VIII
KABANATA 8
Arene POV
Natulala ako sa bintana at nalunod sa malalim na pagiisip. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ayoko mang aminin pero parang tama ang teorya ni Irene. Saan mang anggulo tignan ay iyon parin ang nakikita kong dahilan ng lahat ng ito.
'Ang picture!' naalala ko ang picture na kinuhanan ko. Mabilis kong tinignan ang phone ko na kanina ko pa hawak. Mabuti na lang ay pinicturan ko yun kanina.
'Tama, tama.....' tama ang hinala ko na sya ang lalaki na nakita ko sa isip ko at ang lalaking nasa picture frame na nasa baba. Natulala ako ng ilang segundo sa maamong muka ng lalaki. Si Mr. Dimple, ang ganda kasi ng ngiti nya at kitang-kita ang dimple nya. Zinoom ko ang picture kung saan may nakasulat na pangalan at pirma. Saka ko lang napansin ang kaunting panginginig ng kamay ko, siguro ay dahil sa lamig.
'Alvaro Castillo.' pamilyang ng mga Castillo. Kung ganun kaano-ano nila si Manang Judi?. Sa pagkakaalam ko ay sya ang may ari ng bahay na ‘to. 'Isa rin ba syang Castillo?!'
Bigla ay nakaramdam ako ng taong nakatingin sakin. Pinilit kong alisin ang takot na namumuo sakin at palihim kong tinignan ang paligid gamit ang peripheral vision ko. Pero walang ibang tao bukod saming magkakaibigan. Haytss, guni-guni ko lang siguro.
'Hindi ito ang tamang oras para matakot, Arene!' pilit kong kinalma ang sarili. Ito ang tamang panahon para buksan ko ang kabinet habang tulog pa ang mga kasama ko.
Mabilis kong kinuha ang jacket ko sa maleta at sinuot iyon. Tinignan ko ulit sila Ali nang masigurong tulog na sila ay dahan-dahan akong bumaba dala-dala parin ang cellphone ko. Madilim na ang buong bahay, tangin ilaw sa labas at kabilugan ng buwan ang tangin nagbibigay liwanag sa buong bahay.
Nasa tapat na ako ng hagdan nang buksan ko ang flashlight ng phone ko. Kailangan kong labanan ang takot ko, hindi naman talaga ako takot sa dilim, multo o kahit anong kababalaghan pero iwan ko ba ngayon dati pa man di na ako naniniwala sa mga supernatural.
Nasa tapat na ako ng malaking salamin. At gaya kanina ay nag-iba na naman ang ayos ng kasuotan at buhok ko. Natulala ako sa ganda ng repleksyon na nakikita ko. Hindi katulad kanina na nagugulat pa ako ngayon parang natural na ang lahat. Naibaba ko ang cellphone at natulala sa sariling repleksyon ko.
Humakbang ako palapit sa salamin habang nakatitig parin sa sarili. Parang isa ako sa mga babae na nabuhay sa panahon ni Rizal, ang bayaning kinikilala ng lahat. Napangiti ako sa naisip pero naglaho rin ng mapagtanto ko ang anong ginagawa ko.
'Nababaliw na ako? Dapat naghahanap na ako ng solusyon sa problema ko!' pinilig ko ang ulo ko para alisin kung ano man ang kabaliwan na inisip ko. Napatingin ako sa mga litrato at kinuha ang isang picture frame. Itinapat ko ang ilaw ng cellphone ko sa litrato. Nakita ko ang kamuka ko, muka ko o kamuka ko, hindi ko alam.
'Amara, parang Arene na nabuhay noon.' napangiti ako sa naiisip parang ang gandang isipin kung totoo nga. 'Syemay, kabaliwan yun, Arene! Nakakatakot!' napukpok ko ang sarili dahil sa naisip. Binalik ko ang picture frame sa dating ayos at sunod na kinuha ang nasa kanang bahagi. Isang ginang na nakangiti at suot ang barot saya.
"Alvira Castillo..." mahinang basa ko sa ilalim na bahagi ng picture. Nakatutok duon ang ilaw ng cellphone ko. 'Siguro ay sya ang modra nila Amara at Alvaro dahil makikita ang pagkakamuka nila.' binaba ko ang litrato at sunod na kinuha ang isa pang picture frame sa kaliwang bahagi ng mesa.
'Amado Castillo.' isang may edad na lalaki ang nasa litrato pero kahit na may edad na ay mapapansin parin ang matipuno at magandang pangangatawan nito, maging ang kanyang muka na may bigote at balbas ay makikitaan parin ng kagwapuhan noong binata pa ito.
Muli kung ibinaba ang picture at kumuha ng isa pa na sigurado ako na picture frame ni Alvaro. Itinapat ko ang ilaw sa picture, nakita ko sa baba ng picture ang Alvaro Castillo at pirma.
Bumalik ang alaala na nakita ko kaninang umaga lang.
'Noooo!' napasigaw na lamang ako sa isip ko habang pinapanuod ang batang umiiyak at pinapakinggan ang sigaw ng kanyang ina sa loob ng kubo.
Muli na kong sinubukang humakbang ngunit nabigo ako. Napatingin ako sa likod ko nang marining ang sunod-sunod na yapak. Nakita ko ang mga kalalakihan na armado. Dahan-dahang silang naglakad habang nakatutok ang mga baril nito sa dinaraanan. Napatingin ako sa bata nang biglang nawala ang lahat.
Isang panaginip, imagination, ilusyon o isang memorya, ano man yun, isa lang ang sigurado, hindi ako baliw. Pero nakapaimpossibling maging isang alaala ko yun. 'Imposible!' its either baliw ako o totoo ang lahat ng mga sinasabi ni Irene.
Binitawan ko ang litrato at muling napatingin sa salamin. Ganun parin walang nagbago, ganun parin ang damit at tali ng buhok ko. Tinitigan kong muli ang repleksyon ko bago ako huminga ng malalim. Kailangan ko ng buksan ang kabinet na yun. Tumalikod na ako at maingat na naglakad papuntang kusina.
Bawat hakbang ko ay mabigat. Sobrang ingat na walang malikhang ingay na makakagising sa mga kaibigan ko. Habang papalapit ako ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa takot at kaba. Parang ano mang oras ay malalaman ko na ang lahat ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko, pero parang may mali, parang may hindi tamang mangyayari. Ano man yun, kailangan kong harapin yun.
Hinawi ko ang kurtina na syang tanging harang sa hamba ng pintuan papasok ng kusina. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa kaliwang bahagi ng dingding. Agad na kumalat ang liwanag sa buong kusina. Nakahinga ko ng maluwag dahil kahit papano ay maliwanang na. Kumalma ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagbukas ng ilaw.
Mabilis kong pinatay ang flashlight ng phone ko at lumapit agad sa kabinet. Naruon parin ang papel na naninilaw sa kalumaan. Nagdadalawang isip akong abotin iyon. Baka may masira o mapunit ko ang papel, lalo pa na halatang lumang-luma na iyon. Wala akong dapat na masira dahil pinatira lang kami rito.
Sa huli ay nangibabaw ang kuryusidad ko. Kaya, dahan-dahan akong umupo sa tapat ng kabinet. Maingat kong hinawakan ng dalawang kong kamay ang papel at maingat na hinila iyon.
Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na tumayo nang makuha ko ang papel. Hindi lang pala basta papel yun dahil isang sobre na naglalaman ng liham ang papel na yun.
Umupo ako sa isa sa mga upuan sa hapag kainan. Binaba ko ang phone at sinuri ng mabuti ang sobre. Halatang matagal na ‘to at parang hindi pa nababasa ang liham na nasa loob dahil sa naka-sealed pa yun mula sa labas. Sino naman kayang hangal ang ayaw magbasa ng liham na ‘to.
"Dahan-dahan lang, Arene" mahinang turan ko sa sarili kahit na ang totoo ay naiinis at kinakabahan ako sa sobre na dahan-dahan kong binubuksan. "Yes!" halos pasigaw ako nang mabuksan na ng tuluyan ang sobre ng walang kasira-sira!
Mabilis akong umayos ng upo at binasa ang nakasulat sa labas ng sobre.
“Para sa isang binibini na gumising sa natutulog kong puso, Amara.”
Sweet naman, sana all. Sunod kong binasa ang nasa loob.
Batid kong wala na ako kung sakaling iyo itong mabasa. Marahil pagtapos ng digmaan at tayo'y malaya na mula sa pananakop ng mga kalaban, ay saka mo laman ito mababasa. Gusto kong iparating ang pagibig kong hanggang sa kabilang buhay ay dadalhin. Amara, kagaya ng ibig kahulugan ng ating mga pangalan pagibig ko sayo'y walang kamatayan. Paglayuin man tayo ng buhay at kamatayan, pagibig ko sayo ay hindi matitigil, na parang panahon na hindi tumitigil sa pagikot.
Hindi man tayo nagkasama ng matagal, ipinagkait man satin ng kapalaran ang masayang sandali, paulit-ulit kong hihilingin sa taas na bigyan tayo ng panibagong pahina ng aklat kung saan tayong dalawa ang simula at sa muling pagkakataon gusto ko ikay ang aking maging huling pahina.
Lumaban ako sa digmaan para sa ating bansa ngunit isa ka sa dahilan kung bakit ko iaalay ang aking buhay para sa kalayaan ng bansa, hindi lang sa bansang pilipinas ang aking gusto ipagdamot sa mananakop dahil maging ikaw rin sa. Mga dayuhan na nagkakaruon ng maitim na pagnanasa sa iyo. Hindi ko nais na makuha ng iba, gusto kung ipagdamot ka sa iba, parang perlas ng silanganan kang aking pag-iingatan ngunit patawarin mo ako, batid kung sa mga oras na ito ay wala na ako. Patawad mahal ko hanggang sa muli nating pagkikita, sa kabilang buhay man o sa susunod na kabatana ng ating pagiibigan mahal ko.
Ambrosio A.
Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko habang binabasa ang liham na isinulat ng taong may ari nito. Ibinaba ko ang liham at muling napatingin sa sobre. Mabilis kung kinuha ang sobre ng mapansin na hindi lang isa ang laman ng sobre.
Dalawa, dalawang sulat ang ginawa nya. Natataranta kong binuksan ang sulat at para din kay amara ang sulat na yun.
Amara,
Nais kong huwag ka ng sumama sa susunod na magaganap na digmaan sapagkat ito'y lubhang mapanganib, maaaring ika'y masawi habang nakikipaglaban. Magpapadala ng liham si Juancio kung kailan ka nila itatakas at isasama-
Hindi ko natapos basahin ang liham ng biglang umikot ang paningin ko. Nabitawan ko ang papel at napahawak ako sa ulo ko, dahil sa sobrang sakit at hilo na nararamdaman ko. Gusto kong masuka pero walang lumalabas na kahit ano.
"Amara.." rinig kong tawag ng pamilyar na boses ng matandang babae.
Binalewala ko iyon dahil sa sobrang pagkahilo. Kung sigurong nasa wisyo ako ay matatakot ako at magtatanong pero hindi, hindi ko na kinakaya ang sakit ng ulo ko kaya unti-unting nagdidilim ang paligid kasabay ng unti-unting paghina ng boses na naririnig ko.
"Amara, muli kang magbabalik sa panahon nyo ni Ambrosio...."
Pilit kong nilabanan at intindihan ang boses na naririnig ko pero nauubos na ang lakas ko. Hinayaan kong lamunin ako ng dilim.
"Amara.... gumising ka amara!" naramdaman ko ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko na yumuyogyog sakin. "Amara anak" muling tawag ng isang babae, boses babae na sa tingin ko ay may katandaan na.
Naguguluhan man sa mga nangyayari at ingay ng paligid ay dahan dahan ko paring binuksan ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag ng umaga kaya sandali kung kinusot ang mga mata ko at hinarang ang braso ko sa liwanag habang tinatawag parin ako ng babaeng yun.
"Gumising ka anak kailangan na nating lumisan." nag-aalala at natataranta nyang sabi. Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang may edad na babae.
Sinundan ko sya ng tingin patungo sa gilid ng isang malaking kabinet, may kinuha syang isang malaking bag na gawa sa abaka at duon pinaglalagay nya ang damit na puro barot saya. Tahimik lang akong pinagmamasdan sya, hindi ko rin alam ang sasabihin, naguguluhan ako.
Agad kong nilibot ang paningin sa buong paligid habang ginagawa ng ginang ang pagiimpake. sigawan ang maririnig sa labas maging putukan ng baril na nagpakaba sakin. Parang nasa isang makalumang bahay ako dahil sa klase ng desenyo kwarto at binta na nakikita ko, pati ang desenyo ng kama. Napatingin ako sa damit ko at halos mahimatay sa sobrang gulat ng makitang nakabarot saya ako.
'Nagkakagulo, ano bang nangyayari, nasan ako?!' tumingin ulit ako sa babaing gumising sakin saktong tapos na ito at agad na lumapit sakin dala dala ang bag. naguguluhan akong tumayo para sana magtanong pero hinawak nya ang aking pulsuhan saka nagmamadaling hinila ako palabas ng makalumang silid.
"Tara na, anak kailangan na nating lisanin ang maynila." hindi magkanda-ugagang sabi nito habang palabas kami ng kakaibang kwarto na yun.
Napansin ko ang kakaibang desenyon ng bahay na nadadaan namin habang pababa kami ng hagdan. Palakas ng palakas ang putok ng baril at sigawan ng mga tao na lalong nagpakaba sakin. Inis kong kinuha ang laylayan ng barot saya ko dahil muntik na akong madapa nang nasa huling baitang na kami ng hagdan.
"Anong hong nangyayari?!" nag aalala kong tanong dahil habang bumababa kami ay palakas ng palakas ang naririnig kong sigawan at putukan ng baril.
"Mamaya ko na isasalaysay ang mga kaganapan, hindi ito ang tamang panahon, Amara. Nasa kabilang bayan ang iyong ama at paparating na ito upang kunin tayo." huminto ito sa tapat ng double door na gawa sa matibay na punong kahoy.
Mahigpit parin ang hawak nya kamay ko na para bang mawawala ako pagnabitiwan nya ako. Sa kabila ay yakap-yakap nya ang bag na gawa sa abaka.
"Tandaan mo, anak. Kahit na anong mangyari lalaban ka para sa sarili mo, pagkinakailangan. Wag mo kaming iiwan ng papa mo, ikaw na lamang ang meron kami." emosyonal sabi nito. Pinisil nito ang aking kamay kaya kahit naguguluhan ay tumango ako.
"Ang iyong, ama. Halika na." agad nyang binuksan ang pinto nang marinig ang tunog ng paghinto ng karsero kasabay ng pagingay ng kabayo.
Agad na bumungad samin ang kalesa, kung saan nakasakay ang isang may edad na lalaki na syang nagpapatakbo ng kalesa. Isang magandang klase ng kalesa iyon dahil may magandang klase ng tela ang kurtina at maganda ang pagkakaburda sa desinyo. Ang kurtina ang dahilan kung bakit hindi kita ang tao na nakasakay sa loob.
Mabilis na hinila ako ng babae pasakay ng kalesa. Mabuti na lang at hindi ko binitiwan ang laylayan ng saya ko dahil baka nadapa na naman ako. Mabilis na umalis ang kalesa na sinasakyan namin. Agad naman na natuon ang pansin ko sa kurtina at nagbabalak na buksan iyon para masilip kung anong gulo ang nangyayari sa labas.
"Amara, hija." rinig kong tawag sakin ng matandang lalaki. Napalingon ako sa harap ko kung saan nakaupo ang matandang lalaki.
Nakita ko ang isang matandang lalaki na maganda ang katawan. Lakas maka-adonis ng matitipuno nyang braso at maamo nyang muka. Nakita kong nakalahad ang isa nyang kamay sakin habang ang isa nyang kamay ay hawak ang kamay ng babaing humila sakin kanina papunta sa sitwasyon ko ngayon.
"Ho?!" naguguluhang tanong ko habang napalipat lipat ng tingin sa kamay nya at sa kanilang dalawa.
Lumapit sya ng kaunti saka niyakap ako. Sandali akong natigilan at napatingin sa babae. Kita ang lungkot sa mga mata ng ginang kahit na nakangiti ito samin. Nakita ko ang pagtango nito at ngumiti kaya wala akong nagawa kundi ang yumakap pabalik sa matandang lalaki.
"Mabuti at ligtas kayo." madamdaming na turan ng matanda.
Naguguluhan na talaga ako, akmang magtatanong ako nang magsalita ulit ang matanda. Kumalas sya pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay namin ng ginang.
"Anak, Amara. Pupunta tayo ng Castillo el viejo duon ay mamalagi muna tayo pansamantala habang patuloy ang labanan na nagaganap." pilit kong inintindi ang sinabi nya pero parang kabaliwan ang lahat. Nagtataka akong tumingin sa babae, na sumang-ayon din sa gusto ng matandang lalaki.
Nasaan ba ako? Sino ang dalawang gurang ‘to? Anong labanan? Castillo el viejo? Bat pamilyar ang castillo?
"Amara, naruon ang konseho sa cavite. Maging ang presidente kaya magiging ligtas tayo mula sa mga kalaban." nag-aalalang sabi nya. Pilit na ipinapaintindi ang nangyayari pero hindi ko parin makuha. Arghh ngayon ako nabobo.
'Anong nangyayari?!' napalunok ako sa sinabi nya. Merong hindi magandang nangyayari, maling mali.
"Anak wala tayong magagawa kundi ang lumayo habang patuloy na lumalaban ang kampo natin kasama ang iyong nobyo." agad akong nagtaka sa sinabi nya. Kailan man ay hindi pa ako nagkaruon ng boyfriend.
"Boyfriend?!" ulit na tanong ko. Nagkatinginan ang dalawang kasama ko bago nagtatakang tumingin sa akin. Kung nagtataka sila mas lalo na ako. Abay NBSB ako.
"Buy-frid .. ano ang wikang iyan, anak? Tila ngayon ko lang ito narinig?!"
'What the... hindi kaya?!’
"Ang ibig ko hong sabihin ay nobyo." agad silang tumango. Mabuti na lang at binalewala na lamang ang sinabi ko dahil hindi naman nila naiintindihan.
"Ang iyong nobyo na si Ambrosio ang isa mga heneral at pinagkakatiwalaan na sundalo na kasama sa patuloy pagsulong ng makikipaglaban sa mga dayuhan." parang isang switch ng ilaw ang pangalan na yun, saka ko lang na-realize ang lahat.
Tama ang hinala ko bumalik nga ako sa panahon ng mga dayuhan.Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Kagabi lang ay nabasa ko ang liham nya para kay amara.
"Si Ambrosio, ang aking nobyo?" pagku-kumpirma ko. Nagtatakang tumango ang ginang, bago bumuntong hininga at nagaalalang tumingin sakin maging ang matandang lalaki.
"Mabuti pa, ika'y magpahinga na. Dahil kung ano-anong kakaibang nangyayari sa iyo, marahil ay nabibigla ka sa mga nangyari." inabot nya ang ulo ko at hinaplos iyon. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Umayos sya ng upo at marahan nyang inilagay ang ulo ko sa hita nya para gawing unan.
Wala na akong nagawa kundi ang makiayon sa kanila. Napatingin ako sa kamay ko na hawak parin ng matandang lalaki. Tumingin ako sa kanya at napatitig sa maamong muka nya. Siguro nga ay nabibigla lang ako sa mga nangyayari o baka isa lang ‘tong masamang panaginip. Abay time travel lang ang pig?
'Pamilyar ang muka nya, bigoti, palbas, maamong muka...... A-amado Castillo?!' nanlalaki ang matang napabangon at napaupo ulit ako. Gulat ako habang pinagmamasdan ang dalawang kasama ko. 'What the! Bakit hindi ko agad napansin.... sila nga ang pamilyang Castillo. Ang ina at ama ni Amara..' bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang takot ang naramdaman ko.
Mga patay na sila, patay na rin si Amara matagal na! Panong nabuhay sila! Pilit kong hinahabol ang hininga habang natataranta sila sa gagawin at kakatanong sakin. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Sino ba naman ang makakapag-isip ng maayos sa kalagayan ko? Kung mga patay na ang kasama ko? Buti sana kung nagtatrabaho ako sa funeral eh hindi eh!
Anong nangyayari? Nasaan ba talaga ako? Bakit nandito sila? Sobrang daming tanong na nabuo sa utak ko. Isa na ruon ang malaman kung nasaan ako. Anong panahon ako napunta?
Sa takot at pagkataranta ay mabilis kong hinawi ang kurtina.
"Huwag, anak. Makikita nila tayo, malalaman nilang mga pilipino ang nakasakay dito." agad na binalik ni Mang Amado sa dating ayos ang kurtina.
Mga kabukiran ang nakita ko bago binalik ni Mang Amado ang kurtina. Mga kubo na may mga sundalo sa labas ng mga kabahayan.
"Maghunos dili ka, Amara." nagaalalang sabi ni Manang Alvera. Naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok at paghawak ulit ni Mang Amado sa kamay ko.
Nanghihina na ang mga tuhod ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Nilalamig at pinagpapawisan ako ng malamig sa hindi malamang dahilan. Unti unti ay nawala ang mga nagaalalang tanong at boses nila. Naging tahimik ang paligid at tanging nakakainis na matinis na tunog lang ang narinig ko bago tuluyang bumigat ang mga talukop ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top