ako ng kama habang tulala na nakatitig sa sarili kong repleksyon. Malapit ng maghapon, natapos ang tanghalian na hindi ako lumalabas. Pinadalhan na lang ako ng pagkain dito at dito ko na rin kinain. Ilang oras na nga ba ako nagiisip kung anong mga hakbang ang gagawin ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa salamin ng may kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matandang babae na pamilyar sakin. Nag-aalalang lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"Apo, nagaalala ako para sayo kaya naman pumarito muna ako bago magsimula ang pagdiriwang" nag-aalalang sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos iyon.

"Ok lang po ako, lola." naiilang na sabi ko. Nagtataka syang tumingin sakin at may nagtatanong na tingin kaya kinabahan ako bigla.

"O-K?!, kakaibang lengawahe saan mo natutunan iyan, apo?!" natatawang tanong nya. Parang nailabas ko ang malaking bato sa pwet ko at nakahinga ng maayos ng marinig ang sinabi nya. Akala ko ay mabubuking ako o kaya ay naghihinala na sya agad sakin.

"Ahh ehh narinig ko lang po sa kanto." naiilang na tumawa ako kasunod ng sagot ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras magpapatwag sila ng Carabineros celestiales dahil sa pagaakalang nasasaniban ang katawang ito. well nasaniban ko totoo naman kung sakali. Sandali hindi pa naman ako patay bat ako sasanib sa katawang ito.

"Kanto?!" muling nagtatakang tanong nya. Bakit wala bang kanto na salita sa panahon na ito?.

Iba't-ibang palusot ang pumasok sa isip ko. Sa huli ay nakatakas ako sa mga pagdududa ni lola. I can't help but to pray na sana makabalik na ako sa panahon ko. Sa tingin ko ay hindi ako makaka-survive dito. Ayokong umabot sa point na meron darating na Carabineros celestiales dito. At ang malala ay baka igapos nila ako gaya ng mga napapanuod ko sa tv pagpinapaalis ang kaluluwa. No way!

"Mabuti pa at maghanda ka na, darating ang iyong nobyo. Napapaisip ako kung bakit hindi pa kayo malagay sa tahimik?!" nanunudyong tanong nya. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Makikita ko si Ambrosio? Kung tama ako ay sya boyfriend ni Amara.

"Lola, hindi pa ho sa ngayon." pilit na ngiting sabi ko. Napapailing na lang sya habang may ngiti parin sa labi. Mukang gustong-gusto nya si Ambrosio para kay Amara.

"Kung ako sa iyo ay magiisang dibdib na kami sa lalong madaling panahon. magandang lalaki ang iyong nobyu hija siguradong maraming nagnanais na pamilya ang nais na maging parte sya pamilya nila." nakangiting sabi nya. Bigla ay naexcite akong makita at makilala sya. Nasa katawan ako ni amara hindi naman siguro masama kung gugustohin ko syang makita.

"Mapag-uusapan naman po namin iyan, lola." nakangiting sagot ko.

"O sya at ako'y maghahanda na." masayang sabi nya bago tumayo at binitiwan ang kamay ko. "Maghanda ka na hija." napatayo na rin ako at nakangiting tumango.

"Sigi po, lola. Maligayang kaarawan sa po iyo, lola." nakangiting bati ko. Yumakap sya sakin ng ilang saglit at bumitaw rin.

"Salamat, apo." huling sinabi nya bago tuluyang umalis. Napaupo ulit ako sa kama at nahulog sa malalim na pagiisip.

Nasa katawan ako ni Amara, o ako mismo si Amara? Magkamuka kami, hindi lang magkamuka parang original to original copy pa.

'30 days, 50 days, 20 years, 50 years, 100 years, mga taon at araw na lilipas bago mareincarnate ang isang tao, taon at araw na gugululin ng kaluluwa ng isang taong namatay para pumili at mapunta sa 5-6 months na batang nasa sinapupunan pa ng isang inang buntis.' kung totoong nabuhay ako sa panahon na ito, maaring malaman ko ang taon ng pagkamatay ko at taon na ginugol ng kaluluwa para pumili at maglakbay. at kapag sumakto iyon ay maaaring ako nga, ako nga si amara.

Nahulog ako sa malalim na pagiisip. Takot at kaba ang naramdaman ko, sino ba namang tao ang matutuwa kapag nalaman nila ang taon ng kamatayan nila in advance ghorl. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko sa takot. Kung tama ako, 1997 ako pinanganak at 100 years bago ako nakapili ng katawan. Kung ganun, ngayong taon mismo ay mamatay ako!.

1897, ibig sabihin ano mang oras mula ngayon sa taong ito ay pwede na akong mamatay. Sa papaanong paraan? Pwede ko bang pigilan? Pinagpapawisan ako ng malamig.

One hundred years, one hundred years. Ngayon naniniwala na ako kay Irene, lahat lahat ng nangyayari sakin. Mga kakaibang panaginip, mga kakaibang kinakatakotan ko, kakaibang naririnig ko, kakaibang nakikita ko at ang birthmark!. sa ulo, sa ulo ang birthmark ko ibig bang sabihin, babarilin ako sa ulo na syang sanhi ng pagkamatay ko.

'Hindi pwede, dapat may gawin ako. Ayokong mamatay ng ganun ganun na lang!' napatayo ako at nilibot ang paningin sa buong kwarto. Umaasang may makukuha akong bagay o impormasyon na makakatulong sakin. 'Isang liham? Maybe, who knows.' napako ang tingin ko sa lamesang kabinet na kung saan may nakausling papel.

Lumapit ako sa lamesa na pinaglalagyan ng mga kagamitan sa buhok. Binuksan ko ang kabinet at nakita ang isang papel na nakatiklop sa tatlo. Ganun ba talaga ang papel dito medyo dilaw?. napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa kaninang inuupuan ko sa harap ng salamin. Maingat kung binuksan ang papel at binasa na lamang gamit ang isip.

𝓑𝓲𝓷𝓲𝓫𝓲𝓷𝓲𝓷𝓰 𝓐𝓶𝓪𝓻𝔂𝓪.

              𝓝𝓪𝓰𝓼𝓲𝓼𝓲𝓶𝓾𝓵𝓪 𝓷𝓪 𝓪𝓷𝓰 𝓴𝓲𝓵𝓸𝓼𝓪𝓷, 𝓶𝓪𝓻𝓪𝓶𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓷𝓭𝓪𝓽𝓪 𝓷𝓪 𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓵𝓲𝓴𝓾𝓶 𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓶𝓪𝓱𝓪𝓷. 𝓝𝓰𝓾𝓷𝓲𝓽 𝓪𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓶𝓪𝓱𝓪𝓷 𝓪𝔂 𝓷𝓪𝓷𝓰𝓪𝓷𝓰𝓪𝓲𝓵𝓪𝓷𝓰𝓪𝓷 𝓹𝓪𝓻𝓲𝓷 𝓷𝓰 𝓶𝓲𝔂𝓮𝓶𝓫𝓻𝓸 𝓷𝓪 𝓼𝓪𝓼𝓪𝓶𝓪 𝓼𝓪 𝓵𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓷. 𝓝𝓪𝓲𝓼 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓼𝓾𝓶𝓪𝓶𝓪 𝓼𝓪 𝓵𝓪𝓫𝓪𝓷 𝓪𝓽 𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓸 𝓻𝓲𝓷𝓰 𝓰𝓪𝓷𝓸𝓸𝓷 𝓻𝓲𝓷 𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓲𝓼 𝓶𝓸.

            𝓐𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓰𝓫𝓲𝓫𝓲𝓰𝓪𝔂 𝓷𝓰 𝓫𝓾𝓱𝓪𝔂 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓼𝓪 𝓫𝓪𝔂𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓲𝓷𝓲𝓵𝓪𝓷𝓰𝓪𝓷 𝓪𝔂 𝓲𝓼𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓲𝓼𝔂𝓸𝓷𝓰 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓴𝓸 𝓶𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓰𝓲𝓱𝓪𝓷. 𝓑𝓾𝓴𝓪𝓼 𝓪𝓷𝓰 𝓲𝓵𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓰𝓪 𝓴𝓪𝓼𝓪𝓶𝓪𝓱𝓪𝓷 𝓪𝔂 𝓭𝓪𝓭𝓪𝔂𝓾 𝓼𝓪 𝓫𝓾𝓵𝓪𝓬𝓪𝓷 𝓷𝓪𝓲𝓼 𝓴𝓸 𝓼𝓪𝓷𝓪𝓷𝓰 𝓼𝓾𝓶𝓪𝓶𝓪 𝓴𝓪 𝓼𝓪𝓶𝓲𝓷 𝓼𝓪 𝓹𝓪𝓰𝓱𝓲𝓱𝓲𝓴𝓪𝔂𝓪𝓽 𝓼𝓪 𝓹𝓪𝓰𝓪𝓪𝓵𝓼𝓪 𝓵𝓪𝓫𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓶𝓰𝓪
𝒹𝒶𝓎𝓊𝒽𝒶𝓃. 𝓐𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓷𝓲𝓵𝓪 𝓶𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓷𝓰𝓰𝓲𝓱𝓪𝓷 𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓰𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓰𝓪𝓷𝓭𝓪𝓱𝓪𝓷 𝓶𝓸 𝓴𝓪𝔂𝓪 𝓷𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓱𝓲𝓷𝓲𝓱𝓲𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓴𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓪𝓰𝓪𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓰𝓭𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓸 𝓼𝓪 𝓪𝓶𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓱𝓪𝓷𝓪𝓷.

                                                                                                                                                     𝓑𝓲𝓷𝓲𝓫𝓲𝓷𝓲𝓷𝓰 𝓕𝓵𝓸𝓻.

Isang kilosan, kasama ako sa isang kilosan? Sinong Flor? Sinong Amarya? Ako ba si Amarya?

Nasa malalim akong pagiisip ng biglang bumukas ang pinto kaya naman mabilis akong tumayo at tinago ang papel sa likod ko. Nakita ko si Libet na pumasok at lakas dalagang pilipina. Yumuko sya bago inangat ang ulo.

"Binibining Amara, kanina pa ho kayo hinihintay ng iyong pamilya." mahinhin nyang sabi. Sinamaan ko sya ng tingin dahil halos atakihin ako sa puso sa sobrang gulat dahil sa bigla-bigla na lamang nyang pagpasok.

"Sa susunod, Libet, ay kumatok muna bago pumasok!" medyo pagalit kong sabi. Nanlalaki ang matang napatingin sya sakin na ipinagtaka ko. Yumuko sya ng ilang ulit habang humihingi ng paumanhin.

"Paumahin, binibini. Paumanhin..... ngunit kumatok ho ako, ngunit hindi po kayo sumasagot kaya naman, pumasok na ako." nakayukong sabi nya.

What?, sinungaling! Hindi ako bingi, isa pa ay narinig ko ang pagbukas nya ng pinto pero ang katok nya hindi? Tsk.

Ttsk, whatever." inis na sagot ko. Nagtataka syang nag-angat ng tingin sakin.

"Ano ho yun? Hmm, Binibining Amara. May nangyari ho ba sa samahan?!" nagaalala nyang tanong. Agad na kumunot ang nuo ko sa tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?!" mahinahon na pagtatanong ko.

"Ang ibig ko ho sabihin ay kung may problema pong naganap sa samahan kaya po ba mainit ang iyong ulo na syang madalas na dahilan nito" magalang na sagot nya. Halatang kilalang kilala nya na ako. Mukang may alam rin sya sa liham at sa samahan na tinutukoy ng liham.

'Sa tingin ko ay alam ko na ang makakatulong sakin.' napangiti ako sa naisip ko.

"Magandang kaarawan po, lola." magalang at nakangiti kung bati sa kanya, ng makarating ako sa mesa kung saan sya nakapwesto kasama ang mga amega nya.

"Maraming salamat apo." ngumiti sya at tumayo para yakapin ako. " nagkita na ba kayo ni Ambrosio?!" napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba. Lumunok muna ako bago marahang umiling.

"Hindi pa ho, lola." pilit na ngiting sabi ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap at nakangiting nakatingin sakin.

"Kung ganun ay maghanapan kayo, haha kanina lang ay hinahanap ka nya sa akin." nakangiting sabi nya. Parang may kung anong meron sa tiyan ko ang nagdiwang ng marinig na hinahanap ako ng lalaking iyon.

"Ganun ho ba, kung ganun ay hahanapin ko na ho sya" nangingiting sabi ko. Nakangiti syang tumango bago umupo ulit sa kinauupuan nya.

May kung ano saya sakin ang dulot ng lalaking iyon. Parang bigla ay nawala ang takot at mga pangamba ko kanina. Pero pano ko sya makikita at mahahanap kung hindi ko naman alam ang itsyura nya. Maging ang katawan o likod nya man lang ay wala akong ideya. Argh dapat pala ay nagtanong ako kay lola. Pero mag mumuka naman akong tanga, sinong girlfriend ang hindi alam ang muka ng sarili nyang boyfriend. Pagtatawanan nila ako panigurado.

'Ano ng gagawin ko?!' nakatayo parin ako sa kinakatayuan ko kanina. Nililibot ng tingin ang buong hall. Naghahanap ng gwapong ginoo na pweding mauwi sa present time chour. Sabi ng lola ay magandang lalaki si ambrosio. Nang magsawa ako sa kakatingin ay naglakad-lakad ako. Nadadaanan ko ang mga lalaking naguusap sa ibang lengawahe. May mga babae rin na nagchismisan lang habang maarteng umiinom sa kupeta. May pianong tumutugtog na lalong napaclassic ng paligid. Para akong nasa isang royalty party with spanish style.

Nakarating ako sa malaking double door. Pinili kung lumabas at magpahangin. Siguradong makikita at makikita ko rin ang ambrosio na yun kung sasang-ayon ang kapalaran. Isa pa ay wala akong ideya sa itsyura nya.

"Wow ang galing, ang ganda." naisatinig ko ang dapat ay nasa isip ko lang.

Paano ay napakaganda ng garden nila dito. Ang mga bulalak na buhay na buhay. Mga puno ng mangga at santol na hitik sa bunga. Merong sun lounger? Butaka chair! Gawa sa ratan at punong kahoy. At merong table na pinapagitnaan nun. Nakangiti kong nilapitan ang bulaklak at inamoy iyon. Calla lilies? Mga rosas meron ding daisies! Ang ganda, ang galing ng pagkakatanim nila.

"Tila, hindi ka pa rin nagsasawa sa amoy ng mga bulaklak, mahal ko." nawala ang ngiti sa labi ko kasabay ng kalabog ng dibdib ko sa kaba. Naestatwa ako sa ginagawa ko at parang sa isang iglap ay natahimik ang buong kapaligiran maging ang oras ay huminto. "Wag kang mag-alalala mas maganda ka pa sa bulaklak." he said. Kinilig ako dun na iwan.

'Anong dapat kong gawin?'

"Amara, wala ka bang balak na akoy pansinin?!" ilang beses akong napakurap para gisingin ang natutulog kung diwa. Pano ba ako aarte sa panahon na ito, anong ang dapat kong gawin? Ito ang mahirap sa mga katulad kong NBSB ni wala akong ideya makipagharutan sa lalaki, chour. Bawal nga pala ang pagiging mapusok sa panahon nila.

"Ahh eeh." kinakabahan kong sabi. Dahan-dahang akong humarap sa kanya. Kinakabahan kong inaangat ang ulo ko para makita at makilala ang muka nya.

Nakita ko ang isang mala-adonis na lalaki. Maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, maganda ang pangangatawan at mahahalatang galing sa maganda at maayos na pamilya. Mukang nanggaling din sa may lahing pamilya dahil sa ganda ng mga mata nya na medyo singkitan.

"Tila, nabighani ka na naman sa aking gandang pagkalalaki, mahal ko." natatawa nyang sabi. Humakbang sya ng dalawang beses palapit sakin ngunit hindi sapat iyon para maabot nya ako. Nakataas ang sulok ng labi ko kasabay ng disappointment na mababasa sa muka ko.

'Eh?' mahangin rin pala ang mga lalaki sa panahon na ito. Ang buong akala ko ay maginoo at napakahumble ng mga lalaki sa panahon na ito.

"Ahh ehh" hindi ko alam ang sasabihin. Parang gusto kong tampalin ang nuo ko. Kinakabahan ako na iwan. Naiilang na hindi naman dapat. Hindi mapakali ang mata ko kung saan saan tumingin makaiwas lang sa gandang lalaki daw ng lalaking nasa harap ko.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na pansin ang paglapit nya. Nagulat na lang ako ng maramdaman ang paghawak at paghaplos nya sa kaliwang kamay ko. Parang gusto kung sumigaw sa kilig at sayang naramdaman ko. Ganito ba pagkinikilig parang naiihi?. ayoko ng pakiramdamn na toh pinapahina ako pati mga tuhod ko nanghihina. Nagkatitigan kami na lalong nagpakaba sakin. Parang dejavu, I feel nostalgic.

"Amara, sa wakas ay nagkita ng muli tayo......"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top