VII
KABANATA 7
“Inaa!” sigaw ng isang batang paslit. Walang magawa para sa ina na hinihila sa buhok ang ina ng isang sundalo papasok sa kubo na tinitirahan nila. Walang magawa ang bata kundi ang umiyak habang ginagahasa ang kanyang ina sa loob ng bahay.
Isang senaryo na nakapagpaiyak kay Arene habang nakahiga sa kama. Wala syang kaalam-alam na unti-unti ay muli na namang bumabalik ang kanyang kaluluwa sa panahon ng pananakop ng mga kastila at amerikano. Nakatayo lamang sya sa bakuran at walang magawa para sa mag-ina.
‘Noooo!’ napasigaw na lamang sya sa isip habang pinapanuod ang batang umiiyak at pinapakinggan ang sigaw ng isang ina sa loob ng kubo.
Muli na naman nyang sinubukang humakbang ngunit nabigo sya. Agad syang napatingin sa likod nya nang marining ang sunod-sunod na yapak. Nakita nya ang mga kalalakihan na may mga armas. Dahan-dahang lumakad ang mga kalalakihan habang nakatutok ang mga baril sa tinaraanan. Napatingin sya sa bata at sa hindi inaasahan ay nakabalik sya sa kasalukuyan.
‘Anong nangyari?!’ napabangon sya ng bumalik sya sa kasalukuyan. Naramdaman nya ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata kaya, agad nyang hinawakan ang pisngi at nakita nya nga ang mga butil ng luha.
‘Ano bang nangyayari?!’ kinakabahan nyang inilibot ang paningin sa kwarto. Walang batang umiiyak, walang ina, sundalo na pilit na ginagahasa ang babae, at wala ang mga kalalakihan na puno ng mga armas. Bigla ay naalala nya ang muka ng isa sa mga sundalo na nangunguna sa pagpasok sa bakuran ng kubo.
“Sya, sya yung lalaki sa baba! Sa picture frame! Shit!” mabilis nyang kinuha ang cellphone. Sumilip muna sya sa pinto ng masigurong wala ang mga kaibigan nya ay dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. ‘hindi ako pwede magkamali sya ang lalaking yun’ kinakabahan sya sa mga nangyayari at desperada na syang malaman ang puno’t dulo ng mga kababalaghang nangyayari sa kanya.
“Irene, alam kung may alam ka kahit papaano sa mga nangyayari kay Arene” napahinto sa pagbaba si Arene nang marinig ang usapan ng mga kaibigan. Kinakabahan sya sa maaaring sabihin ni Irene sa tanong ni Ali.
“P-paano mo naman nasabi, Ali?!” ramdam nya ang tensyon at kaba sa boses ni Irene.
“I heard you and Arene talking, this early in the morning, sa sobrang puyat, hindi ko na rin nasundan at pinakinggan ang usapan nyo.” seryosong tura ni Ali.
Nasa sala set ang magkakaibigan. Si Jena at Rene na nakaupo sa sahig. Si Ali at Irene na nakaupo sa sofa at malapit lang sa isat-isa.
“I-its just a r-random stuff. Yeah, right a random stuff.” kinakabahan na sagot ni Irene at napaiwas ng tingin. Di rin nya namamalayan ang pagtaas baba ng tapak ng kanyang paa sa sahig dahil sa kaba.
‘Arghh, Irene. Your not a good liar, either acting and hiding something.’ kinakabahan na pagkausap sa sarili ni Arene gamit ang isip nya.
“Not a good liar, Irene” sabi ni Ali. Mahihimigan ang pagkasarkastiko nito sa boses. Tumaas ang sulok ng labi ni Ali at humiga sa sofa na kinauupuan nito. Alam nyang ano man oras ay di rin matitiis ni Irene na hindi magsalita lalo pa’t buking na sya.
Napabuntong hininga si Arene saka dahan-dahang bumaba ng hagdan.
“Stop the interogation, Ali.” napatayo ang apat habang bumababa si Arene. Nagiisip ng pwedeng paraan para makatakas sa mga tanong at nagaalalang tingin ng mga kaibigan.
Napabuntong hininga si Ali dahil alam nyang magsisinungaling na naman si Arene. “tsk, bahala kayo.” inis na sabi ni Ali. Umupo ulit at nagpanggap na tulog.
Lumapit si Arene kay Irene at sabay-sabay silang na umupo. Napabuntong hininga sya bago umayos ng upo.
Tinawag nya si Irene at binigyan ng isang makahulugang tingin na agad naman nitong naintindihan. “Guys, I’m sorry…. kung madalas hindi ako nagsasabi ng problems ko. I don’t have any intention to put any boundaries to our friendship by keeping my problem to myself.” napabuntong hininga si Ali at umayos ng upo.
“We’re just worried here. Hindi o wala man lang kaming ideya sa mga nangyayari sayo.” nagaalalang sagot ni Ali. Tumango si Arene at nangingiting lumapit kay Ali para yakapin ito.
“I know, I know, alam nyo naman na madalas eh ang tamad ko magsalita” natatawang sabi nya sa kaibigan. Nagsitayuan naman ang sila Irene para lumapit sa dalawa at nakisali sa yakapan nito.
“Your always there for us, Arene. At importante ka samin kaya sana inform mo naman kami sa ganap ng buhay mo. I mean, sa nararamdaman mo.” nakangiting saad ni Rene. Nakangiting tumango si Jena at Arene.
“Yeah, yeah. Right, can Irene spare of your time and hear her story telling?!” natatawang tanong nya sa kaibigan. Sumagot ang mga ito. Kumalas sila sa pagkakayakap. Kanya kanya silang ayos at pwesto ulit ng upo. Habang tumayo naman si Arene dahil sisimulan nya na ang kanina nya pang balak.
“Ano ba yun?!” takang tanong ni Rene. Nakakunot ang nuo nito habang nag-aabang ng sasabihin ni Irene. Nagkatingin muna si Irene at Arene. Tumango sila sa isa’t-isa bago nagsimulang magsalita si Irene.
Pagkatapos sabihin ni Irene na tungkol iyon sa problema ni Arene ay agad na lumapit ang mga ulo ng mga kaibigan nila dahil sa pagkainip at kagustohang marinig na ang tungkol kay Arene.
ARENE POV.
Wala naman akong problema at inaalala kung sakaling malaman nga ng mga kaibigan ko ang tungkol sa kababalaghang nangyayari sakin, dahil malaki ang tiwala ko sa kanila. After all bukod sa magulang ko sila ang mas nakakakilala sakin.
“What the?!” gulat na bulalas ni Rene nang marinig ang tungkol sa nangyari library.
Napatingin sila sakin kaya tumango ako.
Nagpaalam muna akong maglilibot sa buong bahay. Tumango sila at nagsimula ulit magkwento si Irene. I want to know more, and get more info. about what happened to me. Malakas ang kutob kong may makukuha ako mula rito sa bahay na ‘to. Since nandito ko rin nakita ang picture ko, at ang kakaibang repleksyon ko sa salamin, possible na may matuklasan pa ako rito sa bahay na’to.
Lumapit ako sa salamin kung saan namin nakita ni Irene ang mga litrato. Bawat picture ay parte ng isang pamilya. Hawak-hawak ang phone ay binuksan ko ang camera. Tinignan ko muna sila Irene bago ko patagong ini-isa-isa na kuhanan ng tig-iisang litrato ang bawat miyembro ng pamilya.
Pumasok ako sa kusina kung saan ang mga aparador na halatang matagal ng hindi nabubuksan. Nilibot ko ang paningin sa buong kusina. Walang pwedeng pandagdag na impormasyon. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang isang aparador na malapit lang sa pintuan at ilang hakbang mula sakin. Nakita ko ang nakausling papel na naninilaw na sa kalumaan. Sa hindi malamang dahilan may nagtutulak sakin na lapitan at buksan ang malaking aparador.
Kinakapos ang hiningang lumapit ako sa aparador. Bakit ganito? Shit! Parang merong nanunuod sakin, parang lumamig ang buong paligid. Wag na lang kaya? Masyado na akong nangingielam
Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay may hindi tamang nangyayari. Parang mali, parang may masamang mangyayari.
Umihip ang malakas na hangin na nagmula sa katapat na bintana, na lalong nagpadagdag ng kilabot at kaba sa naramdaman ko.
Nasa tapat na ako ng aparador ng mapansin na nakalock ito gamit ang maliit kandado. Mabilis lang iyong mabubuksan kung tutuosin.
Napatalon ako sa kinakatayuan ko dahil sa tawag ni Irene sa pangalan. Umayos ako ng tayo at lumapit sa mesa ng marinig ang mga papalapit na yapak nila. “Arene, nandito ka lang pala!” nakangiting sabi ni Irene. Pumasok sya at sumunod ang mga mga kaibigan namin. Hinawi nila ang kurtina na tanging harang para makadaan papasok ng kusina.
“Yeah, oum. Bakit nga pala?!” kinakabahang tanong ko.
Tumayo sila sa harap ko habang nililibot nila ang kanilang paningin sa kabuoan ng kusina.
“Gusto daw nilang kumain sa labas, naguguluhan daw sila sa mga sinabi ko, tsk.” naiiling na sabi ni Irene.
Napakunot ako bago tumingin sa tatlo, na sabay-sabay na tumango. Napabuntong hininga na lang ako bago tumango. Mukang mapapalaban ako pagdating sa reporting. Hindi ako madaldal as in, pero pagsinisipag akong magdaldal ay siguradong hihilingin mong tumahimik na lang ako.
Inaya ko na sila. Magkakasunod silang lumabas at ako pinakahuli.
Nasa tapat na kami ng malaking salamin ng mapatingin ako ruon. Naestatwa ako sa kinalalagyan ko nang makita kong muli ang sarili na nakabarot saya. Napatingin ako sa mga kaibigan sa pagaakalang baka napansin nila pero nakita kong umuupo na sila sa sofa habang kumukuha ng pera si Jena sa taas.
Kinalma ko ang sarili. Habang dahan-dahang humarap sa salamin at tinignan ang sarili. Totoo! Hindi ako basta basta namamalikmata lang. Nandun parin ang repleksyon ko habang nakabarot saya. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa takot. Pakiramdam ko may susulpot na kung ano mula sa salamin. Isang multo o kung ano pa mang kakaibang nilalang. Walang nagbago sa bahay na nakikita sa repleksyon tanging ayos ng buhok at aking damit lang ang nagbago.
Habol ang hiningang napatingin ako kay Jena nang marinig ko ang yapak nya pababa ng hagdan.
“I’m here na, tara na?!” ilang na tanong nya dahil sa katahimikan. Napansin ko ang pagiging tulala ng mga kaibigan namin na parang napakalalim ng iniisip.
“Ehem, guys. Tara na?!” inalis ko ang namumuong para sa lalamunan ko. Parang ano mang oras ay bibigay ang mga tuhod ko maging ang luha sa mga mata ko.
Tumango sila at tumayo na rin. Nauna sila sa paglabas hanggang gate at nagpahuli ako para I-lock ang pinto.
Tahimik kaming lahat habang pinapanuod ang crew na isa-isang nilalapag ang pagkain na ini-order namin. Walang gustong kumibo, walang gustong buksan ang topic tungkol sakin.
Buong kainan ay naging tahimik kami at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Nasa kalagitnaan kami ng kainan para sa hapunan ng bilang dumating ang maiingay na lalaki. Naguusap sila tungkol sa isang babae. Tsk, mga lalaki talaga, kung hindi mabisyo, siguradong lalakiro, malas nga lang kung parehas ang mapunta sayo. Agad akong napatingin nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi ko alam pero parang isang music ang boses nya sa pandinig ko. Para bang hindi ako magsasawa na pakinggan iyon ng paulit-ulit.
Third person pov
‘Sya nga!’ kinakabahan na turan ni Arene sa sarili. Sa hindi malamang dahilan ay bigla syang nabuhayan, naruon ang pagkasabik na muling makita ang lalaking iyon.
Naging maingay ang grupo nila Yuthri dahil sa pang-aasar ng mga ito nang marining na may pinag-uusapan silang babae na nagugustohan ni James.
Nangingiti-ngiti lang si Yuthri at nakikisakay rin sa pang-aasar. Pero parang kidlat na napatigil sya dahil sa hapdi at sakit na naramdaman nya sa batok kung nasan naruon ang birthmark nya. Napatigil ang magbabarkada nang mapansin ang pagtigil at paghawak ni Yuthri sa batok.
“Pare, shit!” mahinang mura ni Patrick. Nagaalala rin sa kalagayan ng kaibigan.
Nanghihinang napatumba si Yuthri, pero agad namang nasalo si Jake na syang malapit sa kanya.
James POV
Napapalunok akong napatulala kay Yuthri. Takot at kaba ang naramdaman ko pero agad ding napalitan nang marinig ko ang isang mahinang daig sa malapit sa harap ko.
Napatingin agad ako sa harapan ko at nakita ko ulit ang babaing may peklat sa ulo.
Bigla kung naalala ang namuong teorya sakin kanina. Malapit ulit sila ni Yuthri sa isat-isa kaya nagkakaganto sila.
“Pare! Bobo, bilisan mo!” nakita kong tumakbo pabalik si Patrick at hinila ako palabas ng open field resto.
Nagmamadali kaming sumakay ng kotse habang si Yuthri, ayun wala ng malay. Bago umandar ang sasakyan nakita ko ulit ang maamong muka ng babaing yun. Halata ang sakit at nahihirapan na sya.
“Dalhin natin sya sa hospital. Pare, bili.” pinanatali ni hans ang kalmadong muka pero mahahalata sa boses nya na kinakabahan rin sya.
“Oo! Teka! Potrages, ano bang nangyayari kay Yuthri?!” inis na sabi ni Jake. Na natataranta na sa pagmamaneho.
Natulala ako sa bintana habang tahimik naman na ang lahat.
‘Pwedeng tama ang hinala ko o mali?!’
Arene POV
Nagising ako sa lamig ng hangin na pumapasok mula sa bintana ng kwarto. Bumango ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Nakabukas ang bintana kaya naman ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa kwarto.
Napatingin ako sa mga katabi ko na mahimbing nang mga natutulog. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. Dis oras ng gabi ginugulat ako. Mabilis kong hinanap iyon dahil baka magising ang mga babaita. Nakita ko iyon na malapit sa bed side table sa kabilang bahagi ng kama.
I answered the call and say hello without knowing the caller. Tumayo ako at lumapit sa bintana.
“Kamusta, anak?!” nagtataka akong napatingin sa caller at nakumpirmang si Mommy nga ang tumatawag.
“Ok lang po mom, oum bakit po pala kayo napatawag?!” naiilang na tanong ko. Mom and I are not so close not like what people think.
“I’m just want to check you.”
Awkward atmosphere is now eating us. I just answer with I’m done tone. Akala ko ay papatayin nya na ang tawag pero hindi pa pala. Tinanong nya pa ako kung kaylan kami uuwi, as if na sasalubongin nya kami.
“I don’t know, mom.”
“Ganun ba… tawagan mo ko pagpauwi na kayo, ok?!”
“Ok po, sure po.”
We just say a goodnight and bye bago ko tuluyang pinatay ang call. Napabuntong hininga ako out of frustration. “Shit!” halos atakihin ako sa puso ng mapatingin ako sa bintana. Kita mula rito ang isang matanda na nakatayo sa tapat ng gate.
Nagsitayuan ang balahibo ko ng mapagtanto na nakatingin ito sakin. Napaatras ako sa takot, parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Pinilit kong kalmahin ang sarili dahil baka napadaan lang yun.
Narinig ko ang pagdaig ni Jena kaya napatingin ako sa kanya. Bumalik sya sa pagkakatulog kaya napatingin ulit ako sa labas ng bintana pero wala na ang matanda. Napalunok ako ng ilang beses at huminga ng malalim. Napadaan lang yun, pero bakit ang bilis nyang nawala. Napalunok ulit ako bago umatras at napaupo sa kama.
‘Ano ba talagang nangyayari?!’
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top